"Baldassare, huwag ka nang magtampo," lambing ni Maricon sa lalaki. Naupo siya sa tabi nito. Napamaang siya nang bumuntong hininga lang ito at umiwas nang tingin. Nagtatampo pa rin talaga! Hindi niya alam kung matatawa o mapapakamot ng ulo.
Hindi inaasahan ni Maricon na ganito magtampo ang isang demon. O baka naman si Baldassare lang? Ah, hindi na niya alam. Ito lang naman kasi ang demon na nakasama niya ng ganoon katagal.
Ang buong akala ni Maricon ay hindi na ito babalik pero makalipas ang ilang araw ay nagpakita pa rin ito. Iyon nga lang ay hindi siya kinakausap. Lagi lang itong nakaupo sa gilid ng bintana sa sala niya at nakatanaw sa mga building. Hindi niya ito malapitan dahil sa nakikitang kalamigan nito.
Nakokonsensya tuloy si Maricon. Mukhang ikinainis talaga ng husto ni Baldassare ang mga sinabi niya. Panay ang buntong hininga at hindi man lang siya tinitingan.
Tatlong araw na buhat nang mangyari ang lahat. Na-edit na niya ang last manuscript at naipasa. Magsisimula na siya ng bagong story pero hindi niya iyon maharap. Hindi siya makapag-focus dahil kay Baldassare. Pero hindi siya susuko. Hindi ba't ganoon din naman ang ginawa ni Baldassare noon? Hindi ito sumuko hanggang sa nakumbinsi si Maricon.
"Hindi na ako hihiling ng ganoon sa'yo," pangako ni Maricon.
Napabuga ito ng hangin. "Hindi mo dapat ginagawang biro ang mga ganoon bagay,"
"Okay. I'm sorry." sincere niyang sagot at malungkot na napayuko. Hindi magaan sa kalooban ni Maricon na masama ang loob ni Baldassare. Nakokonsensya siya. Pakiramdam kasi niya ay iyon ang ibinigay niyang kapalit sa mga kabutihan nito. She sighed.
"Are you crying? Let me see your face." seryosong tanong ni Baldassare.
Tumalima si Maricon. Mukhang nakahinga nang maluwag si Baldassare nang makitang hindi siya umiiyak hanggang sa napatikhim ito saka tumuwid ng upo. Mukhang nabawasan na ang init ng ulo. "A-Akala ko umiiyak ka na."
Napatitig si Maricon kay Baldassare. "Nalulungkot lang ako. Ayoko rin naman magalit ka sa akin. Ayaw mo ba akong umiiyak?"
"Of course." agad nitong sagot.
Kumabog ang dibdib ni Maricon. "T-Talaga?"
"No! I-I mean... ugh... ah... uhm..." mukhang nalito si Baldassare! Namumula na ang tainga at hirap magpaliwanag!
And Maricon smiled. Naaaliw na naman siya kay Baldassare. Alam niya na bilang demon ay hirap itong i-express ang ganoong klaseng saloobin. Isang bagay na nakaka-flatter kay Maricon.
Masisisi ba siya? Tingin niya ay hindi. Baldassare wasn't an ordinary man. He was a demon. He has power. He could do whatever he wants. Pero ang isang kagaya nito ay nandoon sa tabi niya. Nalilito kung paano siya paliliwanagan.
"No? Ibig sabihin okay lang na umiyak ako?" panghuhuli ni Maricon.
"No!" agad ding sagot ni Baldassare.
Napabungisngis siya. Kilig na kilig. Napasimangot si Baldassare. "You are enjoying this." akusa nito.
Agad itinikom ni Maricon ang bibig kahit pa gusto na niyang mapabungisngis. "Okay, okay. Liwanagin mo. Nalilito na rin kasi ako. Ano ba talaga? Okay lang sa'yo o hindi na umiyak ako?" naaliw niyang tanong.
Napaungol si Baldassare at napasabunot sa ulo. Napamaang si Maricon hanggang sa harapin siya ng lalaki. Napalunok siya nang makita ang mga mata ni Baldassare. Halo-halong emosyon ang nandoon. Pagkalito, hiya at inis ang nakikita niya.
"Fine! Ayokong umiiyak ka." desperadong suko nito.
Kumabog ang puso ni Maricon. Saglit siyang natulala at kinilig. Gayunman, pinigilan niyang mapangiti. Huminga siya nang malalim at tinitigan si Baldassare.
"Bakit?" usisa niya.
"No more questions!" bulalas nito at pumitik. Napaigtad si Maricon ng sa isang iglap ay biglang nawala si Baldassare. Tinakasan siya! Mukhang hindi kinaya ang usapan nila.
At napabungisngis na lang si Maricon. Tuwang-tuwa siya. Aliw na aliw at kilig na kilig. Gayunman, nanghihinayang si Maricon dahil hindi niya narinig ang dahilan ni Baldassare kung bakit ayaw nitong makita siyang umiiyak.
At nasisiguro niyang sasabog ang puso niya sa kilig kapag sinagot nito iyon. Napailing si Maricon sa sarili dahil sa naisip.