Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 36 - KING'S WRATH

Chapter 36 - KING'S WRATH

"KUMAIN KA na muna Inconnu," untag sa kanya ng ama ni Sierra. Napahinga siya ng malalim at nagalangan kung susundin ito. Ayaw kasi niyang iwanan si Sierra. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Balot ng benda ang mga mata nito at walang kakilos-kilos. Ang sabi ng doktor nito ay under observation pa rin si Sierra. Ginawa nila ang lahat ng magagawa para maging successful ang operation at dasal na lang daw ang kailangan para tuluyang maging okay ang lahat.

Halos beinte kwatro oras na itong tulog. Ang sabi ng doktor ay under ito ng general anesthesia kaya ganoon. Anumang sandali ay puwede na itong magising at gusto ni Inconnu na nasa tabi siya ni Sierra oras na mangyari iyon.

"Okay lang ho ako. Hindi pa naman ako nagugutom," seryosong sagot niya at inayos ang kumot ni Sierra.

Napabuntong hininga ang matanda at tinabihan siya. Tulog sina Nana Lilith at Nadia sa sofa. Mukhang napuyat ang mga itong kakadasal. Lihim siyang nagpapasalamat sa mga taong tumutulong sa kanila ni Sierra hanggang ngayon. Dahil doon ay nagiisip siya ng ibang paraan para makabawi sa mga ito.

Oras na gumaling si Sierra ay iyon ang unahin din niya. Ang siguraduhing maging ligtas ang lahat. Buo na ang loob ni Inconnu. Tatawagin niya si Baldassare at hihingi ng tulong. Nagaalalangan man kung tutulungan siya nito, wala siyang ibang choice kundi ang sumubok.

"Thank you for always being there for my daughter," panimula ng matanda at tinapik siya sa balikat. "Honestly, at first ay hindi kita gusto. I know you understand me. I am her father. Sino ang gustong mapunta ang anak sa isang demon?"

Napatango si Inconnu. Parang mayroong pumisil sa sikmura niya. Gayunman, hinayaan niya lang magsalita ang matanda.

"But you proved me wrong. Naging ascended demon at tao ka dahil nagmahal ka. Pinatunayan at pinakita mo ngayon sa akin na katulad ka rin naming mga tao kung papaano magmahal. Actually, hinigitan mo pa ang iba. And I salute you for that. Malaking bagay sa akin na kahit walang-wala ka, nandito ka pa rin. Pinararamdam at pinakikita mo kung gaano mo kamahal si Sierra," humahangang amin nito.

Natigilan si Inconnu sa narinig at napatingin sa matanda. "Thank you for loving my daughter this much, Inconnu." taos pusong pasasalamat nito.

Napatango siya ng tapikin nito sa balikat. Ramdam ni Inconnu na tuluyan na siyang tinanggap ng matanda. "Maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin. Huwag ho kayong magalala. Pangako, aalagaan ko siya kagaya ng naging pagaalaga ninyo sa kanya.

Nakangiting tumango ang matanda. Napahinga ng malalim so Inconnu at nagpatuloy. "Alam ko hong hindi naging maganda ang simula nating lahat pero babawi ho ako. Patutunayan ko na puwede ninyong ipagkatiwala sa akin ang anak ninyo. Huwag na rin ho kayong magalala kay Buer. Wala na ho siya..." aniya at ipinaliwag niya ang mga totoong nangyari noon kaya siya ang lumabas noong nag-summon ng demon si Sierra.

Natigilan ang matanda hanggang sa nakahinga na rin ng maluwag. "So I was really saved by you. Salamat pa rin kung ganoon." seryosong sagot ng matanda.

Sabay sila nitong napabuntong hininga. "Huwag ho kayong magalala. Tatapusin ko ang kung anumang laban mayroon kami para matahimik na rin tayong lahat at... mapakasalan ko si Sierra."

Mukhang natuwa ang matanda. Tinapik ulit siya nito sa balikat. "Matutuwa si Sierra sa plano mo,"

"O-Okay lang din ho sa inyo?" pigil hiningan paniniyak niya.

Tumangot-tango ito. "Wala akong nakikitang masama. You're human now. You are capable of loving my daughter more than I imagine. Sa trabaho, matutulungan ka namin at sa ibang legalities ng pagkatao mo. Everything could be arrange and you have my blessing," anito saka pinisil ang balikat niya.

"Thank you, sir!" natutuwang saad niya. Hindi na siya nakapagpigil, niyakap na rin niya ito at natawa ang matanda. Tunaw na tunaw ang puso ni Inconnu dahil doon.

He silently sighed. Doon napatunayan ni Inconnu na mahirap pero masarap ang maging tao. Parang roller coaster ang mga emosyon. Nakakahilo at nakakalango ang dalang pakiramdam ng pagibig. Nakakangilo ang dalang pakiramdam ng galit at pait. But above all, everything was sweet and satisfying...

