MARIING NAKAKUYOM ang mga kamao ni Inconnu habang nakatanaw sa gusali ng ospital kung saan naka-confine pa rin si Sierra. Balita niya ay malapit na itong lumabas. Iyon nga lang, dadaan pa ito sa theraphy dahil sa damage na natamo ng mga tuhod nito at kanang kamay. Nalaman niya ang aksidente ng maipalabas iyon sa TV. Biglang-bigla siya at labis na nagalala dito.
Dahil doon ay agad nilang pinuntahan ito ni Nadia sa Manila. Hinanap nila ito dahil hindi nagbigay ng personal na impormasyon ang ospital na pinanggalingan nito sa Cebu. Dahil doon ay hindi naging madali na hanapin si Sierra. Nagtanong-tanong pa sila ni Nadia hanggang sa tuluyan itong natunton.
Aaminin ni Inconnu, hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Sierra ng makita ang kalagayan nito. Hindi nito alam kung gaano kasakit para sa kanyang makita itong ganoon. Kung naghihirap ito, ganoon din siya dahil sa kabila ng ginawa niyang pagtalikod dito ay siya rin mismo ang nahihirapan...
Pero kailangan niya iyong gawin. Wala siyang ibang choice dahil siguradong hindi lang iyon ang mangyayari kay Sierra oras na nakinig siya sa damdamin...
"Bakit hindi mo sabihin kay Sierra ang totoo? Malay mo? Maintindihan niya at baka matulungan ka niya?" seryosong untag ni Nadia at tumayo sa tabi niya. Nakitingin din ito sa building. Sabay sila nitong napabuntong hininga matapos nitong magsalita.
Kay Nadia siya lumapit pagdating sa mundo ng mga tao. Naisip niyang maiintindihan siya nito dahil sa lahat ng tao, pamilyar ito sa mga taong kagaya niya. Hindi naman siya nabigo. Tinulungan siya nito. Dahil dito, nagkaroon siya ng matitirhan at naging ligtas sa mga demon...
And it was all because Nadia possessed a shield. Noong mapunta siya rito ay doon niya natuklasan iyon dahil tumigil ang mga demon na puntahan siya. Ang kwento nito, noong bata daw ito ay lumaki ito sa poder ng lola—ina ng nanay nito. Patay na ang mga magulang nito kaya ang matanda ang kumupkop dito. Balita sa baryo nila na isang mangkukulam ang lola niya kaya kinatatakutan sila.
Naniniwala si Nadia dahil ilang beses daw nitong nahuhuling may mga ritual kit ito sa kubo nila. At bago ito namatay limang buwan ng nakararaan, ginusto nitong ilipat dito ang itim na kapangyarihan. Bagay na bagay daw iyon sa kanya dahil isa siyang psychic. Mas lalakas pa ang kapangyarihan niya kung madadagdagan pa iyon.
Pero tumanggi si Nadia kaya ang ginawa na lang ng lola nito ay dinasalan siya para ilayo sa anumang peligrong magiging dala ng abilidad nito. Iyon ang shield na bumabalot ngayon dito. At dahil sa shield na iyon, sa tuwing malapit siya rito at nananatili siyang ligtas. Napatunayan na niya iyon sa maraming pagkakataong inaatake siya ng demon pagwala ito. Kapag dumating ito ay biglang naglalaho ang mga iyon. Kaya rin sila lipat ng lipat ng tinitirhan ay dahil doon.
Naintindihan ng matanda na ayaw ni Nadia ng ganoong buhay. Kaya nga rin daw ito nauwi sa pagiging prostitute dahil wala itong ibang alam na gawin. Hindi pinagaral ng matanda si Nadia dahil ang gusto nito ay ihanda siya sa pagsunod sa yapak nito. Sinubukan nitong magmahal, bumuo ng pamilya para maiba din ang buhay pero sa huli ay niloloko lang din siya ng mga lalaki. Hindi siya sineseryoso oras na malaman kung anong pamilya ang pinanggalingan niya.
Naging prostitute si Nadia dahil iyon lang ang alam nitong gawin para mabuhay. Mas madali ang kita. Wala namang balak magtagal sa ganoong buhay si Nadia. Oras na makaipon ay magbabago din ito ng linya. Kung ano'ng linya iyon ay hindi pa nito naiisip. Dahil ang atensyon ni Nadia ay na kay Inconnu.
