Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 64 - ETERNAL CURSE

Chapter 64 - ETERNAL CURSE

PAGBAGSAK NA inilapag ni Baldassare ang patay na katawan ni Gaap sa harapan ni Hades. Napatingin lang ito doon. Ni hindi nagulat. Mukhang inaasahan na rin nito ang mangyayari. Ni hindi ito kumurap nang tuluyang maging abo ang demon. Sinigurado na ni Baldassare ang pagkamatay ni Gaap. Habang yakap niya ito sa mundo ng mga tao ay binulungan niya ng makamandag na sumpa. His own power will devour him. Dahil doon ay nagsisigaw ito hanggang sa tuluyang namatay.

"Ang sabi ni Gaap, inutusan mo daw siya. Bakit? Ang akala ko, pinaubaya mo na sa akin itong misyon." malamig na tanong ni Baldassare. Gayunman, nakahanda na siya kung sakaling biglang atakehin ni Hades. Bumuo na ito ng sariling plano. He felt that something terrible was bound to happen.

"Yes. Naiinip na ako. Ako na ang gumawa ng hakbang." balewala nitong sagot saka tumayo.

Napaurong si Baldassare. Kakaiba ang nararamdaman niyang presensya ni Hades. It was so dark, it was so damn hard for him to breathe.

"Is there any problem with that, Baldassare?" malamig na tanong ni Hades. Naging malagom na rin ang boses. Mukhang maling sagot lang niya ay siguradong mayroong mangyayaring hindi maganda.

"Wala—argh!" masakit na ungol ni Baldassare nang sa isang iglap ay naisalya na siya nito sa mainit na pader ng impyerno. Bumulwak ang masaganang putik ni Baldassare sa bibig. Umalingasaw ang mabahong amoy ng sulfur at nabubulok na karne sa mga pader. Gayunman, pareho nilang hindi pansin iyon. Parehong nasa isa't isa ang atensyon nila.

"Don't you fucking dare lie to me, Baldassare!" singhal ni Hades sa mukha niya. Sa lakas noon ay umugong din ang galit na hangin. Dumilim ang paligid. Parang magkakaroon ng kalamidad! It wasn't really a good idea to make the king of hell angry.

"Argh... ugh..." masakit na ungol ni Baldassare nang lalong higpitan ni Hades ang hawak sa leeg niya. It was draining his power. Or is it just Hades' supremacy? Pakiramdam talaga niya ay wala siyang laban.

"But don't worry, Baldassare. Hindi ko na hahayaang maulit ang lahat. Tama nang nawala sina Demetineirre at Inconnu sa akin. You will stay here with me. Forever!" determinadong bulong ni Hades saka siya ibinalibag sa kabilang pader!

"Aaaaaaaaah!" sigaw ni Baldassare. Sobrang nasaktan siya sa ginawa ni Hades. There's no such curse to cure those pains. Walang tigil sa pagbulwak ang masagang putik sa bibig ni Baldassare. Pakiramdam niya ay nagkalasog-lasog ang katawan niya. Dahil doon ay bumalik siya sa demon form. Hindi nakayanan ng human form niya ang sakit.

"W-What are you doing..." hinang tanong ni Baldassare at napaubo ulit habang pinanonood si Hades na gumiguhit sa sahig gamit ang mga putik niya.

Kinabahan si Baldassare nang magsimulag magkorteng seal ang ginagawa ni Hades. Pinilit niyang kumilos pero pumitik lang ang hari. Tuluyan siyang naparalisa at hindi na makagalaw.

"N-Nooooooooooo!" sigaw ni Baldassare nang umusal ng latin incantation si Hades.

"Animam signum aeternum." malamig na anas ni Hades at biglang lumindol. Doon na rin nagsimulang balutin ng itim na usok si Baldassare at napasigaw siya sa sakit. Mainit ang itim na usok na iyon. Humihigpit din sa bawat minuto. Bumigat ang pakiramdam niya dahil doon.

