[Kabanata 5]
Kinaumagahan, nang may maramdaman ako na kamay na humihimas sa ulo ko. Napadilat ako para tignan kung sino iyon. Isang babae na may edad na, naka pustura at naka ayos ng maayos.
"Anak, gising na. Marahil ay hindi mo na ako naaalala." Banggit niya habang nakangiti sa akin, ngiti na may lungkot.
"Ako ito si reyna Merida, natutuwa ako na makita ka muli at makita kang lumaking maganda at maayos." Nakangiti pa din niya na sabi.
Reyna Merida, hindi kaya' siya ang asawa ng namatay na hari? Ang sabi ni Hadrian kagabi, bata palang daw ako ay tumuloy na ako dito. So by all means, malamang ay itinuring niya na din na anak ang totoong Cyndriah lalo na at bata palang ito at ang kaniyang anak ay nakatakda na silang ikasal.
Napatingin ako sakaniya, pero nanatili siyang nakangiti.
"Bumangon ka na, nandito na din ang mga taga pagsilbi na tutulong saiyo para mag ayos. Bibigyan na natin ng karangalan ang iyong mga magulang, nakahanda na ang lahat sa baba.Maging metatag ka anak, dahil ikaw ang dapat na manguna sa ritwal."
Matapos niya iyon sambitin ay hinalikan niya na ako sa noo at niyakap. Grabe ang mga nanay dito sa panahon na ito, sobrang affectionate.
Tumayo na si reyna Merida para lumabas, siya naman automatic naglapitan ang mga babaeng kanina pa nag aabang sa gilid.
"Mahal na prinsesa, oras na po para maligo." Sabi ng isang tagapagsilbi. Tumayo na ako at naglakad, dali-dali naman nagsunuran silang lahat at nag asikaso sa banyo. Sumampa na ako sa parang tub nila na yari sa kahoy, at pumikit sandali, ang hirap lang dito walang sabon.
Maya-maya pa ay umahon na ako sa pagkakababad, hindi na ako nagtagal dahil sinabi din ni reyna Merida na magmadali na.
Tinulungan na din ako ng mga tagapag silbi na magbihis, sa totoo lang, wala akong ginagawa dito. NAkatayo lang ako at sila na ang nagbibihis sa akin, gusto kong tumanggi sana, parang wala din ako sa mood kumilos ngayon.
Hindi ko alam kung bakit, hindi ko naman lubusan na kilala sina haring Altholous at reyna Serafina, pero ang sakit sakit ng nararamdaman ko.
Nang matapos akong mabihisan ng kulay itim na gown at belo sabay sabay na kaming bumaba at lumabas ng kastilyo.
Paglabas na paglabas pa lang, nasilayan ko na agad ang mga tao na naghahantay, si reyna Merida na nasa bandang harapan katabi sina Era at Eros. Tinignan ko ang harapan, doon ay nakita ko ang kumpol ng mga kahoy , sa tuktok neto ay dalawang putting tela.
Iniikot ko pa ang paningin ko, pero hindi ko makita ang taong hinahanap ko.
Wala si Hadrian.
Naglakad na ako papunta sa kanila, lahat ng mga mata nila ay nakatuon lang sa akin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko, yumuko nalang ako at dumiretso sakanila reyna Merida. Hinawakan naman niya ako agad at inalalayan.
Nagsimula na magsalita ang isang matandang lalaki na siguro ay pari sa panahon na ito.
"Nos hemos reunido aquí para presenciar el santo despertar del rey Althoulous y la reina Serafina de Gremoia. Han sido un gran gobernante de su nación y un padre y madre amorosos para su única hija. Aquí con nosotros está su heredera, la princesa Cyndriah, para dirigir la última ceremonia. Deja que tus cenizas alcancen los cielos y guían a cada uno de nosotros aquí.
Que Dios bendiga sus almas.
(We have gathered here to witness the holy awakening of King Althoulous and Queen Serafina of Gremoia. They have been a great ruler of their nation and a loving father and mother for their only daughter. Here with us is his heiress, Princess Cyndriah, to lead the last ceremony. Let your ashes reach the heavens and guide each one of us here
May God bless your souls.) "
Matapos magsalita ng pari ay inanyayahan niya na ako sa harapan, sinamahan naman ako ni reyna Merida dahil ako man ay nanghihina. Hindi ko man naiintindihan ang sinabi niya, alam ko na kailangan ko na talaga magpaalam sa kanila.