"Mukhang mahal na mahal ka niya. Siguradong sobra mo siyang nasaktan sa mga sinabi mo," seryosong dagdag ni Nadia.
Isang mahabang hininga ang pinakawalan ni Inconnu. Hindi siya sumagot. Dahil sa patong-patong na kamalasang nakapatong sa kanya ngayon, iyon ang naisip niyang solusyon. Gustong-gusto na niyang sabihin ang totoo kay Sierra pero sa tuwing naiisip niya ang kamalasang nakakabit sa kanya at ang mga kayang gawin ni Sierra para sa kanya, pinaghihinaan siya ng loob. Natatakot siya. Ayaw na ayaw niya itong madamay kaya niya ginagawa iyon.
Okay lang sana kung buhay lang niya ang kapalit ng kaligtasan nito. Hindi siya magdadalawang isip na ialay ang sarili sa mga demon. Kaya lang ay hindi ganoon ang kaso. Kahit patay na siya ay hindi pa rin titigil si Hades...
"Hindi puwedeng malaman ni Sierra ang totoo dahil siguradong gagawa siya ng paraan para dito," malamig niyang sagot saka tinitigan si Nadia. "I am sorry for everything Nadia. Nadamay ka na sa gulo ng buhay ko..." hinging paumanhin niya dito. Kahit papaano ay nakakaramdam siya ng hiya para sa dalaga. Kahit nagkaliwanagan na sila nito na walang romantikong nosyon ang nangyari sa kanila noon ay nahihiya pa rin siya rito.
Unti-unti, naiintindihan na ni Inconnu ang mga tao. Being one of them made him realized that now. He was now able to feel everything. At hindi niya pinagsisisihang naging tao. Kung iyon ang magiging kabayaran para mapanindigan niya ang pagmamahal kay Sierra, walang magiging kaso sa kanya. Noong natuklasan niya kung gaano niya kamahal ang dalaga, doon naintindihan ni Inconnu ang lahat.
Na ang taong nagmamahal ay nagsasakripisyo. Inuuna lagi ang kapakanan ng taong mahal. Iniisip unang-una ang kalagayan nito gaano man iyon magiging mahirap sa parte niya. At handa siyang maghirap basta masigurado lang ang magiging kaligtasan ni Sierra...
"Okay lang ako. Sanay na ako sa ganito dahil noon pa man, mayroon ng mga kaluluwang lumalapit sa akin para humingi ng tulong at magkaroon ng katahimikan. Pero si Sierra ang inaalala ko..." naawang saad ni Nadia at napabuntong hininga. "Masama ang loob niya sa'yo ngayon. Naaksidente pa siya at mukhang mas lalo siyang nagalit sa'yo. Ginawa niya ang lahat pero itinaboy mo lang siya. Hindi ko siya masisisi kung abot hanggang langit ang galit niya at pagaralang kalimutan ka. Handa ka na ba talagang mawala siya?" seryoso nitong tanong.
Natigilan si Inconnu. Handa na ba talaga siyang tuluyang mawala si Sierra sa buhay niya? Bigla niyang naalala ang pait at sakit sa mukha nito noong dalawin niya ito sa ospital. Hindi niya masikmura ang nakikitang panginginig nito dahil sa pagpipigil sa emosyon. Gusto niya itong yakapin noon at pakalmahin. Gusto niya itong samahan hanggang sa paggaling pero lintik! Hindi niya magawa!
Wala siyang ibang magawa kundi ang lunukin ang lahat ng iyon at tiisin para sa kaligtasan nito...
Ngayon, makakaya kaya niyang tuluyan siyang kalimutan ni Sierra?
"Nakikita lang natin ang ospital, Inconnu. Walking distance lang ang pagitan ninyo ni Sierra. Madali mo lang siyang malalapitan oras na magbago ang isip mo," seryosong saad ni Nadia saka siya tinapik sa balikat.
Natahimik si Inconnu at muling napatitig sa building. Biglang kumabog ang dibdib niya at hindi mapakali. Nagtatalo ang damdamin niya.
