OMG! Si Paul Wesley ba ito?
Hindi pa rin makapaniwala si Maricon. Dalawang beses niyang namulatan ang lalaking hawig ng actor at nagugulantang siya sa kaguwapuhan nito.
Lahat nang palabas ng actor, napanood na niya. Mapa-movie man iyon o TV series. Pinaka-paborito niya ay ang Vampire Diaries. Dahil nga sa naturang TV series ay nakagawa siya ng gothic romance na book series. Kilig na kilig talaga siya to the highest level. Ito ang nagiisang lalaking kinukuhanan niya ng kilig para makasulat ng mga kilig moments.
"Maricon, let's talk." masuyong tanong ng lalaki.
Napasinghap si Maricon! Kaboses nito si Paul! Napahawak si Maricon sa buong ulo. Nababaliw na ba siya? Ano'ng ginagawa ni Paul doon? Totoo ba ang lahat ng iyon?
"You gave me no choice." napipilitang saad ng lalaki at pumitik.
Nagulat si Maricon ng humagis sa ere ang kumot. Mulagat siyang na-expose. Nakatayo na ito sa tabi niya. Tiim na nakatitig samantalang siya ay nanginginig na sa pagkalito.
Hindi na niya naiintindihan ang mga nangyayari. Una, sobrang stressed na siya dahil sa mental depression. Pangalawa ay nahimatay siya dahil sa demonyong nakita. Paggising, ang lalaking hawig ni Paul Wesley ang namulatan. Sino'ng hindi maloloka?
"P-Paul—"
"It's Baldassare," putol nito at pakilala sa sarili.
Natigilan si Maricon at tinitigan ang lalaki. Doon ay unti-unti niyang nasigurong hindi nga ito si Paul. Kapareho nitong maputi at built ng katawan ang aktor. Pati na rin ang igsi ng itim na buhok, tangos ng ilong, pula ng labi at kinis ng kutis ay kapareho. Gayunman, pagdating sa mata ay doon na ito nagiba. Maiitim ang mga mata ni Baldassare. There was this intense hunger in his eyes making it hard for her to breathe.
"B-Baldassare..." pigil hiningang anas ni Maricon at sa totoo lang ay nangingilabot siya. She could feel this man's overwhelming dark aura.
Napaurong si Maricon nang maupo ang lalaki sa tabi. Biglang nanikip ang dibdib niya. Halos hindi na siya humihinga nang iangat nito ang kanang kamay para haplusin ang pisngi.
"Tinakot ba kita kagabi? Hmm..." masuyong tanong nito.
"I-Ikaw iyong demon?" halos hindi na humihingang tanong ni Maricon.
Lumamlam ang mga mata nito. "Yes. That was my demon form." matapat nitong amin.
"S-Shit!" bulalas ni Maricon at takot na tinulak ang lalaki sa dibdib. Agad siyang lumayo. Kailangan niyang gawin iyon! Hindi sira ang ulo niya para makipaglapit dito! Kahit pogi ito! Demon pa rin ito!
Tumakbo si Maricon papuntang pinto at tarantang binuksan iyon. Napamura na lang siya ng hindi iyon mabuksan!
O baka naman dahil sa hindi siya hahayaan nitong makalayo?
"P-Parang awa mo na... h-huwag mo akong sasaktan..." nahihintakutang baling ni Maricon sa lalaking kunot noong nanonood lang. Ni hindi ito kumilos.
"You don't need to plead. Hindi naman kita sasaktan." kunot noong sagot nito at itinuro ang doorknob. "And it's not locked."
Natigilan si Maricon at napatingin sa doorknob. Biglang namula ang mukha niya sa pagkapahiya nang makitang hindi nga iyon naka-lock! Natataranta lang pala siya kaya hindi niya iyon mabuksan!
Pero hindi pa rin siya nagsayang ng oras. Bonggang bulong ang ginawa nito para magpakamatay siya. Hindi siya dapat magtiwala dito! Binuksan niya ang pinto at lumabas!
"Aaaaaaaaaah!" tili ni Maricon nang biglang sumulpot si Baldassare sa main door! Nakatayo na ito doon at nakasandal sa pinto.
"Maricon, calm down." mahinahon nitong awat.
Pero hindi nagpaawat si Maricon. Tumakbo siya at naghanap ng puwedeng taguan sa loob ng condo hanggang sa napunta sa kusina. Tarantang naghanap siya nang ipapananggalang sa demon hanggang sa nakita niya ang asin. Agad niya iyong kinuha.
Biglang writer at nakapagsulat na ng gothic stories ay nakapag-research na siya tungkol sa mga panlaban sa mga supernatural beings. Asin ang isa sa mga mabisang panlaban sa kanila at umaasa siyang tama ang na-research.
"Oh no. Please. Not that salt." malumanay na pakiusap ni Baldassare.
Kumabog ang puso ni Maricon. Taas baba ang dibdib niya na napatingin sa hawak na garapon at inilahad iyon kay Baldassare. Napaurong ito. "Umalis ka!" taboy niya rito.
"I'm sorry. I can't." seryoso nitong sagot.
"Layas!" sigaw ni Maricon at sinabuyan ito ng asin.
At bago pa ito madapuan ng asin ay nawala na ang demon. Hingal na hingal si Maricon sa kaba. Nang masigurong wala na ang demon ay nagkulong siya sa kuwarto. Kinuha niya ang mga santo sa altar at niyakap. Para siyang engot na pawisang nakaupo sa kama at napapaligiran ng mga santo.
And she prayed. Sana, hindi na bumalik ang poging demon. Ang dami na nga niyang problema. Nadagdagan pa ang mga isipin dahil sa pagdating nito. Paano niya haharapin ang isang kagaya nito? Ah, hindi niya alam! Masisiraan na talaga siya ng ulo!
