Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 48 - WELCOME TO MY LIFE

Chapter 48 - WELCOME TO MY LIFE

"Ano'ng nangyari dito?" tanong ni Maita at takang iginala ang paningin sa buong sala ni Maricon. Napatuwid tuloy siya nang tayo at gulat itong nilingon. Nasa pinto ito. Hindi niya isinara iyon para makita agad ni Baldassare na nililinis na niya ang mga asin at puwede na itong pumasok.

She made up her mind. She will trust the demon. Kahit sinasabi ng puso niya na okay naman ito ay alanganin ang rasyonal na bahagi ng isip niya. Kinumbinsi pa niya iyon na wala namang masama sa gagawin.

Sa pagkakaalam ni Maricon sa mga demons ay hindi marunong magtiis at maghintay. They were impatient, wild like animals and dishonest. Sa nakita naman ni Maricon kay Baldassare ay hindi ito ganoon kaya sa huli ay nakumbinsi na rin siya. Besides, he helped her a lot. Hindi ba't natahimik na siya ngayon? Dahil sa ginawa nito ay wala nang tumatawag at nagpapadala ng mga hate messages. Nalalaman din niya ang mga taong mayroong iniisip na masama kaya ngayon ay aware na siya kung sino ang dapat iwasan.

"M-May naramdaman po kasi ako dito pero okay na ho. Umalis na siya." paliwanag ni Maricon at nilapitan ito. Hinalikan niya ito sa pisngi bilang pagbati. "Napasyal ho kayo?"

"Nag-file ako ng leave. Matutulog ako rito hanggang Sunday. Sigurado kang okay na talaga?" alalang paniniyak nito at pinagmasdan siya.

Sinikap ni Maricon na maging kalmado. Alam nito ang gift niya at ayaw niya itong magalala kaya minabuti niyang magtahi na lang ng kwento. "Opo, 'ma. Ilang araw na akong walang nararamdaman dahil sa pagsaboy ko ng asin. Tingin ko hindi na iyon babalik. Hindi rin naman ho ganoon kalakas ang multo na nagpaparamdam sa akin noon," pigil hiningang paliwanag ni Maricon.

Pinagmasdan ni Maita si Maricon. Nailang siya. Naisip niyang ibaling ang atensyon nito sa iba kaya minabuti niyang ipasa rito ang walis. "I-Ituloy niyo na ho. Magluluto na ako ng lunch."

"Pero—"

"Please?" lambing niya at napangiti ng hindi na makaangal ang ina. Nagluto na si Maricon at naglinis ang ina. Adobo ang naisip niyang iluto. Mas madali kasi.

Matapos ay pinagpahinga na muna ni Maricon ang ina sa kuwarto at siya naman ay naiwanan sa sala.

Kinakabahan si Maricon habang hinihintay si Baldassare. Hindi niya mapigilang makaramdam ng excitement. Nagwawala na rin ang mga paruparo sa sikmura niya dahil sa matinding antisipasyon. Siguradong magugulat ito dahil wala na ang mga asin.

"Maricon?" tawag ni Baldassare at kumatok.

Kumabog ang puso ni Maricon. Bigla siyang hindi mapakali sa kinauupuan hanggang sa nagtaka. Bakit ito kumakatok? Wala na ang mga asin. Malaya na itong makakapasok.

Nagtataka man ay minabuting buksan na ni Maricon ang pinto. Bumilis ang tibok ng puso niya nang bumungad si Baldassare na mayroong guwapong ngiti. Lalo tuloy itong naging pogi sa paningin niya.

"Hi," nakangiti nitong bati.

Napalingon si Maricon sa kuwarto at nang masigurong tulog ang mommy niya ay lumabas na lang siya saka isinara ang pinto. Salamat at walang tao sa corridor. Malaya niyang makakausap si Baldassare.

"Nasa loob si mommy. B-Bakit ka kumatok? Wala na ang mga asin." aniya at napayuko.

"I know. Nararamdaman ko na wala ng harang." anito.

Natigilan si Maricon at napatingala kay Baldassare. "B-Bakit hindi ka pumasok?" takang tanong niya.

Masuyo itong ngumiti. "Because you haven't given me your permission yet."

Bumulusok paitaas ang pagtingin ni Maricon kay Baldassare. Hindi niya sukat akalaing magiging gentleman pa ito at hihintayin ang permiso niya. Ang sarap tuloy nitong kurutin sa pisngi! Bigla tuloy itong naging lovable! Isa iyon sa gusto ni Maricon sa isang lalaki: gentleman.

"P-Puwede ka nang pumasok," pigil hiningang saad ni Maricon.

"Why the sudden change of heart?" tanong nito at tinitigan si Maricon.

Hindi na siya makahinga! Kinakabahan na siya sa pagtatapat na gagawin. "Na-realized ko na walang masama kung pagkakatiwalaan kita." pigil hiningang sagot ni Maricon at tinitigan si Baldassare. "Inaamin ko na marami kang nagawa para sa akin at nagpapasalamat ako. Kung hindi dahil sa'yo, ginugulo pa rin ako nila tita Jocelyn. Hindi ko rin malalaman ang iniisip ng iba tungkol sa akin," amin niya.

At tuluyan silang binalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Maricon ay mga puso lang nila ni Baldassare ang naguusap. Ang bilis at ang lakas ng kabog ng puso niya. Pakiramdam niya ay naririnig iyon ni Baldassare.

Napasinghap si Maricon ng haplusin ni Baldassare ang pisngi niya. Maang siyang napatingala at bumilis lalo ang tibok ng puso niya nang masuyo itong ngumiti.

"You will not regret this," masuyo nitong saad.

Maricon smiled. Napayuko na lang ulit siya nang mapansing tinititigang maigi ni Baldassare. Ramdam niya ang pagiinit ng mga pisngi.

"Shit, Maricon. Don't hide your face. Let me see your smile," anas nito at iniangat ang mukha niya. The moment she saw Baldassare's eyes sparkling in amazement, her heart skipped a beat. "Itong ngiting ito ang pinakamagandang nakita ko dito sa mundo ng mga tao," humahangang anas ni Baldassare at masuyong hinaplos ang labi niya.

Napakagat tuloy si Maricon sa ibabang labi. Parang nakuryente siya at dumaloy iyon sa buong katawan. Hindi na tuloy siya mapakali. Pati na rin ang puso niya ay hindi na rin talaga mapirmi.

"Maricon?" tawag ng mommy ni Maricon.

Napakurap-kurap siya at agad na lumayo kay Baldassare. Iyon ang gumising sa mahikang bumalot sa kanila. Napalunok siya at kinalma ang sarili.

"Sige na. Puntahan mo na ang mommy mo. Nasa paligid lang ako," pangako ni Baldassare at pumitik. Sa isang iglap ay wala na ito sa harapan.

Napabuntong hininga na lang si Maricon. Saglit niyang kinalma ang sarili bago tuluyang hinarap ang ina. Nagalala daw ito dahil hindi siya nakita nang magising.

Para hindi magalala ay tinabihan na ito ni Maricon sa kama. Nang makatulog ulit ito at naalala si Baldassare ay napangiti na lang si Maricon.

At kinilig! Napahawak siya sa labi at naalala ang sinabi ni Baldassare. Impit na lang siyang napatili dahil doon.