At alam ni Baldassare kung ano iyon. Isinumpa siya ni Hades. He used the Latin incantation to seal him on hell for all eternity. Damn it really. Ang sumpang iyon ay walang lunas! Si Hades lang ang puwedeng mag-lift noon!

Minsan na niyang narinig ang sumpang iyon kay Demetineirre. Nakwento nito na ginamit daw ni Hades iyon sa isang demon na kinasuklaman nito ng husto. Si Hades lang ang nakakaalam kung paano ipapataw iyon. Sa tingin ni Baldassare ay mayroon itong 'pinanghahawakan' kaya alam nitong gamitin.

"H-Hades..."

"Go to legion 40. Annihilate those demons who wants to rule the hell." utos nito at sa isang iglap ay nakatayo na ito sa tapat niya. Napaungol si Baldassare nang tapakan nito ang kamay niya. Tuluyan na siyang pinagmalupitan. "There's nothing you can do now but to follow my order. Hindi ko na hihintaying maging ascended demon ka at tuluyan akong mawalan ng magaling na mandirigma. Admit it or not, I know you fell in love with my bride."

Nagrebelde ng todo ang kalooban ni Baldassare. How dare him to call Maricon his 'bride'! Sising-sisi talaga siya kung bakit naisipang gawin iyon!

"H-Hades..." hirap na anas ni Baldassare at sinubukang hawakan ang binti nito. Pero hindi niya ito nagawang hawakan dahil sinipa na siya nito sa mukha. Sa lakas ay halos na-distort na iyon. But thanks to his demon powers. Hindi niya iyon ikinamatay pero deformed pa rin ang mukha. Araw ang bibilangin niya bago maibalik iyon sa dati.

"Simple lang, Baldassare. Mag-rebelde ka o babalikan ko si Maricon?"

"F-Fuck... y-you..." mura ni Baldassare kay Hades. Bigla ang pagsulak ng galit niya. Why the hell he would hide his hate towards the king of hell? He ruined everything!

"How could you say that to me? I trained you! Magmula nang mamatay ang tatay mo, ako na ang nagpalaki sa'yo! Dahil sa isang babae, sisirain mo ang misyon mo? Mumurahin mo ako? Ginagalit mo talaga ako—!"

"Aaaaaaaaaaaah!" sigaw ni Baldassare nang haklitin siya ni Hades at ihagis sa kisame. Bumaon siya doon dahil sa sobrang lakas. Ni hindi na niya nagawang makalaban dahil sa itim na usok na nakabalot pa rin sa kanya. Pakiramdam niya ay mamatay na siya ng sandaling iyon.

"Ito ang tandaan mo, Baldassare. You. Will. Never. Get. Away. From. Me. You hear me?" gigil nitong asik at pumitik. Sa isang iglap ay bumagsak siya sa mainit na semento. "Oras na magtangka kang gumawa ng kagaguhan dito, alam mo na ang mangyayari. Lahat nang gagawin mo, si Maricon ang magsa-suffer." banta nito at tuluyan siyang iniwan.

Napamura na lang si Baldassare nang maraming beses. Binalot din nang matinding pagaalala ang puso niya para sa babae. Muli, todo ang pagsisisi kung bakit hindi man lang niya ito iniwanan ng sumpa or anumang incantation na puwedeng magprotekta rito habang wala siya. Masyado siyang nagmamadali at umaasang makakabalik din.

Napasuntok na lang si Baldassare sa sahig dahil sa kawalang magawa. Doon din niya na-realized kung bakit ganoon na lang ang pagaalala niya. He loved Maricon. Plain and simple. Nakakalungkot lang na kung kailan inamin na niya sa sarili na hindi niya ito kayang lokohin at ibigay kay Hades ay ganoon ang nangyari.

Sinubukan niyang kalimutan pero isang ngiti lang ni Maricon, nakakalimutan niya ang misyon. Isang yakap lang ng babae, natutunaw siya. Nakakalimot siya na isa siyang demon. Matindi ang epekto ni Maricon kay Baldassare. Sa tindi noon ay humantong siya sa ganoon.