Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 60 - MY SWEET DEVIL

Chapter 60 - MY SWEET DEVIL

"Maricon? It's about time," tawag ni Baldassare at kumatok sa pinto ng kuwarto. Muling pinasadahan ni Maricon ang sarili bago lumabas. Isang simpleng red dress ang suot niya para sa araw ng book signing. Nakausap na niya ang nag-set noon. Ala-una ng tanghali ang oras ng booksigning niya hanggang alas tres ng hapon.

Kagabi pa naka-ready ang mga dadalhin niya at susuotin. Mayroon pa naman siyang nakatagong dress na bago pa at hindi nagagamit. Iyon ang suot niya ngayon. Kasya pa rin naman iyon sa kanya. Bumagay iyon sa itim na sandals na gamit niya. Naglagay din siya ng kaunting make up para maging presentable.

"Maricon?" tawag ulit ni Baldassare.

"Nandyan na!" sagot ni Maricon at lumabas na. Kimi siyang ngumiti kay Baldassare nang mabungaran ito. Nailang siya nang titigan ni Baldassare. "O-Okay ba?"

"Stunning," buong paghangang angas nito. Hindi na siya tinigilang hagurin ng tingin.

Hindi mapigilang napabungisngis ni Maricon. "Luma na itong red dress. Wala na rin sa uso ang tabas pero okay pa naman. Hindi rin naman makapal ang make up ko. Ako lang nag-apply niyan pero kung makasabi ka ng 'stunning', wagas," biro ni Maricon.

"I'm telling the truth! Bagay na bagay mo ang red dress. You looked... perfect," sincere na saad ni Baldassare na tuluyan nakapagpakilig sa kanya.

Magmula nang magdeklara si Baldassare ay lagi na lang siya nitong pinakikilig. Mas lalo pa itong naging sweet at hindi na siya iniwanan. Pareho silang kumportable sa isa't isa. Pakiramdam talaga ni Maricon ay kulang na talaga ang buhay niya kapag wala si Baldassare.

"Kumain ka na muna bago umalis," ani Baldassare kapagdaka at dinala siya sa kusina. Napangiti siya nang makitang nakahanda na ang tanghalian. Isa iyon sa mga ginawa nito para tuluyan siyang mapalapit. Lagi nitong inaasikaso ang pagkain niya.

"Guess what? Hindi ko ginamitan ng magic 'yan. Ako mismo ang nagluto." may kayabangang saad ni Baldassare.

Napamulagat si Maricon. "T-Talaga?"

"Yes." natatawang amin nito at napakamot ng ulo. "The TV thought me how. May cooking chanel. Doon ako nagdepende."

Napangiti ulit si Maricon. Kaya pala nitong huling araw ay nakikita niya itong nanonood ng cooking show! Doon pala ito kumukuha ng idea.

"Just a little warning. Walang asin iyan. You know I can't touch salt. Ikaw na lang ang bahalang maglagay. Kain na," ani Baldassare at inalalayan na siyang maupo. Tumalima na rin si Maricon at hinarap naman ni Baldassare ang mga dalahin niya.

Matapos masiguro ni Baldassare na okay na ang mga dadalhin niya ay naupo na ito sa sofa. Napakunot ang noo ni Maricon nang matahimik na ito at nakatitig lang sa bintana.

Hindi nakakatakas sa pansin ni Maricon iyon. Kahit masigla si Baldassare, mayroong pagkakataong natatahimik ito at nakatitig sa kawalan. Sa tuwing tatanungin niya ito ay magbabago agad ang mood saka sisigla.

"Baldassare," tawag ni Maricon at tuluyang tinapos ang pagkain.

Napakurap ito at agad ngumiti saka siya hinarap. "Yes?"

"May problema ka ba?" nanantyang tanong ni Maricon.

Agad itong umiling. "Wala."

Sinabi ni Maricon ang mga napapansin at in-obserbahan pang maigi si Baldassare. "Kapag may problema ka, puwede mo naman sabihin sa akin. Baka makatulong ako."

