"Ma'am, nasa kotse na ho ang lahat ng gamit ninyo." untag ni Jejomar. Napaigtad si Sierra dahil hindi niya ito napansing dumating. Lutang na lutang pa rin siya. Kahit tatlong araw na ang nakakalipas, parang hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ni Sierra. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang dibdib niya sa mga nangyari.
Napabuntong hininga si Sierra at napakurapkurap para pigilan ang sariling maluha. Maisip pa lang niya si Inconnu, naiiyak na siya sa sobrang sama ng loob hanggang sa pagagalitan niya ang sarili sa huli. Inayawan na siya ni Inconnu. Iba ang babaeng mahal nito at nakadagdag sa pait na isa pang prostitute ang ginusto kaysa sa kanya. Hindi naman sa minamaliit niya ang babae pero kumpara naman sa kanya ay malayo naman si Nadia.
Pero sa kabilang banda, hindi iyon nakita ni Inconnu. Prostitute man o hindi, ito ang minahal ni Inconnu. Kailangan pa ba niyang paulit-ulit isampal sa sarili ang katotohanang iyon?
Dahil doon ay nagkaroon ng conclusion si Sierra. Hindi totoo ang sinabi ni Baldassare. Hindi siya nilayuan ni Inconnu para iligtas. Lumayo talaga si Inconnu dahil wala itong nararamdaman sa kanya. Iyon lang iyon!
Napabuga si Sierra sa naisip at minabuting harapin na lang si Jejomar. "Sige. Salamat sa lahat. Heto na ho ang huling bayad ko," malamig na saad niya at iniabot ang isang makapal na puting sobre. Kinuha nito iyon ay mukhang nagulat dahil sa dami ng laman noon. "Take the bonus. Pasasalamat ko na 'yan dahil sa pagtulong mo hanggang ngayon,"
Tumango na ito at ibinulsa ang pera. Inalalayan na siya nito palabas ng kuwarto at nag-check out. Doon naman tumawag ang daddy ni Sierra. Malungkot niyang sinagot iyon.
"Where are you now?" seryosong tanong nito.
"Pasakay na ho ako ng service. Any minute, nasa Manila na ho ako." imporma niya. Pilit na itinatago ang lungkot. Alam na nito ang lahat. Kagabi ay tinawagan niya ito at sinabi ang lahat. Pinigilan niyang umiyak habang sinasabi iyon sa ama dahil ayaw na niya itong magalala.
"Are you okay, iha? Baka kailangan mo ng bakasyon. If you want, you can have your vacation with your ninang. Ako muna ang bahala dito sa negosyo," malungkot na suhestyon ng matanda.
"No dad. Thanks for the offer pero sa tingin ko, trabaho ang kailangan ko para makalimot." mapait niyang sagot at napabuntong hininga. "Let's talk when I get back, okay? See you soon, dad."
"Okay then. Take care," anito saka nawala na sa linya. Napabuntong hininga naman si Sierra saka isinilid ang cellphone sa bag. Tingin niya ay iyon ng kailangan niya: trabaho bilang dibersyon. Kailangan niyang magpaka-busy para hindi na niya maalala si Inconnu...
Pumait ang dibdib niya sa naisip. Ang ideyang kakalimutan na ang lalaki ay naghahatid ng hapdi sa puso niya. Napabuntong hininga na lang si Sierra at sumakay sa kotse. Tinabihan siya ni Jejomar. Sasabay na ito sa kanya pa-Manila at doon na lang sila nito maghihiwalay.
Habang umaandar ang kotse ay napatingin sa labas ng bintana si Sierra. Malungkot siyang nakatanaw doon. Iiwanan na niya ang Cebu. Iiwanan na niya doon ang puso niyang hawak pa rin ni Inconnu...
"Sir, pakihinay lang sa pagmamaneho. Medyo bumibilis yata tayo," magalang na paalala ni Jejomar sa driver.
