>Sheloah's POV<
Binuksan ni mama yung lunch box at kinuha niya yung kutsara at tinidor. Kumuha siya ng rice at tinutok niya malapit sa bibig ko. Napatawa ako ng onti dahil sinusubuan ako ng nanay ko.
Habang sinisubuan ako ng nanay ko, biglang siya nagsalita. "Ang sama ng loob ni Veon sa sarili niya," sabi niya at bigla naman ako nagtaka.
"Bakit naman, ma," tanong ko at sinubuan uli ako ng nanay ko.
"Wala ka raw sa sitwasyong 'yon kung hindi dahil sa kanya," sagot ng nanay ko sa tanong ko and I shook my head.
"Wala ako, ma, kung hindi niya ako niligtas. At kasalanan ko rin siguro… binuksan ko kasi ang bintana," sabi ko sa kanya at napabuntong-hininga ang nanay ko.
"Alam ko iba ang kalagayan ng mundo ngayon pero don't act rashly, anak, kahit leader ka ng grupo," sabi niya at napatango ako.
"Opo, ma… sorry," sabi ko at pinainom niya ako ng tubig.
Medyo lumakas yung pakiramdam ko kaya sinubukan kong tumayo. Siyempre, tinulungan ako ng nanay ko. Nakakapit ako ngayon sa braso niya at mabagal kaming naglakad palabas.
Pumasok kami sa 7-11 at pumunta kami sa pwesto kung nasaan ang tito ko, si Sir Erick, Isobel, Josh, Tyler at Veon. Iniwan ako ng nanay ko at sinimulan na naming pag usapan yung plano. Siyempre, tinanong nila kung okay lang na naglalakad na ako sa kalagayan ko pero sa totoo lang, okay naman na talaga ako. Salamat kay Isobel at mabilis akong naka recover.
"So ang tanong… kung ano ang next na destination natin, correct," tanong ko at tumango sila sa sinabi ko.
"Hiniram ko yung laptop at pocket wi-fi ni Jules. Gamitin natin habang hindi pa ito lowbat at nauubusan ng load," sabi ni Isobel at nilagay niya yung laptop sa table at binuksan niya. Nasa bandang maps yung page. "Hahanap tayo ngayon ng destinasyon natin," dagdag sabi pa ni Isobel at kinuha ni Sir Erick yung laptop and he started typing.
"Stay muna tayo rito ng ilang araw bago tayo umalis. Let's say… for about 2 days, tapos alis na tayo," suggest ni tito at tumango kaming lahat.
"So ano'ng gagawin natin sa dalawang araw na 'yon," tanong ni Josh at sumandal si tito sa wall na nasa likod niya.
"Rest and preparation. Siguro mahaba-haba ang byahe natin. Ewan ko nga lang kung saan ang destination na next," sagot ni tito sa tanong ni Josh.
"Basta kung saan lahat tayo magiging ligtas… doon na lang tayo pupunta," sabi ni Veon at tiningnan siya ni Tyler.
"But what if Philippines is not really safe for everyone anymore. Where would we go," tanong ni Tyler at lahat kami napaisip sa sinabi niya.
Tama siya. Kung hindi na ligtas dito sa Pilipinas, saan pa ba ang pwede naming puntahan? May pag asa pa ba? Siyempre, kailangan naming umalis kung hindi na talaga ligtas dito. And maybe the possibility is to go to another country.
Bigla akong nakaisip ng isang idea. "Kung pumunta lahat tayo sa ibang bansa… good plan ba 'yon," tanong ko at lahat sila napatingin sa akin.
"Paano tayo makakapunta sa ibang bansa? Alam kong possible 'yan pero… ligtas parin ba sa ibang bansa ngayon? Wala tayong contact sa kanila," sabi ni Isobel at lahat nanaman kami napaisip.
Ito ang mahirap, eh. Wala kaming contact sa ibang bansa at hindi namin alam kung ligtas din doon. Ano na talaga ang susunod naming gagawin?
Tiningnan ni Veon si Isobel. "Mga ganitong oras, gising pa mga tao sa Australia. May ate ako roon. Iko-contact ko siya ngayon since may wi-fi. Tatanungin ko kung ligtas sila," sabi ni Veon at napatingin kaming lahat sa kanya.
"That's a good idea," react ni Tyler at binigyan niya ng thumbs up si Veon.
"Gamitin mo muna 'tong iPod since ginagamit ko pa yung laptop to get directions on our next destination," sabi ni Sir Erick at kinuha ni Veon yung iPod sa kanya.
Binuksan niya yung Skype at ni-log in niya yung account niya. He contacted his sister tapos sinagot naman nito agad ng ate niya.
"VJ! Bakit ngayon ka lang nagpaparamdam, ha? Alam mo ba na nag aalala kami ng ate Lisa mo," bati agad ng ate niya, punong-puno ng pag aalala na hindi man lang mag greet ng hello sa kanyang bunsong kapatid.
VJ? Nickname ba 'yon ni Veon? Well… Veon John nga ang pangalan niya kaya gets ko na VJ ang nickname niya. Siguro yung kausap niya ngayon is yung pangalawa niyang ate. Isa siyang head nurse sa Australia. Graduate siya ng college as Summa Cum Laude. Talagang matalino ang ate niya. Ang ganda pa niya.
"Sorry, ate Lynlyn. May emergency kasi na nangyari rito sa Pilipinas—" Hindi siya pinatapos ng ate niya.
"Alam ko. I heard the news here in Australia. Zombie apocalypse is already happening. Alalang-alala kami ng ate mo! Umiiyak kaya kami since mga tatlong araw ka nang hindi nagpaparamdam," sabi ng ate niya at huminga ng malalim si Veon.
"Malamang hindi ko po kayo mako-contact dahil may zombie apocalypse," sagot ni Veon sa ate niya at biglang kumalma ang ate niya.
"Wala na akong pakealam. Ang importante ay ngayon. Ayos na ako na malaman ko na ligtas ka," sabi ng ate niya.
Tiningnan ako ng ate ni Veon at nginitian niya ako. "VJ… sino yang katabi mo? May girlfriend ka na ba," tanong ng ate niya at nagulat kaming dalawa.
"Hindi po! Wala pa akong balak," sabi ni Veon sa kanya at tumawa yung ate niya. Tumawa rin yung ibang nakarinig sa conversation nila.
"Alam na," sabi ni Isobel sa akin at binunggo niya yung balikat ko. Inirapan ko siya.
"Anyways, ate… kamusta naman sa Australia? Ligtas ba," tanong ni Veon sa ate niya at pumunta yung ate niya sa isang malaking glass window. Nagulat kami sa nakikita namin.
May zombie apocalypse din sa kanila.