[Kabanata 7]
"Gusto ko nang lumabas!" Pagrereklamo ko.
Halos tatlong araw na akong nakakulong dito sa kwarto. Ilang araw din kasi akong nilagnat mula nang masaksihan ko ang pagpapahirap sa lalaki, marahil ay nabati sa mala impyernong lugar na iyon. Kung sa English, isang Dungeon ang napuntahan ko. Ang lugar kung saan pinapahirapan at kinukulong hanggang mamatay ang isang kriminal.
"Pero Cyndriah, kagagaling mo pa lamang sa sakit. Makabubuti na ika'y magpahinga muna. Hayaan mo'y bukas na bukas, lalabas tayo." Sambit ni Lolita, na ngayon ay halos mataranta na mapigilan lang ako sa paglabas.
Si Lolita at Irithel ang laging nasa tabi ko sa loob ng dalawang araw. Ang inang reyna ng Karshmarh na si Merida, ay abala masyado sa paghahanda sa nalalapit na pagdating ni haring Favian. Ang nakatakdang ikasal sa akin, at sa koronasyon ko bilang reyna ng Gremoia.
Napasandal na lang ako sa headboard ng kama ko at napasimangot. Gusto ko lang naman lumabas, dahil bagot na bagot na ako dito.
Mabuti sana kung uso na ang internet, gadgets, at hihop songs dito. Edi sana kahit papaano ay nag e-enjoy ako. Nang nag-request ako ng musika, ang ipinadala nila ay mga tumutugtog ng harp, lalo lang tuloy ako nakatulog.
"Lolita, hayaan na lang kaya natin siya? Magaling naman na siguro siya. Isa pa, siya ang reyna natin." Sabi ni Ireliah, kunwari ay wala akong naririnnig at patuloy pa din ako sa pag simangot, pero sa totoo lang, gusto ko na mangiti at yakapin si Irithel. Go Irithel! Ipaglaban mo ako.
Tumingin naman sa akin si Lolita, tinignan ko din siya nang bahagya at agad din nag galit galitan. Nadinig ko na huminga siya ng malalim.
"O sige na nga, pero Cyndriah, sasaglit lang tayo sa labas ha! Babalik din tayo dito para magpahinga ka." Pag papaalala niya na para bang nanay namin siya. Napatingin ako sa kaniya at nakangiti ng todo.
"Yey! Salamat!" Masayang sambit ko at niyakap ko siya. Nagulat siya sa umpisa pero natawa na lang din at niyakap ako.
"Maaari ko ba matiis ang isa sa matalik kong kaibigan? Parang kapatid na ang turingan natin sa bawat isa hindi ba?" Sambit niya. Na-miss ko tuloy bigla si Reggiena, kumusta na kaya siya?
"Nakakainggit naman, maari ba akong sumali sa inyong yakapan?" Tanong ni Irithel, napaka hinhin niya talaga.
"Oo naman, tara na!" Sambit ni Lolita, nagyakapan kaming tatlo. Ang sarap lang din sa feeling na kahit day lang ako dito, mayroon pa din akong mga kaibigan.
"O siya, maligo ka na." Sabi ni Lolita, nagtawanan naman kami ni Ireliah. Dahilan para amagtaka siya at magduda.
"Kanina pa nakaligo si Cyndriah, Lolita. Bago ka pa man dumating ay nauna na ako at nakita ko na nakaligo na siya. Nakabihis na nga din siya eh, hindi mo ba napansin? Napaka ganda ng ating kaibigan." Nakangiti at mahinahon na sambit ni Irithel, natawa na laman kami nang bahagyang namilog ang mga mata ni Lolita dahil sa gulat. Tumingin sa akin si Irithel at sinenyasan ako na tumayo na.
Dahil sa labis na pagka sabik ko, agad akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto. Narinig ko pa na napasigaw si Lolita ng "Cyndriah! Sandali, bumalik ka rito!" Habang si Ireliah naman at ilan sa mga tagapag silbi ay natawa sa ikinilos ko.
