Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 59 - HELL, YEAH

Chapter 59 - HELL, YEAH

"You're almost done," ani Baldassare kay Maricon. Ngumiti siya nang matamis. Sa loob ng ilang araw ay nagawa rin niyang karirin ang paggawa ng mga freebies. Nagalok si Baldassare nang tulong na idadaan nito sa magic ang lahat pero sa huli ay tumanggi siya. Gusto niyang siya mismo ang gumawa ng freebies para mas ma-appreciate ng readers. Sa huli ay pinagbigyan na siya nito.

Doon ibinuhos ni Maricon ang lungkot at stress sa mga nangyari sa kanila ni Jocelyn. Hanggang ngayon ay hindi pa rin magaan sa loob niya ang mga nangyari. Nakakulong pa rin ang ginang dahil sa kasong isinampa niya. Gayunman, iniisip na lang ni Maricon na iyon lang ang paraan para matigil si Jocelyn. Umaasa siyang sa huli ay makakapagisip ito at matanggap ang lahat.

"Kung hinayaan mo akong gawin iyan, tapos ka na sana," anito.

Tinapos na ni Maricon pirmahan ang isang bookmark. Satisfied siyang napangiti saka hinarap si Baldassare. "Hindi ba't nagpaliwanag na ako?" nakangiting tanong ni Maricon.

"Yeah, right,"

Napabungisngis si Maricon. "Huwag ka na ngang masungit. Pansin ko nitong dumating ka, ganyan ka na. Hanggang ngayon ba naiinis ka pa rin sa pangungulit ko noon?" nanantyang tanong ni Maricon.

"No. Of course not." ani Baldassare at napatikhim.

"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin noon?" pigil hiningang tanong ni Maricon.

Tinitigan siya ni Baldassare. "Do you really want to know?"

Nanikip ang dibdib ni Maricon dahil sa sobrang antisipasyon. "Oo naman. Hindi kita kukulitin ng wala lang," pigil hiningang sagot niya.

His eyes dilated again, making her heart beats faster. Saglit siyang napa-facinate sa mga mata nito. Mukhang doon pa lang, pinararating na ni Baldassare ang sagot.

"I want to kiss you," anas nito at napatitig sa ibabang labi niya.

"Out of the blue?" manghang tanong ni Maricon. Bigla niyang naalala ang lahat. Tinatawag siya nito para hingan ng halik? Napa-Oh my God ang puso niya!

"Yes. Out of the blue. You see, this is how you affect me," anas nito. Nangaakit na naman! His thumb started to caress her cheeks, moving in circular motion. Nakiliti pati kaluluwa ni Maricon.

Magmula nang dumating si Baldassare ay mas lantaran na ito sa ginagawang pangaakit. And in all honestly, effective iyon. Naaakit talaga siya. Hindi lang nito alam kung gaano katinding pagtitimpi ang ginagawa ni Maricon para lang huwag siyang madarang.

Sobrang gusto ni Maricon si Baldassare at alam niya na kaunti na lang ay bibigay na siya. Gayunman, mayroon siyang alinlangan. Ang matinding pumipigil sa kanya ay ang malaking pagkakaiba nila. Magkaiba ang mundo nila. Paano sila magtatagpo?

"I-Inaakit mo na naman ako," halos hindi humihingang anas ni Maricon.

Tumaas ang kanang sulok ng labi ni Baldassare. Oh damn it! He looked gorgeous even more! He's really driving her insane!

"Naakit ka na ba?" masuyo nitong tanong at tinitigan ang labi niya.

"Oo p-pero..."

"What? Tell me?" agaw ni Baldassare at idinaiti ang hinlalaki sa labi niya. Nangatal na iyon! Damn it really! Bakit nito kailangang gawin iyon? Lalong nabaliw ang sistema niya!

"Baldassare!" bulalas ni Maricon at lumayo. Sa wakas! Nagawa rin niyang makawala sa hipnotismo nito. Right! His eyes were so damn hypnotizing. She almost lost her mind.

"What? Ayaw mo ba ako?" tanong nito. Puno ng lambong ang mga mata.

Muntikan nang mapasabunot si Maricon sa sarili. Walang hiya! Tinanong siya nito ng isang bagay na napakahirap sagutin! Ni walang metaphor o anumang parts of speeches ang puwedeng gamitin!

"H-Hindi sa ganoon kaya lang—"

"Right. I get it. I'm a demon." agaw nito. Mukhang magtatampo na.

"Baldassare!" pigil ni Maricon nang iangat nito ang kanang kamay. Pipitik na naman ito! Aalis na naman dahil nagtatampo!

"What?" malungkot nitong tanong.

"Hindi iyon ang dahilan!" bulalas ni Maricon at napabuga ng hangin. Naginit tuloy ang mukha niya dahil nagawa niyang aminin iyon. "Magmula naman ng maging okay tayo, hindi ko na napapansin ang katotohanang demon ka."

"Maricon,"

"Pasensya ka na kung pinipigilan ko ang sarili ko. Nagaalangan ako dahil wala rito ang buhay mo..." ani Maricon at napayuko habang ipinaliliwanag ang dahilan.

Napasinghap siya nang hawakan ni Baldassare ang baba niya at iangat. Nagtagpo ang mga mata nila. Parang binayo na naman ang dibdib ni Maricon.

"Kung magkaiba ang mundo natin, puwede akong mag-adjust. I'll do everything to make it possible," sinserong pangako nito na tuluyang tumunaw sa puso ni Maricon.

"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" maang na tanong ni Maricon.

"I can stay, Maricon. I can be with you forever."

"Baldassare..." hindi makapaniwalang anas ni Maricon. Bumilis ang tibok ng puso niya.

Tumiim ang titig nito. "I'll prove it to you. I can live a life here with you."

Parang nagkaroon ng fireworks sa kalangitan dahil sa deklarasyon ni Baldassare. Lihim na kinilig si Maricon. Ang buong akala niya ay mawawalan ito nang pagasa pero nagkamali siya. Pinahanga pa siya nito dahil handa itong talikuran ang impyerno para sa kanya!

Ah, lalong humina ang depensa ni Maricon. Nabawasan din ang pagaalinlangan niya dahil sa sinabi ni Baldassare. Nasabik din siyang makita at masubukan ang buhay na sinasabi nito nang magkasama sila.

"G-Gawin mo iyon?" hindi makapaniwalang anas ni Maricon.

Tumahimik si Baldassare. Ang buong akala ni Maricon ay hindi na ito magsasalita pero napasinghap na lang siya nang titigan ulit ni Baldassare. Puno na ng lambong ang mga mata. Tiim na tiim ang mga bagang. Nagbabaga rin ang mga mata nito sa determinasyon.

"Hell, yeah." anas nito.

"Baldassare..." wala sa sariling anas ni Maricon. Ang bilis ng tibok ng puso niya.

"The hell with it." mainit nitong anas at siniil siya nang halik. Anumang mga tanong ay naiwanan sa lalamunan niya. Napunta ang atensyon ni Maricon sa malambot na labi ni Baldassare. He was kissing her passionately, making her forget everything.

Right there and then, Maricon realized that she fell in love with him even more...