Shanaia Aira Gallardo Point of View
Naging ganun na ang routine ko sa araw~araw, bahay~school lang at naging masaya ako sa dalawang kaibigan ko.Sila na nga ang maituturing kong bestfriends.Kapag pinili mo pala na maging masaya na lang at huwag ng intindihin yung mga bagay na nakapagpapalungkot sayo, 1magkakaroon din naman pala yun ng pagbabago kalaunan.Dumarating na lang yun dun sa panahong hindi mo inaasahan.
Nangyari ito nung matapos yung unang semestre namin sa school.
Laking gulat ko ng magising ako kinabukasan, first day ng sem break namin.
" Good morning baby! " bungad na bati ni daddy ng pumasok ako ng dining room para mag breakfast.
Para akong maiiyak sa tagpong naratnan ko.Kumpleto ang pamilya ko na magkakasalo sa almusal.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako sa ginawa ko, hindi ito panaginip.
" Hindi ka nananaginip bunso,this is reality." singit ni ate Shane.
Patakbo akong lumapit kay daddy at yumakap.Umiiyak na ako sa balikat nya.
" Hush baby,we're here and we are very sorry for our shortcomings." turan ni dad habang pinupunasan ang luha ko.
Lumapit na rin si mommy at yumakap na rin sa amin.
" Oo bunso,kung hindi pa sinabi ni yaya na naging malulungkutin ka at kailan lang naging masaya dahil sa mga friends mo sa school, hindi namin mare~realized na ang dami na pala naming pagkukulang sayo dahil masyado kaming naging busy sa mga career namin.Hindi na rin namin namamalayan na nagdadalaga kana at kailangan mo ng paggabay.Sorry anak,from now on magkakaroon na tayo ng family time kahit once a week lang.Napag~usapan na namin yan at ayaw naman namin na lumayo na ng tuluyan ang loob mo sa amin baby." saad ni mommy habang umiiyak na rin.
Tumayo na rin si kuya Andrew at ate Shane,nakiyakap at nakiiyak na rin sa amin.
" Baby promise,from now on magiging visible na uli si kuya at ako na uli ang maghahatid sayo sa school mo." pangako ni kuya Andrew.
" Really kuya? Thank you and I'm so excited na magpasukan na uli."
masayang saad ko.
" Ako rin bunso, kahit hindi mo type ang showbiz,isasama kita sa mga shootings at tapings ko para lagi na tayong magkasama.Ok ba yon sayo? " sabi naman ni ate Shane.
" Oo naman ate kahit saan basta kasama kita." nakangiti ko ng sagot.
" Ok ngayong maayos na tayo,bilang padre de familia sisiguruhin kong mayroon tayong isang araw kada linggo na family bonding,cancel lahat ng trabaho para sa araw na yon." si dad.
Masaya kaming sumang~ayon at magana ng tinapos ang aming breakfast.
Hindi ako makapaniwala.Pero dahil mahal na mahal ko ang pamilya ko nanangan ako sa mga pangako nila.
So far natupad naman yung family bonding na pinangako nila.Every Sunday yon.Magkakasama kaming uma~attend ng mass sa umaga then nagluluto si mommy ng pagkain na pagsasaluhan namin sa buong araw na yon.Tinutulungan namin sya ni ate Shane sa pagluluto.Kung mayroon man kaming isa pang maipagmamalaki ni ate,yun ay yung galing namin sa pagluluto.Bata pa lang ay tinuruan na kami ni mommy na sobrang galing at sarap magluto.Actually gusto na nga daw nyang tumigil sa showbiz at magtatayo na lang ng restaurant na ikinatuwa naman naming lahat.
KINABUKASAN,ginising ako ni ate Shane ng napaka~aga.One week na lang tapos na ang semestral break at balik na naman sa school.
" Bunso,sige na bangon na dyan.I want you to come with me para hindi ka mainip dito sa bahay."
Napilitan akong bumangon at tumingin sa kanya na isang mata lang ang nakadilat.
" Ate it's so early, saan ba kasi tayo pupunta? " nag~iinat pa na tanong ko.
" May shooting ako at sa Baguio ang location namin ngayon,di ba favorite place mo yun kaya isasama kita."
