>Sheloah's POV<
First week of classes ngayon at medyo kinakabahan ako. Ito na yung last year ng high school ko at ga-graduate na ako! Since 4A ang section ko, onti lang ang mga kilala ko kasi jumbled nanaman yung mga batch namin. Every year, marami akong nakikilala. Sino kaya magiging kaibigan ko sa section na ito? I hope I get along well with them.
Natapos na ang flag ceremony at pumasok na kami sa classroom namin. Pero no'ng pagkapasok namin, hindi muna kami pinaupo kasi first day palang ng klase, may ginawa na yung adviser namin na seat plan na kailangan naming sundin. Ang adviser namin yung type na boring kasi matanda na. Siguro… hindi siya masyado nagsasabi ng joke.
Lahat kami pumunta sa likod ng classroom at inaantay namin tawagin ng adviser ang pangalan namin para makaupo na kami sa aming seats. Habang hinihintay ko yung pangalan ko, may nakabunggo ako dahil sa sikip ng classroom namin.
Bakit kasi ang liit ng classroom namin? Pansin ko pa nga sa mga kaklase ko ang daming matatangkad at ang daming malalaman! Kasama na ako sa mga matatangkad.
"Ay sorry, sorry," sabi ko sa katabi ko at tiningnan niya ako tsaka nginitian pa niya ako.
Nakatitig lang ako sa babaeng nakangiti sa akin. Akala ko ako na yung pinakamatangkad na babae sa classroom, turns out na mayroon pang mas matangkad sa akin. Ang haba ng legs niya at ang ganda ng suot niya! Tapos ako… first day palang ng school, ang bait ko talaga, naka uniform na ako. 'Di ako tulad ng iba na naka civilian clothes.
"Ayos lang. Er… ano'ng pangalan mo," tanong niya sa akin at nginitian ko rin siya. Ang saya ko dahil kahit first day of classes palang, may nakilala na ako.
"Sheloah ang pangalan ko," sagot ko sa tanong niya at inayos ko yung buhok ko ng pa-side. "Ikaw… ano'ng pangalan mo," tanong ko naman sa kanya at nginitian niya ulit ako.
"Isobel. Nice to meet you," sabi niya sa akin at nginitian ko rin siya. Nag shake kami ng hands, representation of the first time we met.
***
Nakaupo na ako sa seat ko. Nandito ako sa column 4, second to the last row sa likod at since bored ako sa third subject namin na Filipino at ang topic namin ay wika, inantok ako kaya tumingin na lang ako sa bintana na nasa tabi ko. Third day palang ng klase ngayon at bored na ako. Nakabakasyon parin ang utak ko ngayon.
May nahulog na ballpen sa kanan ko at napatingin ako sa sahig. Kinuha ko ito at inabot ko sa likod. "Salamat at 'sensya na sa abala," sabi ng classmate ko sa likod at napalingon ako.
Lalaki yung nakaupo sa seat sa likuran ko at tiningnan ko siya nang mabuti. He gave me his closed mouth smile at binalik niya yung tingin niya sa notebook niya. Binalik ko yung attention ko sa bintana at patuloy parin akong nagde-daydream ng kung ano-ano. Mga animes, mga games, at iba pa. Ang boring naman talaga kasi.
"Gawa kayo ng sarili niyong grupo na apat ang miyembro. Bibigyan ko kayo ng isang papel, at isulat niyo kung ano ang wika para sa inyo. Isang representative ang magbabasa ng mga sagot niyo mamaya pag tapos na ang evaluation. Maliwanag ba," utos at tanong ng teacher namin at lahat kami sumigaw ng "Yes, Ms.!" at tumango lang siya sa aming lahat.
Ginawa na lang ni ma'am is to divide the column by 3 na 4 ang members each. Kaya yung dalawa na nasa likod ko, sila yung kasama ko. Panay mga lalaki kagrupo ko at ako lang ang babae. Well, maayos lang naman. Cooperative naman sila. Lahat ng sinasabi nila tungkol sa wika, sinusulat ko sa papel.
Since third day, isa lang ang kilala ko na kagrupo ko. Si Dean. Classmate ko siya noong grade 6 ako, second year at third year. Yung seatmate ko naman pangalan niya ay Tristan. Ngayon ko lang nakilala. Yung isa naman naming kagrupo, hindi ko pa alam kung ano'ng pangalan niya at medyo nahihiya akong kausapin siya since ang tahimik niya at mukhang seryoso lagi ang expression ng mukha niya. May pagka mysterious, at ang hirap niiyang kausapin kasi baka basagin niya lang ako.
Tiningnan ko yung mga team members ko. "Sino yung magre-report ng mga sagot natin mamaya," tanong ko at hindi sila nagsasalita.
Huminga ako ng malalim at nag slouch ako ng unti. Pati sila tinatamad ding mag report. Ayaw ko rin naman mag report. Ako na ang nagsulat. Wala na muna akong pakealam. Talagang tinatamad ako ngayong umaga.
Tiningnan ako ng isa kong kagroup member at kinuha niya yung papel sa akin. "Ako na lang ang magre-report," sabi niya at nag react si Dean.
"Ayun, oh! At ako'y matutulog," sabi niya at pinatong niya yung ulo niya sa armchair niya at pinikit niya mga mata niya. Si Tristan naman, naka slouch din at nakatingin lang sa notebook niya habang gumagawa ng random doodles sa isang parte ng notebook niya.
Tiningnan ko yung team mate namin na nag volunteer. "Thanks, umm," sabi ko at hindi ako makapagpasalamat nang maayos dahil hindi ko alam kung ano ang pangalan niya. "Name mo pala? Sorry," sabi ko sa kanya at tumawa kaming dalawa ng onti.
"Veon," sagot niya sa tanong ko at nginitian ko siya habang tumango ako. Sinabi ko rin yung pangalan ko sa kanya and he gave me his closed mouth smile again.
So his name is Veon.