Nilingon ko sila sa likod habang patuloy na tumatakbo, hindi din naman pala masama ang mamuhay dito, basta may mga kaibigan ka ay masaya pa din.
"Prinsesa!" Sigaw ni Lolita habang hinahabol ako, nagtaka nga lang ako dahil ang expression ng mukha niya ay para bang gulat na gulat at natatakot. Kaso, bago ko pan makita kung sino ang nasa likuran ko, nabangga na ako sa isang tao.
Agad kong hinarap ang taong iyon at yumuko.
"Sorry- - este... P-Pasensiya na!" Nakayuko kong sambit.
"Pr-prinsesa Cyndriah?" Nagdadalawang isip na sambit ng nabunggo. Ang boses niya, kilala ko iyon. Agad ako napatayo nang maayos, at hindi nga ako nagkakamali.
"Hadrian!" Masayang sambit ko at bigla ko na lamang siyang niyakap. Hindi ko alam kung bakit, pero naramdaman ko nalang bigla na gusto ko siyang yakapin.
"Masaya ako na makita kang maayos, natakot ako na baka may masamang nangyari sa'yo, lalo't hindi kita nakita nang ilang araw." Pabulong kong sambit, sakto lang para madinig niya. Nakayakap pa din ako, pero nagtataka ako kung bakit hindi niya din ako niyayakap. Tinignan ko siya, para bang gulat na gulat siya sa ikinilos ko at at patingin tingin kung saan, akala mo ay nahihiya.
Wala akong nagawa kung hindi mapahiwalay sa pagkakayakap. Sakto naman na biglang dumating sina Lolita at Ireliah, pero diretso pa din ako na nakatingin sa kaniya. Habang siya naman at iba pang mga kawal na kasama niya ay kasalukuyan ng nakayuko sa harap ko.
"Prinsesa ayos ka lang?" Tanong ni Irithel.
"Cyndriah, ano ka ba? Kapag may nakakita sa inyo ni Hadrian, siguradong pareho kayong mapaparusahan sa pamamagitan ng pagpugot sa mga ulo ninyo! Isang kaso ito ng pagtataksil, lalo na't nakatakda kang ikasal sa hari!" Galit na sabi ni Lolita.
Nawala naman ang pagkakatitig ko kay Hadrian at dahan-dahan nalipat kay Lolita.
"Lolita! Tinatakot mo si Cyndriah." Suway ni Irithel sa kaniya.
"P-pu-pugutan nang ulo?" Nanginginig kong sambit. Ano bang klaseng panahon ito? Bigla akong nabalutan nang takot, wala ba talagang mga kaluluwa ang mga tao dito?
"Kayo! Wala kayong nakita, maliwanag ba?!" Pasigaw na tanong ni Lolita sa mga kawal na kasama ni Hadrian, habang ako ay wala sa ulirat na nakatingin sa sahig.
"Mauuna na po kami, pasensiya na po. Prinsesa Cyndriah." Dinig ko na paalam ni Hadrian, ni isa sa kanila ay hindi ko magawang tapunan nang tingin. Nakita ko na lang na nag umipsa na silang lumakad pababa at palabas nang kastilyo.
Hindi pa din ma absorb ng utak ko yung sinabi ni Lolita na parusa. Siguro dapat sa panahon na ito, kailangan ko na talaga mag research. Kung hindi, ikamamatay ko pa nang maaga, nadamay pa ang ibang tao.
"Cyndriah, mag-iingat ka sa susunod. Ayoko naman makita ang isa sa inyo na mamatay dahil sa mga kasulasulasok na parusa." Nag-aalalang sambit ni Lolita, habang hawak niya ang mga braso
"Pero, alam naman ng inang reyna at ni Favian na matalik silang magkaibigan. Marahil ay maiintindihan naman nila. Isa pa, simpleng yakap lang naman iyon. Kaya paano nila masasabi na pagtataksil? Wala silang matibay na ebidensya!" Apila ni Irithel. Tulala lang ako na nakatayo habang nakikinig sa kanila, nandito pa rin kami sa kinatatayuan namin.
