>Veon's POV<
"Mga attackers… ito ang aalahanin niyo. 'Wag mag panic at attack lang. Dapat mailis ang eye sight niyo bawat galaw niyo. Left, right, likod at harap… alalahanin niyo may zombies. Kayo pa ang nagsisilbing 'protection' ng grupo kahit attacker kayo," sabi ko sa mga tinuturuan ko habang hawak nila ang mga baril.
Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanila. Kung nandito si Sheloah, siguro marami na siyang masasabi sa kanila kung paano umatake. Quiet type of person kasi ako. Hindi ako masyado mahilig makipag usap sa iba. Palagi ko tinatago ang iniisip ko sa sarili ko. Sinasabi ko lang sa mga taong kilala ko tulad ni Sheloah at ang iba kong kaibigan ang iniisip ko. Ayaw na ayaw ko kasi sa lahat…
Inaasahan ako.
Ako kasi yung tipong lalake na talented at matalino. Tinatago ko nga lang kasi naranasan ko na ako lang ang kumikilos pag dating sa group work. Ayaw ko ng gano'n. Hindi naman sa pagiging selfish… ayaw ko lang mapunta yung credit sa iba na wala man lang sila ginagawa na may effort.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ko sila. Ayaw ko kasi na mabigyan ako ng responsibilidad na ganito kalaki pero wala talaga akong choice.
"Baril ang weapon natin. Alalahanin natin ang simpleng guidelines ng pag gamit nito," sabi ko sa kanila at umupo sila sa sahig.
Nilagay ko yung silencer sa baril ko at tinutok ko yung muzzle sa empty space at pinindot ko yung trigger at binaril ko yung isang part ng wall at nagulat yung iba kong tinuturuan dahil sa sound ng impact ng bullet sa wall.
Binalik ko yung tingin ko sa mga tinuturuan ko. "Alalahanin niyo… ang aim natin ay zombies. Hindi tao. Mga baril natin loaded 'yan palagi ng bullets. Tipirin natin kasi hindi ito tulad ng game na may unlimited ammo," sabi ko sa kanila at napangiti sila kasi alam nila na pinag uusapan namin ay yung isang rule ng games na may unlimited ammo.
"Isa pa… kahit baril ka ng baril ng zombies, dapat maingat ka parin. Kilos agad ang mga mata. 'Wag barilin ang mga kasama. Kailangan ng accuract. Hindi lang attack ng attack. Dapat dahan-dahan para hindi niyo mapatay yung ibang kasama natin," dagdag sabi ko pa at biglang may nag raise ng kamay niya.
"Veon… ano'ng gagawin pag wala na tayong ammo," tanong ng isang classmate namin at tiningnan ko siya.
"Gagawin natin melee. May foldable weapon tayo na spear na ginawa ni Sir Erick. Ilalagay natin sila sa belt natin para kung sakali walang bullets ang matitira, kukunin natin, at gagamitin natin," sagot ko sa tanong niya at nagets niya ang dapat gawin.
"At isa pa… 'wag kayo babaril sa tabi ng tubig o kaya sa hard surface tulad ng metal or else… magba-bounce 'yan at kayo na mismo ang mamamatay. Hindi yung zombies," dagdag sabi ko pa at pinatayo ko sila.
"Punta tayo sa pinaka-edge ng rooftop. Subukan natin pumatay ng zombies long-range para ma-enhance ang accuracy ng pag atake niyo kasi ito ang susunod na plano bukas. Magpapapasok kami ng zombies dito sa rooftop at tayo mismo ang papatay," sabi ko sa kanila at nakita ko na seryoso yung expression ng mukha nila.
Pumunta kami sa pinaka-edge at nilabas namin yung kamay namin sa railings ng rooftop at nagbabaril na kami ng zombies. Nakakapatay naman sila at kitang-kita ko na nag e-enjoy sila sa session namin ngayon. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko na ang supports gumagawa ng attacks gamit ng spears nila, habang pinapanood at tinuturuan ni Josh at Tyler. Buti naman at natuturuan rin nila sila nang mabuti.
Tumingin naman ako sa opposite side namin at nakita ko si Sheloah kasama ang ibang healers. Nakikita ko siyang tumatawa habang hinahawakan niya yung First-Aid Kit. Makakayanan niya kaya kung sakali madaming zombies at kung isa na kami ang masasaktan at ihi-heal niya kami? Takot kasi siya sa dugo pero kahit gano'n, alam kong kayang-kaya niya 'yan.
Binabalik ko yung tingin ko sa mga zombies na pinapatay namin long-ranged. May mga extra bullets pa naman kami paalis dito kaya okay lang. Dalawang bag ang bullets. Sa learning sessions namin ngayon, masasabi ko na natututo ng mabilis ang mga classmates namin at alam kong makakatakas kami rito. Hindi ko nga lang sure kung lahat kami mabubuhay pero alam kong magtutulungan kami para walang maiiwan. Hinahanda na namin ang lahat.
Mabuhay at makatakas lang kami sa loob ng totoong digmaan na ito.