Pagdating ko sa harapan ay may binigay sila na sulo sa akin, teka- - kailangan ko silang sunugin?
"Sige na hija, babantayan ka nila palagi." Sambi ni reyna Merida. Inalalayan niya ang nanginginig kong mga kamay para itutok na sa mga dayami ang apoy.
Kont-konti ay may tumulong mga luha sa aking mata nang nagumpisa ng lumiyab ang apoy.
Pasensiya ka na Cyndriah, namatay ang mga magulang mo na hindi ikaw ang kasama nila, ninakaw ko ang mga oras na dapat ikaw ang nasa tabi nila dahil lang sa gusto kong mabuhay.
Mahal na haring Altholous at reyna Serafina, ama at ina. Hindi man po napaka habang panahon ang napagsamahan natin, sapat nap o saakin na maramdaman muli ang pagmamahal ng isang magulang. Sa isang araw na kasama ko kayo, noong gabi na nagising ako na nadito na ako sa inyong mundo, hinding hindi ko po malilimutan ang mga yakap niyo sa akin, ang mga ngiti sa inyong mga labi at mata.
Hinding hindi ko po malilimutan na minsan ay nagkaroon po ako ng magulang na katulad ninyo, haring Altholous at reyna Serafina, aking ama at ina sa panahon na ito.
Cyndriah, pasensiya na pero kung ano man ang purpose ko dito, gagawin ko ng maayos ito. Alang-alang sa sting ama at ina, lalo na saiyo. Mabubuhay ako para saiyo, at para na din sa akin.
Sabi ko sa isip ko, na para bang kinakausap ko talaga sila.
"Larga vida a la reina Cyndriah. ¡Larga vida!( Long live Queen Cyndriah. Long life!
)"
Sigaw ng mga tao sa panimula ng pari kanina, nakita ko din na nag yukuan sila bilang pag galang.
Hindi ko namalayan na sobrang humahagulgol na pala ako, hindi man ako ang totoong Cyndriah, ramdam ko ang sakit. Kont-koti ay nanghina na din ako. Dahilan upang matumba ako sa sahig mula sa pagkakatayo ko, nataranta si reyna Merida at biglang may lumapit din sa amin na nakadamit ng knight. Tumulong siya sa pag alalay sa akin hanggang makapasok kami sa kastilyo.
Nang makarating kami sa kwarto ay agad akong inalalayan ni reyna Merida na makaupo sa kama, nanatili naman na nakatayo at nakatindig ang knight sa harapan namin. Inabutan din ako ng tubig ng isa sa mga tagapag silbi.
"Ayos ka lang ba hija? Sobra akong natakot noong bumagsak ka sa baba kanina." Nag aalalang tanong ni reyna Merida saakin.
Sinenyasan naman niya ang knight na nakatayo sa harap naming na lumabas. Tumalikod naman ito at naglakad papuntang pinto nang biglang may dalawang dalaga na pumasok, napahinto naman siya sa paglalakad nang marating niya ang pinto.
"Ayo slang po ako, mejo nanikip lang ang dibdib ko at nahirapan akong huminga kanina." Sambit ko, kitang-kita naman ang pag aalala nila sa mga mukha nila.
Napatingin ako sa knight na nasa pintuan at ngayon ay nakatingin din sa akin, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng helmet na natatakpan ang ulo at mukha niya. Maya-maya ay lumabas na din siya ng pinto nang napatingin din sa kaniya si reyna Merida.
Hindi ko man nakikita ang mukha niya, kung sino man ang knight na iyon, ramdam ko na nag aalala din siya.
"Matutulog po muna ako, kung maari po sana." Pakiusap ko sa kanila, pumayag naman sila dahil sa kailangan ko din daw ng maiging pahinga.
Nahiga na ako at pinilit ipikit ang aking mga mata.
Lord, Allah, Bathala, kung ano man ang tawag nila saiyo sa panahon na ito. Pakiusap, bigyan mo naman po ako ng clue kung ano man ang purpose ko dito. Pakibantayan din po ang mama, papa, at mga kapatid ko. Miss na miss ko na po sila.
Amen.
Pagkatapos ko mag dasal, napag desisyunan ko na matulog nalang talaga muna.
~
Napaka liwanag naman dito, naglakad ako konti-koni kahit na hindi ko alam kung saan ako papunta.
"TULONG!" Sigaw ko, pero parang walang nakakarinig sa akin.
Nasaan ba kasi ako?
"Prinsesa" nakarinig ako ng boses ng isang babae, pero hindi ko siya makita.