"Huwag ka mag alala, wala naman matibay na ebidensiya Cydriah. Isa pa, batid ko na noon pa man ay pinigilan niyo na ang nararamdaman ninyo sa isa't-isa hindi ba?" Sambit muli ni Irithel, napatingin naman ako sa kaniya. Tama ba ang nadinig ko? Noon pa man ay may nararamdaman na sina Cyndriah at Hadrian sa isa't-isa? Kaya ba ganito rin ako ngayon? Ang nararamdaman ba ni Cyndriah ay siya din na nararamdaman ko ngayon?
Ako si Thalia Hermosa, na ngayon ay gumaganap na Cyndriah. Pati ba ang nararamdaman ng puso niya ay siya na ring mararamdaman ko?
Naglakad na ako at agad naman na sumunod sina Lolita at Irithel. Nadaanan namin ang napakalawak na lugar dito sa loob ng palasyo. Napahinto ako para tignan ito, sa pinaka gitna nito ay ang trono para sa reyna at hari, nakatanaw sa napakalawak na kwartong ito.
Sa ngayon, mayroon mga tao na inaayos ito, naglalagay ng mga dekorasyon na magagarbo. Lamesa na mahahaba, at puwesto para mga tagatugtog.
"Grabe, napaka ganda ng mga dekorasyon, at talaga naman napaka engrande ng paghahanda na ito para sa kasal ng nakatatandang babaeng kapatid nila Favian." Sambit ni Lolita na sobrang namamangha sa nakikita niya.
"Kasal?" Takang tanong ko. May babae pa sila na kapatid? Ilang ba ang anak ng yumaong hari?
"Oo, si Prinsesa Sara. Ngayon ang kasal niya hindi ba? At dito sa kaharian ng Karshmarh gaganapin ang pagdidiwang." Sagot ni Lolita. May panganay pa pala sila na kapatid, at dahil babae siya, hindi siya puwede maging taga pag mana ng trono dahil may kapatid siya na lalaki? At dahil wala akong kapatid na lalaki, ako na ang direktang anak nina amang haring Altholous at inang reynang Serafina, ako na din ang taga pag mana ng trono.
Kaya siguro, kahit na bata pa ako ay ipinagkasundo na ako. Para masigurado na nila ang trono ko.
Hindi pa ako handa.
"Tamang tama, halna't bumalik sa iyong silid prinsea. Mag ayos na lanag tayo at ng ika'y malibang din. Siguradong madami muli ang mamamangha sa angkin mong ganda." Nakangiti na sambit ni Irithel, marahil ay tama siya. Ngumiti nalang din ako at sabay sabay na tumakbo pabalik sa aking silid habang kami ay tumatawa.
**
Mag ta-takip silim ng matapos kami mag ayos. Hindi ko lubos akalain na magkakaroon pa pala ako ng mga BFF dito at may girls time pa kami kanina, ang saya saya lang.
"Handa na ba kayo?" Sabik na tanong ni Lolita, sa kaunting panahon na pa lang nakakasama ko sila, alam ko na kaagad ang pagkakaiba nila.
Si Lolita, ay mas magaslaw, mas adventurous, at mas fierce. Habang si Irithel naman, ay mas mahinhin, at medyo mas malambing.
Sabay kaming tumango ni Irithel ng nakangiti bilang pag sagot sa tanong ni Lolita. Napangiti din siya nang abot sa taenga at sinenyasan na kami na sabay sabay kaming lumabas nang pinto.
Sumunod na si Ireliah, at ako, bago makalabas nang pinto ay muling tinignan ang sarili sa salamin.
Wala man bakas ng isang Thalia Hermosa ngayon dito, maraming salamat pa rin Cyndriah at ipinahiram mo sa akin ang iyong katawan at pagkatao. Ano man ang rason, asahan mo na hinding hindi ko pababayaan ang buhay na ipinahiram mo sa akin.
"Prinsesa, ayos ka lang ba?" Naalis ko ang pagkakatingin ko sa salamin nang madinig ko si Irithel na nagsalita. Nginitian ko naman siya at lumabas na din ng pinto, ngumiti din sila at sabay sabay kami nag punta sa hall kanina.
