Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 35 - WITH YOU

Chapter 35 - WITH YOU

"Sigurado ba'ng gusto ninyo ako'ng kasama?" ani Nadia. Sa pandinig ni Sierra ay parang nahihiya ito. Nakangiting tumango naman si Sierra dito at hinawakan ang kamay ni Inconnu na nakahawak sa balikat niya. Napagusapan nilang isasama ito sa Baguio. Ayaw na ni Sierra na mayroong pang tao na madamay pa ng dahil sa kanila kaya nagsuhestyon siyang isama ito. Pumayag naman si Inconnu kaya kinausap nila agad ito. Noong una ay ayaw nito dahil baka daw maka-istorbo sa kanila ni Inconnu. Katakot-takot na pilitan at kulitan pa ang nangyari bago nila ito napapayag. Hindi niya ito masisisi dahil nahihiya ito sa kanya.

Inamin ni Inconnu sa kanya kung ano ang pinagdaanan ng dalawa noong demon pa ito. Honestly, hindi na ikinagalit at ipinagselos iyon ni Sierra dahil una, nangyari iyon noong hindi niya pa kilala ang dalawa at pangalawa ay naging tapat si Inconnu na sabihing wala itong nararamdaman sa babae. Hindi na rin sila nagtalik magmula ng makilala siya.

Na-appreciate ni Sierra ang pagiging honest ni Inconnu. Ramdam naman niya ang sinseridad nito kaya sa huli ay mas pinili niyang paniwalaan at magtiwala.

Matapos silang iligtas ni Inconnu ay dumating ang babae sa ospital. Sumama na ito sa mansion noon habang hinihintay nilang maging maayos ang biyahe nila. Doon na rin sila nito nagusap at nagtapat ito na wala siyang dapat na ipagaalala. Anumang nangyari sa kanila ni Inconnu noon ay balewala na rin dito.

Hindi naging mahirap kay Sierra na makasundo si Nadia. Masayahin ito, palakwento at palabiro. Dahil doon ay tuluyan na ring naging magaan ang pakiramdam niya dito.

"Oo naman. Hindi tayo maghihiwa-hiwalay hangga't hindi pa natin nasosolusyunan ang problema," nakangiting sagot ni Sierra at napahinga ng malalim.

"I agree. Kaya habang wala tayong naiisip na paraan, unahin na muna natin ang kalagayan ni Sierra. Nasa kumbento na ang mga physical therapist mo. Habang inaasikaso natin ang paglalakad mo, maghahanap naman ako ng cornea donor para sa mga mata mo," positibong saad ng daddy niya.

"I want to do something too," boluntaryo ni Inconnu.

"Mahalagang masamahan mo sa lahat ng pagkakataon ang anak ko, Inconnu," seryosong sagot ng daddy niya. Lihim na napangiti si Sierra. Kahit papaano ay natutuwa siyang nagkakasundo ang daddy niya at si Inconnu. Mukhang tuluyan na nitong natanggap ang lalaki.

"Yes. I'll do that sir." seryosong sagot ni Inconnu at pinisil ang kamay niya. "I will always stay by your side, hon." pangako nito.

Napangiti na si Sierra. Sapat na sa kanya na makaringgan si Inconnu ng ganoon. Pakiramdam niya ay panalo na sila sa laban. Napangiti siya sa naisip.

"Let's go?" pinal na aya ng daddy niya at nagsipatalima na sila. Inalalayan siya ni Inconnu na makasakay sa van hanggang sa tuluyan na nilang nilisan ang lugar. Magkatabi sila ni Inconnu. Lagi siyang inaalalayan at inaasistehan sa lahat ng pagkakataon kaya pagdating nila sa Baguio, pakiramdam ni Sierra ay hindi man lang siya napagod.

Sinalubong sila ni Fr. Christian, ang kaibigang pari ng daddy niya na nangangalaga ng kumbento. Pinakilala silang lahat sa mga madre doon at sa doktor at physical therapist na binayaran ng daddy niya para tumutok sa kanya. Sa lahat ng iyon ay nanatiling nasa tabi niya si Inconnu.

