Chereads / Game Of Heart And Mind (Tagalog) / Chapter 4 - Kabanata II (Ang Simula)

Chapter 4 - Kabanata II (Ang Simula)

[Kabanata 2]

"Ate! Gising na daw!"

Nagising ako dahil sa lakas ng pagyugyog sa akin ni Leo at sa pag-alog ng kama ko gawa ng pagtalon-talon ni Lea.

"Sige na baba na kayo, susunod na si ate." Sabi ko para mapaalis lang sila at maituloy ko na ang tulog ko, sarap sarap ng tulog ko eh.

Maya maya pa ay naramdaman ko na wala ng makukulit na bata sa paligid ko. 6 years old palang sina Leo at Lea. Ako naman ay nasa 20, si ate ay 22 at 4th year college na, si kuya naman ay 27. Si kuya ang nagtratrabaho na, at dahil siya ang may kotse saamin lahat kailangan naming maaga gumising para maihatid niya kami at hindi siya ma-late.

At nung pabalik na ako sa pagtulog, bigla naman ako nakaramdam ng mabigat sa katawan ko na nagpahirap din sa pag hinga ko. Napadilat naman ako bigla para tignan kung sino iyon.

"Kuya! Hindi a-ako m-makahinga!" Pagsigaw ko, nakabihis na siya ng sando at pantalon mag po-polo nalang at sapatos mamaya. Hindi naman ako pinakinggan ni kuya.

"Bumangon ka na diyan, hindi yung pati ako na la-late sa kakapa hantay mo." Sabi niya habang naka dagan pa din sa akin. Pilit ko naman siyang tinutulak, kaso mabigat talaga.

"Oo na sige na! Babangon na ako, umalis ka na ang bigat mo!"

Tsaka naman siya umalis sa pagkakadagan sa akin. Hay, mabuti naman maitutuyloy ko na ang tulog ko.

Wala pang dalawang minuto bigla nalang naramdaman ko na may bumuhat na sa akin.

"KUYAAAAAAAA!!!" diyos ko po iligtas niyo ako sa kapahamakan sa kamay ng aming kuya!

"Sinabi mo babangon ka na, tapos pumikit ka pa. Kung hindi din tlaga napaka tigas ng kokote mo ang lakas mo pa humingi ng baon." Napakapit ako nang ma realize ko kung saan ang diretso namin.

Sa banyo.

Ibinaba niya ako at binuksan ang shower, napasigaw naman ako sa lamig.

Tinalikuran niya na ako at sinara ang pinto, "maligo ka na diyan!" Tsk.

"Leonora! Ilang oras ka mag ma-make up diyan?!" Dinig ko na sigaw niya kay ate.

Hindi lang pala ako ang pasaway, napatawa na lang ako at naligo.

Pagkatapos ko maligo,lahat sila ay kumakain na ng almusal.

5 a.m.

Naupo na ako sa hapag kainan.

Sa kaliwang dulo ay si papa, sa kanan niya ay si kuya na katabi si ate na katabi si Lea.

Sa kanan na dulo ay si mama, sa kaliwa niya si Leo at sa kanan naman niya si lea.

Ako naman ay sa tabi ni papa na kaharap ni kuya, so sa gitna ko at ni leo ay bakante.

"Thalia, inuumaga ka na yata sa pag uwi?" tanong ni papa.

"Sorry po papa, yung school play po kase eh." Totoo naman kase.

"Naintindhihan ko,pag igihan mo. Manonood kaming lahat. Edison, simula mamaya susunduin mo na si Thalia sa rehearsals nila. Delikado para sa kapatid mo ang byumahe ng hating gabi mag isa."

Nabilaukan naman si kuya at halos maibuga na ang kinakain niya.

"P-pero..." Hindi na natapos pa ni kuya ang sasabihin niya dapat dahil pinanglakihan na siya ng mata ni papa.

"Naintindihan mo ba?" tanong ni papa.

"Opo." Tanging nasabi nalang ni kuya.

Nang matapos kami kumain, binuksan na ni kuya ang kotse. Inayos ni mama ang uniform ng kambal, si ate naman sa salamin pa din nakaharap, si papa ready na din para umalis, hindi siya sumasabay sa amin kase malapit lang naman ang pinapasukan niya. Siya na din ang naghahatid sa kambal since elementary palang sila.