**
Pare-pareho kaming napanganga sa pagkakamangha habang iniikot namin ang mga mata namin. Grabe ang ganda ng lugar na ito, mukha tuloy kaming 3 idiots female version dito, dahil sa nakanganga kami ng literal at pailkot ikot ang mata.
"Nakatutuwa naman kayo pagmasdan." Nagulat kaming tatlo nang may nadinig kamin na nagsalita sa harap namin at ngayon ay pareho silang tumatawa. Agad kaming napayuko nang mapagtanto namin na si reyna Merida ang nasa harapan namin, at ang kasama niya na siyang nakasuot ng pinaka engrandeng kasuotan ngayong gabi at kulay puti ay marahil ang prinsesa Sara.
"Tumayo na kayo, maraming salamat sa pagpunta. Ilang taon na din ang lumipas magmula nang huli tayong nagkita-kita." Tumayo naman na kami ng tuwid, at tumingin sa nagsalita, si Prinsesa Sara. Tinignan niya kami isa-isa hanggang sa mahinto ang tingin niya sa akin.
"Cyndriah, maliliit pa lamang tayo ay alam kong lalaki ka na may kakaibang kariktang taglay. Hindi nga ako nagkamali, masaya ako na makita kang muli." Sambit niya at niyakap niya ako. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat, pero sa huli ay niyakap ko din siya.
Napatingin ako sakanila na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa amin. Mayamaya pa ay humiwalay na si Sara sa pagkakayakap.
"Simula ngayon ay gusto kong ate na ang itawag ninyo sa akin, maliwanag ba? Lalo't hindi naman kayo naiiba sa akin." Malumanay niyang sambit, kaya naman pumayag na din kami.
"O siya, kailangan pa maghanda ni Sara para sa katuparan ng kanilang pagiging ganap na mag-asawa mamaya ng Duke." Nagtinginan naman silang dalawang mag-ina, halata din na namula si Sara. Habang ang dalawa ko naman na kaibigan dito ay humahagikgik din na akala mo'y kinikilig. Habang ako naman ay nakangiti, kahit na sa totoo ay wala akong naintindhan sa katuparan ek ek na sinabi nila.
"Mauuna na kami, Cyndriah, ipagpaumanhin mo na din kung wala dito si Favian. Bilang hari, ay napaka dami niyang inaasikaso. Hayaan mo at nalalapit na ang inyong muling pagkikita." Huling sambit ni Reyna Merida bago sila maglakad papalayo ni Sara. Na-curious tuloy ako ano ang itsura ni Favian. Pero, bakit parang hindi ako nasasabik? Sa halip ay nalungkot ako. Bakit ka nalulungkot Cyndriah?
Nag umpisa na din kami maglakad, nang biglang tumugtog ang mga musikero. Nag umpisa nang magpuntahan ang mga tao sa gitna at sumayaw, bawat isa ay may kapareha. Minsan-minsan ay pumapalakpak sila bilang parte ng sayaw. Maski sina Irithel at Lolita ay nakisayaw na sa gitna, nakamamanghang lubos dahil sabay sabay sila ng bawat galaw, animo'y pinagsanayan nang maigi.
Masaya akong nanonood sa kanila nang bigla na lang may kamay na biglang lumahad sa harapan ko.
"Maaari ba kitang maisayaw?" Napatingin naman ako sa kaniya.
"Isang binibini na may kakaibang kariktang taglay ang nag-iisa lamang sa ganitong kasiyahan?" Pahabol pa niya na sambit, habang ang kamay ay nakalahad pa rin sa akin.
Bigla naman nag iba ang istilo ng tugtog, mula sa masaya ngayon ay may pagka romantiko na. Dahilan para lalo siyang ngumiti at mag-abang sa kamay ko.
Wala naman akong nagawa kung hindi ay kunin ito. Lalo siyang nangiti at yumuko muna bago kami tuluyan na lumakad sa gitna upang sumayaw.
