Mas lalo akong pinagpawisan dahil sa taong tumawag sakin.
Napalunok ako kahit na wala naman akong ininom at kinakain.
Alanganin akong ngumiti sa kanya matagal ko na siyang tinataguan simula ng mamatay si mama hindi ako nagpakita sa kanya kahit gusto niya akong kunin kay tita.
"Po?" natataranta ang buong katawan ko gusto ko umalis pero hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa kaba at takot.
"Sino kasama mo? Tita mo?" mahinahon niyang tanong.
"H-Hindi p-po" mautal utal kong sagot.
Biglang napakunot ang noo niya. "Sinong kasama mo?"
"Wala ka na kailangan" biglang dumating si Capt.
Napatingin siya sa kausap ko.
"Ninong?" nagtatakang tanong ni Capt.
Bigla akong napatingin kay Capt. "Kilala mo siya?"
"Oo ninong ko siya" sagot niya.
Unti unti akong napaatras. "H-Hindi"
"Hey are you okay?" nagaalalang tanong sakin ni Capt.
Lalapit sana siya pero mas umatras ako dahil sa paglapit niya. Napatingin ako sa kanya sabi ko na dapat talaga hindi ko na lang siya hinayaan na pumasok sa buhay ko hindi ko talaga deserve maging masaya dahil tuwing nakakaramdam ako ng kasiyahan laging may kapalit hindi ba pwedeng maging masaya lang kahit minsan lang.
"Okay ka lang ba? Ang putla mo" nakalapit na si Capt. ng tuluyan sakin.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Gusto ko na umuwi sa susunod na lang kita ipagluluto"
Hindi ko na siya hinintay dali dali akong lumabas ng grocery store at dumiretso sa bahay ko sinigurado kong nailock ko ng maigi bago ako nagkulong sa kwarto tinakpan ko ang mga tenga ko.
***
Pagkatapos kong kunin ang manika dun sa lalaki dali dali akong tumakbo sa kwarto ko nilock ko na din at hinarangan ko ng upuan para siguradong hindi siya makakapasok sa kwarto ko.
"Hanggang ngayon ba umaasa ka pa rin na babalikan ka niya?" tanong nung lalaki.
"A-Ano naman sayo? Umalis ka ditto hindi ka naming kailangan!" galit na sigaw ni mama.
"Akala mo ba hindi ko alam mga pinaggagawa mo? Kung paano mo pinapabayaan ang anak natin!" galit din na sagot ng lalaki.
"Anak natin? Hindi ko ginusto magkaron ng anak sayo! Isa kang rapist! Nirape mo ako!" sigaw ni mama.
"Sa ayaw at sa gusto mo anak natin siya. Bakit ba mahal na mahal mo yung lalaki na yun hindi ka naman niya mahal ginamit ka lang niya at ngayon wala ka na pakinabang sa kanya iniwan ka na niya. Dahil kung totoo ka niyang mahal hindi niya basta iiwan at tatanggapin niya kung ano man nangyari sayo" sabi ng lalaki.
"Paano niya ako tatanggapin kung binaboy mo na ako!" sigaw ulit ni mama.
"Bulag ka pa din sa pagmamahal mo sa kanya! Hindi mo ba alam na dapat sa gabing yun iba yung mangrerape sayo! Wala lang sa kanya pumayag siya kasi nga hindi ka niya mahal! Buti na lang nandun ako at nakuha kita oo nagpadala ako imbes na pigilan kita pero mahal kita eh" masamang loob na sabi ng lalaki.
"H-Hindi yan totoo! Gumagawa ka lang ng kwento hindi niya yan magagawa sakin" umiiyak na sabi ni mama.
"Bakit naman ako gagawa ng walang kwentang kwento? Kung ayaw mong maniwala hindi pipilitin kukunin ko ang anak natin" sabi ng lalaki.
"Hindi! Hindi mo siya pwedeng kunin dito lang siya!" pigil ni mama.
"Tapos ano? Papabayaan mo? Hindi na ako na lang magaalaga sa kanya" sabi ng lalaki.
"Hindi mo siya pwedeng kunin tatawag ako ng pulis sasabihin ko kinidnap mo ang anak ko" lakas loob sabi ni mama.
"Siya na lang tanungin natin" kalmadong sabi ng lalaki.
"Ako ang pipiliin niya dahil ako ang kasama niya hindi ikaw" paglaban ni mama.
"Tawagin mo na lang siya" utos ng lalaki.
naging tahimik ang paligid hindi ako ako alam kung lalabas ba ako o hindi. Hindi ko rin ako tinawag ni mama. Tumakbo ako sa kama ko at nagtago sa kumot. Ayokong iwan si mama dahil alam kong walang maiiwan sa kanya. Nakarinig ako ng mahinang pagkatok sa sa kwarto ko.
"Halika dito lumabas ka" tawag ni mama. Agad akong kumilos dahil ayokong mapagalitan ako ni mama.
"M-Mama..." natatakot kong tawag sa mama ko.
Hindi ko mabasa ang mukha ni mama para itong isang blangkong papel.
"Lumapit ka rito" utos sakin.
Dahan dahan akong lumapit kay mama sa takot na baka magalit siya. napatingin ako sa lalaking katabi ni mama magkaiba sila ng expresyon ng mukha parang masaya siya samantalang si mama ay wala.
"Siya ang tatay mo" walang buhay na sabi ni mama.
"May papa po ako..." hindi makapaniwalang sabi ko.
"Oo ako ang papa mo halika rito" masayang sabi ng papa ko daw.
Hindi na siya nagalinlangan pa siya na ang kusa lumapit sakin at niyakap ako para bang sobrang saya niya na makilala ako. Naging masaya ako dahil kahit papaano hindi siya galit sakin katulad ni mama.
"Anak kanino mo gustong sumama? mama o kay papa?" tanong niya.
napatingin ako kay mama pero ganun pa din ang itsura niya hindi rin siya nakatingin samin ni papa hindi ko alam kung ano isasagot ko.
***
Nagising ako sa mga katok hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Bakit ganun kung kailan pakiramdam ko nagiging okay na ang lahat saka naman sisirain. walang gana akong pumunta sa pinto para tingnan kung sino ang kumakatok ng makitako kung sino ang kumakatok ay napasandal na lang ako sa pinto. hindi ko pa siya gustong makita hindi ko pa kaya.