"Are you okay?" masuyong tanong ni Inconnu ng mapagisa sila sa kuwarto. Nagsipagpahinga na ang mga kasama nila at naiwanan si Inconnu para asikasuhin siya. Nagboluntaryo itong samahan siya para makabawi sa lahat ng atraso nito.

"Yes." aniya saka malambing na inihawak ang mainit nitong palad sa pisngi niya. "Okay na okay ako basta magkasama tayo,"

Bahagya itong natawa at ginawaran siya ng magaang na halik sa tungki ng ilong. "That's so sweet, Sierra,"

Napangiti siya. "Really? Hindi ka na kinikilabutan sa lambing ko?"

Napalakas ng bahagya ang tawa nito. "Hindi naman talaga ako kinikilabutan noon. Every time you do that, you were driving me really crazy. I don't know what to do and how to react. You are completely making me insane." amin nito na nakapagpatunaw ng puso ni Sierra.

Hindi niya inaasahang ganoon pala ang nararamdaman nito noon! Napalunok si Sierra. Kinilig at nagpipigil! Hindi siya makapaniwala na sa gitna ng pinagdadaanan nila, nakuha niyang makaramdam ng ganoong klaseng ligaya.

"How about now? Still going crazy?" pigil hiningang tanong niya.

"To be honest, yes. You're driving me crazy every time. Every time I think of you, I found myself smiling like a fool. Every time I miss you, I found myself sighing like an idiot and asking myself how are you..." amin nito saka natawa ng alanganin. Ramdam niyang napapahiya na ito pero lakas loob pa ring nagtatapat sa kanya.

Natunaw ang puso ni Sierra. Ramdam niya ang katapatan nito at parang mayroong mainit na bagay ang humaplos sa puso niya. Kilala niya si Inconnu. Hindi ito bolerong tao kaya alam niyang iyon talaga ang nasa kalooban nito.

"I love you, Inconnu," lambing niya at totoo iyon sa puso niya. Doon napatunayan ni Sierra na hinding-hindi siya magsasawa na sabihin iyon at patunayan.

"I love you too, Sierra. And I will never, ever leave you. I promised," sinserong pangako nito at isinelyo ang lahat ng iyon ng isang mainit na halik. Agad namang tumugon si Sierra. She kissed him back with so much passion.

And right there and then, Sierra proved to herself that she was going to love this man until her last breath...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Yes! You're almost there, hon!" natutuwang saad ni Inconnu ng tuluyang matapos ni Sierra na lakarin ang limang metrong space. Iyon ang inilaan ng PT para practice-in niyang lakarin at naging matyaga si Inconnu na samahan siya. Kahit lagi niyang kasama ang PT, nakaalalay pa rin si Inconnu. Suportado siya nito sa lahat.

Magtatlong buwan na sila doon at ramdam na ni Sierra ang malaking improvement. Salamat sa nakalipas na dalawang buwan ng session niya para makatayo siya. Dahil doon, sa pangatlong buwan ay nakakaya na niyang makalakad paisa-isa. Ayon sa physical therapist at doktor niya ay maging matyaga lang siya, darating din ang araw na makakalakad na siya kagaya ng dati.

At ang lahat ng iyon ay utang niya sa ama, kay Inconnu at Nadia. Sa ngayon ay sinasamahan ni Nadia ang daddy niya sa pagalis-alis nito kung kailangan nitong kausapin ang ilang doktor para sa donor ng cornea niya. Ligtas kasi ang daddy niya kapag kasama si Nadia. Ligtas din naman sila kapag wala ito dahil nasa kumbento naman sila. Isang holy ground iyon kaya alam niyang hindi iyon matutunton ng mga demons. Pansamantalang nagkaroon sila ng katahimikan ni Inconnu. Gayunman, ginagamit nila ang pagkakataong iyon para tuluyang maisaayos ang sarili.

