>Sheloah's POV<
Tiningnan ko si tito. "Alam niyo ba kung saan kukunin yung susi ng mga bus," pabulong na tanong ko sa kanya at tumango si tito sa akin.
"Oo. Nakapagtrabaho ako rito noon. It comes in handy yung mga napag aralan ko rito," sagot ni tito sa tanong ko and I smiled at him and since uncle worked here before, it will be easier for us to get the key because he knows where it's hidden.
"So paano na natin gagawin ito," tanong ni Veon kay tito at napa isip kaming lahat kung ano nga ba ang next na plano.
"Yung dalawang bus na 'yon..," pabulong na sabi ni Isobel habang tinuturo yung dalawang bus at napatingin kami. "Kung 'yon kaya ang mga buses na gagamitin natin? Walang zombies doon. Maghihintay kami roon ni Edward at Kenneth until makuha niyo yung susi," suggest ni Isobel at nagustuhan namin yung plano niya.
"Kung maghihintay silang tatlo doon, sino ang guard nila? Kahit walang zombies malapit sa dalawang bus na 'yon malay mo pupuntahan parin sila," pabulong na comment naman ni Josh at nakuha namin ang gusto niyang maparating.
"Ako na lang ang magbabantay sa kanilang tatlo," volunteer ni Sir Erick at tumango kami sa kanya.
"Pupunta ako sa taas para kunin yung susi. Walang masyadong zombies doon, pero kailangan ko ng back up. Sir Jim, sumama ka sa akin," sabi ni tito kay Sir and he nodded at him.
"Habang tumataas kayo, kami ang bahala sa mga zombies na lumalapit kina Sir Erick at mga zombies na lumalapit sa inyo," sabi ko kay tito at tumango sila.
Tumalon sila pababa ng wall at tumakbo sila papunta sa building kung saan kukunin yung susi. Tumakbo naman si Isobel, Edward, Kenneth at Sir Erick papunta sa dalawang bus na kukunin namin.
Tumayo kaming apat at tumingin ako sa baba. "Oh gosh… tinalon ni tito at Sir Jim ito? Ang taas," comment ko at tumalon si Josh at Tyler at hinihintay nila kaming bumaba.
"Bababa na ako," sabi ni Veon at pinigilan ko siya no'ng malapit na siyang tumalon.
Tiningnan niya agada ko. "Ano'ng problema mo," tanong niya sa akin at nag pout ako ng onti sa kanya.
"Medyo takot ako sa heights," sabi ko sa kanya at tumawa siya ng unti.
"May girly side ka pala." comment niya sa akin and I glared at him.
"Shut up! You need to catch me pag tatalon ako, okay," sabi ko sa kanya and he nodded at me. No'ng tumalon siya, he landed safely on the ground at tumingin siya sa taas. He's waiting for me to jump.
Pumikit ako and I took a deep breath. "Sheloah… kaya mo 'to. Veon will catch you," bulong ko sa sarili ko and I opened my eyes. I counted from one to three at tumalon ako.
No'ng tumalon ako, I closed my eyes agad dahil kinakabahan talaga ako pero nagulat ako no'ng biglang soft ang pagka-land ko pero parang nasa ere parin ako at no'ng pagkabukas ko ng mata ko, I saw Veon's face right in front of me at biglang bumilis tibok ng puso ko.
He caught me!
Nagtitigan kami eye-to-eye for more than five seconds at bigla niya sinira yung moment no'ng nagsalita siya.
"Medyo mabigat ka pala, Sheloah."
Nahiya ako bigla kaya binatukan ko siya sa ulo at nabitawan niya ako kaya nalaglag ako sa sahig. Masakit sa pwet!
"Aray ko," reklamo ko habang nakaupo parin sa sahig at tumawa ng onti si Josh at Tyler dahil sa ginawa ni Veon. Tumayo ako at pinagpag ko yung alikabok sa skirt ko.
"Punta na nga tayo sa gitna para makaatake na tayo ng zombies malapit kay Sir Erick at kay tito," sabi ko at naglakad kami sa place kung saan yung mga zombies and we started killing them but we also attracted them away from our comrades.
