Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 46 - THE PROMISE

Chapter 46 - THE PROMISE

"Hi! Miss Enguillo, gusto lang kitang i-inform na approve na ang manuscript mo na mayroong title na 'Her Written Love Story'." magalang na bati ni Miss Gigi Guerrero, ang editor niya na humahawak ngayon ng huling manuscript na ipinasa ni Maricon.

Napabangon si Maricon sa tawag na iyon. Pinigilan niyang mapatili dahil importante ang kwentong iyon sa kanya. Kwento nila iyon ni Paul Wesley! Isang fan na nagustuhan ng iniidolo ang concept noon. Kaya sobrang happy siya na naging okay iyon. Nawala na sa isip ni Maricon ang ipinasang manuscript dahil na rin sa mga nangyari.

Hindi na siya tinatawagan nila Jocelyn. Ang ina na lang ang nakaka-reach sa kanya. Nagaalala pa rin ito at muntikan nang mag-file ng leave para samahan siya sa condo. Gayunman, agad niya itong inawat. Sinabi niyang okay lang siya kahit na ang totoo ay hindi.

She was still sad about what happened to Joaquin. Habang buhay na iyong dadalhin ni Maricon sa konsensya. Pinagdadasal niya na sana ay tuluyan na itong matahimik sa kabilang buhay.

Si Baldassare naman ay kinukulit pa rin siya. Isang linggo na buhat nang palitan nito ang number niya sa cellphone nila Jocelyn. Kahit tinaboy na niya ay pabalik-balik pa rin. Gayunman, sa tuwing sinasabi niyang umalis ito ay pinagbibigyan naman siya. Iyon nga lang ay makulit dahil bumabalik pa rin.

"Maraming salamat, Ma'am." pigil hiningang saad ni Maricon.

"Pupunta ka ho ba rito? Gusto rin sana kitang kausapin tungkol sa ibang characters sa story mo. Puwede mo silang gawan ng kwento. We need to talk about it in person. Marami akong gustong sabihin tungkol sa manuscript mo." anito.

"Sige ho. Pupunta ho ako d'yan next week." aniya para siguradong makukuha na rin niya ang payment. Isang week kasi ang processing noon bago niya makuha para minsanan na ang labas niya.

Saglit pa silang nagusap hanggang sa nagpaalamanan. Pagkababa ay doon naman siya nakarinig nang katok. Nagiging sunud-sunod iyon kaya napilitan siyang magpunta sa main door at sumilip sa peep hole. Kumabog ang dibdib niya nang makita si Baldassare.

He looked dashing in his black suit. Bagong gupit pa ito. Sobrang igsi ng buhok na bumagay naman dito. Kitang-kita niya ang kapogian nito. He looked fresh too. Parang bagong ligo at mukhang masarap yakapin.

Hoy! Ano'ng yakap-yakap? Demon siya! Hindi mo siya dapat pinagiisipan ng ganyan!

Agad ipinilig ni Maricon ang ulo. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Palibhasa, hindi siya nito sinasaktan kaya hindi mahirap na pagisipan ito ng ganoon.

"Maricon?" tawag nito. Obviously ay naramdaman ang presensya niya sa kabilang pinto. Hindi pa rin ito makapasok dahil nagsikalat ang asin sa buong bahay.

"Nandito ka na naman." angal niya. Pinaramdam ni Maricon na hindi siya interesado sa presensya nito.

"I made a promise. Hindi kita hahayaang masaktan pa. Paano ko magagawa iyon kung lalayo ako?" seryoso nitong sagot.

Napamaang si Maricon. Bumilis tuloy ang tibok ng puso niya. Hindi niya inaasahang magiging big deal dito ang pangako.

"Maraming galit sa'yo. Alam ko na hindi titigil si Jocelyn. Temporary lang ang pananahimik niya pero gagawa pa rin iyon ng paraan. She hates you that much, Maricon. And I want to be always there so I can protect you." seryosong dagdag nito na tuluyang nakapagpalito ng solidong disposisyon niya.

He was a demon! He pushed her to commit suicide! Dahil sa mga ginagawa nito ngayon ay unti-unti niyang nalilimutan iyon. Idagdag pang ramdam ni Maricon ang concern at sincerity nito. Nababawasan tuloy ang pagkaalangan niya.

"P-Pero demon ka. Hindi tamang makipaglapit sa'yo!" giit ni Maricon. Hindi na rin alam kung sino ang kinukumbinsi niya. Ito ba o ang sarili?

"Maricon—"

"No!" bulalas ni Maricon at tinakpan ang dalawang tainga. Agad na siyang nagkulong sa kuwarto. Paulit-ulit niyang pinagsasabihan ang sarili.

