Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 31 - DESPERATE TIMES

Chapter 31 - DESPERATE TIMES

"Inconnu! I am calling you! Where the hell are you!" luhaang sigaw ni Sierra. Wala na siyang pakialam kung naririnig man siya ng mga katulong. She was desperate now. Isang linggo na niyang tinatawag si Inconnu pero hindi ito lumitaw.

Napahagulgol na siya sa pagkakataong iyon at napahiga sa semento. Nanlalabo na ang paningin niya dahil hilam na ng luha. Hindi na niya alam ang gagawin! Ginawa na niya ng paulit-ulit ang nasa libro. Everything seemed pointless.

Ayaw na ba siyang puntahan ni Inconnu? Isa iyon sa mga naiisip ni Sierra. Maaaring naririnig siya nito pero hindi na nagre-respond. At sa tuwing naiisip iyon ay nadudurog ang puso niya.

O baka naman hindi na talaga ito puwedeng pumunta sa mundo ng mga tao? Puwede rin ang posibilidad na iyon. Maybe the King of hell forbids him and it was breaking her bit by bit. Damn, it was so tragic. Hanggang doon na lang ba sila?

"No... Inconnu ... please... I want to see you..." luhaang anas niya at impit na naiyak. Hindi niya tuloy napigilang itanong sa sarili kung bakit ganoon? Bakit kung kailan alam na ng daddy niya at tanggap na sila, saka naman ito hindi nagpapakita...

Nakatulugan na niya ang pagiisip. Kinabukasan, ganoon ulit si Sierra. Nagdasal nang nagdasal nang paulit-ulit at ginawa ang ritual hanggang sa desperadong ihinagis niya ang lahat. Nagwala siya sa sobrang galit hanggang sa napahagulgol sa mga palad...

"Why... why..." nanghihinang anas niya at luhaang napatingin sa itim na libro. Mula sa kinauupuan ay nabasa niya ng incantation para sa pagsummon ng ibang... demon...

Kung hindi ko mai-summon si Inconnu, puwede pa akong magtawag ng ibang demon... ani Sierra sa sarili at kinabahan. Ah, kailangan niyang makasiguro. Kinuha niya ang libro at muling binasa. Kumabog ang dibdib niya ng makumpirma puwede siyang magtawag ng iba!

Pero papaano kung tuso ang matawag mong demon? Papaano kung hindi kagaya ni Inconnu? Papaano kung utakan ka at kaluluwa mo ang maging kapalit?

Naikuyom ni Sierra ang kamao. Binalot ng kakaibang determinasyon ang puso niya. Eh ano kung kaluluwa na niya ang kapalit? Ibibigay niya! Ang mahalaga, makita at makasama niya si Inconnu...

Huminga siya ng malalim at binasa ulit ang incantation. Kailangan niya ulit ng panibagong mga kit. Nadagdagan din ng materyales iyon: kailangan niyang haluan ng sariling dugo ang kit.

Tumalima siya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Bumili siya ng mga dugo at paguwi ay ganoon ulit ang ginawa niya. Napangiwi siya ng hiwain niya ang sariling palad. Nangingilo man sa sakit, tiniis niya. Hinayaan niyang dumaloy ang dugo sa mangkok at hinalo iyon.

Binalot niya muna ang palad na mayroong sugat bago simulan ang sermonyas. Kinakabahan man, nilakasan na niya ang loob. Huminga siya ng malalim bago simulang bigkasin ang incantation...

"I call upon a demon to be sent up from hell, make them a watcher of this irrevocable spell..." anas ni Sierra habang nakapikit ang mga mata.

Nahigit niya ang hininga ng makaramdam ng kakaibang presensya sa kuwarto. Biglang kumabog ang dibdib niya. Nanlaki ang ulo niya. Pinigilan niyang huminga ng makaamoy ng sulfur...

Sa kabilang banda, namangha si Sierra sa bilis. Hindi man niya ganap iminumulat ang mga mata, alam niyang dumating agad ang demon. Ramdam niya ang nakakatakot na presensya na nagpapatayo ngayon ng kanyang mga balahibo...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Open your eyes now and let's talk."

Kumabog ang dibdib ni Sierra sa malagom na tinig na iyon. Natakot siyang magmulat. Pakiramdam niya, hindi iyon tamang gawin. Pakiramdam niya, mayroong mangyayari oras na makita niya ito ng harapan...

Pero kailangan niya iyong gawin. Kailangan niya itong harapin. Para kay Inconnu. Para iyon sa kanila. Titiisin niya...

Pigil hiningang binuksan niya ang mga mata. Bumungad sa kanya ang isang napakaguwapong lalaki. Naka-all dark gray suit ito. Nahahawig ni si Paul Wesley, ang Hollywood actor na gumanap bilang Stefan Salvatore sa Vampire Diaries. Napalunok siya ng makita ang itim nitong mga mata. Hindi iyon kagaya ni Inconnu na all red pati na iris. Kakaiba din ang demon na ito. Buong mata, pati sclera ay itim!