Inalalayan niya akong humarap sa kaniya, binitiwan niya saglit ang kamay ko upang yumuko at magbigay galang. Hindi ko naman alam ang gagawin ko, lalo nakita ko na may mangilangilan na nakatingin sa amin, sa huli ay yumuko na lang din ako.
"Hindi ako marunong sumayaw." Bulong ko habang nakayuko kami sa isa't-isa, sapat lamang para marinig niya. Tumingin ako sakaniya at nakita ko na bahagya siyang natawa. Nang tumayo na siya ng tuwid ay agad din akong tumayo ng tuwid, muli ay inilahad niya ang palad niya at kinuha ko naman iyon.
Iniikot niya ako ng dalawang beses, at dahan-dahan binibitiwan ang kamay ko.
"Ituloy mo lang ang pag-ikot ng dahandahan hanggang makuha ko ulit ang kamay mo." Nakangiting sambit niya, mahina lang ito, sapat upang marinig ko.
Pinagpatuloy ko naman ang pag-ikot gaya ng sabi niya, nakita ko na tumayo siya ng tuwid, inilagay niya ang kanang kamay niya sa harapan at ang kaliwang naman ay sa likuran. Naglakad siya paikot sa akin habang nakatingin ng diretso sa akin at seryoso. Mayamaya pa'y naramdamandaman ko na hinawakan niya ang kamay ko, kaya napahinto ako at napatingin sa kanya. Ngumiti naman siya.
Itinanaas niya ang magkahawak naming mga palad, kapantay ng aming balikat.
"Sundan mo lang ako, at huwag mong alisin ang magaganda mong mga mata sa akin." Sambit niya, at nag payuloy kami sa step namin, papalit palit lang ng kamay pero magkahawak pa din.
May mangilan ngilan na kailangan niya akong buhatin, pero ipinagkatiwala ko sa kaniya ang sarili ko.
Hindi makakailang tunay nga na kaibig-ibig siya, ang tanging nararamdaman ko lang ay ayaw ko nang mahinto ito. Kung isa man itong kwentong fairy tale, napakasaya ko na naging parte ako nito.
Binuhat niya muli ako sa huling pagkakataon at umikot ng bahagya, pagka baba niya sa akin ay inalalayan niya akong lumiyad ng bahagya habang siya ang nasa ibabaw ko. Masyadong malapit ang mga mukha namin, ramdam ko ang miinit niyang hinga. Nagkatinginan kami sa mata, nalulunod ako, sa mga titig niya pakiramdam ko'y hindi na ako makakatakas pa.
Hindi ko alam kung si Cyndriah pa rin ba ang nararamdaman ko, o puso ko na mismo ito na may namumuo nang pagtingin para kay Hadrian.
Mayamaya pa ay nagulat nalang ako nang biglang may nagbagsakan na puting feather mula sa itaas, agad nitong naagaw ang atensyon ko. Inalalayan na ako ni Hadrian para makatayo nang maayos at pareho namin pinanuod ang pagbagsak ng mga puting feather. Nagpalakpakan din ang mga tao. Muli ay nagkatinginan kami, diretso sa mata ng isa't-isa.
Napaka magical lang ng pangyayaring ito, kasama si Hadrian.
Naagaw ang atensyon namin dalawa nang biglang dumating sina Lolita at Ireliah.
"Ang galing niyong sumayaw, lahat ng tao ay napatabi at namangha habang pinapanood kayong dalawa." Sambit ni Irithel, napayuko ako dahil sa nahihiya ako. Si Hadriaan naman ay napangiti din pagkaapos ay napayuko.
"Sayang nga lang, dahil hindi kayo ang nakatakda sa isa't-isa." Walang prenong sambit ni Lolita.
"Lolita!" Suway ni Irithel, pinanlakihan ko din naman siya nang mata.
Napatingin ako kay Hadrian, na nakangiting pinagmamasdan kami.
"Hay nako! O siya, halina't sumunod kayo sa akin. Mayroon tayong pupuntahan, mauna na kami Hadriah ha!" Paalam niya kay Hadrian, hindi na din niya kami binigyan ni Irithel ng tiyansa na magsalita dahil hinila niya na kami pareho.