Kaya tatlo lang kami lagi ang magkakasabay, si ate, si kuya at ako .

"Ano, tutunganga nalang kayong dalawa?" Iritableng tawag ni kuya sa amin ni ate, dahil siguro sa akin. Na guilty naman ako bigla, susuhulan ko nalang siya mamaya.

Sumakay na kami sa kotse, si papa at ang kambal naman ay sasabay hanggang sa kanto lang ng subdivision.

"Bye! Mag-iingat kayo!" malambing na paalam ni mama.

**

7:10 ng makarating kami sa school.

"Thalia, saan kita hahantayin mamaya?" tanong ni kuya. Ayoko naman siya paghantayin ng matagal.

"Ite-text nalang po kita kuya." Nginitian niya lang kami, bumaba siya ng kotse at humingi ng kiss sa amin ni ate.

Ganito kalambing si kuya, as if mga bata pa din kami. Si ate na sige ang palag at ayaw mag pahalik sa pisngi dahil masisira daw make-up niya.

Ang sarap lang balikan noong maliliit pa kami.

"Oh ikaw ano?" Tingin ni kuya sa akin.

Napa ngiti nalang ako at lumapit kay kuya. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Hay, mabuti nalang talaga may mga kapatid ako. Kahit hindi na ako mag girlfriend." Sabi ni kuya.

"No! Mag girlfriend ka gumawa ka ng anak, we want niece or nephew." Reklamo naman ni ate.

Si kuya naman na ginagaya lang ang pagsasalita ni ate while making faces.

"O siya sige na pasok na dun bilis! Bye!" Tsaka siya sumakay sa sasakyan at umalis.

Masuwerte kaming apat dahil kay kuya, kahit na clingy.

**

"Good morning!" Bati ni Reigiena agad sa akin pag pasok ko ng room.

"Good morning."

Tinignan ko ang iba pa sa room.

May mga nagbabasa at humahabol nang gawa ng homework.

Mayroon din mga nag chi-chismisan kasama si Beatrice na alam ko namang gustong gusto ako patalsikin sa role ko. Siya ang Sharpay Evans ng buhay ko.

"Best, ready ka na ba mamaya? Hindi ka naman papayag na mawala ka sa role diba? Ang pagkawala mo ay pagkawala din ng scholarship at ng honor mo."

Tama siya.

Bigla naman lumapit si Beatrice samin, "Thalia, sana magawa mo na ng tama mamaya. See you later!" sambit ni Beatrice at bumeso sa amin.

"Ugh. Nakakainis napaka plastic." Reklamo ni Reg.

I will not let her take away my scholarship.

**

After class.

"Best, ready?" tanong ni Reg.

"Alright guys, position yourself!" Sigaw ni Mrs. Ocampo, at lahat ay pumwesto na sa kaniya-kaniyang pwesto.

"Thalia, do your best now." Seryosong tingin ni Mrs. Ocampo sa akin.

"On my count, 3..2..1.. action!" This is it. The moment of truth.

***

"Brava! Great job everyone!" Laat ay nagpapalakpakan na ngayon.

"Best! Nagawa mo!" At niyakap ako ni Reg.

"Thalia, congratulations. You did well, keep it up."

Nakita ko naman si Beatrice na napairap nalang at nag walk out.

Nagawa ko!

"Ok guys, go home early. Get some rest!" Sabi ni Mrs. Ocampo.

Sinabi ko na kay Reg na hindi ako sasabay dahil magpapasundo ako kay kuya ngayon, tinext ko na din si kuya na sa romantic baboy kami magkita, ililibre ko siya. Tuwang tuwa naman si kuya, samgyeopsal is real!

Nag aabang na ako ngayon ng masasakyan nang biglang umulan. Bad timing dahil wala akong payong, pero laking gulat ko ng may naramdaman akong matulis na bagay na bumaon sa katawan ko. Naramdaman ko ang konti-konting paghina ng mga tuhod ko, tinignan ko ang tao na may gawa. Pero, nabigo akong makita ang mukha niya.

