>Sheloah's POV<
Lahat kami nagulat sa kwento ni Sir Jim. Yung mga classmates ko naiyak dahil sa nangyari kay Sir Cesar. Yung iba nagyayakapan, yung iba umiiyak. Yung adviser namin at si Sir Erick din napaiyak no'ng nalaman nila yung katotohanan. Pati na rin ako… naawa sa nangyari kay Sir Cesar.
Napapaluha ako at tiningan ko si Sir Jim ng seryoso. "Bakit… bakit niyo 'yon ginawa, Sir? Ang sama niyo… siya pa yung may idea na tulungan kayo at ginamit niyo lang siya," sigaw ko sa kanya at mas lumakas ang ulan.
"I was… too selfish," sabi na lang ni Sir Jim sa akin at hindi ko mapigilan ang inis ko sa kanya. Nilapitan ko siya at tiningnan ko siya ng seryoso.
"Ang bait ni Sir Cesar! Siya pa yung may initiative na lumaban para sa'yo tapos…" Hindi ko matapos yung sinasabi ko dahil napapaiyak ako.
Pinipigilan ni Sir Jim yung iyak niya at niyakap niya ako. Sinuntok ko ng maraming beses yung dibdib niya at umiyak na ako dahil sa inis na nararamdaman ko.
"Walang hiya ka, sir," sabi ko na lang sa kanya habang umiiyak ako.
Binitawan ako ni Sir Jim at nilayuan niya ako pero patuloy niya parin kaming tinitingnan. Napaupo ako sa sahig at nilapitan ako ni Veon. Napaluhod siya at hinawakan niya yung balikat ko habang umiiyak ako. Tiningnan niya si Sir Jim nang masama at tinulungan niya akong tumayo. Patuloy parin akong umiiyak habang hinahawakan ni Veon yung balikat ko.
"Akala ko ba, sir… kasama ka namin, na kakampi ka namin," sabi ni Josh sa kanya at napaluha na rin si Josh.
"Sorry…" Humingi ng tawad si Sir Jim but Josh just shook his head. He doesn't trust Sir Jim anymore.
"Aaminin ko… Sir Cesar might be annoying but what you did to him… was so unfair and so selfish," sabi ni Tyler kay Sir Jim at napatingin si Sir Jim sa sahig habang umiiyak siya.
Narinig ko yung mga murmurs ng iba kong kaklase at pati rin sila nagagalit kay Sir Jim dahil sa ginawa niya. Maraming naawa kay Sir Cesar. Namatay siya dahil lang sa selfishness ni Sir Jim. Ginamit si Sir Cesar para lang mabuhay siya. It's unfair… that's just unfair.
The way he died was not right. He was kind. He was happy. He was always smiling. He was prepared to protect someone but he was just betrayed for the sake of selfish reasons.
Mabait siyang teacher. Teacher namin siya sa computer. No'ng una hindi siya masyado magaling magturo pero habang tumatagal, naiintindihan naman namin siya. Siya rin yung teacher na parang barkada rin namin. Tuturuan niya kami talaga pag hindi namin maintindihan. Siya pa ang lalapit para lang i-check ang progress ng isang tao. He's caring and at the same time, a person with a good sense of humor.
Patuloy parin kaming umiiyak at hinawakan ni Veon yung likod ko to comfort me. Tiningnan niya nang masama at nang seryoso si Sir Jim at nagsalita siya.
"Pinagkatiwalaan ka namin, Sir Jim. Pa'no ka na namin pagkakatiwalaan," sabi ni Veon sa kanya at hindi makapagsalita si Sir. Hindi niya alam kung ano'ng masasagot niya kay Veon.
"Iwan niyo na ako. I don't have the right to come with you," sabi niya at hindi parin kami kumikilos. Lahat parin kami hindi makapaniwala sa ginawa niya kay Sir Cesar. It all happened too quickly and unexpectedly. Umiiyak na si Sir Jim at tiningan niya kaming lahat.
"Umalis na kayo," sigaw niya sa aming lahat at may mga zombies na papunta sa amin pero mabagal silang gumagalaw. Kumbaga, naglalakad sila papunta sa amin.
Pumasok yung mga classmates namin sa buses at sinarado nila yung pinto. Pumasok na rin yung parents at sinarado na rin nila yung pinto ng kanilang bus. Si Sir Erick at ang adviser namin sa kotse at kami na lang ni Veon ang natitira sa labas. Tumigil na ako sa kakaiyak at nakatitig lang ako kay Sir Jim.
He wasted and ruined our trust.
Napaupo si Sir Jim sa gitna ng playground at umiyak siya maslalo. "Umalis na kayo…" sabi niya sa amin nang mahina pero naririnig parin namin kahit ang lakas ng ulan.
Hahawakan ko sana yung balikat ni Sir Jim pero pinigilan ako ni Veon.
"Sheloah… 'wag na. Kailangan na nating umalis at… ito yung ginusto ni Sir Jim," sabi sa akin ni Veon at hinawakan niya ako sa balikat, and he led me away from him.
Habang naglalakad kami papuntang kotse ni Veon, lumingon ako at nakita ko si Sir Jim na nakaupo parin sa sahig, not minding na may mga zombies na papunta sa kanya. Medyo malayo pa yung zombies sa kanya pero nilalapitan talaga si Sir.
Binalik ko yung tingin ko sa harapan at pinikit ko yung mga mata ko habang hinahawakan ako ni Veon sa balikat ko papuntang kotse niya.
"Bye, Sir Jim," bulong ko sa sarili ko at nakapasok na kami ni Veon sa kotse niya.
Nagmaneho na si tito paalis ng school. Sinundan ng bus ng parents at bus ng mga students. No'ng hinihintay namin ni Veon umalis yung kotse at yung dalawang buses para sundan namin sila, tumingin ako sa mirror at nakita ko na yung zombies kinakain na si Sir Jim. Napaiyak ako dahil kahit may kasalanan si Sir Jim, namatay siya. I think I got attached to him since nakasama rin namin siya.
Tumingin din si Veon sa mirror at hinawakan niya likod ko. "'Wag kang umiyak, Sheloah. Nangyari na," sabi ni Veon sa akin and I am trying to stop myself from crying. "Nasa huli ang pagsisisi," dagdag sabi pa ni Veon at nagmaneho na uli siya.
Sinusundan niya yung bus sa harapan namin. Yung mga bus rin kasi, sinusundan kung saan pumupunta si tito.
Tumingin ako sa bintana at patuloy parin ang ulan. Malakas ang ulan at giniginaw na ako. Tumingin nanaman ako sa mirror at nakita ko yung reflection ng school namin.
Aalis na kami ng school. Hindi ko alam kung saan na ang susunod naming pupuntahan. Maraming nangyari. Two days of zombie apocalypse, a lot has happened. Today is the third day, and we are now leaving.
We are now leaving the place that held most of our happy memories.