Napatuwid ng upo si Sierra dahil doon at napakapit ng lalong bumilis nga ang takbo nila. Napatingin tuloy siya sa driver at nanayo ang mga balahibo niya ng makita sa rear view mirror ang mga mata nito. Kulay itim na itim iyon. Pati sclera ay kulay itim! Kasing itim iyon ng putik!
"D-Demon... isa kang demon!" nahihintakutang sigaw ni Sierra. Sa kabila noon ay hindi niya mapigilang magtaka. Bakit mayroon silang kasamang demon samantalang hindi naman siya nag-summon?
"Demon? Ano'ng demon?" takang tanong ni Jejomar at hinawakan ang balikat ng driver. Napasigaw na lang si Sierra ng biglang sumigaw ang driver at lumabas mula sa bibig nito ang isang napakaitim at mabahong usok! Sumigaw din si Jejomar dahil dito lumipat iyon. Habang tumatakas ang usok sa katawan ng driver ay pumapasok naman iyon sa bibig ni Jejomar. His eyes were wide opened. He looked scared and shocked!
Isang matinis na sigaw ang pinakawalan ni Sierra dahil sa takot ng tuluyang bumagsak ang driver at napasubsob ito sa manibela. Dumiin din ang pagkakatapak nito sa gas kaya lalong bumilis sila. Tingin ni Sierra ay patay na ang driver dahil hindi lungayngay na ito at hindi na kumikilos.
"J-Jejomar..." gulat na anas ni Sierra ng daluhingin siya nito at sinakal! Napasandal siya sa pinto ng sasakyan at napahawak sa kamay nitong mahigpit na humahawak din sa leeg niya. Naluha si Sierra. Kitang-kita niyang wala ng halong katinuan ang mga mata ni Jejomar. Itim na itim na rin ang mga mata nito! Dito na sumanib ang demon!
"P-Patayin kita... Utos ni Hades..." ungol ni Jejomar. Nanayo ang mga balahibo ni Sierra. Ang ungol ni Jejomar ay parang ungol ng mabangis na hayop. Para iyong nagmumula sa ilalim ng lupa. Nakakapanindig balahibo!
"Arkk.... argh... ugh..." nasasaktang ungol ni Sierra at pinilit na makawala. Pero malakas si Jejomar. Hindi siya nito binigyan ng pagkakataong makahinga. Dahil doon ay nawalan siya ng pagkakataong magtanong. Ang gusto niya, pakawalan nito ang leeg niya dahil hindi na siya nakakahinga!
Hanggang sa nakarinig sila ng malalakas na busina. Sabay silang napatingin at napasigaw si Sierra ng bumangga sila sa isang rumaragasang truck. Dahil sa nangyari, nabitawan siya ni Jejomar pero ramdam naman ni Sierra ang matinding sakit na tumama sa kanyang katawan na naging dahilan kung bakit siya nawalan ng malay...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hmmm..." ungol ni Sierra. Pinilit niyang imulat ang mga mata pero napangiwi siya ng hindi niya magawa. Pinilit din niyang kumilos at napaungol na lang siya sa sakit ng hindi niya maikilos ang buong katawan. She tried to relax and thought everything. Napasinghap siya nang maalalang naaksidente pala siya kasama si Jejomar.
Dahil sa naalala ay muli siyang nakaramdam ng takot. Napaungol siya dahil walang boses ang lumabas sa lalamunan niya. Tuyong-tuyo iyon. Pinilit niyang imulat ang mga mata pero ganoon pa rin. Madilim na pa rin. Doon niya naramdamang mayroong nakabalot sa ulo niya kaya hindi siya makakita. Nagtangka siyang hawakan iyon pero ang kaliwang kamay lang niya ang nakakilos.
"Iha? Are you awake now?" alalang anas ng daddy ni Sierra.
