"Anak! Okay ka lang?" alalang bungad ni Maita. Ito ang tumatawag kay Maricon bago siya muntikang mabangga ni Jocelyn. Dahil sa nangyari ay hindi niya nasagot ang tawag nito. Nagawa lang niyang sagutin matapos kausapin ang mga imbestigador. Binalaan siya ng ina dahil nabalitaan nitong pinahanap siya ni Jocelyn sa Manila. Ilang araw na rin daw itong hindi umuuwi at bigla itong nagalala kaya tinawagan siya. Dahil doon ay pinagtapat na rin ni Maricon ang nangyari. Dali-dali itong lumuwas at hayun nga, pinuntahan agad siya sa presinto.
Nagyakapan ang magina nang tuluyang magharap. Kahit naiiyak ay pinigilan ni Maricon ang sarili. Ayaw niyang magalala pa ang ina.
"Kumusta ang lahat?" alalang tanong ni Maita kapagdaka.
"Nasa ospital pa po si tita Jocelyn. Pero ang sabi po n'ung police na nag-assist sa kanya, papunta na po siya dito. Wala naman daw pong nangyaring masama sa kanya kaya pinalabas na siya ng ospital. Kaya nga rin hindi ako makaalis ay dahil hinihintay ko pa siya. N-Nagsampa na ho ako ng kaso, 'ma. Alam kong malaki ang kasalanan ko pero hindi na rin naman tama itong ginagawa niya..." amin ni Maricon at yumuko.
Napabuntong hininga si Maita at niyakap siya. Panay ang buntong hininga nito. "Naiintindihan ko. Huwag kang magalala. Nasa likod mo lang ako,"
Tumango na si Maricon at napatingin kay Baldassare na nakatitig sa kanila. Agad itong nagiwas nang tingin at napahagod sa buhok. Magmula nang dumating ito ay ganoon na ito. Nag-mental note si Maricon na uusisain si Baldassare. Aalamin niya kung mayroon itong problema.
Doon na dumating si Jocelyn. Nakaposas ito. Nanlilisik ang mga mata nang makita silang magina.
"Ang kapal ng mukha mong idemanda ako!" singhal nito at nagwala. Tuluyang hindi nakapagtimpi. Inawat ito ng mga pulis pero hindi nagawang kontrolin ang bibig na patuloy sa paninisi. "Pinatay mo ang anak mo! Ako pa ang idedemanda mo? Dapat lang sa'yong mamatay!"
"Tama na!" awat ng isang pulis pero nakapalag si Jocelyn. Muntik na nitong mahablot ang buhok ni Maricon. Naging maagap lang siya at nakailag. Lalong nagngitngit si Jocelyn!
"Tumigil na ho kayo!" singhal ni Maricon. Hindi na rin siya nakapagpigil. Taas baba ang dibdib niya sa sobrang pagpipigil na huwag maiyak.
"Aba't—"
"Hindi ko ginustong magpakamatay si Joaquin! Sana naman ho ay maintindihan ninyo iyon! Magkaibigan kami at hindi ko gugustuhing mapahamak siya!" singhal ni Maricon. Nagiinit na ang mga mata pero pinigilan niyang maiyak. Tinatagan niya ang dibdib. Ayaw na niyang ipakitang natatakot siya.
"Pero ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay!" ganti ni Jocelyn.
"Pero hindi rin ho ibig sabihin noon ay puwede na ninyong gawin ito! Papatayin ninyo ako! Hindi na ho ninyo ako binibigyan ng katahimikan! Hindi pa ba kayo kuntento na sinsisi ko rin ang sarili ko sa mga nangyari?" naghihinanakit na sagot ni Maricon at napatingin sa malayo. Napakurap-kurap siya para pigilan ang sariling huwag maiyak. "P-Pasensya na ho sa gagawin ko. Kung hindi ko ito gagawin, manganganib ang buhay ko," naninikip ang dibdib na saad ni Maricon at tuluyang lumabas. Hindi na niya matagalan iyon. Paglabas ng presinto ay agad niyang pinunasan ang mga mata. Kahit paano ay mabigat sa kalooban niya ang mga ginawa.
"Are you okay?" malumanay na tanong ni Maita.
Huminga ng malalim si Maricon at kinalma ang sarili. "Opo. Ngayong nakakulong na siya, matatahimik na rin ho ako,"
Tumango si Maita at niyakap si Maricon. Panay ang hagod nito sa likuran hanggang sa bahagyang nabawasan ang bigat sa dibdib niya. Nagaya na siyang umuwi matapos iyon.
Sa condo natulog ang mommy ni Maricon. Kinabukasan ay inaaya siya nitong umuwi muna sa Laguna pero tumanggi siya. Sinabi niya ang tungkol sa booksigning kaya sa huli ay napilitan itong iwanan siya. Nang umalis ito ay tahimik lang niyang ginagawa ang mga give away.
"Are you okay?" malamig na tanong ni Baldassare at naupo sa tabi ni Maricon.
"Ang totoo, hindi." malungkot na saad ni Maricon at napabuntong hininga. "Close kami ni tita Jocelyn noon pero dahil sa pagkamatay ni Joaquin, sobra na ang galit niya. Nalulungkot ako, Baldassare. Hindi ko gustong mauwi ang lahat sa ganito,"
"Come here," anas nito.
Napasinghap si Maricon ng sa isang iglap ay nagawa na siya nitong kalungin. Biglang nailang si Maricon sa posisyon nila. Biglang umikot ang sikmura niya at pinagpawisan. Her heart beats wildly, making it hard for her to breathe. Saglit niyang nalimutan ang mga nangyari at dito napunta ang atensyon.
"Don't be sad." anas ni Baldassare at inilapit ang labi sa tainga niya. Tumagas na sa buong katawan ni Maricon ang pinong boltahe dahil sa init ng hininga nito. "Do you want me to make you happy?" lambing na anas nito.
Humiyaw ng 'yes!' ang kaibuturan ni Maricon. She missed him so damn much. Doon napagtanto ni Maricon na sobra niyang gusto si Baldassare. She wants to give in but... a part of her was scared. Ano na lang ang iisipin nito oras na pumayag agad siya? Ayaw niyang isipin nito na ginagawa lang niya iyon para makalimot.
Kaya niyakap na lang ni Maricon si Baldassare. Oh it felt so right even more. Ang mayakap nang ganoon kahigpit si Baldassare ay naghatid ng kakaibang ginhawa kay Maricon.
"Just hugging you like this makes me happy, Baldassare. Thank you for everything," masuyong anas ni Maricon.
Tumigas ang katawan ni Baldassare. Saglit na nagtaka si Maricon sa reaction nito pero nawala din iyon ng maramdamang hinaplos ni Baldassare ang likuran niya. Napapikit si Maricon. She loves his touch. She just let him did that over and over.