>Sheloah's POV<
Medyo mabagal ang pagmamaneho ni Veon. Napansin ko na nasa ibang rota kami at alam kong hindi kami pabalik ng school.
Weird, bakit walang zombies dito sa lugar na ito?
Tiningnan ko si Veon. "Sa'n tayo pupunta," tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Yung expression parin ng mukha niya seryoso at malungkot.
Hindi parin niya sinasagot tanong ko. Hinayaan ko na lang siya at tumahimik na lang ako habang nagmamaneho siya sa lugar kung saan niya gusto pumunta.
His parents just died.
I sighed sadly at the thought. Hindi ko matanggap na nawala ang parents ni Veon sa harapan pa niya mismo. Naging zombie sila, tapos siya pa mismo pumatay sa kanila. They were killed by the hands of their own son. Walang choice si Veon. Napilitan din siya dahil sa akin.
No'ng naalala ko na ako yung rason kung bakit napilitan siyang patayin ang parents niya, napapaiyak nanaman ako but I know I can't cry here, not now. Si Veon dapat ang binibigyan ko ng pansin, hindi ang emosyon ko. Si Veon ang nalulungkot. Dapat hindi ako nadadala ng nararamdaman kong llungkot. Ayaw ko mapunta sa akin ang pansin ni Veon.
Nakarating kami sa isang kalsada na wala man lang kalaman-laman. Walang zombies, pero maraming wasak na kotse.
Tinigil ni Veon yung kotse niya sa tabi ng isang puno at lumabas siya. Tinanggal ko agad yung seatbelt ko at sinundan ko siya. Umupo siya sa isang bench at tinabihan ko siya. Tiningnan ko ang orasan at 7:12PM na ng gabi.
Tiningnan ko si Veon. Nakatingin siya sa langit. Siguro malalim ang iniisp niya ngayon and all I can do now is not to disturb him and all I can do now is for me to stay by his side until he's okay.
Tumingin din ako sa langit. "Ang ganda," sabi ko at tiningnan ko siya.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Biglaan na lang kasi siya nagsasalita at hindi ko alam kung ano ang lumalabas sa utak niya. I can't just utter words suddenly maslalo na pag malungkot siya.
Nginitian ko na lang siya at tumingin ulit ako sa langit. "Kahit ganito na ang nangyayari sa mundo, buti naman at may magagandang view pang natitira," sabi ko sa kanya at tumingin din siya sa langit.
"May rason ako kaya tayo pumunta rito," sabi niya sa akin at napatingin ako sa kanya. "Gusto mo bang malaman," tanong pa niya sa akin and I nodded as my answer.
"Kung okay lang sa'yo," sabi ko sa kanya at binalik niya yung tingin niya sa langit.
"Salamat at ang haba ng pasensya mo sa'kin ngayon na malungkot ako," sabi niya sa akin at napangiti ako ng onti.
"Siyempre! Best of friends nga tayo, 'di ba," sabi ko sa kanya at nginitian niya ako.
Nothing more than best friends.
"Salamat at sinamahan mo ako ngayon," sabi niya sa akin at tumingin ako sa harapan ko at nagsalita ulit siya.
"Alam mo, Sheloah, yung place na ito… dito ako dinadala ng parents ko rati noong bata ako," sabi niya sa akin at tiningnan ko siya agad pero nakatingin parin siya sa langit.
"Noong bata ako pag may nakikita akong shooting star, I ask for wishes," sabi niya sa akin at medyo tumawa ako. "Childish, 'no," sabi pa niya sa akin and I shook my head.
"All children do that," sabi ko sa kanya at binunggo ko balikat niya. "May cute side ka pala," sabi ko pa at medyo tumawa siya.
He calmed down. "Buti naman at nakapunta ako rito one last time," sabi niya at tiningnan ko siya.
Pareho kaming napatingin sa langit nang may nakita kaming shooting star.
"Nakita mo 'yon," tanong ko sa kanya at tumango siya.
"Ngayon lang ulit ako nakakita ng shooting star," sabi niya at nginitian namin ang isa't-isa.
After a minute of silence, tiningnan ako ni Veon. "Ano'ng wish mo," tanong ko sa kanya the moment he looked at me.
"That I wish I could've saved my parents," sagot niya sa tanong ko and it struck my heart.
Napatingin ako sa mga kamay ko at hindi ako makatingin nang deretsyo sa kanya. "Sorry… dahil sa akin napilitan kang patayin ang parents mo," sabi ko sa kanya at hindi ko masabi ng maayos ang last statement ko. I felt guilt.
"Wala kang kasalanan. Naging zombies na sila at hindi na sila maibalik muli. Mahirap lang tanggapin," sabi pa niya sa akin at huminga siya ng malalim.
"Sorry," sabi ko na lang ulit sa kanya and he shook his head.
"You don't have to be," he said finally and he looked back at the sky. "Ano naman wish mo," tanong niya and I just gave him a sad smile.
Your own happiness.