Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 27 - Good Night

Chapter 27 - Good Night

>Sheloah's POV<

Sinabi na namin ang plano sa classmates namin. Bukas, maaga kami magigising. Kain ng breakfast, tapos sisimulan na ang training.

Tiningnan ko ang orasan ko. 8:43PM na. Tiningnan ko ang kapaligiran ko at nakita ko na naka kumot ang mga classmates ko. Naghahati sila sa isang malaking kumot. Anim na grupo na nagshe-share sa isang malaking kumot. Ang parents naman, naghahati rin, pati na rin ang mga teachers.

Nandito ako sa sulok at nakatingin ako sa mga bituin sa langit. For some reason, hindi ako makatulog. Ewan ko kung bakit. Siguro masyado akong naninibago sa lahat ng nangyayari ngayon at sa totoo lang, medyo kinakabahan ako sa mangyayari bukas. Hindi ko alam kung paano namin sisimulan turuan ang klase kung paano makipaglaban by group.

Tinabihan ako ni Veon at tiningnan ko siya. "Hindi mo kasama sina Tyler at Josh," tanong ko sa kanya at sumandal siya sa dingding.

"Nandoon sila sa isang sulok. Kasama nila ang girls na gusto nila. Apat sila sa isang kumot. Tyler at Alice, Josh at Dannie," sagot ni Veon sa tanong ko.

I nodded at him and I stretched both of my arms. "'Di ako makatulog," sabi ko sa kanya and I put my head on his shoulder.

Oo nga, gusto ko si Veon pero since close kami, parang wala lang ang ginagawa ko na ito sa kanya. He sees me as his bestfriend and sister. Masaya na ako kahit ganyan ang trato niya sa akin. Ang talagang iniisip ko is that friends lang talaga kami.

"Ako rin. 'Di ako makatulog," sabi rin ni Veon sa akin at nginitian ko siya.

"Ikaw din pala. Bakit naman," tanong ko sa kanya at naka tingin lang siya sa langit.

"Ewan ko. Sa totoo lang, iniisip ko pa ang parents ko. Biglaan kasi ang nangyayari ngayon," sagot ni Veon sa tanong ko and my smile faded little by little.

"So—" Hindi ako pinatapos ni Veon.

"'Wag ka nang mag sorry. Ilang beses ko ba 'yan sasabihin sa'yo para tumigil ka," tanong niya sa akin at binatukan niya ako. Hinawakan ko yung ulo ko at nginitian ko siya ng unti.

"Ikaw talaga… sinasaktan mo ako," pabirong-sabi ko sa kanya and I pouted at him at medyo natawa kaming dalawa.

Amazed talaga ako kay Veon. Kahit ganito na ang nangyayari, hindi parin nawawala ang dreams niya. Gusto niya maging head nurse tulad ng ate niya. Gusto niya tuparin yung promise niya sa parents niya.

Marami silang sakripisyo para kay Veon. Wala silang hinihintay na kapalit pero ngayon na buhay si Veon, he will live out his dream and become successful. Just like how his parents wanted him to be.

Just like how he wants himself to be.

Tiningnan ako ni Veon. "Ikaw… bakit 'di ka makatulog," tanong niya sa akin at huminga ako ng malalim.

"Yung nangyari rin kanina nakaka-rattle, eh. Yung parents mo pero 'wag na ako mag apologize. Baka batukan mo pa ako but I'm really sorry," sagot ko sa tanong niya at malapit niya nanaman akong batukan kasi nag sorry ako, but I blocked my head and stuck my tongue out at him at tinuloy ko yung sasabihin ko.

"Bukas pa, maaga tayo magigising kasi tuturuan natin yung classmates natin. To be honest, hindi ko alam kung paano natin sisimulan ang pagtuturo sa kanila," dagdag sabi ko pa at nilagay ko yung ulo ko sa tuhod ko.

"Hmm… ayos lang 'yan! Kaya natin 'to," sabi niya sa akin at inirapan ko siya.

"Hoy, ikaw din, 'no! Magtuturo," sabi ko naman sa kanya at tumawa siya ng onti.

"Alam ko! Basta… don't worry. 'Wag mo masyadong isipin 'yan. Matuturuan natin sila. Sabihin mo na ang mga healers, si Isobel ang magtuturo. Ang mga support since marami sila, 2 each group, si Tyler at Josh ang magtuturo since best supporters sila at ako or ikaw sa attacking," sabi naman ni Veon at napatango ako.

"Umm… kay Isobel muna ako. Magpapaturo ako. Ikaw na lang magturo sa attacking since ako magiging healer for the meantime sa grupo natin," suggest ko kay Veon at tiningnan niya agad ako.

"Ano? Ako lang magtuturo," tanong niya sa akin and I sense na medyo gulat siya.

"Oo, bakit? Don't tell me kinakabahan ka," sabi ko sa kanya at tumingin siya sa sahig.

"Sa totoo lang, medyo… kasi pati rin ako hindi ko alam kung paano simulant ang pagturo ko sa kanila," sagot niya sa tanong ko at tiningnan niya ako. "Hindi ka rin ba pwede magturo," tanong naman niya at nginitian ko siya habang iniirapan ko rin at the same time.

"Veon, okay lang 'yan! Makakayanan mo 'yan! Kung 'di mo talaga kaya, doon na kita tutulungan," sabi ko sa kanya at nginitian niya ako.

"Tulog na tayo. Maaga pa tayo bukas," sabi na lang ni Veon sa akin at tiningnan ko siya.

Tumayo ako at nag stretch ako. "Tatabihan ko ang pamilya ko. Good night, Veon," sabi ko at tumayo rin siya.

"Good night," bati niya rin sa akin at dumeretsyo siya kina Dean para makishare sa kumot.