Ano ba ang paiiralin niya? Ang maging tama o ang pagmamahal niya kay Sierra? Bigla niyang naalala ang mga kamalasan. Naikuyom niya ang kamao at nagngitngit. Gusto niyang magalit sa sitwasyon! Naging tao na nga siya pero hindi niya pa rin puwedeng makasama si Sierra...
Bigla din niyang naalala ang maamong mukha ni Sierra. Bigla niyang naalala ang sakit at lungkot sa mukha nito. Parang pinisil ang sikmura niya. Sumakit din ang dibdib niya at ginustong makita ito para pagaangin ang pakiramdam. Damn... he missed her so damn much. He wanted to be with her till the end of time.
At natagpuan na lang ni Inconnu na naglalakad ng mabilis papunta sa ospital. Kumakabog ng todo ang dibdib at si Sierra ang nasa isip. Gusto niyang matawa sa sarili. Ngayon, natuturete siya. Akala niya, normal lang ang pakiramdam na iyon noong demon pa siya. Lagi siyang natuturete pagdating kay Sierra.
Pero ngayon napatunayan ni Inconnu na iyon ang normal niyang nararamdaman para sa dalaga. Kahit kailan ay hinding-hindi mapapakali ang puso niya pagdating dito. At dito lang mararamdaman ni Inconnu ang ganoong uri ng pakiramdam...
Pero ang lahat ng pagasang sumibol sa puso ni Inconnu ay napalitan ng pagaalala ng makarinig siya ng malakas na pagsabog sa loob ng ospital. Bigla siyang naalarma ng magkaroon ng itim na usok sa second floor ng ospital. Doon ang kuwarto ni Sierra!
"Shit!" alalang sigaw ni Inconnu at agad na pumasok sa ospital. Hindi niya pinansin ang mga taong nagsisigawan at naguunahang lumabas. Agad siyang nagpunta sa kuwarto ni Sierra. Hindi naging ganoong kadali dahil sa dami ng mga taong naguunahan.
Gayunman, nagawa ni Inconnu sa huli. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita ang limang demon na pilit na binubuksan ang kwarto ni Sierra. Nakasuot ng pang-nurse ang mga ito pero pare-parehong itim ang mga mata.
Biglang kumabog ang puso niya ng mapalingon ang lima sa kanya. Gayunman, hindi siya nakaramdam ng takot. Agad niyang hinanda ang sarili ng atakehin ng mga ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"D-DAD? W-WHAT happened?" takang tanong ni Sierra ng wala na siyang marinig na pagkalabog sa pinto ng kuwarto nila. Madi-discharge na nga siya pero bigla siyang inatake ng mga demon! Ang buong akala niya ay tutulungan siya ng mga ito sa paglabas dahil dalawa lang sila ng daddy niyang magbaba ng gamit. Hindi kasi nakapunta si Nana Lilith para tulungan sila dahil inihanda nito ang iba pa niyang gamit para sa pagpunta sa kumbento.
Mabuti na lang din ay naging maagap sila ng daddy niya. Dahil hindi pa rin siya nakakakita, pangamoy ang nagamit niyang paraan para malamang demon ang mga iyon. Naamoy niya ang sulfur sa kanila. Ang daddy naman niya ay napansing itim na itim ang mga mata nila. Agad siya nitong ikinulong siya sa banyo at ito ang nakipaglaban sa mga demon gamit ang holy water. Napalabas naman ng matanda ang mga ito. Gayunman, mukhang ikinagalit nila iyon dahil nakarinig sila ng pagsabog pagkatapos noon. Nakaamoy na rin sila ng sunog. Hula niya ay pinasabog ng demon ang ilang kuwarto para matakot siya at lumabas.
"I-I don't know. Wait, tatawagan ko ang ospital para malaman ang—"
Napasigaw sa gulat Sierra ng marinig ang pintong biglang bumukas dahil sa matinding puwersa. "A-Ano hong nangyayari, dad?" litong tanong ni Sierra.
"S-Si Inconnu, bumalandra siya sa pinto at pinagtutulungan ng mga demon!" alalang sagot ng daddy niya at naramdamang gumalaw ang wheelchair. Hula niya ay inilayo siya nito sa gulo. Bigla niyang nakalimutan ang atraso ni Inconnu sa kanya at binalot agad siya ng pagaalala.
