Chereads / **That Girl** / Chapter 9 - UNFRIEND

Chapter 9 - UNFRIEND

Pagkatapos ng pagtatagpo samin ni Capt. nagdesisyun ako na wag na lang muna pumasok ayoko muna siyang makita. Nagpaalam ako sa head librarian na hindi ako makakapasok dahil may sakin ako buti na lang at hindi na nagtanong pa ang head librarian.

Tulala ako buong araw nakahiga lang ako at hindi rin kumain wala akong gana gumawa ng kahit ano. Parang sobrang pagod na pagod ako.

Pinilit kong matulog na lang buong araw dahil ayokong magisip ayokong makonsensya sa mga bagay na alam ko naman na walang akong choice.

Kinabukasan kailangan ko na pumasok hindi pwedeng tumigil ang mundo ko. May taong kailangan kong balikan ng utang na loob ang tumulong sakin simula't sapul kaya hindi dapat ako mawala sa mga plano ko sa buhay.

"Good morning po" bati ko sa head librarian pagkadating ko.

"Are you feeling better iha?" concern na tanong ng head librarian.

"Opo pasensya na po ulit" paghingi ko ng paumanhin.

"Mas importante pa din ang kalusugan iha" sabi niya.

Tumango na lang ako at nagpaalam na pupunta na sa mga cart ko para masimulan ko na ang trabaho ko.

"Hey" tiningnan ko kung sino ang nagsalita.

"May hinahanap ka bang libro?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Pero gusto kitang makausap" bakas sa boses niyang malungkot siya.

"Wala naman dapat pagusapan" sabi ko bago ako umalis at iwan siya.

Hindi ko na ulit pa nakita si Capt. sa library. Dahil alam ko naman na wala na akong magiging kasabay minabuti ko na lang pumunta sa likod ng library hindi rin naman ako nagugutom nagpapalipas lang ako ng oras.

"Bakit hindi ka kumain?" tanong niya.

"Busog pa ako" walang gana kong sabi.

"Masamang hindi kumakain kahit ito lang sandwich" alok niya sa dala niyang pagkain.

Napapikit ako at tiningnan siya. "Hindi mo ba talaga maiintindihan na gusto kong lumayo ka na sakin?"

"Mahirap bang intindihin yun?" pahabol kong tanong.

"Sabi mo kaibigan mo ko kahit bilang kaibigan hayaan mo ko" frustrated niyang sagot.

"Ano bang kailangan kong gawin para layuan mo ako? Tanong ko.

"Hindi ako lalayo. Hindi kita lalayuan kahit pilitin mo ako" matapang niyang sagot.

Tinitigan ko siya dahil ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong tigilan ako na nga ang pilit umiiwas sa kanya.

"Hindi ka ba marunong umintindi?" paubos na ang pasensya ko.

"Baka nga kasi alam mo hindi ko talaga maintindihan kung bakit kita kailangan layuan. Kahit wag mo na akong mahalin kahit kaibigan na lang okay na ako dun basta wag mo lang akong papalayuin sayo" pagsuko niyang sabi.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang sundin ang gusto ko?" pagmamakaawa kong sabi.

"Kahit kaibigan ayaw mo na din?" nagtatakang tanong niya.

"Kung yun lang ang tanging paraan para layuan mo na ako edi ayoko na maging kaibigan ka" nanghihina kong sagot.

"Yun ba talaga ang gusto mo? Ang layuan kita sige pero hindi pa rin kita papabayaan poproteksyunan pa din kita. Pasensya na" malungkot niya sabi saka umalis.

Napatitig ako sa pagkain na dinala niya sakin hindi ko alam na may mas i-lulungkot pa pala sa nararamdaman ko. Siya na nga lang ang tanging taong nagtyatyaga sakin pero nagawa ko pa din siyang ipagtabuyan.

"Okay ka lang?" napatingin ako sa nagsalita.

Siya ung lalaking nakaabang noon sa clinic.

"Oo okay lang ako. Anong kailangan mo?" tanong ko.

"Wala naman hindi ko lang aakalain na may tao dito" sagot niya.

"Wala naman talagang pumupunta dito" sabi ko.

"Alam ko ikaw lang naman ang laging nandito saka si Capt. pero mukhang ngayon ikaw na lang at ako" pagkukwento niya.

"pumupunta ka din dito?" nagtatakang tanong ko.

"Naligaw lang ako nun kaya ko to nalaman pero hindi ko naman alam na bukod sakin meron pa palang ibang taong nakakaalam" kwento niya.

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang break.

"Mauna na ako" paalam ko.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

"Hindi mo kinain ung binigay ni Capt." sabi niya.

"Sayo na lang" sabi ko saka umalis na.

Pagkabalik ko sa library agad kong binalikan ang cart na naiwan ko. Muling dumami ulit ang mga kailangang ibalik.

"Iha okay ka lang ba?" nagaalalang tanong sakin ng head librarian.

"Opo" magalang na sagot ko.

"Sigurado ka ba?" pagsisiguro ni head librarian.

"Opo okay lang po talaga ako" pinasigla ko ng konti ang sarili ko para maniwala ang head librarian.

Pagkatapos naming magusap ni head librarian pinagpatuloy ko na ang ginawa ko. Habang abala ako sa pagaayos ng libro may humatak sakin.

"Ikaw! Napakalandi mo talaga!" sigaw ng babae.

"Ano bang ginagawa ko sayo?" tanong ko.

"Nakita kita kanina kausap mo si Capt." kitang kita ko ung galit sa mukha niya.

"Anong akala mo maganda ka para bastedin si Capt.?" magmamaldita niya tinginan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Walang na mamagitan samin ni Capt. kaya hindi ko alam kung ano yang pinagsasabi mo" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"sa bagay bakit ka nga naman papatulan ni Capt. you're nobody. Isa ka lang anay dito sa school" pagaalipusta niya sakin.

"Kung wala ka na sasabihin babalik na ako sa trabaho ko" sabi ko.

Hinala niya ako ulit. "hindi pa ako tapos"

"Ikaw talaga ung lumandi kay Capt. tapos hinahabol mo siya kasi nga malandi ka at pokpok ka naman talaga diba nga ilang lalaki na ang nakama mo. Pwes, gumising ka sa katototohanan na hindi ka niya gusto at kung sakali man na patulan ka niya gagawin ka lang niyang laruan kasi yun ung deserve mo ng mga malalanding katulad mo. Gold digger whore!" inis niyang sabi.

"Okay tapos na ka na ba? Babalik na ako sa trabaho ko hindi kasi binabayaran dito para lang makipagkwentuhan pasensya na" sabi ko

Iiwan ko na sana siya ng hilain na naman niya ako saka sampalin ng malakas. Bigla naman akong nahilo dahil sa ginawa niya. Kaya naman napahawak ako sa shelf na malapit sakin.

"Talagang iniinis mo ako akala mong sino ka pok pok ka naman! Nagkukunwari ka pa malandi ka!" hinila niya ung buhok ko.

Hinila niya ako hanggang sa labas ng library ko hindi na masyadong nasusundan ang mga pangyayari dahil nahihilo ako at sobrang nanlalambot na ako. Hinagis niya ako sa labas kaya naman nasubsob ako. Hindi ko na kaya. Unti unting pumipikit na ang mga mata ko.