***
"Maricon, believe me. Wala akong gagawing masama. Alisin mo na ang asin sa pinto para makapasok ako at magusap tayo nang maayos," pakiusap ni Baldassare. Tinakpan ni Maricon ang dalawang tainga para hindi ito marinig. Sa ganoong paraan ay hindi siya maantig. Isang linggo na siyang kinukulit nito. Nakikiusap. Nagmamakaawa. His sincerity made her heart's hesitation vanished.
At alam niyang mali iyon. Kahit napakaguwapo ni Baldassare, hindi siya dapat magtiwala. He's a demon. Mapaglinlang. Malay ba niya kung mayroon itong gustong makuha kaya siya kinukulit?
"Alam ko, hindi naging maganda ang simula natin. Hindi mo nga dapat pagkatiwalaan ang isang gaya ko lalo na sa nangyari noong gabing iyon. Nagawa lang naman kitang bulungan dahil gusto kong mapuntahan mo ang isang lugar kung saan kasama mo ako at hindi ka na iiyak," concern na paliwanag nito.
Natigilan si Maricon. Kumabog ang dibdib niya. Hindi tuloy makasagot si Maricon.
Nagpatuloy si Baldassare. "Pero hindi kita pipilitin. Naisip ko na hindi mo naman na kailangang gawin iyon para matapos ang lahat. Let me stay by your side. Hindi kita hahayaang masaktan pa." pangako nito.
And Maricon's heart started to beat like crazy. Bakit ba ito nagbitaw ng mga pangakong tumutunaw tuloy sa puso niya? Maliban sa ina, wala ng ibang gumawa noon. Malaman pa lang ang kamalasang hatid niya ay nilalayuan na siya. At ang mga nagtangka namang banggain ang sumpa ay trahedya ang kinahahantungan.
Ipinilig ni Maricon ang ulo. Hindi siya dapat magpadala sa matatamis nitong salita!
"H-Hindi kita kailangan! Umalis ka na at—"
Napatingin si Maricon sa cellphone nang mag-ring iyon. Lihim siyang napaungol nang makitang unregistered ang number. Gayunman, mayroon na siyang kutob na isa iyon sa mga nagbibigay ng hate messages.
"Don't answer it. It's Jocelyn," seryosong saad ni Baldassare sa kabilang linya.
"Paano mo nalaman?" takang tanong ni Maricon.
"I'm a demon. Mayroon akong kakayahang malaman iyan." paliwanag nito.
Naniwala si Maricon at napatango. Napatingin siya sa cellphone na patuloy pa rin sa pag-ring. Napabuntong hininga siya. Kailan kaya siya titigilan ni Jocelyn?
Hindi nagtagal ay tumigil iyon sa pag-ring. Inaasahan niyang tatawag ulit si Jocelyn pero hindi na nangyari. Napabuntong hininga na lang ulit si Maricon. Naisip niyang malamang ay na-lowbat na ito.
"How's everything?" tanong ni Baldassare.
"W-Wala na. Tumigil na siyang tumawag."
"Hindi ka na niya magugulo pati na rin ang mga kaibigan niya." siguradong saad ni Baldassare.
Kinabahan si Maricon. "P-Paano mo nasabi iyan?"
"Isang pitik lang ng daliri, napalitan ko na ang number mo sa cellphone nila. Kaya kahit tumawag sila nang tumawag, hindi na siya makaka-connect sa'yo." seryosong paliwanag nito.
Kumabog ang puso ni Maricon at napatingin sa cellphone. Gulat na gulat siya. Ang inaasahan niya ay sinaktan nito ang mga iyon pero...
"B-Bakit iyon ang ginawa mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Maricon.
"Why not?" takang tanong nito.
"Isa kang demon. Hindi ba't mas kapani-paniwalang sinaktan mo sila?" takang tanong ni Maricon.
"Oh, you want me to do that?" namamanghang tanong ni Baldassare.
"Hindi!" bulalas ni Maricon.
He chuckled. It seems he was enjoying their conversation even they both don't see each other. And in all honestly, his chuckles sound sweet. Parang hindi demon ang naririnig ni Maricon.
"Okay. Seriously, I know you don't want to hurt anyone. Hindi ko siya sinaktan para sa'yo." seryosong amin nito na tumunaw sa puso ni Maricon.
"Bakit kilalang-kilala mo ako..." wala sa sariling tanong ni Maricon.
"I'm a demon, remember? I know you, inside out." anito.
Napalunok si Maricon. Tumitibok na naman ng mabilis ang puso niya. Alam ni Maricon na dapat ay matakot siya dahil parang wala nang maitago pero bakit ganoon? Bakit wala na siyang nararamdamang ganoon para rito?
Is it because of his concerns? Or is it because he made her saw that he's not that bad? Oo at matindi ang ginawa nitong panunulsol noon pero hindi na ito umulit. Sa katunayan, wala itong ginawang masama magmula nang sumulpot sa harap niya.
No! Huwag kang magpadala! awat ng isang matinong bahagi ng isip ni Maricon. Agad niyang ipinilig ang ulo at inisip kung ano ang tama. Sa huli ay napatango siya.
"O-Okay. Salamat sa ginawa mo. Pero umalis ka pa rin!" giit ni Maricon at niyakap ang asin.
She heard Baldassare sighed. Gayunman, hindi na niya narinig ang boses nito hanggang sa tuluyang hindi naramdaman ang presensya. Napahinga na lang nang malalim si Maricon at hinang napahiga sa kama.
Paulit-ulit na sinabi ni Maricon sa isip na iyon ang tamang gawin. Hindi siya dapat magpauto kay Baldassare. Period!