Hindi niya mapigilan. Lima daw ang demons at nagiisa lang si Inconnu. Isa na rin itong tao! Ano ang laban nito sa mga demon? Lalong nagalala si Sierra sa naisip.
"Tama na!" alalang sigaw niya ng marinig ang daing ni Inconnu. Pakiramdam niya ay matindi na ang ginagawang panggugulpi kay Inconnu. Agad niyang pinagana ang isip. Hindi pa naman siya makakilos dahil naka-upo siya sa wheelchair! Naalala niya ang asin na ibinigay sa kanya ni Fr. Simon at agad tinawag ang daddy niya para kuhanin iyon sa bag! Agad naman itong tumalima at sa isang iglap ay isinaboy na iyon sa limang lalaki.
"Argh... ark..." nasasaktang ungol ng mga ito at nakarinig si Sierra na tila nasusunog na kahoy. Hula niya ay nagsipagusukan ang mga ito. Napalunok si Sierra at natakpan ang ilong ng umalingasaw ang amoy sulfur ng mga demons.
"Regna terrae, cantata Deo, psallite Cernunnos, Regna terrae, cantata Dea psallite Aradia..." hinihingal na anas ni Inconnu sa wikang latin at nagsipagungol ang limang kalalakihan. Para silang hindi mapakali sa pagkakahiga. Dinig ni Sierra ang paggulong-gulong nila habang binibigkas ni Inconnu ang dasal at nasisiguro niya, anuman iyon ay mayroong masakit na epekto sa mga demon.
"Caeli Deus, Deus terrae, Humiliter mjaestati gloriae tuae supplicamus U tab omni infernalium spirituu, postate, laqueo, and deception nequitia, Omnis fallaciae, libera nos, dominates..." pagpapatuloy ni Inconnu. Halos sumabog ang puso sa kaba ni Sierra. Napakahirap ng sitwasyon niya. Hindi niya makita ang nangyayari at nagbabase lang siya sa pandinig!
Nagpatuloy ito at tahimik lang silang magama sa isang sulok. Mukhang effective naman ang ginagawa ni Inconnu kaya hindi sila nakikialam. Niyakap siya ng ama para protektahan.
"Ut inimicos sanctae circulae humiliare digneris, Te rogamus, audi nos! Terribilis Deus Santuario suo, Cernunnos ipse truderit virtutem plebe Suae, Aradia ipse fortitudinem plabi Suae. Benedictus Deus, Gloria Patri, Benedictus Dea, Matri Gloria!" pinal na saad ni Inconnu.
"Aahh! Argh... ark..." hirap na anas ng limang kakalihan hanggang sa napasigaw. Ilang minuto nagtagal iyon hanggang sa binalot sila ng kalalakihan.
"A-Ano'ng nangyari?" tanong niya.
"Pinulsuhan ni Inconnu ang mga lalaki at mukhang... patay na sila," seryosong sagot ng daddy niya.
"They were possessed. Hindi nailigtas ng exorcism spell ang mga buhay nila dahil kakaibang demon ang sumanib sa kanila. Alaga ho iyon ni... Hades..." matapat na paliwanag ni Inconnu. Naiyak na si Sierra. Hindi na niya napigilan. Marami ng nadadamay ng dahil sa kanya!
"Iha, it's not your fault..." nagaalalang anas ng matanda.
Luhaang umiling siya. "Hindi niya ako titigilan. Hades wants me dead..." luhaang anas niya.
"Shit!" galit na sigaw ni Inconnu. Napaigtad si Sierra sa biglang sabog ni Inconnu. Saglit siyang nagulat hanggang sa natawa ng mapakla.
"Why, Inconnu? Are you guilty?" naghihinanakit niyang tanong. Hindi niya mapigilang makaramdam ng ganoon dito. Hindi pa rin magbabago ang katotohanang ito ang dahilan kung bakit niya nararanasan iyon.
"Sierra..." nanghihinang anas ni Inconnu at naiyak siya ng maramdamang lumuhod ito sa harapang niya at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Please, listen carefully. Aaminin ko, niloko kita and I am sorry for that. Kailangan ko itong gawin dahil alam kong idadamay ka ni Hades..."