Ngumiti si Baldassare. "I know. Promise, wala akong problema. Iniisip ko lang kung may nakalimutan ka pa. Susunduin ka ba ng service ng company?" tanong nito at nilabas ang bag niya at ipinatong iyon sa sofa.

"Oo." sagot niya. Isa iyon sa benefits ng company. Kahit within Metro Manila ang pupuntahan niyang branch ng bookstore na gaganapan ng booksigning ay ipahahatid-sundo pa rin siya dahil malayo iyon sa location niya.

"Good. Come here. Let me give you a good luck kiss," anito at hinila na si Maricon. Hindi na niya nakuhang umangal dahil siniil na siya nito ng halik. His deep and passionate kissed made her forget everything.

"You smelled good." anas ni Baldassare at sinamyo ang buhok niya.

Mahinang natawa si Maricon. "Nag-conditioner lang ako kaya umaalingasaw ang bango."

"Is that so? But I love it." anito at sinamyo ulit iyon.

Naginit ang puso ni Maricon. Gusto niyang matawa sa sarili. Simpleng gesture lang iyon ni Baldassare pero romatic ang dating sa kanya.

Natigil lang sila nang tawagan ng driver. Nasa ibaba na raw ito ng building. Agad na silang lumabas ni Baldassare at sumakay sa sasakyan.

"Nandito na tayo, ma'am," anunsyo ng driver na tuluyang makarating sa mall. Agad na siyang lumabas. Sinamahan ni Baldassare si Maricon hanggang bookstore.

At nabigla si Maricon nang makitang maraming naghihintay! Tantya niya ay nasa singkwenta ang tao! Napanganga siya sa dami! Mukhang kukulangin ang mga freebies niya!

Hindi rin naman kasi siya active sa social media kaya hindi niya nagawang makapagtanong. Dahil hindi naman active, hindi siya umaasang maraming pupunta! Nalulula tuloy siya!

"Good luck." anas ni Baldassare.

Napalingon si Maricon sa lalaki. Kumabog ang puso niya nang makita ang pinakaguwapo at simpatikong ngiti nito. Muntik na niyang malimutan kung nasaan siya. Kundi pa siya nilapitan ng staff—dahil itinuro na siya ng driver—ay hindi pa niya lulubayan nang tingin si Baldassare.

"I'll stay here. Just enjoy your booksigning," anito at prenteng tumayo na lang sa may barandilyas ng mall sa mismong tapat ng books store. Napangiti na siya nang kumaway ito at nagpatianod na si Maricon sa staff ng bookstore. Inalalayan siyang makaupo at nagsimula na ang book signing.

***

"Tired?" nakangiting tanong ni Baldassare nang makitang minamasahe ni Maricon ang kanang kamay. Hindi na natigil iyon sa kakapirma kanina. Pati panga niya, sumakit na dahil sa walang tigil na kakangiti. Bukod sa nagpapirma ay marami ring nagpakuha ng pictures. Hindi niya talaga ine-expect ang suporta ng maraming readers.

Katatapos lang niyang makausap ang boss. Binati siya nito dahil successful ang booksigning. Hinihikayat pa siya nitong magkaroon nang booksigning sa ibang branch sa susunod na buwan. Dahil nakita ni Maricon na maganda ang nangyari ay pumayag siya. Lihim din siyang nagpasalamat na sa susunod na buwan pa iyon. May time pa para gumawa ng mga freebies.

Natutuwa din ang ina ni Maricon. Agad niyang ibinalita ang mga nangyari. Nangako itong papasyal sa susunod na Linggo. Pumayag naman si Maricon. Gusto rin niya itong sorpresahin. Ipapasyal niya ito pagdating.

Napasinghap si Maricon nang hawakan ni Baldassare ang kamay niya at ito na ang nagmasahe. Marahan nitong pinisil-pisil iyon at napaungol na lang si Maricon sa ginhawa.

"Masakit?" tanong nito nang mapisil ang distansya sa pagitan ng hinalalaki at hintuturo niya.

Agad tumango si Maricon. "Oo," aniya at napangiwi nang muling ulitin ni Baldassare ang marahang pagpisil. Natamaan nito ang parteng nagpasakit tuloy ng husto sa kamay niya.

