Ten years ago…
"DAD! KAILAN ka pa dumating?" tuwang bati ni Skylar nang bumungad ang ama sa green house at sinalubong niya ito. Agad niya itong niyakap nang mahigpit. Mahinang natawa si Dr. Stephen Wright. He was half-Filipino, half-British. Dito niya nakuha ang karamihang features kaya pareho silang brown ang buhok at mata. Pareho rin silang maputi at makinis.
Kasalukuyan silang nasa Center for Strategic Research and Inventions. Pagaari iyon ng daddy niya. Thirty years na iyong nakatayo. It was one of the leading research facilities in the Philippines. Marami silang scientist doon.
Binuo ni Stephen ang CSRI dahil gusto rin nitong tulungan ang mga inventors na kulang sa budget. Ito ang nagfi-finance. Anuman sa matutuklasan o mabubuo doon ay hindi aangkinin ng CSRI. The intellectual property would still remain on the inventor. Sa huli lang nagkakaroon ng benefit ang CSRI. Oras na kumita at mag-boom ang anumang invention ay doon lang sila maniningil ng iba't ibang uri ng fees na hindi naman mahal. Ganoon kabait ang daddy ni Skylar.
Isa rin sa mga scientist ng CSRI si Stephen. He was fifty year old anatomist. He was the author of the most influential book titled Fabric of the Body. Iyon ang kalimitang ginagamit ng mga medical students sa iba't ibang university sa Pilipinas. Tungkol iyon sa human anatomy.
Galing sa mayamang angkan ang ama ni Stephen sa UK. Pero dahil isang pinay botanist ang napangasawa nito at mas piniling manirahan sa Pilipinas ay doon na rin ginusto ni Stephen. Hindi na rin ito umalis kahit namatay na ang asawa. At ang yaman ng angkan ang ginamit nito para itayo ang negosyo.
Mayroong anim na departments ang CSRI at isa roon ay pinamumunuan ni Skylar bilang botanist. Tinawag niyang 'green house' ang buong department kung saan nakalagay ang napakaraming uri ng halaman at living organism para pagaralan. She was really happy living with her dream.
Bata pa lang kasi ay mahilig na siyang suriin ang mga halaman. Ayon sa ama niya, namana daw niya iyon sa isang si Vienna na namatay sa sakit na breast cancer. She died when she was seven.
She could say that her greatest contribution was Biology of Plant. Isa iyong libro na ginagamit ngayon ng mga high school students. Sa ngayon ay nagka-conduct pa siya ng study sa iba't ibang uri ng halaman para magawan iyon ng libro at magamit sa mga schools.
"Kanina lang." nakangiting sagot ni Stephen pero bakas ang pagod sa mga mata. Hindi alam ni Skylar iyon dahil magkahiwalay na sila nito ng tinitirhan. Bumukod na siya five years ago sa edad na twenty. Magmula nang magkaroon siya ng sariling trabaho ay iyon ang inuna niyang ginawa. Gamit ang trust fund na bigay ng abuelo, bumili siya ng bahay, lupa at sasakyan. She wanted to live independently. Wala namang naging kaso iyon sa ama. Kaya sa loob ng limang taong pagsasarili at nasa edad twenty fice ay naging okay naman siya. Sa ngayon ay nagkakaroon na siya ng sariling ipon.
Napamulagat si Skylar. "Galing pa kayo ng Canada! Hindi ba kayo napagod sa one month convention doon?" alalang saad niya.
Umiling ito. "I am okay."
"Pero—"
"Uuwi rin ako pagkatapos kong kausapin si Alfeo." tukoy nito sa ninong niya na kapareho nitong anatomist.
"Bakit?" takang tanong ni Skylar. Nakita niya kaninang umaga si Ninong Alfeo pero wala itong binanggit.
"We need to talk about his proposal."
Napabuntong hininga si Skylar. "He wants to be part of CSRI."
Tumango ito. "Yes. Nagsa-suggest siya na gawing corporation ito."
"Papayag kayo?" seryosong tanong ni Skylar.
"Of course not. Marami tayong funds. Hindi na natin kailangang gawin iyon. Besides, gusto ko ring protektahan ang mga scientist natin dito. Mayroong tendency na magiba ang patakaran at maapektuhan sila oras na magbago ang management." determinadong saad ni Stephen.
Napangiti si Skylar. Ito ang pinakagusto niyang ugaling ama. Makatao ito. She's really proud of him.
Napatingin ito sa wrist watch. "I need to go. Kanina niya pa ako hinihintay. Inuna lang kitang dinaanan." anito at mahina na siyang tinapik sa balikat.