Hanggang sa napabuntong hininga na lang si Maricon. Kailangan niya nang ibayong pagtitimpi. Hindi siya dapat ma-touch sa mga sinasabi nito! Damn!

***

"Nasa labas kaya si Baldassare?" pigil hiningang tanong ni Maricon sa sarili at inilapat ang tainga sa main door. Hindi siya nakuntento sa ginawang pagsilip sa peep hole. Kahit wala si Baldassare kaninang sumilip siya ay gusto pa rin niya itong pakiramdaman. Kailangan kasi niyang lumabas. Pupunta siya sa publishing company at kuhanin ang cheke saka kakausapin si Miss Guerrero. Isa pa, kailangan na rin niyang mag-grocery. Dahil sa kakakulong ay naubos na ang isang buwang stock niya.

"Mukhang wala na siya." napapatangong kausap ni Maricon sa sarili makalipas ang ilang minuto pakikiramdam. Maagang nangulit ang lalaki kaya maaga niya itong naitaboy. Sana lang talaga ay huwag itong bumalik.

Hindi bale. Handa naman siya. Nakasuot sa kanya ang rosary na binili pa noon sa Baclaran. Nabendisyunan naman iyon. Sa magkabilang bulsa ay mayroon siyang holy water at asin. Sa dami ng armour niya ay hindi siya basta malalapitan ni Baldassare.

Binuksan na niya ang pinto at sumilip. Nang makitang walang tao ay mabilis na siyang lumabas at kinandado ang pinto. Matapos ay agad na siyang nagpunta sa elevator. Naging matiwasay naman ang lahat hanggang sa makarating sa labas at nag-abang ng taxi.

"Where are you going?"

Napasinghap si Maricon nang marinig ang boses ni Baldassare! Napalingon siya sa kanan. Kumabog ang dibdib niya nang makita itong nakatayo tatlong metro mula sa kanya. Mataman siyang pinagmamasdan.

"Ang sabi ko, saan ka pupunta?" ulit ni Baldassare at itinuro ang mga bulsa niya. "Can you remove them? Hindi kita malapitan."

Doon nagising si Maricon. Nang makitang walang tao sa paligid nila ay agad niyang inirapan si Baldassare.

"Hindi puwede! Tigilan mo na ako! Wala kang mapapala sa akin!" giit niya.

"It's not that. Let me be with you so I can take good care of you," pagsusumamo nito.

And damn his eyes. It was pleading! Nalito na naman si Maricon. Dahil doon ay hindi tuloy siya nakaramdam nang pandidiri o anumang negative. Nakokonsensya pa nga siya dahil sa paulit-ulit na pagtanggi. Pakiramdam niya ay ang sama-sama niya!

No! sagot ng matinong bahagi ng isip niya. Inaawat siya nitong huwag bumigay.

"Maricon—"

Hindi na ito pinansin ni Maricon. Agad na siyang pumara ng taxi at sumakay. Halos hindi na humihinga si Maricon nang makaupo sa passenger seat. Ang bilis-bilis tuloy ng tibok ng puso niya.

Hindi nagtagal ay nakarating na si Maricon sa publishing company. Pagbaba niya ng taxi ay napaungol na lang siya nang madatnang prenteng nakatayo si Baldassare sa gate. Nauna pa ito! Nakakaloka!

At hindi na magtataka pa si Maricon kung paano siya nito natunton. Isa itong demon. Maraming kayang gawin at isa na roon iyon.

"Hi!" bati nito at ngumiti. Lalo tuloy itong naging pogi. Muntikan na namang nakalimot si Maricon. Naging maagap lang ang matinong bahagi ng isip na awatin siya.

Hindi na lang ito sinagot ni Maricon. Deadma lang siya. Pumasok na siya at sumunod pa rin ito. Hindi tuloy niya ito masita dahil may mga tao na siyang nakakasalubong.

Minabuti na lang ni Maricon na ituon ang atensyon sa pakay niya sa publishing. Nagpunta siya sa accounting para kuhanin ang payment. Matapos ay pinuntahan naman niya ang editor. Sa isang tahimik na room nila pinagusapan ang detalye nang gagawin niyang sequel. Si Baldassare naman ay aali-aligid lang. Patingin-tingin sa mga librong nasa shelves. Napapailing na lang si Maricon.

"Kapag ipapasa mo na sila, i-note mo na lang na ako ang reader para sa akin ibigay. Okay?" nakangiting bilin ni Miss Guerrero.

"Okay, Ma'am." nakangiting sagot ni Maricon.