Napasinghap siya. Biglang kumabog ang dibdib niya. "D-Dad... a-ano'ng nangyari? Bakit hindi ako makakita? Bakit hindi ako makagalaw" kinakabahang saad niya.
"I-Iha, you just undergo serious operations. Naka-semento ngayon ang mga tuhod mo at kanang braso. Naalis na rin ang mga hematoma mo sa katawan. A-Ang mga mata mo rin ay na-apektuhan dahil ayon sa doktor, tumama daw ito sa mga bubog ng sasakyan dahil sa lakas ng collision," seryoso nitong paliwanag.
Bigla siyang nagalala sa kalagayan. "Please, don't cry iha. Makakasama sa mga mata mo. Tatawag muna ako ng doktor para masuri ka. Two weeks kang walang malay. I thought I am going to lose you..." nagaalalang anas ng matanda.
"Dad..." anas niya. Pigang-piga ang dibdib dahil sa sakit.
"Wait here. Tatawag lang ako ng doktor," nagmamadaling saad ng matanda.
Tumango si Sierra. Natatakot man sa kalagayan, kinalma niya ang sarili. Ilang sandali pa ay bumalik ang matanda at sinuri siya ng doktor. "Under observation ka pa rin. One week from now, aalisin natin ang cast ng mga mata mo. Hindi pa tayo sigurado kung successful ang operation sa mga mata mo at makakakita ka. We did everything we could. The least we can do now is pray for your eyes." seryoso nitong paliwanag.
Nakakatakot man, pinili ni Sierra na maging positibo. Naramdaman na lang niyang hinawakan ng daddy niya ang kamay niya at pinisil. Saglit pang nagbilin ang doktor hanggang sa nagpaalam na.
"S-Si Jejomar po? Kumusta na siya?" pigil hiningang tanong niya ng maalala ito.
"He's dead. Pati ang driver ninyo, patay na rin ng isugod sa ospital. Nang itawag ng Cebu Medical Center ang nangyari sa'yo, agad akong nagpunta. Matapos kang malapatan ng lunas ay dinala kita agad dito sa Manila," paliwanag ng matanda at napabuntong hininga. "S-Si Inconnu, hindi pa nagpupunta dito. Naibalita sa TV ang nangyari at tingin ko, nakaabot ito sa kanya pero—"
"Dad, huwag na ho natin siyang hinatayin. Hindi siya darating," malamig niyang putol. Durog na durog ang puso niya.
This time, hindi na napigilan ni Sierra na makaramdam ng galit. Iyon ang napala niya sa kakahabol kay Inconnu. Ginawa niya ang lahat para dito. Nagkasamaan na sila ng loob ng ama dahil kay Inconnu. Halos bagyo ang dinaanan niya pero hayun ang napala niya. Wala! Deserve ba niya iyon? Tingin ni Sierra ay hindi!
"Sierra—"
"Please, dad. Let's not talk about him," malamig niyang pakiusap at napabuntong hininga. Umaasang huwag na sana iyong igiit ng ama. Ang sakit noon sa kalooban. Masama rin ang pakiramdam niya. Lalong sumasam ang loob niya sa tuwing naalala si Inconnu.
"Okay. Kung iyan ang desisyon mo, so be it," malungkot na saad ng matanda
Napabuntong hininga sila. Saglit silang natahimik na magama hanggang sa naalalang sabihin ang mga nangyari noong aksidente. Natahimik ang matanda matapos niyang ikwento ang tungkol sa demon.
"Demons are after you... why?" nalilitong tanong nito.
Napaisip si Sierra at inaalala ang ungol ni Jejomar. "He said... utos daw ni Hades. Nabanggit din ni Baldassare ang tungkol sa kanya noong mag-summon ako ng demon..." naalalanag anas niya at sinabi ang lahat sa matanda.
"Hades is the King of Underworld, according to myth." napapaisip na sagot ng matanda. "Bakit ka gustong ipapatay ni Hades?"
