Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 50 - DEMON OR SAVIOR?

Chapter 50 - DEMON OR SAVIOR?

"Alas dose na. Hindi ka pa ba kakain?" untag ni Baldassare kay Maricon. Napatuwid siya sa pagkakaupo at muntikan nang matapik ang noo nang maalalang lunch time na. Ni hindi pa siya nagluluto ng tanghalian!

Ubos na ang mga iniwanang lutong ulam ng ina ni Maricon kaya simula na siya sa pagluluto. Isang linggo na buhat nang makauwi ang ina at naging madalas na ang tawagan nila. Naging maayos na rin ang samahan nila ni Baldassare. Para na nga itong guwardya dahil binabantayan siya 24 hours, seven days a week. Nagsilbi rin itong tagapaalala sa tuwing nakakalimot siya sa oras.

Ang isang manuscript ni Maricon ay inaabot ng isang linggo. Patapos na siya kaya halos wala siyang tigil sa pagtipa. Kaya nakalimot tuloy siyang magluto.

"Hala. Hindi pa pala ako nagluto." natatarantang saad ni Maricon at tumayo.

"I did," sagot ni Baldassare.

"Ha? Nagluto ka?" gulat na paniniyak ni Maricon.

Tumango si Baldassare. "Mayroon naman akong kapangyarihan kaya nagawa ko," balewalang sagot nito.

"Demon ka ba talaga o savior?" nakangiting tanong ni Maricon.

Nagkadaubo si Baldassare. Mukhang hindi sanay na pinupuri. Napabungisngis si Maricon sa nakikitang pagkailang nito.

"Kinikilabutan ka?" biro ni Maricon.

"Maricon!" naiilang na awat ni Baldassare.

Napalahakhak siya. Ang cute ni Baldassare na mailang. Parang cute little boy. Namumula ang pisngi. Ang sarap kurutin!

"Kumain ka na nga lang," anito at dinala na siya sa kusina.

Agad kumalam ang tiyan ni Maricon nang maamoy ang paella. Paborito niya iyon! Maang siyang napatingin kay Baldassare.

"P-Paano mo nalaman?" takang tanong ni Maricon.

"Narinig ko sa mommy mo. Dinadasalan niya ang mga pagkain na niluluto niya noon dito na sana raw magustuhan mo ito. Paborito mo pa raw ang paella." paliwanag ni Baldassare.

Naginit ang puso ni Maricon. Alam niyang sa iba, walang sense iyon pero para sa kanya ay mayroon. Ang mga ganoong kaliit na detalye ay naghatid ng kakaibang init sa puso ni Maricon.

"Ang sweet mo," nangingiting saad ni Maricon. Kinikilig siya talaga. Para sa kanya ay big deal iyon. She found it really romantic.

Nagkadaubo-ubo na naman si Baldassare. Natawa tuloy siya. Mukhang allergic talaga ang demon sa mga ganoong klaseng papuri.

"Tara?" nakangiting aya ni Maricon at hinawakan ang kamay nito.

Lihim namangha si Maricon sa laki at katigasan ng kamay ni Baldassare. It was indeed a hand of a diligent man. Mukhang masipag ito sa impyerno. Tumaas pa tuloy ang tingin niya rito.

"Hindi naman ako kumakain." anito.

"Tabihan mo na lang ako," lambing ni Maricon at naupo na. Lihim siyang natuwa nang maupo rin ito at pinagbigyan siya.

Maganang kumain si Maricon. Salamat sa kapangyarihan ni Baldassare. Nailuto ng super yummy ang paborito niyang ulam. Halos maubos na niya lahat!

"Salamat sa lunch," ani Maricon.

"No worries," sagot naman ni Baldassare at pumitik. Sa isang iglap, malinis na ang mesa at lababo.

Maang na naigala ni Maricon ang paningin sa mesa hanggang sa mayroong idea na nabuo sa isip niya.

"Baldassare,"

"Yes?"

"Hindi ba't mayroon kang kapangyarihan?" pigil hiningang panimula niya.

Kumunot ang noo ni Baldassare. "Yes. Why?"

Huminga nang malalim si Maricon bago nagsalita. "Isinumpa ang pamilya namin. P-Puwede mo bang alisin ang sumpa?" seryoso niyang tanong at tinitigan ito. "K-Kailangan mo ba ng kapalit? Sabihin mo lang at—"

"I don't do such thing!" biglang sabog ni Baldassare at napatayo.

Napaigtad tuloy si Maricon. Hindi niya inaasahan ang reaksyon nito. "B-Bal—"

Napabuga ito ng hangin. "Iyan ang huwag na huwag mong gagawin: ang magbigay ng kapalit sa isang demon para sa isang kahilingan. Do you understand?" giit nito. Mainit na ang ulo.

"O-Okay. Huwag ka nang magalit. N-Natanong ko lang naman." agad niyang saad.

"Damn it." mainit ang ulong anas ni Baldassare at nag-walk out. Hindi nagtagal ay nawala ito.

Napatayo tuloy si Maricon. "Baldassare!" tawag niya pero hindi ito sumagot. Agad niyang nilibot ang buong condo hanggang sa bumagsak ang pakiramdam ng hindi ito makita at maramdaman.

Hinang naupo na lang si Maricon sa sofa. Lihim na nanalangin na huwag sanang magtampo si Baldassare...

Related Books

Popular novel hashtag