>Sheloah's POV<
"Sheloah," tinawag ni Veon yung attention ko at nagising ako. Nakatulog kasi ako. Nag simula na yung byahe namin. Ngayon ko lang napansin na nananaginip na pala ako. All this time akala ko lahat ng napapanaginipan ko ay nangyayari. Akala ko nasa school pa kami.
We decided to talk about where we would go next once we stop in Pangasinan. Basta aalis muna kami ng Baguio. Pag dating namin ng Pangasinan, gagawa kami ng panibagong plano. Kakausapin ko yung tito ko at si Sir Erick kung alin ang mas magandang plano ngayon na wala na kami sa Baguio.
"Malapit na tayo sa Pangasinan," dagdag sabi ni Veon at tumango ako sa sinabi niya.
"Sorry. Medyo nahabaan ko yung tulog ko," sabi ko sa kanya at nginitian niya ako habang nag mamaneho siya.
"Anyways… bakit ka ngumingiti kanina no'ng natutulog ka? May napanaginipan ka ba," tanong niya at tumawa ako ng onti.
"Tinitingnan mo ako no'ng natutulog ako, 'no," asar ko sa kanya and he scoffed.
"Baliw! Kasi ngumingiti ka habang natutulog. Ang weird kaya," sabi niya sa akin at tumawa kaming dalawa. "Pero ano ang panaginip mo," tanong niya nanaman at nginitian ko siya.
"Yung mga dating experiences natin na masasaya," sagot ko sa tanong niya at tumango siya.
"Na hindi na maibabalik," dagdag sabi pa niya at napatingin ako sa bintana, my smile turning into a frown.
Totoo yung sinabi ni Veon. Dahil sa nangyayari ngayon, hindi na maibabalik yung mga masasayang experiences and memories namin dati. Pero sa totoo lang kahit ganito yung nangyayari ngayon, those happy memories…
Still remain.