"Baldassare!" tili ni Maricon nang biglang lumitaw si Baldassare sa harapan ng demon at agad nitong hinawakan sa leeg. Sa isang iglap ay naihagis nito iyon sa pader. Napanganga sa pagkagulat si Maricon. Hindi hamak na mas malaki ang demonyo kay Baldassare pero nagawa nitong ihagis ng ganoon na lang! Hindi pa nakakabawi ang demon, sa isang iglap ay nakalapit na si Baldassare at ginawaran nang malakas na suntok sa sikmura. Nagpakawala nang masakit na ungol ang demonyo at bumulwak ang masaganang berdeng putik sa bibig nito.
"Why are you here, Gaap?" malamig na tanong ni Baldassare at hinawakan ang leeg nito. Napaigik sa sakit ang demon nang pisilin ni Baldassare iyon.
"T-The king send me to get the bride..." hinang sagot nito at nanlilisik ang tinging tinitigan nito si Baldassare. "Naiinip na ang hari kaya siya na mismo ang gumagawa ng paraan!" angil nito at biglang pumalag.
Napakapit si Maricon sa pader. Dahil sa paghawi ng demon ay humangin din ng malakas. Bumalandra din si Baldassare sa pader pero hindi nito iyon ininda. Sa isang iglap lang, nawala ito at bigla na lang sumulpot sa harapan ni Gaap at nakipaglaban!
Nangatog sa takot si Maricon. Sa bawat pagsuntok ni Baldassare kay Gaap, kumukulog at kumikidlat. Dumilim ang langit. Uminit ang hangin. Parang katapusan na ng mundo. Doon nalaman ni Maricon na ganoon marahil maglaban ang mga demonyo. Parang magugunaw na ang mundo.
"Baldassare!" alalang sigaw ni Maricon ng sa isang suntok sa dibdib nito ay humagis ito sa bintana. Tatakbuhin sana niya ito nang marinig na umungol si Maureen.
"M-Maricon..." hirap nitong ungol at napahawak sa binti niya.
Agad niya itong dinaluhan. "Maureen," alalang anas niya. Awang-awa siya sa kalagayan nito.
Naiyak ito. Nangatal ang katawan. "T-Tulungan mo ako..." luhaang pakiusap nito. Wala na ang nakikita niyang galit nito. Mas nakikitaan niya ito ng takot at sakit.
Hindi na nagdalawang isip si Maricon. Hirap man, nagawa niya itong pasanin at inilayo. Halos pangapusan na siya nang hininga. Natatakot din siya at nagaalala pero kailangan niyang magpakatatag para kay Maureen.
"Hindi niyo ako matatakasan!" sigaw ni Gaap. Sinuntok nito ang sahig at nag-crack na iyon papunta sa kanila!
Napasigaw na lang sina Maureen at Maricon. Napagewang sila at unti-unting lumubog sa nadurog na semento. Iyon na yata ang katapusan nila! Doon na yata sila mamatay ni Maureen!
"Maricon!" sigaw ni Baldassare at hinabol sila nito. Pati ito ay nag-dive sa gitna ng crack na semento. Walang takot sa mga mata ni Baldassare. Pawang katapangan. Hindi alam ni Maricon kung mabibilib sa nakikitang katapangan nito. Para itong isang magiting na mandirigma na nababalot ng tapang.
"Baldassare!" sigaw ni Maricon nang magawang hawakan ang kamay niya. Sinunod nito si Maureen. Hindi nagtagal ay bigla silang nawala. Ginamit ni Baldassare ang kapangyarihan at dinala sila sa ibaba ng Condo Heights. Binalewala na nilang dalawa ang mga reaksyon ng mga taong nagkakagulo sa biglang pagsulpot nila.
"Go! Dalhin mo na si Maureen sa ospital. Susunod ako." mahigpit na bilin ni Baldassare.
"Pero—"
Siniil siya nito ng halik. Gustong maiyak ni Maricon. Pakiramdam niya ay huli na iyon. The way Baldassare kissed her lips was too deep. Like he was just savoring the moment.
"Trust me. I'll be back. Ibabalik ko lang si Gaap sa pinanggalingan niya. Kakausap ko na rin si Hades. Okay?" determinadong saad ni Baldassare.
Sunud-sunod ang pagiling ni Maricon. Hinigpitan din niya ang yakap dito. Natatakot talaga siyang mahiwalay dito. Parang mamatay na siya ng oras na iyon.
"Baldassare—"
"Gaap was one of Hade's prince. He could intensify hatred. Kaya niya nagawang pasukin ang katawan ni Maureen. Because of her intense jealousy and hate towards you. Na-intensify pa iyon ni Gaap. He's a transporter demon too. Kaya siya ang pinadala ni Hades dahil puwede niya kayong dalhin ni Maureen ng sabay sa impyerno. Human souls were too much to handle by a simple demon. Sa lahat ng demon ni Hades ay kami lang ang puwedeng gumawa noon. Both of us has the power to do that." mabilis na paliwanag ni Baldassare.
Hinawakan ni Baldassare ang mukha ni Maricon at tinitigang maigi. "I'll be back, okay? At sa pagbalik ko, magpapaliwanag ako. Lahat-lahat, sasabihin ko. Okay?" anito at siniil ulit siya ng halik.
Bago pa magawang makatugon ni Maricon ay binitawan na siya ni Baldassare at bigla itong nawala. Gayunman, naulit ang pagsabog sa itaas ng building. Napatingala si Maricon at nakita niyang naglalaban ang dalawang demon. Hindi nagtagal ay nagawang yakapin ni Baldassare si Gaap mula sa likuran at biglang nawala ang mga ito. Tingin niya ay nagpunta na ito sa impyerno.
Sigawan at takbuhan pa rin ang mga tao. Gayunman, Maricon did what she needed to do. Humingi siya nang tulong at dinala si Maureen sa ospital.