Natutop niya ang ulo ng pumintig iyon. Agad siyang dinaluhan ng matanda at inalalayang makahiga ng maayos. "Let's not talk about it now. Magpahinga ka na muna. Nasaan ba ang itim na libro? Mabuti siguro kung—"
"No!" agad niyang awat dahil naalala niya ang sinabi ni Inconnu. Bago pa magtanong ang daddy niya ay sinabi na niya ang mga sinabi ni Inconnu: wala ng demon ang makikipag-deal pa sa kanila. Ayaw niyang mapahamak ang daddy niya kaya inawat niya ito. Naniniwala din naman siya sa sinabi ni Inconnu.
"Okay pero papaano natin malalaman ang lahat?" desperadong tanong ng daddy niya.
Napaisip siya hanggang sa nagkaroon ng ideya. "Sa tingin ko, kailangan nating makipag-usap sa mga eksperto. Like priest..." suhestyon niya.
"Okay, okay. Let's do that. Magpahinga ka na muna at tatawagan ko si Fr. Simon." tukoy nito sa paring tinawagan ni Nana Lilith na nagmisa noong sa garden nila pagkalabas ng daddy niya sa ospital noon. Ang kwento ni Nana Lilith noon ay kapitbahay nila ang pari sa Negros—kung saan nakatira talaga si Nana Lilith.
Tumango na siya at tumalima. Ilang sandali, nakatulog na siya. At sa pagtulog, napanaginipan niya si Inconnu. He was saying sorry for breaking her heart. Kita niya sa panaginip ang matinding paghihirap nito. Nagising na lang siyang mabigat ang dibdib. Napabuntong hininga na lang si Sierra at pinilit na kalmahin ang pusong naapektuhan sa panaginip.
Iginiit niya sa sariling imposible iyon. Hindi siya minahal ni Inconnu at kailangan na niya itong kalimutan...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ayon sa demonology na napagaralan ko, mayroong paboritong devils si Hades. He named them 'legendary devils' because of their well-known skills and been the greatest demon of all time. Their names were Demetineirre, Inconnu and Baldassare..." seryosong paliwanag ni Fr. Simon matapos magpaliwanag ng magama. Wala silang itinago sa pari para tuluyang mabigyan ng kasagutan ang mga nangyayari sa kanya.
Natahimik sila. Biglang-bigla sa narinig. Si Sierra ay hindi rin makapagisip ng diretso. Nakakagulat na hindi lang pala basta isang demon si Inconnu kundi may ranggo pa!
Nagpatuloy ang pari. "I thought, it was all myth pero totoo pala. At kailangan mong magingat, iha. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pag-ascend ng isa sa mga legendary devils niya. It seems he was blaming you and wants you to suffer..."
Kumabog ang dibdib ni Sierra. Aaminin niya, natakot siya sa narinig at natuklasan hanggang sa... napangiti siya ng mapait. Hayun siya. Gustong gantihan ni Hades pero nasaan ng taong dahilan noon? Wala! Ibang babae ang mahal!
Pakiramdam ni Sierra ay naiwan siya sa ere. Lalong sumama ang loob niya at nakaramdam ng galit sa sitwasyon. Bakit siya ang kailangang sumalo ng lahat ng iyon? Napaka-unfair!
"Wala na ho bang ibang paraan?" malamig niyang tanong.
Isang mahabang buntong hininga ang isinagot nito. "I am afraid, walang paraan para labanan ang hari ng kadiliman, iha. But I can give you something that can keep you away from harm. Wear this everytime, okay?" anito saka isinuot sa kanya ang isang kwintas. Napahawak siya sa pendant at naramdaman niyang isa iyong crucifix.
"Have faith, iha. Iyon ang pinakamahalagang sandata. Lagi ka ring magbulsa ng asin at holy water. Oras na atakehin ka ng mga demon, mayroon kang sandata kahit papaano." suhestyon nito.