"Galit na galit si Hades. Nauubos na ang legendary devils niya. Ang una, si Demetineirre. He fell in love with a human and he was dead now. Ginamit niya ang kaluluwa niya para mai-seal ang gate ng hell nang mapigilan ang paglabas ng mga demon na papatay sa kanya at mailigtas ang babaeng minahal niya," paliwanag ni Inconnu at napabuntong hininga. "And now, me. I fell in love with you, Sierra. Ginawa ko ang lahat para hindi niya matuklasan ito nang mailayo ka sa lahat ng posibleng panganib. I tried to close the gate using my soul but the reaper won't show up nevertheless instead, Hades' messenger came to me. He declared war." mahabang paliwanag ni Inconnu.
"A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Sierra. Halos hindi siya makahuma. Halos sumabog na ang ulo niya sa halo-halong impormasyong sinasabi ni Inconnu.
"Sinadya ni Hades na huwag sumara ang pinto ng impyerno para makalabas ang mga demon dito sa mundo at hanapin ako." mapait nitong pagtatapat at napahinga ng malalim. "I am sorry for not coming to you instead. Patawarin mo ako kung si Nadia ang nilapitan ko..." anito sa sinabi ang lahat ng tungkol sa babae.
Lumuluhang tumango si Sierra. Ngayon ay ganap niyang naiintindihan ang lahat at hindi niya na magawang magtampo kay Inconnu. Naiitindihan niya ang mga dahilan nito at hinayaan itong magpaliwanag pa sa kanya.
"First, I am sorry about Buer." nahihiyang dagdag nito at napayuko. "Aaminin ko, I did it on purpose. Wala akong ibang nasa isip noon kundi ang mapunta sa posisyon niya at makuha ka. Pero maniwala ka, pinagsisisihan ko na ngayon iyon at nakahanda akong bumawi para makalimutan mo ang lahat..." nagsusumamong saad ni Inconnu.
Napabuntong hininga ito at nagpatuloy. "I am sorry for not being there too. Akala ko, kapag itinaboy kita ay hindi ka na gagantihan ni Hades pero nagkamali ako. Pareho niya tayong hindi titigilan. I am so sorry for that... Damn... I am so sorry..." nagsisising anas ni Inconnu na tuluyang tumunaw sa puso ni Sierra.
Niyakap niya ito at naiyak. Hindi rin napigilang maawa ni Sierra sa lalaki. Katulad lang pala niya ito. Kagaya niya, ginawa lang nito ang lahat para maging ligtas siya. Dahil doon ay tuluyan na niyang isinantabi ang sama ng loob. Naisip niyang hindi iyon makakatulong sa sitwasyon nila. Ang kailangan nila ay magtulungan.
"Patawarin mo rin ako dahil nagalit ako sa'yo... I am so sorry, Inconnu..." lumuluhang anas ni Sierra.
Hinalikan ni Inconnu ang mga palad niya. "No, Sierra. Ako ang dapat humingi ng sorry sa'yo. You did everything for me. Pakiramdam ko, hindi ko man lang napantayan ang pagmamahal mo sa akin,"
"Inconnu, hindi mo kailangang pantayan ang pagmamahal ko sa'yo. Hindi ako nakikipagpaligsahan. Masaya na ako na magkasama nating haharapin ang lahat ng ito..." luhaang anas niya rito.
"Oh Sierra... I am not a perfect man. I have flaws, I am weak. I am not even rich... I am just an ascended demon. I have nothing. Will you still love me even I am not a typical hero in a romance story?" nagsusumamong tanong ni Inconnu.
"I don't need a hero, Inconnu. All I need is you," sinserong anas ni Sierra at niyakap ito ng mahigpit.
"Thank you, Sierra. Thank you so much..." relieved na anas ni Inconnu saka siya hinalikan ng matagal sa noo. "Don't worry. This time, we'll face everything together. We'll fight togethere, honey." determinadong pangako nito.
Naiyak na siya ng yakapin ulit ni Inconnu. Pakiramdam ni Sierra ay makakaya niyang harapin kahit gaano pa kalakas ang king of hell. Basta magkasama sila Inconnu, pakiramdam niya ay makakaya niyang lampasan ang lahat.
Napangiti si Sierra sa naisip at tuluyang gumaan ang pakiramdam.