"S-sino yan?" Natatakot na ako.
Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang marating ko ang isang puno na may naglalaglagan na mga dahoon. Sa baba ng puno ay may nakita akong libro na itim.
Kinuha ko ang libro para basahin.
"Es esmu ievainots, oh, lūdzu, dzirdi mani
Es esmu ievainots, oh, lūdzu, dzirdi mani
Es esmu ievainots, oh, lūdzu, dzirdi mani
Es gribu atriebties,
neļaujiet viņiem būt laimīgiem
līdz jūsu dzīves beigām
tu nebūs laimīgs.
Jūs sajutīsiet sāpes atkārtoti
katra no jums būs sāpes
tā ir mana vēlme."
(I'm hurt, oh, please hear me
I'm hurt, oh, please hear me
I'm hurt, oh, please hear me
I want revenge,
don't let them be happy
until the end of your life
you will not be happy.
You will feel the pain again
each of you will be in pain
it is my wish.)"
Ano daw? Wala naman ako maintindihan.
"Isinumpa kayong dalawa, prinsesa, pigilan mo ito at baguhin moa ng sumpa." Napalingon ako sa likod
"E-Elseth?" Hindi ako pwedeng magkamali, si Elseth ang kaharap ko ngayon.
"A—ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko pa ulit sa kaniya. Hindi ko maintindihan.
Pero sa halip na sagutin lang niya ako ay tumalikod lang siya at naglakad palayo.
"Elseth! Sandali!" Bakit ganon? Parang hindi naman niya ako naririnig.
~
**
"SANDALI!" Napabalikwas ako ng upo at hingal na hingal.
"Cyndriah, ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa nagsalita, t-teka, isa siya sa mga dalagang pumasok kagabi sa kwarto bago ako matulog.
Nasa kwarto ako ulit, so ang ibig sabihin, p—panaginip lang iyon? Pero bakit parang babala? Parang tangka sa buhay ko?
Napatingin ako ulit sa babae na nagsalita kanina.
"S-sino ka? S-sino kayo?" Tanong ko sakanilang dalawa. Nakita ko naman sa reaksyon nila ang pagtataka.
"H-hindi mo ba kami natatandaan?" Tanong ng isa pang dalaga.
Napailing nalang ng bahagya ako bilang sagot sa tanong nila. Nakita ko naman na nagtinginan sila sa isa't-isa at napa buntong hininga.
"Prinsesa, ako po si Irithel. Isa sa iyong mga kaibigan, anak ng isa sa mga miyembro ng konseho nila haring ALtholous at reyna Serafina." Pagpapakilala ng unang babae na sumalubong sa pagkakagising ko. Kulay itim ang kaniyan buhok na nakapusod ng maayos, kayumanggi, at bilugan ang kaniyang mga mata, parang pang Korean.
"Ako naman po si Lolita, anak ng isa sa mga tapat na taga suporta ng inyong pamilya. Isa po ang pamilya naming sa mga marangal na negosyanteng pinagkukuhanan po ng mga kagamitang pang armas ng kaharian ng Gremoia." Sambit naman ng isa pang babae, itim at unat ang buhok niya na hanggang baywang niya, kayumanggi ang kulay niya, may pagka matapang ang kaniyang itsura pero napakahinhin.
Nakatingin lang ako sakanila, ang gaganda nila.
"Mga k-kaibigan ko kayo? Ang ga-ganda ninyo." Ngumiti naman ako pagkatapos ko sambitin ang mga katagang iyon, na siya din naman nagpangiti sakanila.
"Nako Cyndriah, huwag mon a kaming linlangin. Alam naman ng lahat na ikaw ang pinaka magandang dilag sa buong Gremoia, pati na din siguro ditto sa Karshmarh." Sambit ni Lolita, hindi ko tuloy alam kung anong reaksyon at paanong hinhin ang ipapakita ko sa pagkakakilig ng sabihin niya iyon.
"Oo nga Cyndriah, noon pa man na mga bata tayo madami na ang nahuhumaling sa kakaibang kariktan mong taglay. Kaya nga bata palang ay nakipagkasundo na ang Karshmarh sa hari at reyna." Sabi pa ni Irithel.
Grabe naman pala ang ganda ng totoong Cyndriah, nakakainggit naman tuloy. Pero sa totoo lang hindi ko talaga maintindihan kung bakit magkahawig kami, mas bata at mas alagang alaga sa ganda nga lang siya kesa saakin.
OMG! Baka long long long long lost ninuno ko siya? Pero no! Wala naman Gremoia at Karshmarh sa world map eh, tss.
