Hindi ko alam kung ilang minuto na ako nakatulala hindi ako makapagisip ng tama kung ano ba ang dapat kong gawin. Sana umalis na rin siya wala pa akong gusto harapin kahit sino sa kanila. Bakit ba kasi lahat ng ito ay nangyayari sakin? Wala ba akong Karapatan na maging maayos ang buhay ko?
Meron ulit akong narinig na mga katok. Tinakpan ko ang aking tenga para hindi ko marinig kung sino man ang nasa pintuan ang mga alaala ni mama ang mga naalala ko hindi ko mapigilan na hindi sisihin ang sarili ko.
"please buksan mo ang pintuan nagaalala ako sayo" nagaalalang sabi ni Capt.
"okay lang ako" mahina kong sabi.
"kahit makita lang kita saglit malaman ko lang na okay ka. Aalis na ako" sabi niya.
Pero hindi ko makuhang tumayo at magpakita lang sa kanya dahil alam kong hindi naman talaga ako okay kahit man lang sa nararamdaman ko ngayon ay maging totoo ako sa sarili ko.
"please…" pagmamakaawa niya.
"okay lang ako" nanginig aking boses.
"please buksan mo naman ang pinto" pangingiusap niya.
Pinikit ko ang aking mga mata hindi ko kayang harapin siya pero sa dami ng naitulong niya sakin hindi niya deserve ang ganitong trato sa kanila pero hindi niya alam kung saan ako nanggagaling.
*****
Tinititigan ko ng maigi ang mukha ni mama habang nagdedesisyun kung kanino ako sasama. Alam ko naman kung kanino ako sasama at kay mama yun dahil alam ko naman kahit laging galit sakin si mama ay mahal niya pa rin ako at hindi ko siya iiwan kahit na sinabi pa ng lalaki na siya ang papa ko.
"mama" sagot ko.
Hindi naging masaya ang lalaki sa sagot ko kahit rin si mama pero gusto ko pa rin kay mama.
"sigurado ka na ba anak?" paninigurado ni papa.
"opo p-pwede niyo naman po ako p-puntahan diba po?" kabado kong tanong.
Napatingin sakin si mama.
"oo naman anak" mahinahon na sagot ni papa.
"s-sige po. Mama babalik na po ako sa kwarto ko" paalam ko kay mama.
Hindi kumibo si mama kaya nagpunta na ako sa kwarto ko.
Bago ko isara ang pinto ay narinig kong nagsalita ang mama ko.
"bakit hindi mo na lang siya kunin?" tanong ni mama sa papa ko.
"gusto ko kayo parehas na makuha para may magalaga na rin sayo napapabayaan mo na ang sarili mo" sagot ni papa.
"hindi ko naman kailangan ang batang iyan kahit kunin mo na para malaya ko na rin magawa ang mga gusto ko" sabi ni mama.
"kanina lang ayaw mo ibigay ang bata ngayon gusto mo na?" nagtatakang tanong ni papa.
"kung laging lang naman din kita makikita mas mabuti pang kunin mo na lang ang anak mo" galit na sabi ni mama.
"alam kong galit ka sa ginawa ko pero sana maisip mo na ginawa ko yun para sayo rin" pagpapaliwanag ni papa.
"kahit kailan hindi ko matatanggap ang pangbababoy mo sakin para sa pagmamahal mo at pagsagip mo sakin" galit na sabi ni mama.
*****
Dati ay hindi ko pa nauunawaan ang mga nararamdaman ni mama dahil bata pa ako pero ngayon na malaki na ako alam ko na at naiintindihan ko na ang mga saloobin ni mama. Pero marami pa ring tanong ang hindi nasasagot pero alam ko na naging biktima lang din si mama.
Minabuti ko na lang matulog at wag na magisip pa bahala na bukas kung anuman ang mangyayari. Gusto ko na lang magpahinga dahil pagod na ako sa mga nangyayari parang hindi natatapos ang lahat dumadagdag pero hindi nababawasan.
