>Sheloah's POV<
Yung teachers nasa isang sulok at yung parents nasa kabilang side, kasama ang teachers. Yung mga classmates namin nasa gitna ng rooftop, naka upo. Hiwalay ang students at parents sa rooftop. May sari-sarili silang mundo.
Tiningnan ko si Veon. "Basta… gagawin natin yung plano mo. Maganda ito," sabi ko sa kanya at nginitian niya na lang ako.
"Sabihin mo na sa section natin," He said finally at tumayo kaming dalawa. Pumunta ako sa harapan ng classmates ko na naka upo sa sahig at kinuha ko attention nila.
"Guys," sigaw ko pero 'di nila ako tinitingnan at pinapansin.
Depressed talaga sila but I need to tell them the plan for tomorrow. We can't stay like this for too long. Kung nandito pa kami at 'di pa sila marunong makipaglaban masyado, edi for sure, mamamatay kami. We need to survive this as a group.
"Uy, guys… makinig naman kayo sa akin, please—" Hindi natapos yung sasabihin ko no'ng biglang may classmate naming lalaki na tumayo at tiningnan ako nang masama.
"Bakit ka namin papakinggan," tanong niya at nagulat ako sa kanya. Bakit niya naman ako sinasabihan ng ganito?
"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin," sagot ko sa kanya and he scoffed at me.
"Tanga ka pala, eh! Ang yabang mo," sabi niya at nilapitan niya ako. "Bakit ang insensitive mo? Kita mo ba na halos lahat ng classmates mo walang parents dito? Samantalang yung iba, mayro'n, lalo ka na," sigaw niya pa sa akin at tinulak niya ako ng onti.
Nag react yung iba naming classmates na walang parents. Tumayo sila at yung expression nila pareho sa isang classmate ko. Galit sila sa akin. Yung ibang parents pinipigilan nila ang mga ibang students na inaaway ako pero hindi nila masyado mapigilan dahil konti lang sila.
"Ang unfair! Buhay lang yung sa kanya!"
"Oo nga! Hindi nakakaintindi si Sheloah!"
"Kita na nga na malungkot ang iba, plano nanaman?"
"Nakakairita!"
"Bakit kasi ang ibang parents buhay at ang sa amin hindi?"
'Yan ang mga reklamo at sigaw ng mga kaklase ko at lahat sila nakatingin nang masama sa akin. Sa sobrang dami ng sinasabi nila na sabay-sabay, hindi ko na maintindihan ang sinasabi nila pero alam ko negative ang mga sinasabi nila at galit sila sa akin.
Oo nga, ang unfair pero hindi ko naman sinasadya na maging insensitive, eh. I just want to tell them the next plan para safe and sound kaming lahat.
But I guess that's a wrong thing to do when all seemed so down.
Nilapitan pa ako ng isa naming classmate. "Sino ka ba ngayon at ganito ka, ha?! Pinag yayabang mo na leader ka, eh," sabi niya sa akin at sinampal niya ako sa mukha.
Nagulat si Josh, Tyler at Veon sa ginawa ng classmate namin. Hinawakan ko yung pisngi ko at nakatingin lang ako blankly sa classmate ko na sumampal sa akin.
Agad naman pumunta sa harapan ko ang nanay ko. "Hoy! Alam ko na ang unfair pero 'wag niyong awayin anak ko," sigaw naman ng nanay ko at hinawakan ko lang ang kamay niya.
"Ma," sabi ko and I forced myself to smile for my mom. "Okay lang ako," dagdag sabi ko pa pero hindi pinansin ng nanay ko at tinititigan niya parin nang masama ang mga classmates ko na nangaaway sa akin.
"Hoy, masyado na 'yan, ah," sabi ni Josh at pumunta siya sa harapan namin ni ma.
Hinawakan ko yung balikat ni Josh. "Josh… okay lang. Hayaan mo na lang," sabi ko kay Josh at nginitian ko siya ng onti.
Tiningnan ako ni Josh. "Hindi naman tama yung ginawa niya," sabi pa ni Josh sa akin and I shook my head.
"Ano'ng hindi tama?! Tama lang ang ginawa niya kay Sheloah! Ang yabang niya, eh," sigaw ng isa naming classmate at lumingon ako kasi medyo nasasaktan na ako sa mga sinasabi nila.
Marami na ang mga sumisigaw at sinasabat na lang ng nanay ko. Nasasaktan ako pero siguro all I have to do right now is to shut up. Kung nagsalita lang ako, lalala lang yung away.
"Hoy, tama na," sigaw ni Veon at hinawakan niya yung balikat ko. "Sumosobra na kayo," dagdag sabi pa niya at medyo bumilis tibok ng puso ko.
Pinagtatanggol niya ako.