>Sheloah's POV<
Tinaas ko yung dalawang kamay ko at nag clap ako two times, nang malakas. Ang tahimik ng buong kapaligiran namin at nag echo yung clap ko dahil sa silence. Lumakas yung hangin at nakatingin parin kami sa pinto, anticipating if zombies got attracted to the clap I made.
Lahat kami bigla naging serious no'ng may nakita kaming apat na zombies pataas ng rooftop. Hinintay namin silang makapasok at no'ng pagkapasok nila, pumunta sa gitna namin yung parents at pinoprotektahan namin sila. Most of the parents got the job as healers. Except for Dannie's father. Tinuruan niya kaming mag shoot accurately. He said he was once a soldier.
No'ng malapit na yung zombies sa amin, yung mga ibang supports ng group, nilapitan yung zombies at yung ibang attackers pinagbabaril yung apat na zombies. Hindi muna kami umatake nina Veon, Tyler at Josh kasi pinapanood namin kung mag progress yung training ng mga classmates namin.
Dumadami na yung mga pumapasok sa rooftop at lahat na ng grupo nakikipag attack. Yung mga attackers, nakatayo sa harapan ng parents. Sa left or right ng attackers, katabi nila yung healer. Yung mga supports, malapit sa zombies, ginagamit ang melee weapons.
Nilapitan ako ni Tyler. "I think it's good if we leave this place already and we start going to the playground. 4A is ready," suggest ni Tyler sa amin at sumingit si Josh.
"Tama yung sinabi ni Tyler at pag tumagal tayo rito, dadami yung mga zombies na pupunta rito at wala na tayo masyadong time elapsed para makapunta ng mas mabilis papuntang playground," dagdag sabi pa ni Josh at tiningnan ko yung mga classmates ko.
"Let's attack the zombies na nandito ngayon and once we kill them all, baba na agad and proceed to the playground. Operation: Shoot and Run. Tatakbo tayo and babaril at the same time but when it gets too many, titigil tayo para makaatake and then pag onti na lang, doon na ulit tayo kikilos," explain ko sa bagong plano habang umaatake yung mga classmates namin ng mga zombies. Kahit busy sila, alam ko nakikinig parin sila sa sinasabi ko.
No'ng pinatay namin yung zombies sa rooftop, lahat kami tumakbo pababa at nakarating kami malapit sa computer lab. Medyo marami yung zombies at tumigil muna kami para umatake para pag onti na lang, tatakbo nanaman kami papuntang playground.
Pero may napapansin nanaman ako no'ng nandito kami malapit sa computer lab. Si Sir Jim nanaman mabagal gumalaw. Bakit ba pag malapit kami sa computer lab, ganito ang ugali ni Sir? Parang wala siyang energy. Ganito rin siya kahapon no'ng nandito kami sa computer lab, eh. Bakit kaya?
Nilapitan ako ni Veon. "Uy, Veon… si Sir Jim nanaman. Ang passive," sabi ko sa kanya habang umaatake kami ng mga zombies. Binaril ni Veon yung ulo ng zombie na nasa harapan niya ng dalawang beses at tiningan niya ako from the corner of his eye.
"Ano ba kasi ang mayro'n dito sa computer lab at ganyan nanaman ang ugali ni Sir," react niya habang umaatake siya ng zombie. Hindi ko na siya sinagot at patuloy parin ako sa pagpapatay ng zombie. Nakakapagtaka talaga kung ano yung iniisip ni Sir Jim.
Tumakbo nanaman kami at tumigil kami sa bandang garden sa tabi ng cafeteria. Medyo marami-rami yung zombies ngayon at lahat kami seryoso sa pag aatake ng mga zombies.
Tinitingnan ko yung mga classmates ko, at nakikita ko na sa ibang grupo na may inaasikaso yung respective healer nila. Napangiti ako dahil ang bilis kumilos ng mga classmates ko pagdating sa ganitong emergencies. Halatang natuto talaga sila sa mga training.
May zombie na papunta sa akin at nilapitan ko ito para mas effective yung aim ko pero no'ng nilapitan ko, yung mukha ng zombie familiar para sa akin kaya agad ko binaba yung baril ko at tiningnan ko siya nang mabuti.
"Samuel," pabulong na tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan yung zombie sa harapan ko. Mabagal ang paglakad niya papunta sa akin.
Oo nga! Si Samuel ito pero hindi ako makapaniwala. Naging zombie na siya? Si Samuel… kaibigan namin siya ni Veon, pero mas close sila ni Veon. Kumbaga, bestfriends sila at isa pa… isa siya sa pinaka importanteng kaibigan ni Veon. Paano na kaya pag nakita niya si Samuel na ganito? Ano'ng gagawin niya?
Hinawakan ko nang mahigpit yung baril ko at huminga ako ng malalim. Hindi ko pwede patayin yung kaibigan ni Veon. It's best kung iwan ko na lang siyang ganito kahit zombie na siya. Naaawa ako kahit wala na siya.
Lumingon ako pero no'ng pagkalingon ko, nagulat ako dahil nabunggo ako sa dibdib ni Veon. Tiningnan ko agad siya at nakita ko yung lungkot ng mata niya.
"Veon…" Sinabi ko yung pangalan niya at nakatitig parin siya kay Samuel, ang kaibigan niyang naging zombie.
"Pati ba naman kaibigan ko," sabi niya sa sarili niya at nilapitan niya si Samuel.
Hinawakan ko agad yung kamay niya dahil he's risking his life. Paano kung kinagat siya ni Samuel? Alam kong kaibigan 'yan ni Veon, pero… zombie na siya. Ano'ng magagawa namin?
"Veon… don't be reckless. Mag ingat ka," sabi ko sa kanya at binitawan ko yung kamay niya pero patuloy parin siyang lumalapit kay Samuel.
Please let Veon be safe.
No'ng nilapitan niya si Samuel, hinawakan niya yung shoulder niya at nagulat ako. Just an inch away, makakagat na si Veon. Nilapitan ko si Veon agad at tiningnan ko siya ng seryoso, with a hint of worry in my eyes. Ayaw kong maging zombie si Veon. Please, don't get too careless.
Pinipigilan ni Veon yung iyak niya at nilabas niya yung pocket knife niya with his other hand, and he's thinking deeply kung papatayin niya ba si Samuel o hindi. Pero bakit knife? Pwede namang baril?
Tiningnan niya si Samuel one last time sa mata, at sinaksak niya si Samuel nang malakas sa dibdib ng dalawang beses at namatay siya but we know this won't easily kill a zombie so he just left it like that on the ground, crawling.
"'A real friend stabs him in front. Not at the back.' 'Yan ang motto natin, 'di ba, Samuel? Salamat sa lahat," sabi ni Veon at bumalik siya malapit sa classmates namin. Sinundan ko si Veon and I held his hand. Hindi ako nagsalita but I want him to know that I'm comforting him.