Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 19 - He's in Denial

Chapter 19 - He's in Denial

>Sheloah's POV<

Tumingin yung zombies sa kanya at nagsimula na silang mag grunt. Pumunta ako sa harapan ni Veon para maprotektahan siya. Hindi ko naman pwede patayin ang parents ni Veon kahit zombies na sila kasi kahit paano… parents parin 'yan ni Veon.

Tiningnan ko si Veon. "Veon… kailangan na nating umalis," sabi ko sa kanya pero nakatingin parin siya sa parents niya. Parang hindi niya ako naririnig. Parang wala lang ako sa harapan niya.

"Veon… bilis para hindi natin mapatay ang parents mo kahit zombie na sila," sabi ko sa kanya and he shook his head.

"Hindi… hindi sila zombies," sabi niya at hinawakan ko kamay niya.

He's in denial.

"Gumising ka, Veon! Alam kong mahirap tanggapin pero..." Nahihirapan akong sabihin 'to sa kanya pero kailangan.

"Wala na sila! Hindi ka na nila mapapansin," dagdag sabi ko sa kanya pero hindi parin siya gumagalaw.

Malapit na akong umiyak kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang iwan si Veon. Hindi ko kayang patayin ang parents niya. Ayaw ko ng ganito.

"Please, Veon… alis na tayo," sabi ko sa kanya at hinawakan ko pa nang mas mahigpit yung kamay niya.

"Bakit… bakit pa magulang ko? Sa dinami-daming tao na pwede pang maging biktima…" Sinusubukan ni Veon pigilan ang iyak niya.

"Veon…" Sinabi ko na lang ang pangalan niya at ngayon ko lang siya nakitang ganito kalungkot.

Lumingon ako at nakita ko yung zombies papunta sa amin. Pumunta ako sa harapan ni Veon para maprotektahan ko siya. This is the least I can do; to stay with Veon until maging okay siya. But I can't end my life here. Marami pa akong tao na kailangan protektahan.

No'ng malapit na yung zombies sa amin, umatras ako at napaatras si Veon pero no'ng umatras pa ako, nahulog ako sa sahig at hinila ng nanay niyang zombie ang paa ko.

"Veon," sigaw ko at sinipa ko yung nanay niyang zombie pero no'ng paalis na ako, hinila pa ako ng tatay niyang zombie at hindi ako makatakas.

I'm trying to struggle from their hold pero hindi ko kaya. Sobrang lakas nila. Hindi ko akalain na ganito mangyayari sa akin. Baka…

Mamamatay na ako.

Tiningnan ako ni Veon. "Sheloah," sigaw niya at kinabahan na siya.

"Veon… okay lang. Tumakas ka na lang para hindi mo mapatay ang parents mo," sabi ko sa kanya at nginitian ko siya.

"Hindi naman pwede 'yan," sabi niya sa akin at maslalo siyang kinabahan. "Sheloah… nadamay ka na dahil sa akin," dagdag sabi pa niya and I shook my head habang nilalayo ko yung mukha ng zombie sa akin.

"Basta tumakas ka na," sabi ko sa kanya at sinusubukan ko parin tumakas sa yakap ng zombie na ito. Hindi nagsalita si Veon at nagulat ako sa expression na ginawa niya.

Umiiyak na siya.

Hindi ko akalain na ang bestfriend kong si Veon, umiiyak. Masayahing tao si Veon. Tawa ng tawa. Bihira siya magkaroon ng problema but when he does, tinatago niya parin para lang hindi madamay ang mga kaibigan niya.

"Ma… pa… I'm sorry," Sabi niya at hinawakan niya yung baril niya.

Nagulat ako. "Veon, ano'ng gagawin mo? 'Wag kang magpakamatay," sabi ko sa kanya at tiningnan niya ako. Tinutok niya yung baril niya sa parents niya and…

BANG!

Namatay yung tatay niyang zombie at nahulog ako sa sahig. Nilapitan ako ng nanay niyang zombie at binaril siya ni Veon ng dalawang beses at namatay na rin siya.

Nagulat ako kasi ang nasa harapan ko, parents ni Veon na naging zombie at ngayon patay na. They are now killed…

By the hands of their own son.