Halata naman na sabik na sabik siya habang hila-hila kami, kaya naman nagtawanan na lang kami habang tumatakbo.
Nagulat ako nang lumabas kami ng Palasyo at may pinuntahan na parang inn, pero bakante lang ito. Nasa loob pa din naman ito Kastilyo dahil wala naman kami nilabasan na gate eh.
"Saan ba tayo pupunta ano ba ito?" Tanong ni Irithel, ako man ay nagtataka kung nasaan kami.
Huminto naman siya at sumenyas na huwag kaming maingay, nagtataka man ay sumunod na lang kami.
"Para kay Cyndriah ito, pagdating nang kasal ninyo ni Favian." Sambit ni Lolita na para bang kinikilig.
Hindi kaya?
Pinasunod niya ulit kami at pumasok pa lalo sa loob ng bahay, may hagdan na pababa kaming napuntahan, bumaba naman kami.
Pagdating namin sa baba ay parang hall ulit ito na may mga daanan, pumunta kami sa pinakasulok at may nakita kaming bintana ng isang kwarto.
Sumenyas si Lolita na sumilip kami sa bintanang iyon. Wala naman makakakita sa amin dahil makapal kapal ang tela na nakatakip sa bintanang iyon. Pero kahit gaano man kakapal ito sapat pa din na makita namin ang loob, nagulat ako nang nakita ko si Prinsesa Sara sa loob. May ibang taga pagsilbi, mayroon din mga pari na nagsasambit nang isang dasal. Napatingin ako kay Lolita sa sobrang pagtataka ko kung bakit kami nandito.
Nag make face naman si Lolita at sinabing, "Bakit? Ayaw mo bang makita kung ano ang haharapin mo kapag naikasal na kayo ni Favian? Hindi ka ba nasasabik?"
Napakunot nalang ang noo ko dahil tinawanan nila akong dalawa, so pati ang mahinhin na si Irithel ay makiki joyride dito? Wala na akong nagawa kung hindi tumingin nalang din.
Mayamaya pa ay may pumasok na na mga lalaki at lumapit na kay Prinsesa Sara ang nasa pinaka gitna. Tinanggal na din nang mga tagapagsilbi ang damit ni Prinsesa Sara, tanging palda at corset na lamang ang mayroon siya.
Halata sa mukha ni Prinsesa Sara ang kaba pero hinalikan na siya ng lalaki, malamang ay iyon ang kaniyang asawa. Konti-konti ay nahihiga sila sa kama habang magkadikit pa din ang kanilang mga labi.
Naramdaman ko naman ang pisngi ko na konti-konti din ay umiinit. Hindi man namin nakikita nang malinaw kung ano ang nangyayari dahil maski sa kama ay may tela kaya anino lang ang nakikita namin., alam ko naman na sila ay nagtatalik na.
Ang nakakapagtaka lang bakit ang daming tao sa loob?
Ang mga mahihinang ungol ay konti-konting lumalakas, nakakaramdam na din ako ng init sa katawan ko. Grabe ang porn sa panahon na ito, hindi video, live na nangyayari.
"Tara na, baka may makakita pa sa atin." Sambit ko, hindi ko na sila hinayaan pa na makapag salita, hinila ko nalang sila palabas.
"Mabuti pa ay mag hiwa-hiwalay na tayo paglabas natin dito?" Mungkahi ni Irithel, na agad din sinang ayunan ni Lolita. Tumakbo na kami paakyat nang hagdan.
Nang makalabas na kami ng main door ay humiwalay na sila, hindi ko alam kung saan sila pupunta, bahala na.
Tumakbo na din ako, madilim dilim na din. Ang gusto ko lang ay makarating na ng palasyo.
Habang tumatakbo ako ay naramdaman ko na may humawak sa braso ko na nag pahinto sa akin. Hinihingalo man at nag iinit nang kaunti ay hinarap ko kung sino ang humawak sa braso ko.
Jusko Lord, parang lalo akong pinag pawisan at nag init nang makita kung sino iyon.
Si Hadrian.
Credits:
Music: Music of Love
Artist: BrunuhVille