Malaking lalaki ito. Tingin niya ay kasing laki ni Inconnu. Mula katawan, height at pati na rin ang tindig. Napapaligiran ito ng itim na usok. Umaalingasaw din ang nabubulok na amoy na nahahaluan ng sulfur. Pinigilang maduwal ni Sierra. Paulit-ulit siyang lumunok para pigilan ang sariling masuka.

"Are you going to stare at me or what?" malamig nitong untag.

Napakurap-kurap si Sierra at kinalma ang sarili. Tumikhim siya. "Okay, okay. Let me introduce myself. I am Sierra Manaois. And you are?"

"Baldassare," anito.

Napatango siya. "Okay, Baldassare. Let's make a deal—"

"I don't do such things," agad nitong putol.

Napatanga siya. Biglang bumagsak ang pakiramdam. Gayunman, mabilis niyang pinagana ang isip. Hindi puwedeng mauwi sa wala ang pag-summon niya dito! "Okay, okay. T-Tinatawag ko si Inconnu. Isa rin siyang demon kagaya mo. Hindi siya lumalabas. Gusto kong malaman kung okay ba siya. Magpapa-relay na rin ako ng message. Pakisabi—"

"Hindi mo matatawag si Inconnu sa impyerno dahil wala na siya doon. He ascended. Nandito siya sa mundo ninyo," malamig nitong sagot.

Napatanga siya. "N-Nandito? Kailan pa? Bakit hindi niya ako pinupuntahan?"

"I don't know. Siya lang ang makakasagot niyan," anito saka napabuga ng hangin. "I really have to go. Kapag nalaman ito ni Hades, pati ako ay madadamay. Humans..." anito at dismayadong napailing. "You lack brains, Sierra."

"B-Bakit?" litong tanong niya.

"Hindi aabot sa ganito kung nakinig ka lang sa tatay mo." malamig nitong saad. "I watched Inconnu. I know what happened. You see, I am enjoying watching humans stupidity. Love, care, trust and respect. They were all overrated. They were all sources of evil too. Ang mga taong nagmamahal, nagiging masama. Kayang magpakasama para sa taong mahal. Ang mga taong masasama, nagiging mabait. Kayang magpakabait at magbago para patunayan lang ang pagibig. Stupid."

Natawa si Sierra at nakangiti itong pinagmasdan. "Right. We are stupid. At hindi mo na mararanasan kung gaano kasarap ang maging tanga kung nagmamahal ka."

Naningkit ang mga mata ng demon pero hindi nakaramdam ng takot si Sierra. Matapang niyang sinalubong ang titig nito. "Tell me. Nasaan si Inconnu? Kung gusto mo ng kapalit, ibibigay ko basta sabihin mo lang kung nasaan siya."

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Baldassare. "I told you, I don't do such things. Pero sasabihin ko pa rin kung nasaan siya. Nasa lugar si Inconnu malayo sa'yo. The moment he ascended, maybe he thought of a place far away from you. It was one way of saving you. He's in Cebu."

Biglang kumabog ang dibdib ni Sierra. Lihim siyang natuwa! Mapupuntahan na niya si Inconnu sa Cebu! Tama pala ang sapantaha niya. Mukhang may kinalaman sa lindol ang pag-ascend ni Inconnu.

"Thank you—"

"Don't thank me. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nasabi ko ito basta?" malamig na tanong ni Baldassare.

Natigilan si Sierra dahil may punto ito. Hindi ito humingi ng deal o anuman! What is going on?

"B-Bakit?" pigil hininga tanong niya.

Ngumisi si Baldassare. "Dahil kahit sabihin ko sa'yo, hindi mo siya makikita. Hindi siya magpapakita sa'yo. He loves you. And that is the only way he knew how to save you..." anito saka tuluyang umusok at unti-unting naglaho.

Napakurapkurap si Sierra. Natulala siya sa sinabi nito hanggang sa naluha. Nakakaiyak kung ganoon ang ginagawa ni Inconnu ngayon.

Pero hindi siya susuko. Alam na niya kung nasaan si Inconnu. Babaligtarin niya ang buong Cebu! Ang mahalaga, magkita sila!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Miss, kilala ho ba ninyo ito?" pigil hiningang tanong ni Sierra sa tindera nga mga pirated DVDs. Nagpagawa siya ng cartographic sketch ni Inconnu since wala itong litrato. Iyon ang ipinakikita ni Sierra sa lahat ng tao para hanapin ito. Magmula ng malaman niya kung nasaan si Inconnu dalawang linggo ng nakararaan, iyon agad ang ginawa niya. Umupa din siya ng private investigator—si Mr. Jejomar Mario. Isang retiradong NBI agent. Fifty five years old. Inupahan niya ito para mapadali at doon ito nakahanap ng impormasyon. Ayon sa mga taong napagtanungan nito ay may mga sightings sa palengke si Inconnu.