Napatango si Sierra. Saglit pa siya nitong binilinan hanggang sa tuluyan nang umalis. Natahimik silang dalawang magama hanggang sa napahinga ito ng malalim.
"Oras na umalis ka dito sa ospital, sa tingin ko ay mas makakabuting sa kumbento ka muna tumuloy. It was a holy ground. Tingin ko ay hindi ka masusundan doon ng mga demon. May puwede ka namang tuluyang kumbento, sa Baguio. Kakilala ko ang namamahala doon. Minsan na akong nilapitan noon para sa donasyon." suhestyon nito.
Natapango si Sierra. Dahil sa kalagayan, imposibleng makalaban nga naman siya kaya mas magandang oras na makalabas doon ay sa kumbento muna siya tumuloy.
"Magpahinga ka na muna. Kailangan mong magipon ng lakas. Sa susunod na araw, aalisin na ang cast mo sa mata. Let's pray that everything would be okay," anito.
Tumango siya at nagpahinga na. Bago makatulog ay nagdasal pa siya. Humingi siya ng ibayong lakas ng loob para makayanang harapin ang matinding pagsubok na iyon. Hindi na niya napansing nakatulog na siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Matuling lumipas ang mga araw. Dumating ang araw na aalisin ang cast niya sa mga mata. Kinakabahang hinahayaan lang niya ang doktor sa pagalis noon hanggang sa tuluyang naalis iyon. Inutusan siya nitong imulat ang mga mata ng dahan-dahan hanggang sa naiyak na lang si Sierra dahil sa kadilimang nakita...
"Oh My God... W-Wala ho akong makita..." nagaalalang anas niya at napahawak sa mga mata. Naiyak siya nang malakas nang makapang nakamulat naman siya pero wala pa rin siyang makitang liwanag.
Agad siyang inawat ng mga ito. Nagaalala man, kinontrol niya ang emosyon. Halos sumabog na ang dibdib niya habang sinusuri siya ng doktor. Agad siya ginawaan ng test. Halos hindi siya humihinga habang hinihintay iyon hanggang sa tuluyan nilang makuha at paliwanagan siya ng doktor.
"It seems that your cornea was totally damaged, iha. Pero makakita ka pa rin. Oras na mayroong mag-donate sa'yo, maisasagawa agad natin ang operasyon. Nasisiguro kong makakita ka pa rin," paliwanag ng doktor.
Napatango si Sierra kahit pa lumong-lumo ang pakiramdam. Tanging ang daddy niya lang ang humawak sa kamay niya at doon niya naalala si Inconnu. Ang lalaking naging dahilan kung bakit niya nararanasan ang lahat ng iyon.
Mayroong sumibol na galit sa puso niya. Hindi niya napigilan. Tao lang siya. Nagmahal. Nasaktan. Noong iniwanan at tinalikuran, nagalit siya. Normal lang iyon dahil patong-patong na ang dinadanas niyang hirap. Mabuti sana kung kasama niya si Inconnu. Makakaya niyang harapin ang lahat pero hindi. Wala ito at parang pinarurusahan pa siya kahit na hindi sila nito nagkatuluyan.
"Anak, huwag ka ng umiyak. Maghahanap tayo ng donor, okay?" ayo sa kanya ng daddy niya.
Sisigok-sigok siyang tumango. "D-Dad, gusto ko ho munang mapagisa..." lumuhang pakiusap niya.
Pinagbigyan siya nito. Nang maramdamang nagiisa, napahagulgol siya sa mga palad. Wala siyang ibang magawa kundi ang iiyak ang hirap na pinagdadaanan hanggang sa nakatulog. Nagising na lang siya ng maramdamang mayroong nakahawak sa kanyang kaliwanag kamay.
