Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 40 - MFIEL

Chapter 40 - MFIEL

ITINULAK NI Mfiel ang malaking golden gate ng Tierra Celes. Si Mfiel ay ang pinakaunang Archangel of Death. Sa ngayon ay ginawa na siyang 'Sleuth'. Sleuth was a type of angel who always do the investigation and research. Palibhasa ay hindi matatawaran ang investigation skills ni Mfiel kaya siya dinala sa posisyong iyon.

May halong pagmamadali ang kilos ni Mfiel. Gusto niyang makausap agad si Seph—ang Keeper. Isa ito sa mga matataas na ranggo ng mga anghel at mayroong direct link sa grupo ng walong matatandang anghel na tinatawag na Eight Order. Ang Eight Order ang naguusap-usap at nagbibigay ng misyon na nakasulat sa isang puting scroll. Ibibigay iyon sa mga Sleuth para ma-accomplish. Oras na matapos ang misyon ay nagiging pilak iyon saka ibinabalik kay Seph para ibigay sa Eight Order.

At iyon na ang kulay na hawak na scroll ni Mfiel ngayon. Katatapos lang niyang imbestigahan ang dalawang kaluluwang ginawang selyo para maisara ang Avernus—sina Sierra Manaois at Demetieneirre. Nagtiim ang bagang ni Mfiel nang maalala ang mga nalaman. Halos sumabog na ang puso niya sa awa sa dalawang nilalang. Ah, kailangang malaman agad iyon ng Eighth Order!

"Everything okay?" tanong ni Seph nang makaharap si Mfiel. Malaking lalaki si Seph. Itim ang pakpak gaya niya. Mahaba ang alun-along buhok na abot lampas balikat.

"No." seryoso niyang sagot saka ibinigay ang scroll. Agad nitong kinuha at tinapik siya sa balikat.

"Ibibigay ko ito agad. Just wait for my call." ani Seph at agad nang umalis.

Napabuntong hininga si Mfiel. Matyaga siyang naghintay hanggang sa umabot ang ilang araw ay hindi siya pinatawag ni Seph. Nagalala si Mfiel kaya minabuti niyang balikan ito. Agad niyang kinumusta ang misyon. Hindi nagpaligoy-ligoy si Seph. Matapat nitong sinabi ang lahat.

"What?! Heaven didn't want to meddle with Hades' business?" gulat na tanong ni Mfiel.

Seryosong tumango si Seph. "Hades is the King of Underworld. Matagal nang ipinaubaya sa kanya ang lugar na iyon kaya puwede niyang gawin anuman ang tingin niyang makakabuti doon. Kaya nagdesisyon ang Eight Order na huwag na siyang pakialamanan,"

"Pero ascended demon pa rin si Demetineirre! He became a human!" giit na tukoy niya sa unang taong namatay. Kinuha ni Reaper ang kaluluwa nito at automatic iyong napunta sa gate ng hell para i-selyo. Ayon sa kanyang naimbestigahan ay iyon ang isang paraan para maisara iyon: ang gamitin ang kaluluwa ng ascended demon na naging dahilan nang pagkakabukas ng pinto.

"Dati pa rin siyang demon." malamig na sagot din ni Seph.

Naglapat ang labi ni Mfiel. "How about Sierra Manaois? Don't tell me you will let her soul rot in Avernus." tukoy niya sa pangalawang tao na kinuhanan din ni Reaper ng kaluluwa para maisara ang gate. Avernus ang tawag sa gate of hell.

Sa pangalawang pagkakataon, nagkaroon ulit ng ascended demon—si Inconnu. Sierra—the human who fell in love with Inconnu sacrificed herself. Parehong nagmahal ang dalawa na nauwi sa ganoon ang kapalaran. On Mfiel's point of view, wala ng mas wawagas pa sa pagibig na marunong magsakripisyo. Dahil doon ay hindi niya maintindihan kung bakit nila kailangang danasin iyon. Hindi nila iyon deserve.