"Hmm..." ungol ni Sierra.

Pareho silang natigilan ng matanda ng marinig si Sierra. Agad nila itong dinaluhan hanggang sa tuluyang magising. Agad lumabas ang daddy nito para magtawag ng doktor at siya naman ay pinakalma ang dalaga.

"I'm here, honey. Don't be afraid," masuyo niyang saad dito.

Agad itong tumango at pinisil ang palad niya. Doon naman dumating ang doktor at agad itong sinuri. Patango-tango ito makalipas ang ilang minuto pago-obserba kay Sierra.

"She's responding. Halos isang buwan ang kailangan nating hintayin bago natin tuluyang alisin ang benda niya sa mga mata," anang FilAm na doktor ni Sierra. Patango-tango sila ng ama ni Sierra hanggang sa tuluyan ng magpaalam ang doktor.

Tuwang-tuwa sila sa balita. Magaan ang kalooban ni Inconnu na pinagsilbihan si Sierra. Naging attentive siya sa lahat ng kailangan nito at hindi siya nagtatagal na wala sa tabi nito. Ganoon din ang ama ni Sierra. Hindi rin nito pinabayaan ang anak hanggang sa dumating ang araw na pagalis ng benda nito sa mga mata.

Matyaga nilang hinintay ang doktor hanggang sa dumating ito. Mayroon itong kasamang lalaking nurse na aasiste dito. Hindi na sana niya ito papansinin pero bigla niyang naamoy ito ng dumaan sa likuran niya: amoy sulfur!

Napatingin siya dito at biglang kumabog ang dibdib niya ng makitang nilingon din siya nito. Nagtiim ang bagang ni Inconnu ng makitang biglang naging itim ang mga mata nito at sa isang kurap lang ay nagbalik sa normal. Nagparamdam ang demon na natunton sila nito!

Napatingin siya kay Nadia. Lihim siyang napamura ng wala na ito sa sofa na madalas nitong upuan. Hindi niya ito napansin kung saan pumunta dahil na kay Sierra ang atensyon niya. Mukhang dahil sa paglayo ni Nadia sa kanila ay naramdaman sila ng demon!

Kailangan niyang makagawa ng paraan bago pa mahuli ang lahat!

------------------------

"Saan ka pupunta?" seryosong tanong ng ama ni Sierra kay Inconnu dahil nilapitan niya ito para tahimik itong tumabi kay Sierra. Pasimpleng napalingon si Inconnu sa mga kasama sa kwarto at nang makitang abala ang nurse na nasasaniban ng demon ay mabilis niyang sinabi ang lahat. Sunud-sunod naman ang tango ng matanda. Kahit kinakitaan niya ito ng kaba ay nandoon pa rin ang tapang nito para protektahan ang anak. "Kailangan ko hong ilayo ang demon dito. Ako na ho ang bahala basta tabihan ninyo si Sierra," mahigpit na bilin niya.

Tumalima ang matanda. Siya naman ay in-obserbahan ang nurse. Nang lumabas ito ay mabilis niyang sinundan hanggang sa pumasok ito sa isang bakanteng kuwarto. Mabilis siyang pumasok din doon ay nagtiim ang bagang niya ng makitang nakahandusay na doon si Nadia! Bago pa niya ito malapitan para masiguro ang kalagayan ay bigla na lang siyang inatake ng nurse na nagtatago sa CR!

"Argh!" masakit na ungol ni Inconnu ng masapak siya ng demon. Sa lakas noon ay sumadsad siya sa semento. Nakaramdam siya ng hilo pero kinalma niya ng sarili para makaganti. Nagtangka itong atakehin siya ulit pero sinipa niya ito sa sikmura. Ito naman ang napasadsad sa semento. Hindi siya nagaksaya ng sandali, kinuha niya ang holy water sa bulsa at agad iyong isinaboy dito. Lagi siyang may dala noon para sa ganoong pagkakataon.

Napasigaw ang nurse at biglang lumabas ang itim na usok sa bibig nito. Kinabahan si Inconnu ng puntahan ng usok si Nadia at pumasok iyon lahat dito. Tuluyang nawalan ng malay ang lalaking nurse ng maalis ang usok dito. Sa pagkawala naman ng malay nito, si Nadia naman ang bumangon at dinampot ang upuan saka inihampas sa kanya. Napasigaw sa sakit si Inconnu ng tamaan ang likuran. Hindi niya agad nailagan iyon dahil sa bilis ng pagkilos ni Nadia.

Napasadsad siya sa semento dahil doon. Hindi pa siya nakakabawi, sinakyan na siya ni Nadia at nagtangka itong hatawin siya ng kahoy na mula sa upuang nawasak. Gayunman, sa pagkakataong iyon ay naging maagap siya. Agad niyang napigilan ang kamay ni Nadia. Lihim napamura si Inconnu ng maramdaman ang kakaibang lakas ng babae. Hindi na siya magtataka. Nasasaniban ito ng demon kaya hindi na normal ang lakas nito.

