>Sir Jim's POV<
"Ano 'yon," tanong ni Sir Cesar at marami na kaming naririnig na sumisigaw at napatakbo kami pabalik ng main building pero nagulat kami no'ng may nakita kaming kakaiba sa school.
May nagkakagatan. Maraming sumisigaw, maraming nagtatakbuhan pero bakit sila nagkakagatan? Bakit parang kakaiba ang mga ugali ng mga tao rito? They are acting mindless and violent. They are acting like…
Zombies.
Pinapanood pa namin ni Sir Cesar ang nangyayari sa mga studyante. Hindi kami makapaniwala na ganito na ang nangyayari sa school pero natataranta kami no'ng biglang tiningnan kami ng isang zombie. Tinititigan kami na parang malapit na kaming kainin at nakatayo lang kami sa isang tabi. Sa sobrang gulat namin, hindi kami makapag isip ng maayos. Maraming zombies ang tumitingin sa amin at napatingin agad ako kay Sir Cesar.
Hinawakan ko yung braso niya. "Sir… alis na tayo," sabi ko sa kanya pero hindi parin siya makapag pay attention sa sinasabi ko. Parang gulat parin siya sa nangyayari sa paligiran namin.
Yung mga ibang zombies lumalapit na sa amin at mas natataranta ako. "Sir, kailangan na nating umalis," sabi ko kay Sir Cesar at hinila ko yung kamay niya at tumakbo na kami pero sa sobrang panic namin, we took the long cut.
Tumigil kami saglit at binasag namin yung isang glass that contained a fire extinguisher. Kinuha ito ni Sir Cesar at ginamit niyang pang patay sa dalawang zombies pero it's not effective. Ang bagal ng atake dahil mabigat at ang daming zombies humahabol sa amin.
Tumakbo na lang kami pababa and we found ourselves sa isang tahimik na lugar. We hid behind the wall na malapit sa computer lab. Sa baba ng computer lab ang home economics room. Siguro we can go there for safe hide out.
Tiningnan ko si Sir Cesar at pareho kaming pagod sa kakatakbo. "Bakit bigla nag bago ang school? Ano'ng nangyari," tanong niya at napaupo kaming dalawa.
"Paano na tayo makakatakas," sabi ko at napatahimik kaming dalawa no'ng may narinig kaming nabasag.
Nandito na siguro yung mga zombies. Sumilip kaming dalawa ng onti at may nakita kaming apat na zombies sa gilid. Naaamoy ba kami?
Nagtago ulit ako at huminga ako nang malalim. Paano na kaya kami makakatakas dito? Bakit kasi biglang nagbago ang school? Akala ko ba hindi totoo ang zombies pero bakit ngayon parang nangyayari na? Saan ito nagsimula at paano ito nagsimula?
Tiningnan ako ni Sir Cesar. "Sir… makakatakas tayo rito. Alam ko," sabi ni Sir sa akin at napatingin agad ako sa kanya. "Kaya natin ito," dagdag sabi pa niya at kinuha niya yung mop sa wall. Pinutol niya yung stick at nilapitan niya yung zombies at patuloy-tuloy niyang tinatamaan ng stick.
Si Sir Cesar gusto niya akong protektahan. Ang bait niya talaga. Kahit ganito nangyayari, hindi siya selfish.
Gusto ko siyang tulungan kaya binasag ko yung glass na may axe sa loob at kinuha ko. Pero no'ng pagkabalik ko, na-realize ko na habang tumatagal kami rito, dadami yung zombies kaya it's best kung bumaba kami papuntang home economics room para magtago.
Pero paano? Paano kami makakatakas? Kung matagal kami umatake ng zombies, hindi kami makakaalis. Kung tatakbo kami agad, mahahabol kami agad ng zombies dahil marami sila. Gusto kong mabuhay.
Ayaw kong mamatay.
Sir Sir Cesar pinapanood ko. Tinitingnan ko siya umatake ng mga zombies gamit ang stick ng mop. Halatang napapagod na siya pero patuloy parin siyang umaatake ng zombies.
Tiningnan ko si Sir ng seryoso. "Sorry… Sir Cesar," sabi ko sa kanya at tiningnan niya ako saglit habang inaatake niya yung mga zombies na nasa harapan niya.
"Ano ba ang sinasabi mo, Sir J? Ano'ng sorry? Makakatakas din tayo," sabi niya sa akin at binigyan niya ako ng smile bago niya binalik yung attention niya sa mga zombies.
Hinawakan ko nang mahigpit yung axe at napapaluha ako. "Hindi tayo magsasama, Sir Cesar," sabi ko sa kanya at tumigil muna siya sa pag aatake ng mga zombies no'ng tinumba niya yung dalawa sa harapan niya.
"Ano ka ba? Magsasama tayo! Kaya natin ito, 'di ba," sabi niya sa akin and my heart was struck by the words he said.
Bakit… bakit niya ako pinagkakatiwalaan? Bakit ayaw niya akong iwan? Bakit parin siya nakikipaglaban para sa akin? Bakit kahit ganito ang sitwasyon ngayon, kaya paring lumaban ni Cesar? Kaya parin niya ako samahan at kaya niya paring ngumiti.
Bakit?
Napaluha na ako sa iniisip ko at tiningnan ko si Sir Cesar na patuloy parin akong sinasamahan at patuloy paring lumalaban para sa akin. Hinawakan ko nang mahigpit yung axe ko, at pinipigilan ko na yung iyak ko.
Nilapitan ko si Sir Cesar at nginitian niya ako pero hindi ko mapigilan ang gusto kong gawin kaya…
Pinatumba ko si Sir Cesar, at pinutol ko yung dalawa niyang paa at sumigaw siya nang napakalakas.
Napaatras ako at tinitingnan ko si Sir Cesar na umiiyak at sumisigaw sa harapan ko. Based on the movie na napanood ko na World War Z, zombies react to sound at dahil sa ginawa ko, lahat ng mga zombies pupunta kay Sir Cesar dahil sa lakas ng sigaw niya. Umiiyak siya sa harapan ko at ngayon ko lang napansin…
I just betrayed a friend.
Bigla ko naramdaman yung pagsisisi ko no'ng nakita ko siyang nagdudusa sa harapan ko.
Bakit ko 'to ginawa? Bakit ang desperate kong mabuhay? Dahil doon, ayan tuloy… nasaktan ko si Sir Cesar. Ang inosente niya. Nagulat ako sa ginawa ko at hindi ako makapaniwala na ginawa ko talaga 'yon sa kanya. Sa sobrang mixed emotions ko ngayon, tumakbo ako pababa at pumasok ako ng home economics room. Napaupo ako sa sahig at hindi ko mapigilan ang mga luha kong tumulo.
Bakit ko 'yon nagawa? Bakit ngayon ko lang napansin na mali ang ginawa ko? Masyado akong selfish… I used the life of an innocent person for my survival at ang masaklap pa roon… he volunteered to fight for me. Siya pa yung may ganang ngitian ako kahit nahihirapan siya. Siya pa yung nagsasabi sa akin na hindi niya ako iiwan at sasamahan niya ako hangga't sa makatakas kami. Bakit… bakit ang tanga ko at ginamit ko siya? Kahit wala na siya ngayon…
Kaya pa ba niya akong patawarin sa ginawa ko?