Napatango na lang si Skylar. Napabuntong hininga na lang siya nang tuluyang lumabas ng greenhouse ang ama. Minabuti niyang harapin na lang ang trabaho. Sinuri niya ang isang uri nang damo at tiningnan kung mayroon iyong components para maging gamot.
Hindi nagtagal ay dumating si Donatello. Napabuntong hininga na lang si Skylar nang makita ang dala nitong kape.
"For you," balewalang saad ni Donatello at inilapag ang kape sa tabi. Kung makaasta ay parang hindi niya ito binasted nang nagdaang gabi.
Anak ni Ninong Alfeo si Donatello. Isa itong physicist. Wala pa itong napapatunayan pero kung makaasta ay parang mayroon na. Medyo mahangin ang lalaki kaya hindi niya ito gusto.
"Akala ko ba nagusap na tayo kahapon?" malumanay na tanong ni Skylar.
"Yes. Pero naging malinaw din ako na hindi ako basta susuko." nakangiti nitong sagot. Gayunman ay nakitaan niya ito ng determinasyon.
Lihim na napailing si Skylar. "May gagawin pa ako." simpleng taboy niya.
"Okay. I'll fetch you around lunch time. See you!" anito at tumayo na.
"Donatello!" nagtitimping tawag niya pero lumabas na ito. Inis na inis tuloy si Skylar. Hindi na siya natutuwa sa pagiging mapilit ni Donatello. Parang hindi ito makaintindi. Ayaw naman niya itong hiyain dahil nahihiya rin siya sa ninong niya na naging mabait mula pa noong bata siya.
She sighed. Pinilit na lang niyang itinuon ulit ang sarili sa trabaho hanggang magtanghalian. Dinalian niyang magayos ng gamit at lumabas. Nakahinga siya nang maluwag ng hindi makita si Donatello sa lobby. Agad na siyang naglakad papuntang exit.
"Skylar!" malakas na tawag ni Donatello.
Napatiim ang bagang ni Skylar. Lintik. Naabutan pa siya! Ugh!
Pigil hiningang humarap si Skylar kay Donatello at doon niya nakitang kasunod nito si Webster. Physicist din ito sa CSRI. Aloof si Webster. Maybe because he was the shy nerdy type. Obvious naman iyon sa itsura nito. He was so tall. About six feet. Payat ito kaya mas lalong na-emphasize ang taas.
Namamasa ang buhok si Webster dahil sa wax. Naka-brush up iyon at wala man lang single strand ng buhok ang naligaw. Makapal ang kilay nito. Nakasuot ito ng thick eye glass na retro ang style. Matangos ang ilong at manipis ang pinkish lips nito. Mayroon itong braces sa mga ngipin. Nakasuot ito ng checkered polo na parang pang sapin sa mesa. Naka-suspenders pa! Dahil doon ay nabitin tuloy ang khaki pants nito kaya kita ang puting medyas. Naka-black shoes ito. He really looked like a university geek.
"Webster!" relieved na tawag niya at ito ang sinalubong sa halip na si Donatello. She would rather date him than Donatello. Maraming beses na rin niyang nakausap si Webster at mas gusto niya itong kakwentuhan. Kahit medyo nahihiya, mayroong sense ang sinasabi. Hindi kagaya ni Donatello na puro hangin.
"M-Miss S-Skylar…" naguguluhang anas ni Donatello nang tuluyan niya itong nilapitan.
Ngumiti siya nang matamis at medyo pinanlakihan ng mga mata. She was hoping that he get her message. "Akala ko nauna ka na. Hindi na ako dumaan sa department ninyo. Let's go?" aya niya.
"Skylar, what's this?" naiinis na singit ni Donatello.
Hinawakan niya ang kamay ni Webster bago hinarap si Donatello. Hindi niya napagilang mapasinghap nang maramdaman ang mayroong katigasang kamay ni Webster. Inakala niyang malambot iyon dahil sa lambutin din nitong personalidad pero nagkamali siya. It seems that his hand was like a hand of a hardworking man.
"Umalis ka kasi agad kanina kaya hindi ko nasabing mayroon kaming lakad ni Webster. I'm sorry. We need to go." simpleng paliwanag niya at hinila na ang naguguluhang lalaki.
Pagsakay sa kotse ay napabuga ng hangin si Skylar at impit na napatili. Gigil niyang pinagtatampal ang manibela para doon ibuhos ang inis kay Donatello.
Matagal nang walang sariling driver si Skylar. Kasama iyon sa inalis niya magmula nang bumukod. She wanted to be 'real' independent. Kaya mula noon ay siya na rin ang nagmamaneho ng sariling sasakyan.