Iniwanan niya na ako mag isa sa ilalim ng malamig na ulan, naliligo sa sarili kong dugo.

Bago ko ipikit ang mga mata ko, nakita ko ang kapatid ko, nandito si kuya.

**

"Thalia, gumising ka na Thalia." Huling mga salitang narinig ko bago tuluyan mahimbing ang aking tulog.

**

Pagmulat ko ng mga mata ko, wala naman akong nakita na tao. Napapikit ulit ako sa sakit ng ulo ko.

Ini-mulat ko ulit ang aking mga mata.

"Gising na ang prinsesa!" sigaw ng isang babae.

Pinilit ko na i-upo ang sarili ko. Napanganga ako sa nakikita ko ngayon, ibang ayos ng lugar.

Pilit kong inaalala kung nag start na ba kami ng play. Anong araw na ba? B-bakit w-wala akong maalala ni isa?!

"N-nasaan si kuya? Sila mama?!"

May mga babae na nag aasikaso sa akin, nakadamit nang mahaba, gown at long sleeves. Gawa sa silk ang mga tela nang damit nila.

Mayroon din mga babae na nag hahatid ng pagkain, at nag aayos ng kwarto. Nakadamit ng mahahaba din, mas simple nga lang. Yari sa simpleng tela ang mga damit nila na kulay puti, may parang apron sa harap na kasing haba ng damit nila, ang manggas nila ay lagpas siko, at may tela din na nakalagay sa ibabaw ng mga nakapusod nilang buhok.

"Cyndriah, ano ang iyong nararamdaman?" tanong ng isa sa mga babae na may magandang kasuotan na gawa sa silk, may mga alahas , nakalugay ang mahaba niyang buhok na abot hanggang sa beywang niya.

C-Cyndriah? Sino iyon?!

Tinignan ko ang paligid, ang kama ko na napaka laki para sa isang tao, may kurtina sa bawat haligi ng kama, may chandelier pero makaluma, ang mga pader na bato may mga paintings. May fire place, ang mga kurtina na ang tela ay yari sa magandang klase ng silk at makakapal at kulay sky blue, nasaan ako?!

Naramdaman siguro ng mga babae ang pagiging uneasy ko.

"Prinsesa Cyndriah, ayos ka lang ba?" Tanong nang babae kanina.

"Tawagin ang taga-gamot na si Lucian!" Sigaw ng isa pang babae na naka suot din nang maganda, kulay brown ang buhok pero maikli lang ito hanggang balikat.

Ano ba nangyayari? Sino ba tong mga to?!

Hinawakan ko nang mahigpit ang kumot, at hinila ito ng malakas palayo sa akin. Nakasuot ako ng dress na napaka haba, pati ang manggas ay mahaba, kulay puti at matingkad.

Tumayo agad ako, at nakakita ng salamin malapit sa bintana, agad ko iyon tinakbo.

"Cyndria!" tawag ng isa sa mga babae na nakaayos ng maganda.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ako pa din naman. Maliban nga lang sa suot ko na napakagandang tela, at sa lugar nan a to na mukang maka luma.

"Paparating po ang hari at reyna." Sabi ng isang babae na nakasuot ng simpleng damit.

Maya-maya pa ay bumukas na ang napakalaking pintuan na kahoy para sa isang kwarto, iniluwa neto ang isang babae na nakaayos ng maigi ang buhok, may suot na korona, ang gown ay napaka elegante at naka postura ng maigi. Kasama niya ay isang lalaki na may mas malaking korona na suot kesa sa babae, maganda din ang kasuotan at makisig kahit may edad na.

"Cyndria anak! Kamusta ang iyong pakiramdam?" Tanong ng babeng kapapasok lang na tinatawag nila ngayon na reyna, habang hinihimas ang aking braso at inakay ako paupo sa kama ulit."

A-anak? So, ano ito joke?! Tingnan ko muli ang paligid.

Totoo ba ito?

Nandito ako ngayon, sa mundong may nabubuhay na mga hari, reyna, prinsesa at prinsipe. Higit sa lahat, hndi ko inaasahan na isa pala akong prinsesa?!