Oo nga, maganda na lumayo na yung zombies sa mga lugar kung nasaan sina Sir Erick at ang tito ko but now it's dangerous for us kasi kami ang pinupuntahan ng mga zombies.
"Kailangan nilang bilisan," sabi ni Veon sa akin habang binabaril namin yung zombies at si Josh at Tyler ginagamit yung melee weapons nila.
Tumingin ako sa taas at nakita ko na si tito at Sir Jim tumatakbo pababa and I could see na nakuha nila yung susi ng dalawang bus. Buti naman at mabilis yung pagkakuha nila since alam ni tito kung nasaan nakatago yung mga susi.
Nagva-vibrate yung phone ko at tinanggap ko yung tawag. "Sir Jim," bati ko habang binabaril ko yung zombies using my right hand. Kaso sa mga groans ng mga zombies, hindi ko masyado marinig ang boses ni Sir sa tawag.
"Papunta na kami diyan. Sabihin mo kay Isobel na papunta na kami. Sabihin mo rin na sumama na lang siya either kay Kenneth or Edward sa loob ng bus," utos ni Sir Jim sa akin at pinatay niya yung tawag.
Tinawagan ko agad si Isobel at sinabi ko sa kanya yung instruction at nakita ko na nakarating na sina Sir Jim at tito sa kanila. Binuksan nila yung pinto ng bus gamit ng susi na kinuha ni tito at pumasok si Kenneth at Edward sa respective buses nila.
"Guys, bilisan niyo! Yung guard ng buses, tumakbo na rito," sigaw ni Sir Erick at tinutulungan nila kami barilin yung mga ibang zombies habang tumatakbo si Josh at Tyler papunta sa respective buses na iga-guard nila.
No'ng nakapasok na sila, sinara nila yung pinto ng bus at nilapitan kami ni Sir Erick, Sir Jim at ni tito. Binabaril pa namin yung ibang zombies.
"Gumamit tayo ng granada," sabi ni Sir Jim at tumigil kami sa pagbabaril at hinihintay namin na maging one big group yung zombies na papunta sa amin para sabay-sabay namin silang mapatay gamit ang isang grenade. We took 10 big steps back at kumuha si Sir Erick ng granada sa pouch niya at hinawakan niya nang mahigpit.
"Take cover," utos niya sa amin and we all covered our ears habang nakaupo kami sa sahig.
He twisted the pin at hinila niya. Binato niya sa group of zombies na nasa harapan namin and he took cover with us. Sumabog yung grenade at ang lakas ng sound ng pagkasabog nito. Lahat kami napapikit dahil sa mga alikabok na lumilipad sa harapan namin.
We waited for 30 seconds to clear the view at binuksan namin ang mga mata namin nang dahan-dahan. Nakita namin na namatay ang mga zombies pero stable lang 'yan. Yung iba hindi completely patay kaya kailangan namin tumakbo papunta sa mga kotse namin. Tumakbo na si Sir Jim, Sir Erick, at tito sa kotse nila at tumakbo kami ni Veon, Josh at Tyler sa pick-up car. Ngayon, ako yung nasa passenger's seat at si Josh at Tyler nasa seat sa likod namin ni Veon.
Tumatawag si Sir Erick sa akin at tinanggap ko. "Drive papuntang school," order niya at binaba niya yung tawag.
Tinawagan ko rin yung iba naming kasama at sinabi ko sa kanila na sundan nila si tito. Yung naunang nagdrive si tito, sunod yung bus ni Kenneth, bus ni Edward, tapos kami yung nasa huli para mabantayan namin nang maayos yung dalawang bus sa harap at likod.
Habang nag mamaneho si Veon pabalik ng school, nagpapahinga kami sa loob ng kotse. Yung mga zombies, sinasagasaan na lang namin since until ang sila. Kung madami, tsaka na lang kami aatake. Second day palang ng zombie apocalypse at ganito na agad kalala ang sitwasyon.
This is already the real battlefield.