Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 57 - COLD HERO

Chapter 57 - COLD HERO

"NAKADALAWANG MANUSCRIPT na ako, wala pa rin si Baldassare. Ano'ng nangyari sa kanya?" tanong ni Maricon sa sarili. Nakapangalumbaba siya habang nakatitig sa table calendar. Doon niya nakikita na dalawang linggo na ang nakararaan buhat ng huli silang magkita.

She missed the demon. She missed the way he whispered to her ears. She missed the feeling that her hair stand to its end. She missed how his whisper affects her.

Napabuntong hininga na lang si Maricon at napasandal. Hindi niya maisulat ang sequel ng angel story dahil si Baldassare pa rin ang laman ng isip. Minsan, nagsisisi siya sa sariling kakulitan. Dahil sa pangungulit ay tinakasan siya nito at hindi na ito nagpakita. Magpapakita pa kaya ito? Sana nga. Above all those things she missed in him, Maricon misses Baldassare. Ito mismo ang hinahanap niya.

Nag-ring ang cellphone ni Maricon. Matamlay niya iyong sinagot. Magandang balita ang dala ni Miss Guerrero. Ilalabas na ang libro niya at magkakaroon siya ng booksigning sa susunod na Linggo. Agad naman pumayag si Maricon dahil naisip niyang para rin iyon sa promotion ng libro.

Saglit pa silang nagusap hanggang sa nagpaalamanan na. Pagbaba ay naisip niyang gumawa ng freebies para sa gagawing booksigning. Nag-search siya sa internet. Na-cute-an siya mga bookmarks. Iyon ang naisip niyang ibigay. Ang kailangan na lang niya ay bumili ng papel na gagamitin.

Matapos mag-research ay naligo na si Maricon. Doon na lang niya uubusin ang oras para hindi na maisip si Baldassare. Malulungkot lang kasi siya at magaalala.

Hindi nagtagal ay papunta na si Maricon sa bookstore. Mabilis ang ginawa niyang pagpili hanggang sa matapos. Paglabas niya ay doon naman nag-ring ang cellphone niya. Agad niyang kinalkal ang bag kaya hindi napansin ang isang itim na kotse na humarurot para banggain siya!

"Look out!" sigaw ni Baldassare.

Hindi pa nakakahuma si Maricon sa biglaang pagdating ng lalaki ay agad na siya nitong niyakap. Doon siya nakarinig nang malakas na pagsabog. Napuno ng itim na usok ang paligid nila at nakaamoy siya ng gasolina. Nayanig na yata pati ang kaluluwa ni Maricon dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Bigla siyang nangatal sa takot!

"A-Ano'ng nangyari?" kinakabahang tanong ni Maricon. Parang binabayo sa kaba ang dibdib. Hindi pa rin niya magawang igala ang paningin dahil ibinaon ni Baldassare ang mukha niya sa dibdib nito.

Sigurado si Maricon. Si Baldassare iyon. Init ng dibdib, tigas ng mga braso, mabangong amoy at boses pa lang, kabisado na niya. Hindi puwedeng magkamali si Maricon.

"Jocelyn tried to kill you," malamig na anas ni Baldassare.

Kinilabutan si Maricon dahil sa nalaman at dahil na rin sa tono ni Baldassare. Ramdam agad niya ang pagbabago nito. Parang... mas lumamig. Parang... nagiba. Guni-guni lang ba niya iyon o hindi?

Tiningala ni Maricon si Baldassare. Napalunok siya nang makita ang kalamigan ng mga mata nito at bago pa niya ito magawang titigan ay nagiwas na ito ng tingin. Minabuti nitong tingnan ang pinanggalingan ng usok at unti-unti iyong luminaw.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Maricon nang makita ang plate number noon: sasakyan ni Jocelyn! Wasak iyon! Para iyong nakabangga ng kotse rin na kung tutuusin ay si Baldassare lang ang nabangga! Nasa likod ni Baldassare ang kotse. Iniharang nito ang sarili para huwag siyang mabangga. Sa pangilang beses na pagkakataon, niligtas na naman siya nito!

"Wait here." malamig nitong saad at pumitik. Sa isang iglap ay nakatayo na ito sa tapat ng driver's seat. Napalunok siya nang makitang hirap si Jocelyn. Nasagip naman ito ng airbag ng kotse. Nahilo lang sa lakas ng impact.