Aminadong nahihirapan ang PI na inupahan niya dahil na rin sa nangyari sa Cebu. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nakakabawi ang lugar. Dahil doon ay nagpasya siyang pumunta din doon para hanapin si Inconnu. Sa ngayon ay dalawa silang naghahanap dito. Tuwing hapon ay nagkikita sila para magbalitaan.

Sa kabilang banda, tinawagan ni Sierra agad ang ama at ibinalita ang nangyari kay Inconnu. Nagboluntaryo itong umuwi. Ito na muna ang tumitingin sa kumpanya ngayon. Nangako naman siyang babalik agad oras na mahanap si Inconnu. Sobra siyang nagpasalamat sa ama dahil sa suportang ibinigay nito. Ipinangako din niya sa sarili na babawi sa ama oras na maayos niya ang lahat sa pagitan nila ni Inconnu.

Nagsalubong ang kilay ng matandang tindera. Sa palengke siya ngayon nagtatanong-tanong. Habang tumatagal, nagaalala siya sa lalaki. Naisip kasi niya kung naging tao ito, saan ito tumutuloy? Maayos ba ito? Kumakain ba ito sa oras? May natutulugan ba? Naalala din niya ang sinabi ni Baldassare. Hindi ito nagpapakita sa kanya para maging ligtas siya. Ligtas saan? Kanino?

Ibig bang sabihin ng isang ascended demon ay delikado itong nilalang? Maraming tanong sa isip niya na kailangan ng kasagutan. At masasagutan lang iyon oras na makita niya si Inconnu. Ito lang ang makakapagpaliwanag sa kanya.

Kinabahan si Sierra ng makita ang reaksyon ng matanda. Pigil hiningang hinintay niya ang sagot nito. "Pamilyar nga. Parang iyong nasa Vampire Diaries ito,"

Bumagsak ang pakiramdam ni Sierra. Hindi niya masisisi ang matanda. Pamilyar ito sa TV series dahil isa iyon sa mga binebenta nito. Kung naibang pagkakataon, natawa na siya. Pero dahil its-a-matter-of-life-and-death iyon, hindi niya magawa. Gusto na niyang maiyak!

"Kamukha lang ho ni Ian Somerhalder ito..." paliwanag niya at napabuntong hininga. "Sige ho. Maraming salamat na lang. Magtatanong na lang ho ako sa iba,"

Tumango na ito at tumalikod. Siya naman ay pumihit na at hindi sinasadyang nahagip ng paningin sa hindi kalayuan ang bulto ni Inconnu!

Biglang nanayo ang mga balahibo ni Sierra. Awtomatiko ang naging paggalaw niya. Kumakabog ang dibdib na nakisiksik siya sa mga tao!

"E-Excuse me." aniya sa isang lalaking nakaharang sa daan. Hindi na niya ito hinintay na tumabi. Tinabig na niya ito at dali-daling nagpunta sa dating kinatatayuan ni Inconnu. Nahirapan man dahil sa dami ng tao, makalipas ang maraming minuto ay nakarating din siya roon.

Pawisang iginala niya ang paningin hanggang sa lumubog ang puso niya ng hindi na ito nakita. Pakiramdam ni Sierra ng mga sandaling iyon ay parang napagod na siya. Hindi niya magawang maglakad o kumilos. Sa gitna ng maraming tao, nakatayo siya. Hinahayang mabangga ng mga tao.

Hanggang sa nadapa siya ng matabig ng isang malaking lalaki. Naiiyak man, pinigilan niya. Muli, pinaalalahanan niya ang sarili. Hindi siya dapat umiyak! Dapat ay tumayo siya at ipagpatuloy ang paghahanap kay Inconnu!

"Excuse me! Nakikilala ho ba ninyo ito?" hindi sumusukong tanong ni Sierra sa isang dalagang nakasalubong. Maganda ito at sexy. Kita niya iyon sa suot nitong mini-skirt at sleeveless blouse. Tingin niya ay kaedad lang niya ito.

Natigilan ito at tinitigan ang sketch. Napakunot ang noo niya ng bigla itong napalinga hanggang sa natigilan. Sinundan niya ang tinitingan nito pero nagtaka siya ng makitang wala naman itong tinitingan. Nang balikan niya ng tingin ang babae ay kinutuban siya ng makitang namutla na ito. "Miss, importanteng makita ko siya. Inconnu ang pangalan niya at—"

"H-Hindi ko siya kilala. Pasensya na..." tarantang saad nito saka dali-daling umalis.

"Miss!" sigaw niya at pinilit itong hinabol. Gayunman, mabilis ang babae. Gusto na niyang magpapadyak ng hindi na ito masundan at nawala na sa paningin!

Napabuga siya ng hangin. Nararamdaman niya, nandoon lang si Inconnu. Pati ang babaeng iyon, tingin niya ay may kinalaman sa lalaki. Naikuyom niya ang kamao. Naging solido ang desisyon ni Sierra na hindi iiwanan ang lugar na iyon. Doon niya hahanapin si Inconnu!