Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 23 - Malalampasan

Chapter 23 - Malalampasan

>Sheloah's POV<

I was looking around and saw my family. They arrived here safe and sound. I walked towards them and gave them a hug.

"Buti naman at nandito kayo," sabi ko sa kanila at nginitian nila ako.

I frowned when I remembered that my aunt, my grandmother, and three of my cousins didn't make it.

It broke my heart.

Tiningnan ko ang braso ng mama ko. "Masakit ba," tanong ko and my mother shook my head.

"Hindi. Tinulungan ako ni Isobel kanina," sabi niya and I smiled slightly.

Nakita kong tumayo si Isobel at ngumiti agad ako. Ngayon ko lang napansin na nandito siya. I feel bad na ngayon ko lang siya nakita since masyado ako nag aalala pero ngayon na nakita ko siyang ligtas, masaya ako.

Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya agad at nahulog kami sa sahig.

"Aray!" Pinalo niya ako sa balikat ko at tinawanan ko lang siya ng onti. "Nakabalik ka na," sabi niya at niyakap ko siya uli.

"Ngayon lang kita napansin, Isobel," sabi ko sa kanya habang nakayakap parin sa kanya.

Si Isobel ang kaibigan ko na mas matangkad sa akin. Balyena ang tawag namin sa kanya kasi mahilig siya uminom ng maraming tubig. Matalino rin siya kahit may pagkatamad. Mas natatawa kami sa tawa niya kaysa sa mga jokes niya. Isa siyang tunay na kaibigan.

Inirapan niya ako. "Ngayon mo lang ako nakita, siraulo ka ba, 'te," sabi niya sa akin at tumawa uli ako ng onti.

"Salamat sa pag gamot sa nanay ko, ah…" Nginitian ako ni Isobel.

"Siyempre naman! Ngayon na ako magiging self-proclaimed mini doctor. Gagamitin ko na ang knowledge claim ko. Chos," sabi niya at nginitian ko siya. "Tingnan ko uli si tita kung kailangan pa niya ng disinfectant," dagdag sabi pa ni Isobel at nilapitan niya si mama.

Tumayo ako at nakita ko si Tyler at Josh na nakatayo sa isang parte ng rooftop. Nilapitan ko sila at nakita ko silang depressed. They are one of my closest friends kaya gusto ko silang i-comfort.

I approached them but I was taken aback by what Josh said. "Ang swerte mo, Sheloah… nandito ang pamilya mo," sabi ni Josh and I felt my heart sink.

I should be sensitive enough to understand them and be careful of my words and actions para hindi ko sila masaktan.

Hinawakan ko balikat ni Josh. "I'm sorry for your loss…" He gave me a faint smile.

Pumunta si Tyler sa railings ng rooftop at tumingin siya sa langit. "I promised myself not to cry but… I just can't in this situation," sabi niya and I realized that they didn't have the chance to thank their parents for everything they've done.

Seeing them like this breaks my heart into pieces.

I am lucky indeed to have my family here. I can't blame other people getting angry at me because I have all my family members here. I can't blame their sadness and their jealousy.

I sighed and I went beside Veon. He saw me and he spoke. "Ano ang next plan natin," tanong niya at tiningnan ko siya. "Mas maganda kung umalis tayo rito. The earlier the better," dagdag sabi pa niya and I hugged both of my knees habang nakaupo ako sa sahig.

"I don't know what to do next. Siguro we need to teach our classmates how to fight," sagot ko na lang sa kanya at tumango siya.

"Kailangan natin i-divide ang klase. May iba na nasa field ng pakikipaglaban, yung iba nasa field ng support or healing," sabi niya at tiningnan ko siya.

"Kailangan natin ng mas malaking kotse para makaalis rito, tulad ng bus," suggest ko at tiningnan ko siya.

"Kailangan natin ng dalawang bus para kasya ang parents at students. Marunong mag maneho si Kennneth. May potential si Dean makipaglaban so kailangan din natin siya bigyan ng baril," explain ko and Veon nodded at me.

"It's time for the children to protect their parents. Wala na silang energy for that. Kaya natin 'to," sabi ni Veon and I smiled at him.

"Sa kabilang bus, si Edward ang magmamaneho. Si Ace ang guard dahil may potential rin siya. So kailangan din natin siya bigyan ng baril," dagdag sabi pa ni Veon.

"Paano tayo," tanong ko sa kanya at tiningnan niya ako.

"Yung kotse na dala ni tito, sa kanila 'yon ni Sir Erick at Sir Jim. Gagamitin ko rin ang pick up car na naiwan sa bahay namin," sagot ni Veon sa tanong ko.

"Kukunin natin yung bus bukas ng gabi. Kaya sa umaga, tuturuan natin yung mga classmates natin makipag laban once na nagawa na natin yung teams," sabi ni Veon at tuloy parin siyang nagsasalita.

"6PM ng gabi pupunta tayo sa barangay ko ulit at kukunin ko yung kotse ko. Kasama natin si tito, Kenneth at Edward. Kukuha rin tayo ng back up, meaning kasama rin si Josh at Tyler sa atake," dagdag sabi pa niya at tumango ako.

"Once na nakarating tayo sa Victory Liner, ida-drive na ni Kenneth at ni Edward ang dalawang bus tapos babalik na tayo sa school. Sa third day na mismo ng hapon, aalis na tayo. Ewan ko kung saan pupunta, basta aalis tayo rito. Sa umaga ng third day, tuturuan natin ang classmates natin. This time, magpapasok tayo ng zombies sa rooftop para makaatake sila," dagdag sabi pa ni Veon at lumaki ang dalawang mata ko.

"Pinag isipan mo talaga ito nang mabuti," sabi ko sa kanya at nginitian niya ako.

"Kailangan lahat natin mag survive. 'Yan ang priority," sabi niya sa akin at tumingin ako sa langit.

"We just… need to do the things that are needed to do for now," sabi ko at napatingin din siya sa langit.

Bukas sisimulan ang panibagong plano. We need to make drastic measures to survive.

Malalampasan din namin ito.