Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 20 - His Home

Chapter 20 - His Home

>Sheloah's POV<

Tiningnan ko agad si Veon at bigla niyang binitawan yung baril. Nilapitan niya yung parents niya at umiyak siya. "Pa… ma… I'm sorry., sabi niya at patuloy parin siyang umiiyak.

"I'm so sorry… I'm so sorry… I'm so sorry," sabi niya at pati narin ako napapaiyak dahil sa nangyari sa parents niya.

"Kung mas maaga pa sana akong pumnta dito… ligtas parin kayo at makakasama ko pa kayo. I'm sorry ma, I'm sorry pa… I'm sorry," sabi niya at mas umiyak si Veon. Tinabihan ko siya at hinawakan ko yung likod niya.

Binuhat niya yung parents niya. Ang papa niya nasa right, ang mama niya nasa left. Niyakap niya sila nang mahigpit at mas nilabas niya yung iyak niya.

"I love you pa, ma… mahal na mahal ko po kayo," sabi niya at pati rin ako mas umiyak dahil sa sinabi niya. Mahal na mahal niya talaga ang parents niya.

Binaba ni Veon yung papa niya at tinabi niya sa mama niya. Kinumutan niya sila at naglagay siya ng family picture sa bandang gitna nila. Tumayo siya at tumayo rin ako.

Tiningnan niya yung parents niya pero no'ng tumalikod si Veon, may nakita siyang letter sa sahig. Pinulot niya yung letter at binuksan niya. Isa siyang liham galing sa parents niya bago sila naging zombie.

Dear Veon John Narvasa,

Anak… alam mo na ba na proud na proud kami sa'yo? Ikaw ang bunso naming anak. Ipagtanggol mo ang mga ate mo kung sakali ganito rin ang nangyaryari sa bansa kung saan sila. Hindi mo man sila maaabot, pero alam ko… kahit malayo sila, mapo-protektahan mo sila. Matalino ka, Veon. Alam namin 'yan dahil anak ka namin. Mabilis kang matuto. Matagal ka na naming pinapanood at ang ganda ng future mo. Alam namin na magiging successful ka. Magiging mabuting head nurse ka. 'Wag mong isipin na hindi ka namin babantayan. Kahit nandito kami sa langit, babantayan ka namin. Kung binabasa mo siguro ito, wala na kami at gusto namin na malaman mo… na mahal na mahal ka namin. Sorry nga lang at hindi kami nagtagal. Kaya anak, 'wag kang malungkot. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo. Keep moving forward at 'wag kang lumingon. Kahit saan ka man mapupunta o mapapadpad, babantayan ka namin. Mahal na mahal ka namin, anak… alalahanin mo 'yan.

--Pa at Ma

No'ng binasa 'yan ni Veon, hinahawakan niya nang mahigpit yung letter at tinago niya sa bulsa niya. Umiyak siya maslalo at hindi ko mapigilan sarili ko na yakapin siya kaya niyakap ko siya nang napakahigpit.

"Mahal ka nila, Veon… kahit wala na sila, hindi ka nila makakalimutan," sabi ko sa kanya habang niyayakap ko siya pero patuloy paring siyang umiiyak.

We stood like this for minutes until he broke our hug at tiningnan niya ako. "Alis na tayo," sabi niya sa akin at hinahawakan niya yung kamay ko.

We are now leaving the place which he used to call…

His home.

Nakapasok na kami sa kotse at sinimulan niya ng magmaneho papunta ng school at habang papunta na kami, nakatingin ako sa bintana. Gabi na. Full moon pa at ang dilim ng langit pero may ilaw parin dahil sa full moon.

Tiningnan ko si Veon pero hindi parin umaalis ang lungkot sa mukha niya. Nginitian ko siya at kinantahan ko siya.

Hold on… To me as we go

As we roll down, this unfamiliar road

And although this wave is stringing us along

Just know you're not alone…

'Cause I'm gonna make this place your home

No'ng kinanta ko 'yan, sinandal ko yung ulo ko sa balikat ni Veon habang nagmamaneho siya.

I am trying to cheer him up. Sinasabi ko sa kanya na hindi siya nag iisa; na nandito lang ako para sa kanya. Sinasabi ko sa kanya ito in a form of a song.

Settle down, it'll all be clear

Don't pay no mind to the demons they fill you with fear

The trouble it might drag you down

If you get lost, you could always be found

Just know you're not alone…

'Cause I'm gonna make this place your home

Gusto kong malaman niya na 'wag niyang isipin masyado ang problema niya sa buhay. Pag masyado niyang iniisip, baka sumuko lang siya pero pag nawawala man siya, alalahanin niya na ang mga kaibigan niya nandito lang para sa kanya. Hindi siya nag iisa.

Settle down, it'll all be clear

Don't pay no mind to the demons they fill you with fear

The trouble it might drag you down

If you get lost, you could always be found

Just know you're not alone…

'Cause I'm gonna make this place your home

After I sang that part of the song, I hummed the rest of the song habang nagmamaneho si Veon papunta sa school.

Pangako ko sa sarili ko… na hindi ko iiwan si Veon kasi importante siya sa akin. Grabe ang pinagdaanan niya ngayon at nagi-guilty ako dahil sa akin, napilitan siyang patayin yung magulang niya. I need to stay by his side. He's my important friend after all. But also…

I kind of love him.