>Sheloah's POV<
"Ano ba, Veon! Bakit hindi negative ang sagot mo," tanong ko sa kanya at tiningnan niya ako.
"Baliw ka ba? Since first year pa 'yan, dapat master mo na! Negative times negative is positive," sabat ni Veon sa akin at tiningnan ko yung solusyon ko, at solusyon niya at tsaka ko naintindihan. Oo nga… tama siya.
Inirapan ko si Veon. "Oo na! Ikaw na ang tama. Hindi ko napansin na mali yung signs ko," sabi ko sa kanya at tumawa siya ng onti at binatukan niya ako gamit ng ballpen niya.
"Ikaw, ha! Inaway mo pa ako," sabi niya sa akin at napatawa kaming dalawa.
Hindi ko kasi forte ang Math. English, pwede pa. Si Veon magaling at matalino siya. Maslalo na sa subject na Math at Physics. Maiintindihan ko talaga pag siya yung katabi ko.
Hindi ko akalain na in just 5 months, magiging close na close friend ko si Veon. Nagsimula kami naging close noong second week of June at ngayon, November na. Nakakaaliw siyang kausapin kasi ang dami naming in common. Games, animes, talents, at iba pa. Pati yung mga iba naming experiences, nakaka relate kami sa isa't-isa.
Si Veon kaya ang rason kung bakit mahilig akong magpuyat! Madalas niya akong tawagan, tapos madalas na nag cha-chat sa FB. Kung hindi kami nag cha-chat sa FB, text naman. Ang pinaka maaga naming tulog is 9:30 ng gabi at pag nag uusap kami, ang pinaka late namin is 4AM. Never ending pa ang tawanan namin at dahil sa closeness namin ni Veon…
I started falling for him.
***
Chine-check na namin yung test paper namin sa CLE subject. CLE meaning Christian Livelihood Education. Catholic school kasi yung school na pinasukan namin.
Tiningnan ni Ms. Elvira si Ace. "Acerich Quintin! Stand up," sabi niya at natawa kami dahil sinabi ni ma'am ang buong pangalan ni Ace. Ang weird kasi ng pangalan niya.
Tumayo si Ace at tumawa kami kasi no'ng tumayo siya nahulog ang mga gamit niya at mabilisan niya pinulot ang mga nahulog niyang gamit.
Tiningnan ko si Veon. Seatmate ko kasi siya. "Ayan nanaman! Ano kaya gagawin ni Ace this time," tanong ko and Veon shrugged his shoulder at me at medyo tumawa siya.
"Mga kabaliwan siguro nanaman niya. Kalokohan," sagot niya sa tanong ko at tumawa rin ako.
Pumunta sa harapan si Ms. Elvira at tiningnan niya si Ace. "Will you please read your answers in the identification part? From 1 to 5. Class, you listen to his answers," sabi ni Ms. Elvira sa aming lahat at kay Ace at tumahimik kami para pakinggan siya.
"What is Rerum Novarum," basa ni Ms. sa unang tanong sa test paper at hindi makasagot si Ace. "Say your answer," sabi ni Ms. Elvira sa kanya at tumawa si Ace.
"Diary of a Wimpy Kid," sagot ni Ace sa unang tanong ng test at lahat kami sa klase tumawa.
Kalokohan nanaman ni Ace! Tumatawa rin si Ms. Elvira. Siguro since na-check niya yung papers, alam niya yung mga sagot ni Ace kaya gusto niya i-share sa amin. Pati rin si Ms. minsan, may trip din. Masaya pag ganito. Para may gana paring pumasok.
"Where was Quadragesimo Anno created," basa ni Ms. sa pangalawang tanong at tumahimik kami para pakinggan yung sagot ni Ace.
Tumawa siya at binasa niya yung sagot niya sa test paper. "Hogwarts, School of Witchcraft and Wizardry," sagot niya at tumawa nanaman kami nang malakas.
"For what purpose is Gaudium et Spes," basa ni Ms. Elvira sa pangatlong tanong at yung iba hindi parin tumigil sa kakatawa dahil sa mga sagot ni Ace.
"Nasaan ka na, Sisa," sagot ni Ace sa pangatlong tanong at tumawa nanaman kaming lahat dahil sa sinabi niya.
Si Veon sa sobrang tawa niya, hindi niya na mapigilan. Tinatago niya yung mukha niya sa desk niya. Ako naman parang retarted seal. Yung tawa na walang tunog with matching palakpak.
"Pacem in Terris means 'Justice on Earth.' What are the three following points under this encyclical," basa ni Ms. Elvira sa pang apat na tanong at tumawa si Ace at tumawa na rin kami dahil alam namin na nakakatawa nanaman yung susunod na sagot niya.
"Hunger Games," sabi niya at tumawa nanaman kaming lahat. Si Ms. Elvira napasandal na sa black board dahil sa sobrang kakatawa niya.
"Now, Ace… amaze your classmates! Read your last answer," utos ni Ms. sa kanya at tiningnan ni Ace yung test paper niya at ngumiti siya.
"Encyclical," Ace said finally and Ms. Elvira clapped her hands once at tiningnan niya kaming lahat.
"And that, ladies and gentlemen, is the right answer! Identification, 1-5… he got 1," sabi niya at tumawa si Ace at tumawa kaming lahat. Lahat kami pumapalakpak at nag iingay dahil sa klase ngayon. Kahit first period ito in the afternoon, nabubuhayan kami.
***
6:24 AM palang ng umaga at kaming dalawa palang ni Veon ang nandito sa loob ng classroom. Sinandal ko yung ulo ko sa shoulder ni Veon. "Ang ginaw ngayon," sabi ko at tumawa siya ng onti.
"Ikaw kasi. Hindi ka nagdadala ng jacket or sweater papunta ng school," sabi ni Veon sa akin at kinuha ko yung jacket niyang light blue at sinuot ko.
"'Di ka pa nag papaalam," sabi niya sa akin and I stuck my tongue out at him.
"Ipapahiram mo naman, anyways," sabat ko sa kanya at tumawa siya ng onti.
"Well… bagay mo naman yung jacket kong 'yan. Nagmumukha kang swagger," comment niya at medyo napatawa ako sa sinabi niya.
"Kung aalis kaya ako rito… okay lang ba," tanong ko at tiningnan niya agad ko. Mukhang curious pa yung itsura niya.
"Bakit? Saan ka pupunta," tanong niya sa akin at sinandal ko yung ulo ko sa shoulder niya. Great… he answered my question with another question.
"Kasi malapit na tayo mag college. Kung nakapasa siguro ako ng UPCAT, baka sa UP Dilliman ako, Geology. Pero kung hindi ako nakapasa, edi I will take Education major in English," sagot ko sa tanong niya at tumango siya.
"Edi… go pursue your dream," sabi niya sa akin at tiningnan ko siya.
"Of course! Ako pa," dagdag sabi ko naman at nginitian niya ako. Nginitian ko rin siya.
"Pero…" he trailed off at napatingin ako sa kanya, expecting what he'll say. "Siyempre, mami-miss kita kasi bestfriends tayo," sabi niya sa akin at nginitian niya ako. Medyo bumilis tibok ng puso ko sa sinabi niya kahit bestfriend lang ang turing niya sa akin.
Nginitian ko rin siya. "Mami-miss din kita," sabi ko sa kanya at sinandal ko nanaman yung ulo ko sa balikat niya.