Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 36 - Do You Still Trust Him

Chapter 36 - Do You Still Trust Him

>Sheloah's POV<

Nilapitan ako ni Veon and he knelt down para matabihan niya ako. "Ayos ka lang," tanong niya at tumango ako sa kanya while I gave him a slight smile.

"Oo." sagot ko sa tanong niya at tumayo ako. "Pagpatuloy na lang natin 'to," sabi ko at tinuloy ko yung pagbabaril ko ng mga zombies.

"Since konti na lang ang mga zombies, takbo na tayo papuntang rooftop. Hindi tayo pwedeng mapagod. Baka sa sobrang pagod natin, hindi na tayo makakagalaw," suggest ni Josh habang umaatake siya ng zombies.

"Agree. Sheloah is almost at her limit," dagdag sabi pa ni Tyler habang umaatake rin siya ng zombies.

Ayaw ko ng ganito! I am holding back the group dahil lang sa nag aalala sila para sa akin. I don't want to be weak pero 'di ko naman maiwasan na ganito ang pakiramdam ng katawan ko ngayon. 'Di ako tulad ng boys na sugod lang ng sugod. I envy their energy sometimes.

Huminga ako ng malalim. "Sorry, guys," sabi ko sa kanila and they gave me a smile.

Tumakbo na kami papasok ng school building at shoot and run ang ginagawa namin. Habang tumatakbo kami, binabaril namin yung mga zombies kaso nga lang, hindi ako masyado makaatake dahil pagod na ako at hindi ko na magalaw masyado kamay ko. Kaya sila na lang ang umaatake. May mga zobies na malapit na kaming lapitan. I have no choice but to shoot them. Ayos lang naman, basta maprotektahan ko ang mga kasama ko.

Nandito na kami sa bandang cafeteria at tumigil ako saglit at huminga ako ng malalim at mabilis at the same time. Tumigil din silang tatlo at tiningnan nila ako. Parang hindi pa sila napapagod sa kakatakbo. Seeing them normal sa lahat ng work na 'yon, makes me feel weak as a girl.

I sighed in exhaustion, but the most dominant thing is that I sighed more in exasperation. Nilapitan ko yung mga kasama ko at tiningnan ko sila. "Sorry, guys. Takbo na ulit tayo pataas ng rooftop," sabi ko sa kanila at tumakbo ulit kami. We ran as fast as we could until we reached the rooftop.

No'ng nasa harap kami ng door, binuksan agad ni Sir Jim yung pinto at pumasok kami. No'ng nakapasok kami, ni-lock niya yung pinto at binalik niya yung harang para hindi kami mapasukan ng mga zombies.

Napaupo kaming apat sa sahig at talagang pagod na pagod kami. Nilapitan agad kami ni Isobel at bingyan niya kami ng tubig. Nagpasalamat kami sa kanya. Binuksan namin agad yung bottled water at ininom namin. Talagang pagod na pagod kami at uhaw na uhaw sa ginawa namin. Talagang na-consume ang energy namin.

***

Lahat kami nagpapahinga. Kumain na rin kami ng dinner at lahat nanaman kami may sari-sariling mundo. Bukas, panibagong training nanaman. We need a lot of break today para pag dating ng bukas, energy is to be consumed a lot at prepared na kami.

Tinabihan ako ni Veon at tiningnan ko siya. "Oh… 'di mo kasama si Josh at Tyler," tanong ko sa kanya at sinandal niya yung likod niya sa wall.

"Nope. Kasama ni Tyler si Alice. Nagtatawanan sila sa isang gilid. Si Josh naman parang binabantayan si Dannie since ang lungkot niya at nawala ang family niya except for his dad," sagot ni Veon sa tanong ko at napatango ko sa sinabi niya.

"Aalis na tayo bukas ng hapon pagkatapos ng training," sabi ko kay Veon at nag stretch siya.

"Oo nga, eh. Kaya magpahinga na tayo ngayon nang matagal kasi bukas, panibagong trabaho nanaman," dagdag sabi pa in Veon at napangiti ako sa sinabi niya.

"Pero, Sheloah…" Bigla naging seryoso si Veon. "Napansin mo ba si Sir Jim kanina noong malapit tayo sa computer lab," tanong niya sa akin at napatingin ako agad sa kanya.

"Bigla siyang tumahimik at bigla siyang bumabal noong malapit tayo sa computer lab. Noong tinanong ko naman kung ano'ng problema, bigla na lang siya nagmadali na umatake para makaalis tayo agad sa lugar na 'yon," sagot ko sa tanong ni Veon at napaisip kaming dalawa.

"Ang weird talaga. Naalala mo kahapon noong una natin siya nakita sa home economics Room, parang defensive siya tapos parang hindi niya tayo pinagkakatiwalaan? Bakit ngayon ganito si Sir Jim? Paiba-iba ng ugali," sabi naman ni Veon at sumandal din ako sa dingding na nasa likod ko.

"Do you still trust him now," tanong ko sa kanya at tiningan ko si Veon ng seryoso.

"Ewan ko. Pero parang ngayon, marami siyang naitulong para sa atin, eh. Let's say, half na pinagkakatiwalaan ko siya, and half na hindi pero parang mas marami ang tiwala. I don't know… ang hirap i-explain," sagot ni Veon sa tanong ko at napatawa ako ng onti dahil sa sagot niya. Halata kasi na hindi pa siya sure sa sinasabi niya.

Tiningnan ko ang orasan ko. 8:14PM na. "Kung matulog kaya tayo nang maaga para bukas, maraming energy sa training at sa paglabas natin? Hapon tayo lalabas ng school with our classmates, 'di ba? Siyempre we need a lot of energy kaya rest na tayo ng maaga," suggest ko kay Veon at tumango siya.

"Good night," bati namin sa isa't-isa bago ako pumunta sa pamilya ko para matulog na.