Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 47 - YOU CAUGHT ME

Chapter 47 - YOU CAUGHT ME

"Maricon! Are you okay in there?" malakas na tanong ni Baldassare sabay katok sa pinto. Bumilis ang tibok ng puso ni Maricon. Para siyang engot na naghihintay sa sala. Nakaupo doon at nakataas ang dalawang tuhod. Nginangatngat niya ang kuko. Hindi siya mapakali. Nakakaalis na siya sa mga asin na hindi.

Magmula nang bumalik sila mula sa park tatlong araw nang nakararaan ay naging ganoon na si Maricon. Mabuway na ang solidong disposisyon. Wala naman kasi itong ibang ginawa noon kundi ang payuhan siya. Ipinaramdam ni Baldassare na mayroon pa rin siyang makakasama. Kahit nasa grocery, panay lang ito paalala na nandoon lang ito na magbabantay.

And she knew that Baldassare could protect her with all his might. Mayroon itong kapangyarihan na puwedeng gamitin para ilayo siya sa anumang panganib. Hindi ba't mas kailangan din niya ang isang kagaya nito?

"Maricon, sumagot ka naman..." nagsusumamong saad ni Baldassare na tumunaw sa puso niya.

"Okay lang ako dito!" malakas na sagot ni Maricon at kinagat ulit ang kuko. Ang bilis na naman nang tibok ng puso niya. Nagdadalawang isip talaga siya kung lilinisin na ang mga asin.

"I want to see you!"

Napatanga si Maricon. Bakit siya nito gustong makita? Bakit?!

"B-Bakit?" takang tanong ni Maricon. Bumibilis na naman ang tibok ng puso niya.

"I... I... miss you," mahina nitong sagot pero sapat na para marinig niya sa kinauupuan.

Bigla yatang naloka ang puso ni Maricon sa narinig. This demon missed her! Why oh why? Ganoon na ba siya kahalaga rito? Ganoon na ba siya napalapit dito? He was missing her!

And Maricon couldn't control herself anymore. Kusang kumilos ang katawan niya para buksan ang pinto. Hindi naman niya inalis ang asin sa may pinto niya kaya hindi pa rin nagawang makalapit ni Baldassare. Gayunman, nagawa pa rin siyang titigan ni Baldassare.

Hindi tuloy mapakali si Maricon. Parang mayroong kumikiliti sa gulugod niya at hindi makatingin ng diretso dahil sa matamang titig ni Baldassare. Gusto na nga niyang ihilamos ang kamay sa mukha nito para patigilin ito sa pagtitig. Pero hindi niya magawa dahil nahihiya rin naman siya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito kapagdaka.

"Okay lang," simpleng sagot ni Maricon kahit pa dumadagundong na naman ang tibok ng puso niya.

"Hindi ka ba nalulungkot sa loob?"

"Hindi."

"Hindi mo ba naiisip ang mga haters mo?"

"Hindi." ikaw nga ang iniisip ko... dugtong ng isip ni Maricon.

"Really?" namamanghang tanong ni Baldassare. Kumikislap sa tuwa ang mga mata.

"Ha?" gulat na tanong ni Maricon. Narinig ba nito ang dinugtong ng isip niya?

"Ang sabi mo, ako ang iniisip mo." na-amaze na saad ni Baldassare.

Nanlaki ang mga mata ni Maricon sa pagkapahiya! Hindi na niya napansing naisaboses pala niya iyon! Nakakahiya! Lulubog na siya sa kinatatayuan!

He chuckled. "You really made me happy, Maricon."

"Hindi ko sinasadya iyon! Hindi rin iyon ang ibig kong sabihin! Iniisip kita dahil ang kulit mo!" napapahiyang palusot niya. Aayaw-ayaw pa siya tapos ay makakaringgan ng ganoon? Nakakahiya talaga!

"Really." anito. Nakangisi. Hindi pa rin naniniwala.

"Baldassare naman!" napapahiyang awat niya. Gusto na niyang magpapadyak dahil ayaw siya nitong paniwalaan.

Umalog-alog ang balikat nito. Napasimangot na lang si Maricon habang namumula pa rin sa pagkapahiya. Gusto na rin niyang sabunutan ang sarili dahil sa kapalpakan

"Okay, okay. Don't be upset." ani Baldassare.

"Hindi talaga iyon ang gusto kong sabihin," pilit niya.

"Fine." suko ni Baldassare hanggang sa iminuwestra nito ang pinto. "Close the door. I'll leave you alone now."

Nagulat si Maricon. Hindi niya inaasahan iyon. Hindi ba siya nito kukulitin? "S-Sigurado ka?" paniniyak ni Maricon.

Masuyo itong ngumiti. "Yes."

"Hindi mo ako kukulitin?" paniniyak ulit ni Maricon.

Umiling si Baldassare. "No."

"Bakit?" takang tanong niya.

"Ayoko nang pilitin ka. I realized, puwede ko namang gawin ang pangako ko ng hindi lumalapit sa'yo. I'll just stay here and wait." kuntento nitong saad.

"Hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong ni Maricon.

"Yes. Nakita na rin naman kita. Okay na ako doon," dagdag nito na nakapagpatulala kay Maricon.

Ni hindi na nga niya nagawang maka-react. Speechless siya! Binigla naman kasi siya nito sa mga huling sentences. Ni hindi na nga niya nagawang umangal ng si Baldassare na mismo ang nagsara ng pinto sa pamamagitan nang pagpitik.

Wala sa sariling natutop ni Maricon ang bibig para pigilan ang sariling mapangiti. Hindi niya mapigilang kiligin. Masisisi ba siya? Sa tingin niya ay hindi. Todo ang effort ni Baldassare. Hindi siya nito tinigilan. Hindi siya pinuwersa. Naging matyaga ito.

His sincerity and concern made her reluctances totally disappeared. Ang pumalit doon ay ang paghangang nabubuo ngayon sa puso...