Kinabukasan agad na rin ako pumasok dahil may duty pa ako sa library. Habang naglalakad iniisip ko kung ano ang sasabihin ko kay Capt. kapag nagkita kami kung paano ko siya papakitunguhan. Hindi pa ako nakakalapit sa library ng makita ko siyang nakasandal sa pintuan.
"Good Morning may dala akong pagkain. Kumain ka na ba?" masigla niyang tanong.
"h-hindi pa" naiilang kong sagot.
"tara kain muna tayo jan sa gilid maaga pa naman eh" sabi niya sabay hila sakin sa may gilid.
Pumunta kami sa may gilid ng library meron kasi doon malapit na mga upuan. Agad niyang nilapag ang pagkain at hinanda inabot niya ang isa sakin.
"upo kana kain tayo" masaya niya sabi.
"s-sige" dahan dahan akong umupo.
Agad naman niyang sinimulan ang pagkain. "sige na kumain ka na may duty ka pa"
Binuksan ko na rin ang pagkain na binigay niya at kinain hindi siya nagtanong ng kahit ano tungkol sa nangyari kahapon tahimik lang siyang kumain hanggang sa matapos kami pero wala pa din siyang sinasabi.
"tapos ka na?" tanong niya.
"oo" maiksi kong sagot.
"sige na pasok ka na ako na bahala dito" nakangiti niyang sabi.
"t-tulungan na—"
"ako na dito magliligpit lang naman" sabi niya.
Nginitian niya ako na para bang senyales na okay lang na siya na.
Sinunod ko na lang ang gusto niya tumayo na ako at kinuha ang gamit at pumasok na ako sa library para simulan ang duty ko.
"Good Morning po" bati ko sa head librarian.
"oh! Nagkita na ba kayo ni Capt. kanina pa yun jan sa labas nauna pa nga sakin" tanong ng head librarian.
Napakunot ang noo ko. "opo nagkita na po kami"
"o sige nandun na iha yung mga aayusin na libro" bilin ng head librarian.
Hindi na ako nagtanong pa pinuntahan ko na ang mga librong kailangan kong ayusin ayoko na malaman pa ang mga detalye. Naguguluhan pa rin ang isip ko hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang iwasan pero paano nagging mabuting tao naman siya sakin hindi naman niya ako ginawan ng masama pero kilala niya ang taong iniiwasan ko kahit ano pang dahilan hindi ko matanggap. Hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin sa ilang taon pilit kong nagtatago sa kanya at ngayong nakita niya ako hindi ko alam kung ito na ba ang tamang panahon para harapin na siya.
Pero kaya ko bang harapin na siya ng hindi naalala ang lahat ng nangyari dati pati na rin ang dahilan kung bakit namatay ang mommy ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
"uy! Nandito ka pala" gulat na sabi ng isang classmate ko.
"bakit?" walang buhay kong tanong.
"totoo bang break na kayo ni Capt.?" tanong niya sakin.
"b-break?" Naguguluhan kong tanong.
"oo diba kayo ni Capt.?" nagtatakang tanong niya.
"hindi naman kami" paglilinaw ko.
"talaga ba? Pero yun ang bali-balita na kayo nga daw ni Capt." balita niya.
"hindi yun totoo hindi naman kami ni Capt. mabait lang siya sakin" pagpapaliwanag ko.
"hmmm… okay sige una na ako may gagawin pa kasi ako" paalam niya sakin.
Hindi ko alam kung saan galing yung mga ganun balita pero alam ko naman na nung mga nakaraan hindi maitatanggi na naging malapit nga kami pero hindi ko naman aakalain na ganun ang magiging isip ng mga tao kapag magkasama kami. Sanay naman kasi akong mag-isa kaya hindi ko na masyadong pinapakialamanan kung ano man sabihin ng mga tao sakin ang hangga't wala naman silang ginagawa sakin.