Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 65 - DEVIL'S WHISPER

Chapter 65 - DEVIL'S WHISPER

"COME TO me..."

Nanigas si Maricon nang marinig ang bulong na iyon. Tumayo na rin ang lahat ng balahibo niya sa katawan. She didn't dare to blink and look back. Ramdam niya ang kakaibang presensya sa loob ng private room ni Maureen.

Naka-admit na ito at nalapatan na nang lunas. Dumanas ito ng burns sa likuran at awa ng diyos ay wala namang na-damage na vital organs. Gayunman, ayon sa doktor at siguradong sira na ang balat nito. Para maayos iyon ay kailangan nitong dumaan sa surgery. Sa ngayon ay hinihintay pa ang mga magulang nitong dumating mula Bacolod.

Ayon kay Maureen—noong interview-hin ito nang magkaroon nang malay—ay sinabi nitong taal itong taga-doon. Nag-volunteer si Maricon na tawagan ang mga magulang nito at kahit hirap ay nagawa namang ibigay ni Maureen ang number. Dahil doon ay nalaman nila ang nangyari.

Walang ibang bukambibig si Maureen kundi mayroong bumubulong dito sa loob ng tatlong araw. Pansin din daw nito na kakaiba ang pakiramdam nito sa condo. Parang mayroon daw itong kasama. Ang mga nangyari tungkol sa social media ay wala itong idea. Hindi na ito nakapagkwento maigi dahil hindi ito kumportable. Halatadong takot na takot at hindi naman nila ito pinilit. Gayunman, tantya ni Maricon ay magmula iyon noong magkaroon siya ng haters.

Sa imbestigasyon naman ay lumabas na nagkaroon ng leaked ang gas na naging simula ng pagsabog. Hindi gumana ang fire alarm kaya lumala ang sitwasyon. Noong tanungin si Maricon ay wala siyang gaanong masabi. Sinabi na lang niya na naamoy niya ang gas at nagkaroon na ng pagsabog.

Hindi niya magawang sabihin ang totoo. Alin? Aaminin niyang gawa iyon ng mga demonyo? Hah! Sino'ng maniniwala sa kanya? Wala. Mapagkakamalan lang siyang baliw.

And she was damn worried. Hindi na nakabalik si Baldassare. Hindi siya mapakali. Isip siya nang isip kung ano ang nangyari at kung ano ang balak nitong ipagtapat. Inuubos na nga lang muna niya ang oras sa pagbabantay kay Maureen. Wala ibang magaasikaso rito at naawa siya. Kahit hindi naging maganda ang samahan nila ay concern pa rin naman si Maricon. Demon ang may kagagawan nang nangyari rito at pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan. Kaya sa ganoong paraan ay naiisip niyang makakabawi siya rito.

"Come to me..." bulong ulit ng hindi kilalang boses ni Maricon. Lalong nanayo ang mga balahibo niya. She tried to ignore it but the eerie feeling was too strong, it was hard for her not to pay attention.

"Maricon... come with me... so you can see Baldassare..."

Parang mayroong bumundol sa dibdib ni Maricon. Biglang nanikip ang dibdib niya. A part of her was happy, it seems there's a way to see Baldassare. But a part of her too was so damn scared, she couldn't even move a bit because she finally realized who's the one whispering...

"I-Isa kang demon..." pigil hiningang bulong ni Maricon. Naninigas pa ring nakaupo paharap sa tulog na tulog na si Maureen. Ni hindi niya magawang lumingon. Ni hindi pa siya handang makaharap ang demonyo!

"Yes. Puwede kitang dalhin kay Baldassare basta... sundin mo lang ang iuutos ko..." malamig na bulong nito.

Napalunok si Maricon at ipinikit nang mariin ang mga mata. Lalo siyang kinakabahan habang tumatagal. Gayunman, nagisip siyang maigi. Inisip niya si Baldassare. Gustung-gusto niya itong makita at gagawin niya ang lahat para mangyari iyon. Pero naalala niya ang mahigpit na bilin ni Baldassare. Hintayin niya ito. Ito ang pupunta sa kanya at alam niyang dahil ayaw nitong siya ang sumunod dito. Hindi ba't iyon din naman ang sabi nito noon?

"Bakit? Pinatatawag niya ba ako? M-May nangyari bang masama?" halos hindi na humihingang tanong ni Maricon.

"No. But I know you want to see him... come on... get a rope... magbigti ka para makatawid ang kaluluwa mo sa impyerno..." malamig na sulsol nito.

Nanlamig ang pakiramdam ni Maricon. Bigla siyang kinutuban. Ano ba ang mayroon sa pagpapakamatay at dalawang beses na siyang nabulungan?

"Maricon..." malamig na bulong ng demon. Paulit-ulit nitong sinabi ang bilin—magbigti siya para makatawid ang kaluluwa at makita si Baldassare.

"N-No..." kinakabahang anas ni Maricon. Alam niyang hindi rin gugustuhin ni Baldassare na gawin niya iyon.

"Why not? Walang may gusto sa'yo dito. Until now, Jocelyn hates you. Nasaan ang konsensya mo sa pagkamatay ni Joaquin? The poor guy died and you don't even care..." nakakalokong bulong ng demon.

Napahawak sa buong ulo si Maricon. Nangangatal siya sa pinaalala ng demon. "H-Hindi totoo 'yan..."

Umalingawngaw ang nakakalokong tawa sa buong kuwarto. Tarantang napatingin tuloy si Maricon kay Maureen na himbing pa ring natutulog. Mukhang siya lang talaga nakakarinig sa demon.

"It's true. You don't give a fuck. Mukhang nakalimutan mo na ang kaibigan mo..." sisi nito.

"Hindi totoo 'yan!" bulyaw ni Maricon at naiyak. Sobrang bigat ng dibdib niya sa akusasyon nito. Hindi komo hindi na siya umiiyak, ibig sabihin noon ay nakalimot na siya. Tandang-tanda ni Maricon ang mga nangyari. Natutunan lang niyang tanggapin sa sarili na hindi niya kontrolado ang ginawa ni Joaquin. Gayunman, masakit pa rin na maakusahan.

"Hindi ko ginusto ang mga nangyari! Kahit kailan, hinding-hindi ko makakalimutan iyon!" giit niya.

"Die, Maricon!" ganti nito.

Napasigaw na lang si Maricon nang biglang dumilim. Agad niyang niyakap si Maureen. Doon nagsimulang umuga-uga ang kama nito. Napasigaw na lang siya at humingi nang tulong.

Doon nagsipasukan ang mga nurse. Doon na rin tumigil ang pagyuga ng kama ni Maureen at lumiwanag. Halos hindi na makahinga si Maricon. Kaunti na lang, sasabog na ang puso niya sa sobrang takot.

"I'll be back... you better prepare yourself..." bulong ng demon na tuluyang nagpalamig ng katawan ni Maricon.

Pinigilan niyang huwag maiyak sa takot. Agad siyang nagdasal na sana ay huwag matuloy ang anumang balak ng demon.