"Hayaan, mas maganda kung palagi kang nakangiti." Natauhan nalang ako ng marinig ko si Lolita.
Tinignan ko muli sila na kapwang nakangiti din sa akin.
"Halika at tutulungan ka nanamin mag ayos, magandang prinsesa." Sambit ni Irithel at nagtawanan silang dalawa, natawa nalang din ako. Mabuti na din siguro na magkaroon ng kaibigan sa panahon an hindi ko kinabibilangan, mas madali ang buhay.
**
"Nasaan nga pala ang mapapangasawa mo? Bakit parang hindi naman naming nakita ang anak ni reyna Merida kahapon?" Tanong ni Irithel, nandito kami ngayon sa garden ng kastilyo, napakalaki, napaka ganda at napaka bango ditto. Dahil napapaligiran ito ng nag gagandahang mga bulaklak. Tanaw din mula sa hardin ang lawa na nakakonekta sa dagat, kung saan kami unang nagkausap ni Hadrian.
Tumingin naman ako sakanila, na ngayon ay umiinom ng tsaa. Infairness ang sarap at fresh ng tea sa panahon na ito.
"Sabi ni Hadrian, na sa La Isla Filipinas daw si Favian. May inaasikasong transaksyon." Sabi ko bago uminom ng tsaa. Na excite naman ako ulit nang mabanggit ko ang La Isla Filipina, sana talaga tupadin ni Hadrian ang pangako niya. Iyon na siguro ang pinaka magpapasaya sa akin sa panahon na ito.
Nakita ko naman sila na nagtitinginan at nagpipigil ng mga tawa.
"Anong meron?" Hindi na ako nakapagpigil pa kaya nagtanong na ako.
"Nakausap mo na pala si Hadrian?" Tanong ni Lolita.
Bakit pakiramdam ko may nalalaman sila na hindi ko nalalaman? Sa tinginan nila at hagikgikan nila, parang kinikilig pa sila.
"Oo, nung gabing dumating ako ditto. Sa lawa, habang nakatingin kami sa mga bituin." Pagpapaliwanag ko, bakit ba kailangan ko magpaliwanag sa kanila?
Lalo naman silang naghagikgikan pagkatapos ko magsalita.
"Eh, bakit hindi pala naming nakita si Hadrian kahapon?" Tanong ulit ni Lolita, habang umaasta sila na para bang mga chismosa. Ano ba kasi history netong si Cyndriah at Hadrian?
At oo, bakit ng aba wala siya kahapon?
"Si Hadrian yun hindi ba? Mukhang kausap nanaman ang mga kawal." Turo naman ni Irithel sa may lawa.
Speaking of the devil, nandoon nga siya.
"Baka para sa seremonyas ng konasyon mo bilang reyna ng Gremoia sa makalawa." Sabi pa ni Lolita, hindi ko alam kung kaibigan ba talaga sila ni Cyndriah o mga chismosa e.
Tinignan ko naman ang direksyon kung saan sila nakatingin, nakita ko si Hadrian na sakto naman ay tumingin din sa direksyon naming at kumaway.
Habang si Irithel at Lolita ay kinikilig, meron naman part sa akin na naiinis.
"ARAY!" bigla nalang may tumama saakin na bolang gawa sa kumpol ng tela.
"Reyna Cyndriah, pasensiya na po naglalaro lang po kami ni Era." Si Eros.
"Ok lang Eros, at wagmo ako tawaging reyna naiilang ako. Ate lang ok na." Nginitian ko naman siya.
Napatingin ulit ako sa gawi ni Hadrian at nakita siyang patawa tawa, nag iba siya ng direksyon ng tingin.
Pinagtatawanan ba iya ako?! Bwisit!
"Eros, ano nilalari niyo? Sali ako!" Boring ang buhay ko eh.
"Pero ate Cyndriah..." hindi pa sana siya papayang pero kinuha ko na ang bola niya at tumakbo.
"CYNDRIAH!" Sigaw ni Irithel at Lolita.
"Ano? Sasali ba kayo o hindi? Tanong ko sakanilang dalawa. Basta ako maglalaro ako.
Nakita ko naman si Era at pinisil ang pisngi niya. Ang cute talaga ng bata na ito.
Napatingin din ako sa lawa, nandun padin si Hadrian at nakatingin sakin habang pailing iling ang ulo niya at nakangiti. Para bang sinasabi na *kahit kalian talaga ikaw.* Bago maglakad papalayo.