"I think I deserve a kiss," nakangiting lambing niya at napabungisngis. Mabuti na lang ay medyo malayo ang physical therapist niya kaya hindi nito narinig ang sinabi niya.

Napaungol tuloy si Inconnu at masuyong isinuksok ang ilang hibla ng buhok sa tainga niya. She found his gestures sweet. Ah, she wanted to kiss this man. Badly!

She wanted to see him too. Sometimes, she felt frustrated and sad. Pero sa tuwing napapansin ni Inconnu ang lungkot niya, ipapahawak nito ang mukha sa kanya at paulit-ulit hahalikan ang palad niya. Kapag ginawa na nito iyon ay ngingiti na siya.

Bakit naman hindi? Pinararamdam ni Inconnu ang ngiti nito sa labi, kung gaano ito kasaya, kung gaano ito kainit para sa kanya. Pinaalala ng bawat halik nito na hindi siya dapat malungkot at mawalan ng pagasa sa kalagayan. Pinararamdam nito na nasa tabi lang niya ito na kahit hindi niya nakikita, mananatiling nandoon lang ito para sa kanya...

"Later, hon. Later." anas nito at pinisil ang pisngi niya. Agad kumalat ang buong boltahe sa katawan niya.

"Really?" anas niya habang iginigiya pabalik.

"Really. A deep long kiss, how about that?" anas na lambing nito.

Bigla siyang nasabik! Napalunok siya at binalot ng kakaibang init. "I love that," pigil hiningang anas niya.

"But there's a condition. You have to walk the same path. Alone," dare nito.

Napanganga siya hanggang sa natawa. Hindi niya minasama iyon at sa halip, ginawa niya iyong motibasyon. Aba, nakapasarap ng premyo! Bakit niya iyon tatanggihan?

Sumeryoso siya. "Fine," anas niya.

"Hindi bale, aalalayan kita dahil hindi mo nakikita ang dadaanan mo," pangako ni Inconnu.

Pumayag na siya. Huminga siya ng malalim bago naglakad ulit magisa. Dahan-dahan siyang naglakad habang mahigpit na humahawak sa bakal. Sa bawat hakbang niya, alam niyang kasabay niya si Inconnu. Ramdam niya ang presensya nito. Naamoy din niya ang mabangong amoy nito. Dahil doon ay lalo siyang ginanahan. Basta nasa tabi lang niya ito ay ramdam niyang kaya niyang gawin iyon.

"You're almost there, honey," anas nito. Muntikan ng natawa si Sierra dahil ramdam niya ang gigil ni Inconnu. Parang ito pa ang excited sa kanilang dalawa! At ang nakakaloka ay nahahawa tuloy siya. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya!

"Yes!" sigaw niya ng tuluyang makarating sa dulo. Alam niya dahil nahawakan niya na ang dulong bahagi ng bakal. Natawa siya ng binuhat ni Inconnu! Para tuloy siyang trophy na ipinagmamalaki nito.

"Konti na lang ho ay puwede na kayong maglakad ng solo na may cane," suhestyon ni Jay, ang physical therapist niya na nasa edad beinte singko.

Natuwa siya. Muli, nagyakapan sila ni Inconnu. Dahil ganado si Sierra ay ipinagpatuloy lang niya ang practice hanggang sa mapagod. Dinala na siya ni Inconnu sa kuwarto at nagulat ito ng hilahin niya sa kamay.

"Where are you going?" seryoso niyang tanong.

"Kukuha lang ako ng meryenda mo..." namamanghang anas nito.

Natawa tuloy siya. Kasabay noon ay naginit ang pisngi niya. Super excited of the year naman ang drama niya dahil sa deep long kiss na pangako ni Inconnu.

"O-Okay. Sige na. Dalian mo," napapahiyang saad niya.

"Okay..." ani Inconnu at napasimangot si Sierra dahil nahimigan niyang nakangiti ito. Iyon siguro ang nangyayari sa isang taong nawawalan ng paningin, lumalakas ang pakiramdam kaya pati buntong hininga nito ay ramdam niya ang ibig sabihin.

