>Sheloah's POV<
Nilapitan ko si Sir Jim at tiningnan niya yung orasan ko. "Guys," tinawag niya yung attention ng buong klase at napatingin sila sa kanya. "4:30 na. Break time. Marami na kayong training," dagdag sabi pa ni Sir Jim at maraming napabuntong-hininga kasi lahat sila pagod na. Umupo sila sa sahig at uminom ng tubig.
Pumunta si Veon, Josh at Tyler sa amin at halatang pawis na pawis sila. Kitang kita sa kanila na nag exert sila ng effort sa pagtuturo.
Nginitian ko sila. "Musta, guys? Gusto niyo ng tubig," tanong ko sa kanila habang umupo sila sa sahig. Umupo rin ako at kumuha ako ng tatlong bottles of water sa tabi ni Sir Jim at binigyan ko sila.
Tiningnan ko si Veon. "Oh, musta na ang pagtuturo," tanong ko sa kanya at tiningnan niya ako.
"Ayos naman. Maganda na aim nila. Mabilis silang matuto. Pwede na sila bilang attackers," sagot ni Veon sa tanong ko at nginitian ko siya.
"Buti naman! So prepared na sila para bukas," sabi ko naman sa kanila at binaba nila yung tubig nila.
"We taught them how to attack fast," sabi ni Tyler at tinaas niya yung spear niya.
"Madali silang matuto. Pwede na sila bukas. Sa susunod na traning bukas mismo, siguro maraming zombies silang mapapatay," dagdag sabi pa ni Josh at tumango ako sa sinabi niya.
Nilapitan kami ni Sir Erick at ni Isobel. "Uy, malapit na tayong umalis, 'di ba, para kumuha ng bus sa Victory Liner," sabi ni Isobel sa amin at nakiupo siya.
Tumabi rin si Sir Erick sa amin. "In-enhance ko pa yung mga baril na gagamitin niyo mamaya," sabi niya sa amin at binigyan niya ako, si Veon at si Sir Jim ng baril. "Binigyan ko na rin ng baril tito mo, Sheloah," dagdag sabi pa ni Sir Erick and I nodded at him.
"Thank you, Sir," sabi namin sa kanya at nginitian namin siya. Nginitian niya rin kami.
Pumunta si tito sa amin at kasama niya si Edward at Kenneth. "Tinawag ko na sila para makasama natin sa pagpaplano. Sila ang kasama, 'di ba," sabi ni tito sa amin and we nodded at him. Nakiupo rin sila sa amin.
"Kami ni Kenneth ang magmamaneho so meaning no'n, sasama kami sa inyo," sabi ni Edward sa amin at tiningnan siya ni Sir Jim.
"Oo, at siyempre, makiki-cooperate kayo sa pakikipaglaban," sabi naman ni Sir Jim sa kanya at tumango sila ni Keneth.
"May melee weapons naman kami rito, Sir. Yung ginawa ni Sir Erick," dagdag sabi pa ni Kenneth habang hinahawakan niya yung spear niya.
"Ano na muna ang una nating gagawin," tanong ni Isobel at tiningnan ko siya.
"Ang alam ko, kukunin na muna natin yung kotse ni Veon sa bahay nila para hindi tayo magsisiksikan sa iisang kotse na dala ni tito. Tapos hindi naman natin pwede gamitin yung service car ng school kasi mabagal siya," sagot ko sa tanong ni Isobel.
"Hindi ba tagala natin gagamitin yung service car," tanong ni Keneth sa amin at tiningnan siya ni Veon.
"Hindi talaga. Mabagal yung kotse na 'yon. Second day ng zombie apocalypse ngayon. Kung kahapon maraming zombis, pa'no na kaya ngayon," sagot ni Veon sa tanong ni Kenneth at napatango na lang siya sa sinabi niya.
"Paano natin mapupuntahan yung bahay ni Veon? Iisa lang ang kotse na gamit natin papunta doon. Eh, ilan tayo? Si tito, Sir Erick, Sir Jim, Veon, ako, Tyler, Sheloah, Isobel, Edward at Kenneth… sampo tayo all in all," sabi ni Josh at napa isip kaming lahat.
Tiningnan ko silang lahat. "No choice. Kailangan nating gamitin yung service car since lima lang ang pwede sa kotse na dala ni tito," suggest ko at tiningnan rin nila ako.
"Ako mag mamaneho ng service car," suggest ni Kenneth at pumayag kami sa suggestion niya.
Tiningnan kami ni Sir Erick. "Sa kotse na isa, magmamaneho yung tito ni Sheloah. Tapos ang kasama niya ako, si Sir Jim, Isobel at Edward. Sa kabila ang mag mamaneho si Kenneth at ang kasama niya sina Sheloah, Veon, Tyler at Josh. Okay na ba 'yan," tanong ni Sir Erick at nagustuhan namin yung plano niya.
"Bilisan mo, Kenneth, kasi mabagal yung service car. Veon, ikaw yung naka upo sa passenger's seat kasi ikaw ang magsasabi kay Kenneth kung saan yung bahay niyo para makuha mo yung kotse," sabi ni tito kay Kenneth at Veon at tumango silang dalawa.
"So paano ang plan of attack mamaya," tanong ni Isobel sa amin at tiningnan niya si Sir Jim.
"Ang mga may baril dito ay ako, si Veon, Sheloah, Sir Erick, at tito ni Sheloah. Si Edward, Kenneth, Tyler at Josh, yung spear na ginawa ni Sir Erick. Tapos isang healer, si Isobel. Okay na 'yan," Sabi naman ni Sir Jim at tiningnan ko sila.
"Pwede rin ako maging back up healer kung sakali hindi kaya ni Isobel mag isa," volunteer ko at tumango sila sa sinabi ko.
"Tiningnan ni Sir Erick ang relo niya. "Malapit na mag 5. Ano, punta na tayo," tanong niya at tumayo kaming lahat.
"Prepare lang muna tayo ng mga kailangan nating dalhin. Pagkatapos, meet uli tayo rito for the final check up of items," suggest ni Sir Jim at nag disperse kami para kumuha ng mga gamit.