At hindi pa nila oras! Silang mga anghel ay mayroong kakayahang makita ang life span ng isang tao kaya alam niya na magtatagal pa ang buhay nila. He felt sad for those two souls. Manipulado ang kanilang kapalaran. They deserve justice!

"Sierra made a deal with Hades. Gagamitin ni Hades ang kaluluwa niya para maisara ang Avernus at tuluyang matahimik si Inconnu. It was a deal, Mfiel. We cannot interfere." malamig ulit na sagot ni Seph.

Nanghina si Mfiel. Nakakainis man, hindi niya ito magawang sisihin. Lahat ng nire-relay nitong sagot ay galing sa Eighth Order. Kahit hindi niya pa nakikita iyon, naniniwala pa rin siya sa existence nila at iginagalang ang kanilang pasya. That's how angel sees those things. They call it 'faith'—a strong belief without asking any question.

Lumamlam ang mga mata ni Mfiel. "How about hope? They are humans who are suffering right now just because of some selfish act, Seph. Please, consider this." pakiusap ni Mfiel. Hindi niya talaga maatim na may mga taong nagsa-suffer ng ganoon. Hindi iyon patas.

Isang mahabang hininga ang pinakawalan ni Seph bago napailing. "I am sorry. The decision is final. Kaya inabot ito nang matagal dahil umabot pa ito sa ibang sector ng langit at mariing binabawalan ang pakikialam kay Hades. Tatawagan na rin kita kaya lang ay nauhanan mo ako. Pakiusap, hanggang dito na lang sana ito. Mayroon silang ibinigay na ibang misyon at sana, ito ang unahin mo." seryosong saad ni Seph at iniabot ang bagong scroll.

Mabigat ang kaloobang kinuha iyon ni Mfiel. Binuksan niya iyon at binasa. Natigilan siya nang makita ang misyon. Salubong ang kilay na napatingin siya kay Seph.

"Another phenomenon not well-understood by heaven. Kailangan mong imbestigahan ang sunod-sunod na suicide na nangyayari ngayon sa lupa. Hindi na normal ito dahil sa bilis at dami. Umaasa kami na mahahanapan mo ito ng kasagutan." seryosong saad ni Seph.

Napahinga ng malalim si Mfiel. Kailangan niyang gawin ang misyon kaya iyon muna ang haharapin niya. Gayunman, hindi ibig sabihin noon ay hindi na niya tutulungan ang dalawang kaluluwa na nasa Avernus. Magiisip siya ng paraan.

Tumalikod na si Mfiel para umalis nang muling tawagin ni Seph. Napalingon siya at napakunot ang noo nang mapansing titig na titig ito.

"I know the faith and hope you have for humanity is as big as you have for our Almighty. Higit kaninong anghel, ikaw ang mayroon malaking puso para sa kanila. Kaya nga napili kang gawing Sleuth. Hindi matatawaran ang concern mo sa mga tao para hanapin ang buhay nila matapos ang kamatayan. You are too concern to give the right direction and destination. Now, I am afraid. You're not thinking anything about those two souls trapped in Avernus, right?" seryoso nitong tanong.

Napalunok si Mfiel. Why is it so hard lie? Kaya hindi siya makasagot. Hindi siya makapagsinungaling kaya minabuti niyang huwag umimik.

Napabuntong hininga si Seph. "Alam mo kung ano ang mangyayari sa'yo oras na mayroong kang gawin na labag sa ipinaguutos ng langit." babala nito.

Napatango si Mfiel at umalis na. Habang papalabas ng Tierra Celes, hindi niya maiwasang magalala. Sana, huwag mangyari ang sinasabi ni Seph. He loves what he does. He loves serving God. He wants to serve him until his dying days.

But he loves those humans too. Specially those two who sacrificed in the name of love. Hanga siya sa kadakilaan nang pagmamahalan nila. Hindi nila deserve ang nangyari. They deserve a happy ending.

At ano kaya ang puwede niyang gawin para maibigay ang hustisya? Ah, magiisip siyang maigi. Sana, oras na matapos ang misyon ay mayroon siyang naisip na paraan.

He sighed.