>Josh's POV<
Maraming supports ngayon ang nasa harapan namin ni Tyler. Actually, mostly sila mga lalaki. Dalawa ang supports each group kaya doble ang tuturuan namin. Ayos lang naman dahil kasama ko si Tyler magturo. Ang problema nga lang, kung paano namin tuturuan, kung paano namin sisimulan.
Kasama namin si Sir Erick at binigyan niya kaming lahat ng spear na may blade sa pinakadulo. Ito ang magsisilbing weapon naming mga supports. Kami ni Tyler pwede kami gumamit ng baril pero last resort lang namin gagamitin 'yon. Ang mga ibang supports walang baril kasi hindi sapat ang dala namin na mga baril. Kumbaga, sakto na yung mga baril sa attackers na tinuturuan ni Veon.
Hawak-hawak ng mga classmates namin ang spear nila at ine-examine nila ito nang mabuti. Ngayon lang sila nakahawak ng ganitong weapon kaya naninibago sila at medyo igno sila. Kami ni Tyler kahit first time namin kahapon makipag away sa zombies… ewan ko. Parang hindi naman kami ignorante. Siguro dahil sa mga games na nilalaro at animes na pinapanood namin kaya parang alam na ang gagawin at sanay na sa violence. Wait…
Are we psychopaths?
Tiningnan ko si Tyler na hawak-hawak niya yung spear at hinahawakan ang blade sa dulo. "Uy, 'wag mong hawakan masyado! Masugat ka pa," sabi ko kay Tyler at tiningnan niya ako.
"Not to worry! I know what I am doing," sabi niya pero no'ng pagkasabi niyang 'yon, medyo nasugat yung thumb niya at napa-facepalm ako sa nangyari sa kanya. "Oh, snap," dagdag sabi pa niya habang shine-shake ang kamay niya at tinatawanan niya ang sarili niya.
"Kakasabi ko lang," sabi ko kay Tyler at binalik ko yung tingin ko sa mga classmates namin na tuturuan namin ni Tyler.
"Umm… guys," sabi ko sa kanila at nakuha ko yung attention nila. "Sorry kung hindi kami masyado marunong magturo kasi kakasimula rin namin kahapon. Ituturo namin ang alam namin at sana naman maintindihan niyo," dagdag sabi ko pa sa kanila at napatango sila sa sinabi ko.
Tiningnan ko si Tyler at pinunasan niya yung dumudugo niyang thumb sa shirt niya. "Tuturuan namin kayo ng basics at ang motto ng supports ay… 'shut up, stab and kill.' Gets," sabi ni Tyler sa kanila at tiningnan nila si Tyler. Napatango na lang ako sa sinabi niya.
"Kasi support kami ni Tyler at ang usual na ginagawa namin pag stick ang gamit namin is tamaan namin ng malakas sa ulo ng zombies tapos kung napatumba namin sila, itutusok namin sa mata nila, o kaya sa loob ng mouth nila," explain ko sa kanila.
May nagtaas ng kaniyang kamay at tumayo siya. "Paano kung hindi napatumba? Ano'ng gagawin," tanong ng isang classmate namin at tiningnan ko si Tyler.
"Kung patakbo sila papunta sa inyo, get ready, raise your sticks, at i-timing niyo sa loob ng katawan nila hanggat maaari. Sharp naman ang edge ng weapon natin, eh. Hit the head as much as possible," sagot ni Tyler sa tanong niya at nagets ng mga tinuturuan namin.
"Kung wala na magtatanong, proceed na tayo. Ituturo na namin ang iba pang methods," sabi ko sa kanila at nilapitan ni Tyler yung iba naming kasama at inayos niya yung kamay nila para tama ang pagkahawak nila ng stick.
"'Wag niyong hawakan ang pinakadulo. As much as possible, hawakan niyo is malapit sa gitna ng stick. Pag may natamaan kayo, put force para malakas at gawin niyong mabilis. Since melee lang tayo, kailangan natin ng speed," explain pa ni Tyler at kinuha ko yung stick ko.
"Totoo yung sinabi ni Tyler. Kung hindi kayo mabilis umatake, pag lingon niyo, patay na agad kayo. Bakit? Kinagat na kayo ng zombies," dagdag sabi ko pa sa kanila at nakatingin lang sila sa amin.
"Okay… start tayo sa ibang attacks," sabi ni Tyler at sinimulan na namin silang turuan.