Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 55 - SECRETS

Chapter 55 - SECRETS

"You smelled so damn good," bulong ni Baldassare habang pumipirma ng kontrata si Maricon. Kasalukuyan silang nasa accounting office. SOP iyon na bago i-release ang payment ay dapat siyang pumirma ng kontrata. Nakasaad doon na ibinebenta na niya ang masterpiece sa kumpanya. Habang pumipirma sa isang sulok ay magisa lang si Maricon. Dahil doon ay nagawa siyang tanungin ni Baldassare. Nakayukod ito sa likuran niya para bulungan. Nakakuha rin ito ng tyempo mula sa ilang minutong pagaali-aligid. Pagpasok kasi nila sa publishing ay hindi na siya nito nagawang kausapin. Marami na kasing tao siyang nakasalubong.

Napasinghap si Maricon nang maramdamang sinamyo ni Baldassare ang buhok niya. Nanayo na ang mga balahibo niya sa batok! Aaminin niya, hindi siya nabastusan kundi parang nakiliti ang gulugod. Isang kiliti na mayroong halong kuryente na dumaloy sa bawat himaymay ng katawan.

"B-Baldassare..." pigil hiningang anas ni Maricon. Pambihira! Bigla siyang pinagpawisan kahit pa malakas ang aircon!

Nanigas na si Maricon sa kinauupuan nang ulitin iyon ni Baldassare saka siya binulungan. "I love it,"

Muntik nang maihagis ni Maricon ang kontrata sa sobrang kilig! Pero kalma lang siya. Pinagpapawisan na siya nang matindi, kalma pa rin. Doon niya napatunayan kung gaano kahirap ang magtiis at magtimpi. Ang hirap magpanggap na wala siyang nararamdaman kahit na ang totoo ay naloloka na ang lahat ng cells niya sa katawan!

"Tapos ka na ba, Miss Enguillo?" magalang na tanong ni Dewi, ang accounting staff.

Napakurap-kurap si Maricon at ipinilig ang ulo. Doon nawala ang magic na biglang bumalot sa kanila ni Baldassare. Hinarap na niya ang kontrata at napakagat siya sa ibabang labi ng makitang nanginginig ang mga kamay niya! Lintik ang epekto ni Baldassare! Hanggang ngayon ay nakadikit pa rin!

"Here," pigil hiningang sagot ni Maricon matapos pirmahan ang kontrata at iabot iyon kay Dewi. Agad naman itong ngumiti at pinapirmahan sa kanya ang voucher. Matapos ay binigay na ang cheke.

"Salamat," nakangiting saad ni Maricon. Inilagay na niya iyon sa bag at tumayo na. Hindi nagtagal ay umalis na sila ni Baldassare. Paglabas nila ng publishing ay pumara na siya ng taxi. Agad tumabi si Baldassare. Tahimik lang ito hanggang sa makarating sila sa bookstore.

Pagpasok ay aali-aligid lang si Baldassare kay Maricon. Hinayaan na lang din muna siya nitong mamili ng mga kakailanganin. Napasarap ang tingin ni Maricon sa pamimili kaya hindi niya napansin si Baldassare na nakalapit sa kanya.

"Maricon," tawag nito.

Agad siyang napapihit at hindi sinasadyang mabangga siya sa dibdib ni Baldassare. Hindi niya alam na nasa likuran lang niya ito. Hindi sinasadyang napaurong siya at bumangga ang likuran sa rack ng mga libro na lampas tao. Nagsihulugan ang mga iyon!

"Look out!" ani Baldassare at agad siyang niyakap. Dito tuloy tumama ang ilang libro. Hindi siya nito pinakawalan hangga't hindi iyon natatapos.

"B-Baldassare..." kinakabahang anas ni Maricon at napatingala. Napalunok siya nang makitang nakatitig din pala ito sa kanya.

"Are you okay?" anas nito. Parang mayroong bumayo sa dibdib ni Maricon nang makitang nag-dilate ang mga mata ni Baldassare. She could feel it. There was something inside his head and she don't have any idea what it is.

"Oo." anas ni Maricon. Nasa mga mata pa rin ni Baldassare ang atensyon niya. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nito.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" alalang tanong ng isang staff ng bookstore. Agad siya nitong sinuri.

Agad nilayuan ni Baldassare si Maricon at naputol ang mahikang bumabalot sa kanilang dalawa. Gayunman, lutang pa rin si Maricon. Lango pa rin sa naging pagkakalapit nila ni Baldassare.

"O-Okay lang ako," ani Maricon nang matagpuan ang tinig.

Napatango ang staff at inayos na ang mga libro. Napalunok si Maricon nang makitang tinitigan pa rin ni Baldassare. Hindi pa rin siya mapakali hanggang sa muli siyang harapin ng staff at tulungan sa mga dala. Tinanong siya nito kung mayroon pang bibilhin. Umiling si Maricon dahil ayos na rin sa kanya ang mga pinamili. Hinatid siya nito sa cashier at nakasunod naman si Baldassare.

Paglabas sa bookstore ay humanap ng tyempo si Maricon. Nang mapansing walang tao sa waiting shade kung saan sila naghihintay ng taxi ay hinarap niya si Baldassare.

"Bakit ganoon ang tingin mo sa akin kanina? Bakit mo rin ako tinawag?" hindi na makapagpigil na tanong ni Maricon.

Natigilan si Baldassare hanggang sa nagiwas ng tingin. Napaungol si Maricon. Kinulit niya ito nang kinulit. Hindi ito nagsalita hanggang sa makarating sila sa condo.

Doon na napabuga ng hangin si Baldassare. Umilap ang mga mata nito. "Stop asking! I-I can't tell you," nalilitong giit nito at pumitik. Sa isang iglap, nawala si Baldassare! Tinakasan siya!

Muntik nang magpapadyak si Maricon sa inis.