Nag umpisa na kami maglaro.
Ang saya talaga maging bata, wala ka dapat isipin, laro laro lang.
Masaya din nanunuod ang mga tagapagsilbi sa amin at minsa ay sinasali din naming sila.
"Ate Cyndriah saluhin mo!" Tinuruan ko kasi sila ng touch ball, masaya kaya!
Binato na ni Lolita ang bola at tinatarget niya talaga kami ni Eros.
**
"Paano na? " Alalang tanong ni Era.
Grabe naman kase to si Lolita, hindi naman naming alam na maskulada pala. Sa lakas bumato napunta sa puno yung bola.
Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ng dalawang bata, at ayoko nakakakita ng lungkot sa mga bata. Para silang si Leo at Lea yung bunso naming na kapatid nung ako pa si Thalia.
Tinignan ko muna kung gaano katas ang puno, kaya ko naman siguro ito.
Tinanggal ko na ang sapatos ko at tinalon ang isang branch ng puno para maabot. Nang maabot na ito ng kamay ko, inumpisahan ko na ang pag akya ng parang unggoy.
Hinakbangan ko pa ang isang branch na pataas para maabot ko na ang bola. Nang makatungtong ako, ini-unat ko na ang kamay ko at tumingkayad ng kaunti para abutin ang bola.
"KUYA!" Dinig ko na sabi nina Eros at Era. Napatingin naman ako sa baba, at nanlaki ang mga mata ng makita ko si Hadrian.
Sinalubong niya ang mga kapatid niya at napatanong kung anong ginagawa nila ditto sa puno. At ang mdadaldal, isama na sila Irithel at Lolita ay isiumbong na nandito ako sa puno.
Bigla naman siyang napatingala.
Kitang kita sa mukha niya ang pagkakagulat, pagkaka ilang at pag aalala.
Bakit kaya siya naiilang?
"Cyndriah! Ano ginagawa mo diyan?" Pasigaw niyang tanong.
"You don't care! Este—Kinukuha ang bola nila Eros at Era ano pa bas a tingin mo?!" Sagot ko naman sakaniya. Pakealam ba niya?
"Bumaba ka na diya, ako na ang kukuha. Na-n-naka palda ka! N-nasisilipan ka na, kaya bumaba ka na diyan ako na ang kukuha." Tuloy tuloy na sabi niya.
Doon ko lang na realize na tama siya. Kaya pala medyo naiilang siya, nakita ko din na palinga linga sa ibang direksyon si Hadrian. OMG! Thalia, kahit kalian talaga wala kang delikadesa!
"P-pero hindi ako m-marunong. T-ta-takot ako sa heighst este- - matataas. Pinilit ko lang umakyat para sa mga kapatid mo." Sagot ko sa kaniya
Nakita ko naman na napasinghap sina Irithel at Lolita. Nakita ko din sina Eros at era na kiukulit si Hadrian na ibaba ako, habang si Hadrian naman napapikit bago ako tignan ng diretso sa mata.
Napabalikwas naman ako dahilan para madulas ang isang paa ko sa branch na inaapakan ko.
"Cyndriah!/Ate!" Sigaw nilang lahat, pero huli na ang lahat. Dahil naramdaman ko nalang na tumama na ako sa isang maigas na katawan, naramdaman ko din na may mga brasong naka ikot sa katawan ko, para bang akma na sasaluhin ako. Konti-konti ay dumilat ako, at parang gusto ko ulit pumikit at maglaho nalang.
Sa lahat naman kasi ng babagsakan ko bakit kay Hadian pa? Pinaka mas Malala ay tumama ang mga labi namin sa isa't-isa.
Walang ano-ano ay tumayo ako, dahilan para sumakit ang ulo ko, ang paa ko gawa ng pagkakatapilok, at makaramdam ng konting pagkahilo.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya habang nakaalalay sa kamay ko, at konti-konting tumatayo.
"Ok lang." Nahihiyang sagot ko.
"O-o-okey?" Tanong niya,urgh. Hindi ko na kinakaya ang hiya ko.
Sa halip na sumagot ay tmalikod na ako at ika-ikang naglakad.
"Cyndriah saglit!" Habol niya pero hindi ko na siya pinansin.
Bakit naman Bathala? Grabe naman, ang awkward naman ng timing mo! Paano ko naman haharapin sila ngayon, lalo na si Hadrian?
Pero infairness, malambot ang labi ni Hadrian ah. Pero kahit na! Kakadating ko palang dito eh.