"A-are you okay?" alanganing tanong ni Webster.
"Tell me. Ano ba ang kailangan kong gawin para tigilan na ako ni Donatello?" bulalas niya. Hindi na siya nakapagtimpi. Sinabi na niya ang mga nangyari kay Webster.
Panay naman ang kurap nito. Hindi makapaniwala sa mga narinig hanggang sa napatikim. "I-I think he only needs time. Alam na niya ang totoong nararamdaman mo. Hindi pa siguro iyon nagsi-sink in kaya sa tingin ko, kapag lumipas na ang mga araw ay doon niya mare-realize iyon."
Napabuga siya ng hangin. "You think so?"
Tumango ito. Napahinga nang maraming beses si Skylar at pinasibad na ang sasakyan.
"W-Where are we going?" takang tanong ni Webster.
"Lunch. Ginutom ako." aniya at nagmaneho na.
Nakita niya sa peripheral vision na napakamot ng ulo si Webster. Napalingon siya rito at biglang natawa nang makitang namumula ito. Oh he looked cute! Parang ang sarap nitong kurutin sa pisngi!
"Tinakas tuloy kita ng wala sa oras." aniya. Pero bakit ganoon? She didn't feel bad about it? Parang mas kampante pa siya na ito ang nakasama.
Hindi ito nagsalita. Napalingon ulit si Skylar at napabungisngis nang makitang nakalingon ito sa labas ng bintana at pinamumulahan na ng tainga!
"What's wrong? Nahihiya ka ba? Hindi ka ba sanay na may kasamang babae?" naaliw na tanong ni Skylar.
Hindi pa rin ito kumibo. Ngiting napailing na lang si Skylar. Hinayaan na niya ito. Baka mamula pa ito mula anit hanggang talampakan kapag biniro pa niya. Hanggang sa pumarada sila sa isang restaurant ay tahimik si Webster. Nag-order na sila lahat, ganoon pa rin ito.
"Why? What's wrong?" usisa niya nang mapansing hindi masyado makakain si Webster. Nakadalawang rice na siya samantalang hindi man lang nito nakalahati ang sariling kanin. Pansin niyang medyo nangangatal pa ang mga kamay nito.
Hinawakan tuloy ni Skylar ang kamay ni Webster at nabigla ito. Nabigla rin siya dahil nanlalamig na ito. Natabig nito ang baso sa pagkabigla at natapon iyon. Nabasa tuloy ang palda niya. Sabay silang napatayo. Agad siya nitong dinaluhan at maingat na pinunasan.
"I-I'm sorry!" napapahiyang hingi nito nang paumanhin at patuloy sa pagpunas.
Napatingin si Skylar kay Webster at nahigit niya ang hininga sa naging paglalapit nila. He smelled clean and fresh. Wala itong bahid nang anumang pabango. Parang napakalinis nito sa katawan. And she likes it in a man.
And she also noticed that he's a gentleman. Ingat na ingat ito na huwag masagi ang hita niya. Hinawakan nito ang dulo ng palda niya at bahagyang inilayo saka iyon pinunasan. Kung ibang lalaki lang iyon, tingin niya ay hindi ganoon ang gagawin.
"Okay na." aniya at nginitian na si Webster.
"Are you sure? Puwede ka pa—"
"It's okay. Sige na. Kumain ka na." aniya at naupo na. Kinalma na niya ang sarili at kumain na rin. Napabungisngis siya nang makitang guilty pa rin si Webster. "Come on. Kain ka na." aniya at nilagyan ito ng chicken sa pinggan.
"Y-You don't have to do this." nahihiyang saad ni Webster. Namumula na naman ang mukha ni nerdy.
"Ang payat mo. Para tumaba ka. Sige ka. Kapag hindi ka pa kumilos, tatambakan kita ng pagkain." nakangiting banta niya.
Tumalima na si Webster. Napangiti na lang si Skylar at pinagmasdan ang lalaki. Ramdam talaga niyang magaan agad ang kalooban rito. For her, he was so harmless, pure and true. Ang sarap magkaroon ng kasamang tulad nito.
"Thank you kanina," grateful niyang saad kapagdaka.
"W-Wala naman akong ginawa kanina." nahihiyang sagot nito.
Umiling siya. "Thank you for being there."
Namula na naman si Webster. Napangiti tuloy si Skylar. Lalo na naman kasi itong naging cute. Habang tumatagal, pa-cute ito nang pa-cute sa paningin niya. Hindi niya mapigilang matuwa sa lalaking mahinhin.