" Really? Baguio? Sabi ko nga halika na ate, bakit nakaupo ka pa dyan?" mabilis akong bumangon at hinila ko pa sya palabas ng room ko.
Natatawang naiiling na lang si ate sa ginawi ko.Baguio daw eh, so go lang ng go parang Globe.hehe... ang saya lang.
" Baby we're here." narinig ko si ate na bahagya pa akong tinapik sa braso.
Hala! nakatulog pala ako,hindi ko tuloy nakita yung magandang view sa daan.Napakamot na lang ako,dala ko pa naman yung camera ko.Sayang.
Tamad kong kinuha ang medium size kong bag sa likod ng sasakyan na naglalaman ng damit ko at toiletries na pang hanggang two days dahil the next day pa raw kami uuwi.
Nang masiguro ko na ayos na ako ay lumabas na ako ng van namin at sumunod na kay ate na naghihintay na sa akin sa labas.
Namangha ako ng tignan ko ang tinitignan ni ate.
Wow! as in wow talaga dahil ang ganda ng bahay na tutuluyan namin at pag~shoshotingan nila,dalawa kasi yon na magkapareho ang laki at style,magkaiba nga lang ng kulay.Ang lawak ng bakuran at puno ng ibat~ibang uri ng bulaklak ang garden na may grotto sa gitna at may swing pa sa gilid.Ang saya nito,kahit hindi ko peg ang showbiz ok na rin dahil maganda ang location nila,enjoyin mo na lang Aira baby.
Tuwang~tuwa na hinila ko si ate Shane papasok ng bahay.
" Ate ang ganda naman dito at ang house doble ang laki sa rest house natin dyan sa may kabayanan. Payagan mo akong pumunta dun ha? pero bukas na lang kasi lilibutin ko itong lugar dito tsaka papanoorin kita baka naman sabihin mo hindi kita sinusuportahan eh." excited kong turan.
" Taas lang ng energy bunso? parang ayaw mo pa kaninang sumama eh mag~eenjoy ka naman pala.Sige magpasama ka kay Mang Simon bukas dun sa bahay natin but be sure hindi ka magtatagal,magwo~worry ako ng husto.Tara na sa loob." untag pa ni ate.
Nang makapasok na kami sa loob ay mas lalo akong namangha,ang laki at ang luwang ng buong bahay na kumpleto sa mamahaling kagamitan.
May namataan akong isang lalaki na nakaupo sa couch at nagbabasa ng magazine.Hindi ko makita ang itsura nya kasi nakayuko sya at may suot din syang cap.Nang biglang may lumabas na beki mula sa dining at masaya kaming sinalubong.
" Ay pretty Shane nandyan ka na pala.Halika sa taas dun sa magiging room nyo,nandun na yung buong cast at ikaw na lang ang wala.Nagpapahinga lang sila tapos after lunch start na tayo mag~shoot.Sino yang magandang dalagang kasama mo?" tanong ng beki.
" Ah sya si Aira, baby sister ko.Sinama ko kasi wala syang pasok sa school.Bunso, sya si Mama Kit ang in~charge sa production." pakilala ni ate sa akin.
" Ah kaya pala maganda rin, mana sa beauty queen na ina.Siguradong mag~eenjoy ka dito iha,marami kami dito.Tara samahan ko na kayo sa taas para makapag~pahinga rin kayo,mahaba ang binyahe nyo." untag ni Mama Kit at iginiya na kami papunta sa taas.
Bago kami umakyat sa hagdan ay bigla akong napatingin sa lalaking nakaupo sa couch, nakatingin pala sya sa amin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat ng mapagsino ang lalaki, kumalabog ng matindi ang puso ko ng magtagpo ang mga mata namin at ngumiti sya sa akin ng malapad. Grabe naman ang tagal na kasi naming hindi nagkikita, mga ilang buwan na rin siguro.
Hay naku!
Siya si Gelo, ang kababata namin at best friend ni ate Shane.Isa rin sya sa mga cast nung nakaraang movie ni ate na pinanood ko.Tapos may isang bagong fast food commercial din sya na ilang beses ko na ring napanood.
Close rin kami dahil madalas sya sa bahay namin simula pa noong mga bata kami. Magkakaibigan ang family ko at family nya dahil pareho ang mga larangang tinatahak nila. Movies and Politics.