"Marami ka kasing pinirmahan. Congratulations!" bati nito at hinalikan ang ibabaw ng palad niya.

Napaigtad tuloy si Maricon sa pagkabigla. Hindi niya ine-expect iyon! Naghatid iyon ng ibayong kilig sa puso niya.

Natawa si Baldassare. "What? Hinalikan ko lang ang kamay mo. Kapag hinahalikan naman kita sa labi, hindi ka naman nabibigla."

"Baldassare!" napapahiyang bulalas ni Maricon. Nagiinit tuloy ang mukha niya sa pinaguusapan nila. Ito na naman po sila! Tutuksuhin na naman hanggang sa mailang! At siya naman, kinakabahan na baka biglang bumigay!

Napangisi si Baldassare. "What? Puwede nating subukan para malaman,"

"Baldassare naman!"

Tawa nang tawa si Baldassare. Tuluyang nawala na ang kalamigan. Mukhang ang anumang gumugulo sa isip nito noon ay nawala na rin. Nagkaroon na ulit ito ng init na gustong-gusto ni Maricon.

"Inaasar mo na naman ako, ha." angal kuno ni Maricon.

"Hindi pangaasar iyon dahil kaya ko namang gawin. Isang sabi mo lang. Gagawin ko." seryosong saad ni Baldassare.

Gusto na niyang sumigaw ng 'yes!'. Gusto niyang mahalikan ulit nito. Hinding-hindi talaga siya magsasawa. Ah, it was really killing her...

Pero nagpakapigil na lang si Maricon. Inihilamos na lang niya kamay sa mukha nito. Natawa siya nang mapaigtad ito. Mukhang nagulat.

"What the—"

"Baldassare, masakit pa dito. Hilutin mo naman, please?" lambing na agaw ni Maricon at itinuro ang kanang braso.

Napamaang si Baldassare hanggang sa marahang natawa. Tumalima naman ito. Pinagbigyan na siya. Ginawa nito ang isang bagay na ikinasiya talaga ni Maricon. And she just watched him. Doon niya napatunayan na masarap panoorin si Baldassare lalo na ginagawa nito ang mga bagay na para sa kanya.

"Better?" tanong nito.

"Yes," anas niya at napasandal na sa sofa. Napatingin siya sa center table na puno ng mga regalo mula sa mga readers niya.

"Ang daming nagmamahal sa'yo," komento ni Baldassare. Mukhang napansin nakatitig siya sa mga regalo.

Ngumiti siya. "Mga supporters ko."

"You're lucky,"

Tumango si Maricon. "Gagawa na ako ng account sa facebook at page para mai-post ko ito at makapagpasalamat pa ulit sa kanila."

"You're really kind,"

Napatingin si Maricon kay Baldassare at ngumiti. "Hindi ko alam 'yan. Para sa akin, may mga flaws din naman ako at topak. May mga ugali rin ako na pangit. Makulit, tamad sa kusina, naka-kamatose kadalasan,"

"What's kamatose?" namamanghang putol ni Baldassare.

Napabungisngis si Maricon. "Kamatose. Iyon bulagta sa kama ng ilang oras. Ganoon ako kapag napagod sa pagsusulat. Minsan, nakahiga na lang at bumabawi ng lakas," paliwanag niya.

"Oh, right. Napansin ko nga,"

Natawa si Maricon hanggang sa pati na rin si Baldassare. Napapailing tuloy ito hanggang sa nagseryoso.

"But regardless of everything, you're a kind person, Maricon. Trust me. I'm a demon. I could smell your kindness in your soul," seryosong saad ni Baldassare.

Napangiti si Maricon. Nakaka-flatter din na manggaling ang ganoong salita rito.

"Rest now. Mamaya mo na lang ayusin ang mga regalo mo. Magpa-kamatose ka muna," ani Baldassare kapagdaka.

Natawa tuloy ng malakas si Maricon. Nahawa na talaga si Baldassare sa kamatose-kamatose na iyan.

Gayunman, sa huli ay nakangiting tumalima na lang si Maricon. Magaan ang kalooban niyang pumasok sa kuwarto.