"Nadia! Gumising ka!" sigaw ni Inconnu. Hindi niya magamitan basta ng exorcism spell si Nadia. Hindi pa niya alam kung anong klaseng demon ang sumasapi dito. Puwede nitong ikamatay iyon oras na mapuwersa niyang alisin ang demon sa katawan nito.

Napahalakhak ito. Nangilabot si Inconnu sa narinig na tawa ni Nadia. Tawa iyon ni... Hades.

"This girl is already dead, Inconnu. Hindi na siya magigising. Pinatay ko siya kanina. Binulungan ko siya para magpunta dito at dito ko kinuha ang kaluluwa niya. Kailangan ko siyang unahing patayin dahil una, isa siyang psychic. Sooner or later, makakaisip siya ng paraan para kalabanin ako. Pangalawa, kailangan kong bawasan ang mga taong nasa paligid ninyo para makalapit agad ako sa inyo," nakakalokong sagot ni Hades at malakas na hinila ang kamay saka siya hinampas ng ubod lakas sa ulo!

Napalungayngay siya sa sakit at hilo. Gayunman, ramdam pa rin ni Inconnu ang ginawa ni Hades na pagtayo at pagsipa nito sa sikmura niya. Naiyak na lang siya sa sakit. Napabuga na siya ng dugo dahil sa sari-saring natamong pinsala mula dito.

"Demons I sent here are useless. Hindi kayo ma-detect kung nasaan kayo kaya ako na mismo ang nagpunta dito sa mundo ng mga tao. Imagine? I wasted my time just to get even!" gigil na saad ni Hades habang tinatadyakan siya sa dibdib, sikmura at tagiliran. "Naiinip na ako sa laro natin, Inconnu. I want some thrill!"

"Ah!" masakit na sigaw niya ng sipain nito ang mukha niya. Nangitim ang paningin niya dahil doon. Bugbog sarado na siya. Nagmamanhid na rin ang ibang parte ng katawan niya.

"It's not hard to find you. Pagdating ko dito sa mundo ng mga mortal noong isang linggo, tuluyang nawalan ng bisa ang shield spell ng psychic na kasama mo. You see, Nadia's power are weak. First, she's not an expert. She only relies on what was cast on her. Tapos na ang anim na buwang proteksyon niya kaya naramdaman ko ang presensya ninyo," paliwanag ni Hades habang palakad-lakad ito.

Sa nanlalabong paningin ay napatingin si Inconnu dito ng tumigil ito sa paglalakad. Pinulot nito ang natumbang aluminum stand ng dextrose at pinutol iyon sa pamamagitan ng pagbali sa tuhod. Nang makita ang talim noon sa dulo ay nakuntento ito at naglakad ulit palapit sa kanya.

"There's no other way to save Nadia, Inconnu. Her soul is in hell now. There's no other way to save you too. After I kill you, I will kill your girl to. The end." malamig nitong imporma.

"No..." hirap na anas ni Inconnu. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Bigla siyang naalarma. Nakaramdam din siya ng awa kay Nadia dahil nadamay na talaga ito. At hindi pa rin titigil si Hades. Sisiguruhin pang pati si Sierra ay papatayin!

"I can do that, Inconnu." malamig na anas ni Inconnu at itinaas ang aluminum.

"Just kill me instead! Huwag mo nang idamay si Sierra! Wala siyang kasalanan dito!" galit na sigaw ni Inconnu. Binabalot ng takot ang dibdib niya para sa dalaga at hindi para sa sarili.

"No. I want that girl dead. Kundi dahil sa kanya, isa ka pa rin sa mga legendary devils ko." malamig nitong sisi kay Sierra saka nagtangkang ibaon ang matulis na aluminum sa dibdib niya.

"No!" sigaw ni Inconnu at sinikap na tadyakan ito sa paa. Napahiyaw sa sakit si Nadia at natumba. Ginamit namang pagkakataon iyon ni Inconnu. Agad siyang nagdasal at in-excorcise ang dalaga.

Isang matinis na tili ang pinakawalan ni Nadia at tuluyan itong natumba ng lumabas ang lahat ng maitim na usok sa katawan. Sa bintana napunta ang usok at tuluyang nakatakas. Hinang napahiga na lang si Inconnu sa semento ng matapos. Hindi niya mapigilang maluha sa sitwasyon.

Papaano na sila ni Sierra niyan? Si Hades na mismo ang nagpunta sa mundo ng mga tao para mapatay sila. Ah, kailangang makagawa siya ng paraan. Iyon ng nasa isip ni Inconnu bago tuluyang nawalan ng malay...