Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 48 - Saved Sheloah

Chapter 48 - Saved Sheloah

"Uy, alis na kayo, ah! Gagamutin ko mga sugat niya," narinig kong sigaw ni Isobel.

Nasaan ako at bakit hindi ko maimulat mga mata ko? Dahil sa sigaw ni Isobel, biglang sumakit ang ulo ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Chill ka lang! Nandiyan na nga si Sheloah sa harapan mo, eh," sabat ni Josh sa kanya at narinig kong huminga ng malalim si Isobel.

"Nahulog kasi siya sa bangin! Pasalamat kayo at hindi malalim yung bangin na 'yon! Veon… buti naman at nakita mo siya kaagad. Paano na kung hindi," sabi naman ni Isobel at may naririnig akong tubig sa tabi ko.

"Naiinis ako sa sarili ko," sabi ni Veon at malapit yung boses niya sa akin. Siguro katabi ko lang siya kaya rinig na rinig ko. "Kung hindi ko sana siya tinulak, hindi siya nahulog at hindi siya nagkaroon ng mga sugat sa katawan," dagdag sabi pa niya at napaisip ako.

Sugat? May mga sugat ako sa katawan? Ano ba yung nangyari? Yung huling natatandaan ko is yung… magkasama kami ni Veon tapos may zombies. Nakapatay siya ng isa pero noong pagkalingon ko, may tatlo sa likod. And then tinulak niya ako…

"'Wag kang magsalita ng ganyan. Basta ang importante, ligtas si Sheloah," sabi na lang ni Isobel at narinig kong huminga ng malalim si Veon.

"Ang tanga ko talaga! Bakit ko siya tinulak," tanong ni Veon sa sarili niya.

Gusto ko silang kausapin pero… hindi ko pa maimulat mga mata ko. Kailangan ko pa ba ng time para mag adjust katawan ko bago ko mabukas mata ko? Kumikirot buong katawan ko at feeling ko sobrang naipit yung left arm ko. Ang sakit.

"It already happened, Veon. At least you saved Sheloah from the zombies. It's better if she gets injured rather than become a mindless being," comfort ni Tyler sa kanya at medyo nagagalaw ko na yung kamay ko.

"Uy! Nagigising na siya," sigaw ni Isobel at dahan-dahan ko na nabubukas yung mga mata ko.

The moment I opened my eyes, nakita ko yung mga bituin sa langit. Ramdam ko yung warm air sa skin ko at tumingin ako sa left and right ko at nakita ko yung nanay ko na natutulog at sa harapan ko naman sina Veon, Isobel, Josh at Tyler.

Mukhang masaya at nag aalala sila para sa akin maslalo na ang nanay ko. Sinubukan kong tumayo pero bigla na lang ako napahiga. Kumikirot ng sobra yung katawan ko dahil sa nangyari kanina.

Bigla ako nilapitan ni Veon and he supported me. "'Wag kang gumalaw masyado. Hindi pa kaya ng katawan mo," sabi ni Veon sa akin at sumandal ako sa puno na nasalikuran ko. Tumingin nanaman ako sa kapaligiran ko.

Yung mga parents nasa loob ng 7-11. Yung mga classmates ko naman may ginawang mga bonfire at doon muna sila nakatambay. Yung iba kumakain, yung iba nagpapahinga at natutulog. It's good that they've settled down.

Tiningnan ko yung mga tao na nasa harapan ko. "Ano'ng oras na," tanong ko at lumuhod si Isobel sa harapan ko.

"8:21PM na," sagot niya at naglagay siya ng betadine sa cotton. Tinaas niya ng onti yung skirt ko at nilagyan niya ng betadine sugat ko. Gumalaw ako ng onti dahil sa sakit.

"'Wag kang mag alala. Yung iba nalagyan ko na ng gamot. Dapat kasi tulog ka pa para hindi mo maramdaman ang kirot," sabi ni Isobel sa akin at nginitian ko siya.

"Salamat," sabi ko sa kanya at nginitian niya rin ako. Tumayo siya at tinago niya yung First-Aid Kit.

"Tapos na ako. Kumain ka na ng dinner mo at magpahinga ka na," sabi ni Isobel sa akin at umalis siya at pinuntahan niya yung ibang classmates namin. Tiningnan ako ni Josh at Tyler.

"Buti naman at okay ka, Sheloah," sabi ni Josh sa akin at nginitian niya ako. Nginitian ko rin siya.

"If you were gone, then we won't be able to bully someone," dagdag sabi pa ni Tyler at tumawa ako ng onti pero hindi ako makatawa masyado dahil ang sakit ng katawan ko. Konting galaw lang, kikirot na yung katawan ko.

"Thanks sa concern, guys," sabi ko sa kanila at nginitian nila ako one last time bago nila puntahan ang crushes nila na si Alice at Dannie. Silang dalawa talaga… pupuntahan ang taong mahal nila.

I smiled as they left at tinabihan ako ni Veon. Nilapag niya yung lunchbox sa lap ko. May rice at chicken curry. Niluto ito ng parents, I'm sure. Ito yung dinner naming lahat.

Tiningnan ko si Veon. "Salamat," sabi ko sa kanya and I tried opening it pero hindi ko kaya. I hate the feeling of being weak!

Nagising ang nanay ko no'ng narinig niya ang boses ko. Nilapitan niya ako agad. "Okay ka lang ba, anak," tanong niya at nginitian ko siya.

"Medyo masakit katawan ko, ma. Pero okay naman ako," sagot ko sa tanong niya at nginitian niya si Veon.

"Salamat, Veon. Ako na ang bahala kay Sheloah," sabi ng nanay ko at napatango si Veon sa sinabi ng nanay ko.

"Sige po, tita," sabi niya at umalis na si Veon.