"Ano?" angil niya. Pulang-pula ang pisngi.

Napatili siya ng ihiga ni Inconnu. Napalunok siya ng haplusin nito ang pisngi niya. Kumabog ang dibdib niya ng maramdam ang mabango at mainit na hininga nito sa mukha niya.

"Meryenda o... ang deep long kiss?" anas ni Inconnu. May pangaakit sa tono nito. Aba! Sinigurado talagang hindi siya makakatanggi! Papaano niya matatanggihan ito? Idinaan siya nito sa lambing!

"The latter," sumusukong sagot niya at namigat ang talukap ng mga mata niya ng tuluyan siya nitong siilin ng halik.

And Inconnu gave her more than what she wanted. He gave her a mind blowing kiss with a mind blowing effect on her system. At tuluyan na silang binalot ni Inconnu ng kakaibang uri ng mahika. Natagpuan ni Sierra ang sarili na ibinibigay ang sarili sa lalaki. Hindi man niya nakikita ito, damang-dama naman niya sa bawat halik at haplos kung gaano ito nasasabik sa kanya...

Hanggang sa tuluyan nilang narating ang rurok ng sabay. Pareho silang pinangangapusang ng hininga ng matapos pero hindi iyon naging hadlang para iselyo nila ang lahat ng isang mahaba at malalim na halik...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Good news! Nakahanap na ako ng cornea donor!" masayang bungad ng ama ni Sierra. Naiyak na rin siya sa tuwa dahil sa napakagandang balita. Halos hindi siya makahuma. Sa wakas! Makalipas ang apat na buwan ay makakakita na rin siya.

Naging tuloy-tuloy na ang paggaling ni Sierra. Makalipas ang mahigit isang buwan niyang paglalakad-lakad, tuluyan na rin siyang nakalakad. Sa ngayon ay gumagamit na siya ng cane—na pinabili si Inconnu—para makalakad magisa. Nasasanay na rin siya sa kalagayan kaya kahit wala siyang kasama ay nakakapunta na siya sa gustong puntahan. Iyon nga lang ay madalas siyang pagsabihan ni Inconnu. Nagaalala daw ito sa tuwing bigla siyang nawawala sa kuwarto at nakikita na lang nito sa garden. Sa huli ay napapahagikgik na lang siya sa pagiging turete nito hanggang sa gagantihan siya sa pamamagitan ng isang mainit na halik.

Malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng taong tumulong sa kanya. Naging matyaga ang mga ito at nagiisip siya ng paraan para makabawi sa mga ito. Lalong-lalo na kay Inconnu. Hindi ito kailanman umalis sa tabi niya. Mula sa madidilim niyang sandali hanggang sa nalalapit niyang pagkakita, alam niyang hinding-hindi na siya nito iiwanan...

"Thanked God!" luhaang anas niya at kinalma ang sarili. Mukhang nagaalala na rin kasi si Inconnu sa pagiyak niya dahil mahigpit ang hawak nito sa mga kamay niya. Pakiramdam niya ay titig na titig ito sa kanya at naghihintay ng balita.

"Magpapa-schedule na ako ng operation mo dito sa Los Angeles. Dito kami nakahanap ng donor. Dito ka na rin magpa-opera at magpagaling dahil mas advance ang gamit nila dito. Susunduin kayo ni Nadia d'yan para maprotektahan kayo sa lakad," bilin nito.

Natigilan si Sierra. "P-Papaano ho kayo?" nagaalalang tanong niya.

"Huwag kang magalala. I will stay in a convent here. May kaibigan si Fr. Christian dito na nagma-manage din ng kumbento. Nakapagusap na kami at hinihintay na ako doon. Everything is settled." siguradong paliwanag ng daddy niya.

Doon na nakahinga ng maluwag si Sierra. Saglit pa siyang binilinan ng ama hanggang sa nagpaalam na. Pagkababa niya ng cellphone ay agad niyang sinabi kay Inconnu ang lahat at natawa siya ng yakapin nito ng mahigpit.