Napasinghap si Sierra. Agad niyang naramdamang iba ang palad na nakahawak sa kanya. Malambot ang kamay ng daddy niya at ramdam niya ang kulubot samantalang mayroong kagaspangan ang kamay ng lalaking nakahawak sa kamay niya. Alam niyang kamay iyon ng isang lalaki. May kalakihan iyon at katigasan.
Kumabog ang dibidb ni Sierra. Mayroong nabubuong ideya sa isip niya pero inignora niya. Imposible ang ideyang iyon. Kailangang maging imposible dahil kung nagkataong tama ang hula niya, hindi niya alam kung papaano haharapin ang lalaking nagmamayari ng palad na iyon...
"D-Dad... ikaw ba iyan?" pigil hiningang paniniyak niya. Wala pa rin siyang maaninag kahit dilat na dilat ang mata.
Nanginig ang labi niya ng hindi sumagot ang lalaki. Humigpit lang ang hawak nito sa kamay niya. Magsasalita sana siya pero doon naman niya narinig na bumukas ang pinto ng kuwarto.
"Who are you?" gulat na tanong ng daddy niya. Doon siya binitawan ng lalaki. Napabangon siya dahil ramdam niya ang pagtayo nito.
Hindi pa rin nagsasalita ang lalaki. Hindi sigurado ni Sierra kung natataranta ito o ano pero ramdam niya ang tensyong bumabalot sa kuwarto ngayon.
"Sino ka?" seryosong ulit ng daddy niya at narinig niya ang yabag nito. Mukhang papalapit sa lalaking nakatayo sa tapat ng kama niya.
"Inconnu. Siya si Inconnu, dad," malamig niyang sagot. Siya na ang gumawa dahil mukhang napipi na ang lalaki!
Nagsalubong ang kilay ni Sierra. Doon siya nakaramdam ng matinding panggigigil. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Sierra—"
Naiyak siya sa sobrang galit ng marinig ang boses ni Inconnu. Hindi niya sukat akalaing magiging ganoon katindi ang epekto nito sa kanya. Boses pa lang, naiyak na siya! Ah, dahil na rin siguro sa kabila ng matinding galit niya ay nandoon pa rin ang pagmamahal niya rito. Sumisilip pa rin kahit takpan iyon ng isang dipang galit...
"Bakit ka nandito?" mariing tanong ni Sierra habang bumubukal ang masaganang luha sa mga mata. Nangangatal siya kakapigil sa sariling damdamin. "Nagpunta ka ba rito para makita ang kalagayan ko? Ano ang masasabi mo ngayon, Inconnu? Ano ang masasabi mo sa kinahinatnan ng paghahabol ko sa'yo!" singhal niya.
"I am sorry, Sierra..." sinserong anas ni Inconnu. Bakas ang pagsisisi sa tono. Lalo iyong nakadurog s puso niya. Sorry saan? Sorry dahil sa sinapit niya ngayon dahil nagpakatanga siya rito? Eh, 'di wow!
"Hindi ko kailangan ang sorry mo. Umalis ka na! Sumasama ang pakiramdam ko dahil nandito ka!" histerikal na taboy niya rito.
Doon niya napatunayang hindi talaga niya kayang harapin si Inconnu. Papaano niya magagawa? Wala siyang ibang nakikita dito kundi ang mga sinabi nito noon. Iba ang minahal nito sa kabila ng mga ginawa niya para dito. Nasa peligro ang buhay niya ngayon at hindi iyon maililigtas ng isang sorry lang.
"Sige na. Umalis ka muna," malamig na taboy ng daddy niya at dinaluhan siya. Pinakalma siya nito at niyakap. Iyak siya ng iyak. Pakiramdam ni Sierra ay tuluyan ng nagdilim ang mundo niya dahil kay Inconnu...
Naiyak na lang ng malakas si Sierra ng marinig ang pagbukas-sara ng pinto, hudyat na umalis na talaga si Inconnu. Napahagulgol na lang si Sierra sa mga palad. Pakiramdam niya, sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan na naman siya ng lalaki...
t