"D-Demonyo..." nahihilong anas ni Jocelyn at napatingin kay Maricon. Hindi pa rin nito nakikita si Baldassare. "B-Binangga kita p-pero hindi ka natuluyan... d-demonyo ka talaga..." dagdag nito.

"Shut up," malamig na saad ni Baldassare at pumitik. Sa isang iglap, nawala sa puwesto ang kotse ni Jocelyn. Nasa tapat na iyon ng puno sa tabi ni Maricon. Base sa itsura noon ay puno ang binangga ni Jocelyn.

"What the hell?!" gulat na saad ni Jocelyn. Parang nawala ang hilo nito. Nagpalinga-linga ito at nahihintakutang napatingin kay Maricon na hindi na rin alam ang isasagot. "Ano'ng ginawa mo? Demonyo ka talaga! Demonyo—!" histerikal na sigaw nito.

Pumitik ulit si Baldassare. Nawalan ng malay si Jocelyn. Nalungayngay ang ulo nito at napasandal sa head rest ng upuan. Ipinatong ni Baldassare ang hintuturo sa sentido nito at bumulong. Pigil hiningang nanonood naman si Maricon sa lahat ng iyon.

Hanggang sa tuluyan na nitong layuan si Jocelyn. Sa isang iglap, nasa tabi na ni Maricon si Baldassare. Tumibok nang malakas ang puso niya sa pagkakalapit nila.

"A-Ano'ng—"

"Shh... lastly," malamig na anas ni Baldassare. Pumikit ito at bumulong. Napasinghap si Maricon nang dahan-dahang mamula si Baldassare. Bigla ring humangin nang malakas na tumagal ng ilang segundo. Nang matapos ay unti-unting nawala ang hangin at nagmulat ng mata si Baldassare. Namangha siya nang making dilated ang mga mata nito na unti-unti ring bumalik s normal.

"A-ano iyon?" pigil hingang tanong ni Maricon. Halos hindi na siya makahuma sa mga nangyari.

"Binura ko sa memory ni Jocelyn ang mga kababalaghang nangyari. Ang matatandaan lang niya ay ang pagtatangka niyang patayin ka pero aksidente siyang bumangga sa puno. Sa memory niya, nawalan siya ng kontrol sa manibela. Ang sumunod naman ay binura ko sa memory ng mga taong nakapaligid sa atin ang mga nangyari. Nakita ko kanina sa memory ni Jocelyn na mayroon siyang binayarang lalaki para hanapin ka at nasundan ka ngayon dito. Siya ang tumawag kay Jocelyn na palabas ka na kaya nagawa kang abutan ni Jocelyn. But don't worry. Kasama na ang lalaking iyon na nabura ang memory dahil nasa paligid lang siya. Sa memory nila ay kagaya rin ng kung ano ang naitanim sa isip ni Jocelyn. Ginawa ko ito dahil ayokong magisip sila. Sa lahat ng tao, ikaw lang ang nakakaalam ng totoo." seryosong paliwanag ni Baldassare.

Nakamaang lang si Maricon. She was so touch, she wanted to cry. What he did was so much. Iniligtas na siya nito sa kapahamakan, iniligtas pa siya sa mata ng mga mapangusig na tayo.

Doon umalingawngaw ang sirena ng pulis at ambulansya. Mukhang nakahuma na ang ilang taong nakasaksi at tumawag na nang tulong. Nang maisakay ang walang malay na si Jocelyn ay inaya na siya ni Baldassare.

"Why?" tanong nito nang hindi siya kumilos.

Nangilid ang mga luha ni Maricon. "Kailan ba siya titigil?" mapait na tanong niya.

Napabuntong hininga na lang si Baldassare. Si Maricon naman ay tahimik na inisip ang kasagutan sa sariling tanong. Sa nakikita ni Maricon, hindi siya titigilan hangga't hindi siya namamatay!

At kailangan nang tumigil ni Jocelyn. Kailangan nilang magkaroon nang katahimikan. Kailangan nang kumilos ni Maricon para roon.

"Where are you going?" takang tanong ni Baldassare nang maglakad papunta sa pulis. Kasalukuyan nakikipagusap ang may edad na pulis sa ilang by standers na nakasaksi sa nangyari.

"Magre-report." malamig na sagot ni Maricon at tuluyang kinausap ang isang pulis.