Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 42 - I'M SORRY, FRIEND

Chapter 42 - I'M SORRY, FRIEND

"MARICON! YOU deserve to die!" luhaang singhal ni Jocelyn—ang ina ni Joaquin. Naiyak nang tuluyan si Maria Concepcion Enguillo—o mas madalas na tawagin Maricon—dahil sa sinapit ng kababata.

Maricon did everything she could just to make Joaquin safe but still, he died. Ang buong akala niya, oras na basted-in ito at maging malupit ay tigilan siya. Ginawa lang naman niya iyon dahil iyon ang sa tingin niyang magandang paraan para lumayo ito agad. But she was wrong. Ayon sa suicide note na iniwanan nito, nagpakamatay ito dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya na hindi niya masuklian. Ngayon, siya ang sinisi ng lahat ng tao.

Honestly, sanay na siya. Ayon sa nanay niya, isinumpa daw ang mga babae sa angkan nila. Nagsimula iyon sa kanununuan niya. Ang great, great grandmother niya ay napakaganda, habulin ng mga lalaki. Ginamit nito ang kagandahan para magkapera. Iniwan nito ang mahirap na albularyong boyfriend para sa isang business man na matanda. Dahil doon, sa sobrang sama ng loob ay isinumpa ito ng albularyo: mamalasin ito pati ang lahat ng babae sa angkan. Trahedya ang sasapitin ng kunsinumang lalaking magmamahal sa kanila.

And it all happened. Namatay na ang albularyo, nanatili ang sumpang iyon. Naisalin sa lahat ng babae sa buong angkan nila ang sumpa. Nalaman ni Maricon iyon sa edad na kinse. Gusto niyang maiyak dahil sa dami ng mga natutuklasang kamalasan sa sarili. Bukod kasi sa pagiging cursed ay nakakakita pa siya ng mga multo at ibang nilalang na hindi nakikita ng normal na tao.

Dahil doon ay inilayo niya ang sarili sa lahat. Gayunman, mayroon pa rin ginusto mapalapit sa kanya. Sa edad na sixteen ay nagkaroon siya ng manliligaw. Hindi nagtagal ay namatay iyon. Nabangga iyon ng bus pagkahatid sa kanya. At ang masaklap pa, nagpakita sa kanya ang manliligaw. Double torture iyon sa parte niya. Iniiyakan siya ng kaluluwa dahil sa untimely death nito!

Dahil doon ay pinagsabihan si Maricon ng ina. Ganoon din daw ang nangyari noon kaya wala siyang ama. Maagang namatay ang tatay niya. Hindi nabigyan ng pagkakataong maikasal ang mga magulang niya dahil nabangga ang tatay niya ng bus. Dahil sa sumpa, nagpasyang magtanan ang mga magulang niya at kinabukasan noon ay ganoon ang nangyari sa tatay niya.

At karamihan sa mga tiyahin niya, kundi walang asawa ay single parent. Lahat sila, nawalan ng lalaking mahal. Doon nagising si Maricon kaya nagpasyang mag-lie low sa mga kalalakihan. In-isolate din niya ang sarili. Inubos niya ang oras sa hilig: ang pagsusulat ng mga tula at nobela.

Nang makatapos sa kursong Journalism, nag-focus na siya sa writing at naging isang ganap na writer. Sa ngayon ay nasa isandaan na ang released book niya sa loob ng limang taong pagsusulat ng nobela. Romance ang genre ni Maricon dahil dito niya ibinubuhos ang mga happy ending na alam niyang hindi na mangyayari sa kanya.

Si Joaquin lang ang naging malapit kaya Maricon. Magmula pagkabata, magkaklase na sila at magkapitbahay. Nang lumipat siya sa Mandaluyong para mapalapit sa publishing, dinadalaw din siya nito doon. Ni minsan, hindi niya ito naisipang magkakagusto.

Tahimik si Joaquin. Lalampa-lampa rin. Malamya kung kumilos at hindi rin katigasan ang boses. Dahil doon ay inakala niyang iba ang sexual preference nito. Iyon pala ay tunay itong lalaki. Masakit man sa kalooban, diniretsa ito ni Maricon. Naging harsh siya para ito na ang kusang lumayo. Hindi alam ni Joaquin ang kamalasan niya at ayaw niya itong idamay. Dahil doon ay naging malupit siya. Sinabihan niya ito ng masasakit na salita para layuan siya.

Naiyak si Maricon nang maalala si Joaquin. She felt so damn guilty. Her heart broke into tiny little pieces for her friend. "I am really sorry, tita Jocelyn—"

Nagulantang si Maricon nang sampalin ng matanda. Sa sobrang lakas, nagmanhid na ang kanang pisngi. Agad umawat ang nanay niyang si Maita. Ito ang unang nakahuma. Agad siya nitong inilagay sa likuran at hinarap si Jocelyn. Parehong fifty five years old ang dalawang matanda.

"Jocelyn! Tama na!" may halong pakiusap na saad ni Maita.

"Si Maricon dapat ang namatay! Hindi dapat ang anak ko!" luhaang singhal ni Jocelyn habang galit na itinuturo ang anak na nakahiga sa kabaong. Inawat ito ng mga kamaganak pero hindi nagpawat. Pumiglas ito at dinuro siya. "Ikaw ang may sumpa, hindi ang anak ko! Ikaw dapat ang mamatay! Kung alam ko lang na ikaw ang mamahalin niya, inilayo ko na siya sa'yo!" sising-sisi na bulyaw nito. Alam nito ang kwento nila dahil nasabi iyon ni Maita rito. Malapit din silang magkaibigan para magsabihan ng ilang sikreto.

Nadurog ng husto ang puso ni Maricon sa nakikitang galit at sakit sa mga mata ni Jocelyn. Sinisisi talaga siya ni Jocelyn mula ulo hanggang paa!

"Jocelyn!" galit na sigaw ni Maita.

"Lumayas kayo—! Layas—!" galit na singhal ni Jocelyn at napahagulgol sa palad.

Impit na naiyak si Maricon. Luhaan niyang iginala ang paningin at lalo siyang naiyak nang makita ang mga nanlilibak na tingin ng kapitbahay nila. They all looked at her as if she was the most horrible person on earth.

"Umuwi na tayo. Tara na." nagtitimping anas ni Maita at inilabas. Sa tabing compound nila Joaquin siya dinala ng ina kung saan sila talaga nakatira. Magmula ng magkaroon siya ng sariling condo unit sa Mandaluyong ay si Maita na lang ang tumitira doon at dinadalaw na lang siya sa condo kapag mayroong oras. Umuwi lang siya noong mabalitaan ang nangyari sa kaibigan.

Napabunghalit na naman si Maricon nang iyak pagkaupo sa sofa. Naalala ulit niya si Joaquin. Naawa siya rito. Hindi nga naman nito deserve iyon. Sobra siyang nakokonsensya.

Panay naman ang pagpapakalma ni Maita kay Maricon hanggang sa napabuga ito ng hangin. "Darating ang araw, maiisip din ni Jocelyn na hindi mo ginusto ang mga nangyari. Tahan na..." malungkot na pangpapakalma nito.

Tumango si Maricon at tahimik na umiyak. Lihim siyang nanalangin na sana, mangyari nga iyon. Hindi kakayanin ng konsensya niya oras na sisihin pa siya ng mga tao sa paligid niya. Alam niyang tama sila. Malas siya. She deserves to die...