Ako lang talaga ang hindi belong.
Ngumiti rin ako ng tipid sa kanya at saka sumenyas na aakyat muna sa itaas bago dumiretso na paakyat ng hagdan.
Maayos na kaming nakapag~pahinga ng tawagin na kami para sa lunch.Pagdating namin sa dining area ay nakaupo na yung mga artistang kasama ni ate sa movie,mga sampu lang sila at yung ibang crew ay sa labas kumakain dahil may mahabang mesa na naka~pwesto dun.
Umupo na kami ni ate sa upuang nakalaan sa amin at nagulat ako ng makita ko si Gelo na nakaupo na ngayon paharap sa pwesto ko.Marahil kasama ulit sya sa cast nitong bagong movie ni ate.Napapalibutan ako ng mga artista ngayon. Hindi ko lang alam yung name nung iba naming mga kasama sa hapag kasi wala naman akong hilig manood at hindi ako interesado sa showbiz.Nanonood naman ako ng movie nila ate minsan kapag pinipilit nila ako pero hindi ko na inaalam pa yung mga artistang gumaganap. Kapag may showbiz gatherings naman sa bahay, umaalis ako at dun ako tumatambay at natutulog sa bahay nila lolo Franz sa kabilang street. Naiintindihan naman nila na ayaw ko sa mundo nila kaya hindi nila ako masyadong kinukulit na makisalamuha sa kanila.
" Uy Shane yan na ba yung bunso mong kapatid? dalaga na ah.Ngayon ko lang ulit nakita. " sabi nung isang may edad na actress.
" Opo tita Sylvia,si Shanaia Aira po,13 years old pa lang po yan malaking bulas lang." sagot ni ate.
" Ah halos magkasing~edad pala sila niyang si Gelo." sabi nung tita Sylvia.Naalala ko na, si tita Sylvia yung kapatid ng daddy ni Gelo, matagal na nga nung huli kaming magkita.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain habang nag~uusap sila,wala naman akong naiintindihan sa pinag~uusapan nila.As usual,showbiz stuff and I'm not interested either.
Nang matapos ang lunch ay nag~ready na sila sa shooting.Umakyat ako sa itaas para maligo at magpalit na ng damit.Good thing may heater sa bathroom na nasa room mismo namin,hindi ako maninigas sa ginaw.
Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako para panoorin na sila ate sa shooting nila.Pagbukas ko ng pinto ay eksaktong bumukas din ang pinto ng room na kaharap ng sa amin.
Lumabas ang bagong ligo rin na nilalang na nakasuot lang ng white v neck shirt at fatigue na cargo shorts.
Gosh! bakit ang gwapo nya? Ilang buwan lang kaming hindi nagkita, parang ang laki ng ipinagbago nya physically.
Nang magtagpo ang mata namin ay nginitian nya ako.Parang may butterflies na nagra-rally sa tiyan ko dahil sa ngiting yon.
Natulala ako ng husto.Parang nawala ako sa earth at nalipat sa kabilang mundo.Kumalabog pa ng malakas ang puso ko.
Hala! ano yun, may sakit na ba ako sa puso?.
" Hey baby pupunta ka rin ba sa shooting? sabay na tayo." may sinasabi sya pero parang wala akong naiintindihan.Na~mesmerised na ata ako sa kanya.
" Hey Aira! " tawag uli nya at pumitik pa sa harapan ko.
" Huh! " yun lang ang nasabi ko ng matauhan ako.Grabe anong nangyari sa akin,nakakahiya!
Sa sobrang pagkapahiya na nararamdaman ko,nagmamadali na akong lumayo sa kanya at bumaba na ng hagdan kahit naririnig ko pa ang pagtawag nya.
Anong nangyari sa akin? Bakit natulala ako sa kanya?
Nakakahiya ka talaga Shanaia Aira masyado ka pang obvious kanina.
Ano ba ang tawag dun sa naramdaman ko sa kanya kanina ,hindi ko mapangalanan?
Crush ba yun? Bakit sa tinagal tagal naming magkakilala ni Gelo ngayon lang parang natulala ako at nagwala ang puso ko?
Epekto ba ito ng hindi namin pagkikita ng ilang buwan? Baka naman na-missed ko lang sya kaya ganon.
Ah ewan, kaloka naman!