Chereads / SKYLAR / Chapter 3 - PLAYING CUPID

Chapter 3 - PLAYING CUPID

"Where's dad?" nakangiting tanong ni Skylar sa secretary. Mayroon siyang dalang kape. Ang sabi ng katulong nila ay maaga raw pumasok sa office ang daddy niya. Tumawag kasi siya roon para ayain itong mag-breakfast sa isang restaurant bago pumasok. Pero nang malaman niyang maaga itong umalis, naisipan na lang niya itong dalhan ng kape at makakwentuhan. Tutal ay mayroon pa namang oras bago magsimula ang trabaho nila.

"Nasa loob." nakangiting sagot ni Milly, ang twenty five year old secretary ni Stephen.

"May kasama?" tanong ni Skylar.

Tumango ito. "Sina Dr. Webster Fereira at Dr. Donatello Valdez,"

Muntik nang mapangiwi si Skylar nang marinig ang pangalan ni Donatello. Gayunman, hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba. It's been three days since the last time Donatello asked her to have lunch with him. Mula nang makita nitong kasama niya si Webster ay hindi pa siya nito ulit in-approach. Gayunman, sa tuwing nakikita niya ito ay napapansin niyang tinititigan siya ni Donatello. Hindi na lang niya iyon pinapansin. Naisip niya kasing hanggang tingin na lang talaga ito sa kanya.

Bigla siyang nagalala nang maalala si Webster. Ito kaya? Kinausap kaya ni Donatello? She instantly felt sorry for the man. Nakonsensya siya dahil hindi niya naisip ang anggulong baka ito ang mapagbalingan ni Donatello.

"Ma'am!" nabibiglang tawag ni Milly. Dahil sa pagaalala at bugso ng damdamin, pinasok niya ang opisina ng ama. Biglang natigil si Stephen sa pagsasalita at napalingon lahat sa kanya.

"I-I'm sorry," napapahiyang saad ni Skylar. Pinamulahan siya ng mukha dahil sa ginawang kapangahasan.

"No, it's okay. Join us." anang ama niya.

Agad tumayo si Webster at siya ang pinaupo nito. Nagsalubong ang kilay ni Donatello. Mukhang hindi nagustuhan ang pagiging gentleman ni Webster. Lihim siyang napailing kay Donatello.

"We are talking about Titanium. Malapit na raw niya iyong matapos. Naipakita na sa akin ni Webster ang status at halos kalahati na noon ang concept and I am impress." nabibilib na saad ni Stephen at kinwento ang tungkol sa modernized fountain of youth.

"Mine is better," Donatello mocked.

"Oh, yes. Oras na matapos mo nga ang travel machine ay siguradong maraming magkakandarapang bilhin iyon. You told me that you will use complex algorithm and programs to create it, right? So how's everything then? Puwede na bang makarating sa ibang bansa ang isang tao nang hindi sumasakay ng barko o eroplano?" usisa ni Stephen.

"Well… M-Malapit ko na iyong makalahati." ani Donatello at medyo nabawasan na ang kayabangan. Maybe because he was caught off guard. Kahit gaano kaganda ang concept nito pero hindi nagagawa ay wala rin iyong silbi.

"That's good. Don't worry. Magiging maayos din ang lahat," pagpapalakas loob ni Stephen. Alam ni Skylar na ganoon sa lahat ng scientist ang ama. Hindi nito kailanman pinakitaan ng pagkainip ang mga iyon dahil alam nitong hindi sila magandang nape-pressure. It takes a lot of patience to create a wonderful masterpiece. And she knew that supporting them wholeheartedly makes them at peace.

"Of course. I can handle it," hindi patatalong saad ni Donatello at tumayo na. "I have to go. May gagawin pa ako." paalam nito at alam ni Skylar na gusto lang nitong umiwas sa topic.

Nagsitanguan na lang silang lahat. Lihim napailing si Skylar nang lumabas na si Donatello. Obvious na hindi nito kaya ang pinasok ay mataas pa rin ang ere.

"What brought you here?" tanong ni Stephen kay Skylar.

"Oh," aniya at inilapag ang kape. "For you,"

Napangiti ang matanda. "My daughter misses me."

Natawa siya at nahihiyang napatingin kay Webster. Bigla siyang nahiya dahil baka isipin nitong daddy's girl siya kahit na totoo.

"Maganda ba ang anak ko?" tanong kapagdaka ni Stephen.

Pareho na yata silang pinamulahan ng mukha ni Webster! "Dad!" napapahiyang suway niya.

Natawa ang matanda. "What? I am just asking. Nagtataka kasi ako. Bukod kay Donatello, walang ibang nanliligaw sa'yo." anito at hinarap si Webster. "What do you think? Suplada ba siya sa tingin mo?"

"Dad!" paungol niyang awat.

"N-No, sir. She's very beautiful and smart. No man on his right mind would ignore her." matapat na sagot ni Webster.

Biglang napatingin si Skylar dito. Naginit ang puso niya nang makitaan ng sinseridad si Webster. The man was even blushing! Oh, he looked so coy.

"I like your honesty," natutuwang saad ni Stephen.

"Thank you, sir. I-I really have to go. T-Thank you for your time." paalam ni Webster. Saglit lang siya nitong tinapunan nang tingin bago umalis. Mukhang nahihiya na naman!

"Me too!" agad din niyang paalam. Hindi na niya hinintay ang ama. Tumayo na siya at lumabas. Agad niyang hinabol si Webster.

"Webster!" tawag niya at dali-dali itong nilapitan. Muntik nang matawa si Skylar nang makitang namutla ito nang hawakan niya. "What's wrong?"

"W-Wala," anito at bahagyang umurong. Para tuloy itong nasusukol!

"Natatakot ka ba sa akin?" maang niyang tanong.

Namula na ang buong mukha ni Webster. "H-Hindi. A-Ano ba ang kailangan mo?"

Huminga nang malalim si Skylar. "Pasensya ka na kanina. Mabiro lang talaga si dad. Huwag ka sanang ma-offend."

Napakamot ito sa batok. "Hindi naman ako na-offend. Nagsabi lang ako ng totoo."

Kumabog nang malakas ang puso ni Skylar. God! He means it! Nagagandahan ito sa kanya! Hindi tuloy niya alam kung paano iyon sa sasagutin. Kung naiba lang, natawa na lang siya at nailing. Pero iba kapag si Webster mismo ang nagsabi. Alam niyang bukal iyon sa kalooban nito at nata-touch siya.

"S-Sige," anito at dali-dali nang umalis. Maang na napatingin si Skylar sa lalaki hanggang sa nawala na. Doon pa lang nagising si Skylar at napangiti.

At kinilig! Damn!

Maraming lalaki ang nagtangkang kumuha ng pansin ni Skylar pero kay Webster lang siya nakaramdam ng kilig. Napaisip siya kung paano iyon nangyari.

Ah, alam na niya. Webster's honesty and purity made him so believable. Tingin ni Skylar ay hindi ito marunong magsinungaling. Tagos din sa puso ang sinseridad.

Oh, her heart. It was beating so wild now. Natutop na lang ni Skylar ang dibdib para awatin ang puso.