Saglit pa silang nagusap hanggang sa nagpaalam na siya. Paglabas ng kuwarto ay nakasalubong niya si Maureen—ang co-writer niya. Kaedad ito ni Maricon pero nauna ito ng isang taon sa kanya.

Napabuntong hininga na lang si Maricon nang lampasan nito nang tingin. Noong ipakilala ito sa kanya ng isang editor ay obvious ang matabang nitong pakikitungo. Nagtataka si Maricon pero sa huli ay inisip na lang niya na hindi ito friendly.

"That girl don't like you," ani Baldassare. Mukhang na-sense din nito iyon.

Hindi na lang kumibo si Maricon at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi naman niya magawang sagutin din si Baldassare dahil maraming nakakakita.

"I could smell her intense jealousy. Umaabot sa puntong isinusumpa ka niya dahil sa husay mo,"

Nagulat si Maricon. Hindi agad siya makahuma. Hindi niya inaasahang sukdulan ang inggit ni Maureen para pagisipan siya ng ganoon!

"And right now, I can hear her in thoughts. Masyadong matindi ang selos niya para marinig ko ang mga masasama at pangit na isipin para sa'yo. Gusto ka niyang maaksidente para mawala na at hindi makapagsulat. In that way, mare-recognize siya." malamig na anas ni Baldassare.

"Hindi totoo 'yan!" nagtitimping asik niya. Sinikap niyang hinaan ang boses para walang makarinig. Halos pangapusan siya nang hininga kakapigil sa sariling damdamin. Hangga't maaari ay ayaw niyang magisip ng pangit para kay Maureen.

"Hey! Saan ka pupunta?" gulat na tanong ni Baldassare nang bilisan ni Maricon ang lakad. Hindi na niya matagalan iyon. Ni hindi maatim ng sikmura ni Maricon na mayroong sagad hanggang buto ang inggit sa kanya.

Walang ibang gusto si Maricon kundi ang gawin ang pangarap. That's the only thing she have: her passion. Mayroon pa palang ibang tao ang pagiisipan siya ng hindi maganda dahil lang sa hinuhusayan niya.

Hindi nagtagal ay natagpuan na lang ni Maricon ang sarili nakaupo sa ilalim ng puno. Sa malapit na park siya dinala ng mga paa. Sobrang bigat ng dibdib ni Maricon. Hindi na ba mauubos ang mga taong nagiisip ng masama sa kanya? Kahit sa pagabot ng pangarap ay mayroon pa ring taong pumipigil?

"Maricon, don't cry." masuyong anas ni Baldassare. The devil was whispering again.

Naiyak pa rin si Maricon. Hindi na niya ito nakuhang itaboy at pansinin. Nasa mabigat na dibdib ang atensyon niya. Napabuga ng hangin si Baldassare. Nagpapalakad-lakad ito. Mukhang gustong lapitan siya pero wala itong magawa dahil sa mga armour niya.

"I said don't cry!" natataratang saad nito ng hindi pa rin siya tumatahan.

Luhaang napatingin si Maricon dito. Napaungol si Baldassare. His eyes started to stared back at her softly.

"Shit." anas nito at napatingin sa malayo. Hindi alam ni Maricon kung ano ang iniisip nito hanggang sa napasinghap nang muli siyang balingan ni Baldassare. Pumitik ito at umulan ng tissue!

"A-Ano'ng..." namamanghang anas ni Maricon habang nakatingala sa puno. Walang palatandaan kung saan galing ang mga tissue. Hindi naman bathroom tissue iyon kundi mga maliliit na kuwadrado na handang ipamunas sa luha niya.

"Hindi kita malapitan para mayakap. Wala akong ibang maisip na paraan para pagaangin ang damdamin mo kundi bigyan ka na lang ng tissue para ipamunas sa luha mo," paliwanag ni Baldassare. Namumula pa ang mga tainga. Mukhang hindi kumportable sa ginawa.

And she was touch. Mabuti pa ang demon na ito, concern. Ang mga taong nakapaligid sa kanya, walang ibang gusto kundi ang mamatay siya. Ang ina lang ang masasabi niyang concern. Maliban doon ay wala na.

"Don't worry. Hindi ko hahayaang mangyari ang iniisip niya. As long as I am here, nothing bad will happen to you." pangako nito.

Bumilis ang tibok ng puso ni Maricon. Biglang-bigla, gusto tuloy niya itong tanungin. Demon ba talaga ito o anghel? Parang hindi na kasi ito demon. Parang mas bagay kung anghel ito. He was... nice.

Papayagan na ba niya itong mapalapit sa kanya?