>Sheloah's POV<
Papunta kami sa school at onti lang ang mga zombies malapit sa amin kaya hindi namin masyado binibigyan ng pansin. Sinasagasaan na lang namin sila at dere-deretsyo lang kami sa pagmamaneho pabalik ng school. Habang nagmamaneho si Veon, tiningnan ko siya at seryoso siyang nakatingin sa harap.
"Veon… seryoso ka ngayon, ah. Okay ka lang," tanong ko sa kanya at tiningnan niya ako from the corner of his eye.
"Oo, okay lang ako. Bakit mo naman natanong," sagot niya sa tanong ko pero may dagdag tanong pa siya sa huli.
Sumandal ako sa upuan ko habang nakatingin ako sa bintana. "Wala lang. Ang tahimik lang kasi, eh. Usually kasi maingay tayo pero ngayon na ganito ang emergency, naiintindihan ko na hindi muna tayo masyado nag uusap," sagot ko naman sa tanong ni Veon at patuloy parin siya sa pagmamaneho niya.
"Nakakamiss, 'no? Mga lokohan natin pero ngayon, kailangan muna natin magseryoso," sabi naman ni Veon sa sinabi ko at tumingin naman ako sa harapan ko.
Tiningnan ko ang orasan at napansin ko na 7:21PM na pala. Pagpunta namin ng school, gagawa nanaman ng panibagong plano at magpapahinga para may energy sa susunod na training bukas. Lahat na makikipag away sa mga zombies. Sana naman wala sa amin ang masasaktan. Sana naman wala sa amin ang mawawala.
Kaming 4A lang ang survivors at ang iba pang teachers at parents. Alam ko may natutunan kami kanina sa training pero sa tingin ko hindi pa sapat 'yon para sa susunod na training bukas. Papatay na kasi kami ng zomies. Kakasimula palang ang mga classmates namin matuto.
Huminga ako nang malalim at tumingin ulit ako sa bintana habang hinahawakan ko yung buhok ko. Ang lakas kasi ng hangin kaya sobrang nahahanginan buhok ko at napupunta pa sa mukha ko pero hindi parin matanggal sa isip ko ang susunod na plano namin mamaya.
Naniniwala ako na kaya ito ng section namin. Lahat na kami magsisimulang magbago para sa aming kinabukasan. Marami pa kaming pangarap sa buhay at kailangan naming sumikap. 'Yon naman ang gusto ng parents namin, eh. Ang maging successful sa buhay. Gagawin namin 'yon. Hindi namin iiwanan ang isa't-isa. Lahat kami ay magtutulungan para lahat kami ay magkasama at para lahat kami ay buhay pa.
Malapit na kami sa gate ng school at pansin namin na ang active ng mga zombies ngayon. Ganyan talaga since gabi na. The undead is clearly active during this time.
They parked the car sa playground at dahan-dahan kaming lumabas pero kahit dahan-dahan kami lumabas, we still attracted zombies. Ang active kasi nila tapos kahit mahina yung pagkasara namin ng pinto, narinig nila yung tunog ng kotse kaya napansin nila kami.
Nilapitan namin ang isa't-isa at si Isobel ang nasa gitna namin since siya lang yung walang weapon sa grupo. Pinag babaril namin ni Veon yung mga zombies at si Josh at Tyler nakikitulong sa pagpapatay ng zombies gamit ang melee weapons nila. Habang tumatagal ang pag atake namin sa mga zombies sa iisang lugar, napapansin namin na parami ng parami ang mga zombies na pinapatay namin. Simply because maraming pumupunta sa amin. Nakaka attract nanaman kami ng madaming zombies.
Nilapitan ako ni Veon. "Tsk… paano na 'to? Ang dami na nila," sabi niya sa akin at nilapitan ko rin siya. Hindi pa muna kami bumabaril.
"Hindi tayo pwede tumagal dito. Sampo pa tayo ngayon na magkakasama. Pag tumagal tayo rito, isa sa atin ang makakagat," sabi ko at nilapitan rin kami ng iba naming kasama.
"Mauna na lang ako, si Sir Erick, Edward, Kenneth at Isobel. Hihintayin namin kayo sa rooftop," suggest ni Sir Jim sa amin and we nodded at him.
Tiningnan ako ni tito. "Sasama ako sa kanila. Alam kong kaya niyo naman 'yan ni Veon, Tyler at Josh. Bilisan niyo na lang. We will try to clear up the path for you para mas madali kayong pumunta sa rooftop," sabi ni tito at umalis na silang anim.
We went back to killing zombies at sa totoo lang, medyo napapagod na kami dahil kanina pa kami kumikilos. Bawat lingon kasi namin, may zombies na agad sa harapan namin. Kailangan umatake at patayin agad.
"We need to kill zombies as many as possible. Dito sila nanggagaling kasi. Kung may nakalusot sa atin, edi mahahabol nila sina Sir," sabi ni Tyler habang inaatake namin yung mga zombies sa lugar namin.
"Buti nga kahit apat lang tayo ngayon, nakakapatay tayo ng maraming zombies. Umaasenso tayo kahit second day lang ito ng zombie apocalypse," dagdag sabi pa ni Josh at patuloy parin kami sa pagpapatay ng mga zombies. No'ng konti na, at malayo na yung ibang zombies sa amin, napaupo ako sa sahig dahil sa pagod.
Alam kong nakatayo lang ako at nagbabaril kaso nakakangawit sa braso. Medyo mabigat pa yung baril tapos kanina pa kami pumapatay ng mga zobies. Kanina pa ako tumatalon, kanina pa nakatayo, kanina pa tumatakbo. No'ng hinulog ako ni Veon, medyo sumakit yung pwet ko.