"I am so happy for you!" sinserong saad nito saka siya hinalikan ng matagal sa mga mata. Natunaw ang puso ni Sierra sa ginawi ni Inconnu. Unti-unting nakikita ni Sierra ang iba pang katangian ni Inconnu. Isa doon ay gustong-gusto niya ang mga gestures nito. Ang paghalik nito sa noo, tungki ng ilong, mata at buhok ay naghahatid ng kakaibang saya sa puso niya.

"Makikita na kita," naluluhang anas niya at hinaplos ang pisngi nito. Napangiti siya ng halikan ni Inconnu ang palad niya. "Excited na akong makita ang kaguwapuhan mo,"

Bahagya itong natawa saka malambing na hinalikan ang ibabaw ang mga kamay niya. "Really? Guwapo ako sa paningin mo?"

"Oo naman," agad niyang sagot. Hindi na siya nahiya dahil totoo naman iyon. "Ikaw ang pinakaguwapong lalaking nakilala ko."

"Papaano kung may makilala kang mas guwapo pa sa akin?" seryoso nitong tanong.

Natawa siya. Natunugan niya ng pagaalinlangan ang boses nito. "Ikaw pa rin ang nagiisang guwapo para sa akin,"

"But—"

Hinawakan na ni Sierra ang buong mukha ni Inconnu at gigil itong hinalikan. Napabungisngis siya ng mapaungol ito dahil sa ginawa niyang pagpipigil ditong magsalita. "Inconnu, wala ng ibang lalaki sa paningin ko kundi ikaw lang. Kahit bulag ako, ikaw lang. Nagiisa ka lang dito," turo niya sa tapat dibdib kung saan ang lokasyon ng puso niya. "Kaya kahit tambakan pa ako ng maraming guwapo, wala silang dating sa akin. Hindi sila magiging guwapo sa paningin ko dahil ikaw lang ang lalaki sa paningin ko..."

Lihim siyang napangiti ng siilin na siya nito ng halik. Agad siyang natangay at tumugon. Pakiramdam ni Sierra ay lumulutang siya sa saya. Bakit naman hindi? Dire-diretso ang suwerteng dumadating sa buhay niya at tuluyan na silang nagiging maayos ni Inconnu.

Pareho silang hiningal ng pakawalan ang isa't isa. Muli, naglambingan sila at pinagusapan ang mga pangarap at plano sa darating na mga araw. Sa loob ng ilang araw ay iyon ang ginawa nila hanggang sa dumating ang araw ng pagsundo sa kanila ni Nadia.

Magalang silang nagpaalam kay Fr. Christian at binasbasan nito. Sa biyahe, magkahawak kamay sila ni Inconnu. Parehong tahimik at kinakabahan dahil sa nalalapit niyang operasyon. Ang balita ni Nadia ay ayos na ang lahat pati tutuluyan niyang ospital.

Kaya pagdating sa ospital, matapos ang admission at ilang pangsusuri ng doktor ay agad isinet ang operasyon niya kinagabihan.

"Everything will be okay," anas ni Inconnu bago siya ipasok sa operating room. Napangiti siya ng maramdamang inilagay nito ang isang rosary sa palad niya. "Hiningi ko ito kay Fr. Christian. This will surely make you safe,"

"Thank you." anas niya. Sunod naman siyang nilapitan ng ama at ni Nadia. Binilinan at pinalakas ang loob niya. Isang matamis na ngiti ang sinagot niya sa mga ito hanggang sa tuluyan na siyang ipasok sa loob.

Bago siya isalang sa operasyon ay nagdasal muna siya. Humingi siya ng tulong sa Maykapal. Hiniling din niya na sana ay maging successful ang operasyon. Ipinagdasal din niya ang mga taong nagmamahal sa kanya sa labas ng operating room. Sana, manatiling ligtas ang mga ito hanggang sa makakita siya...